Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ORATIO IMPERATA PARA SA PAGHINTO NG ULAN AT BAHA

Panginoon, sa hudyat ng iyong salita


sumusunod ang hangin at dagat.
Iunat mo ang iyong maagalang !amay
uang huminto na ang ulan at ag"aha.
Lingain mo ang aming mga !aatid
na ngayo#y ginigina$, nagugutom at lu"og sa "aha.
Pa$iin mo ang lahat ng aming mga ta!ot at angam"a.
Imulat mo ang aming mga mata
at "u!san ang aming mga uso
uang ma!atugon !ami sa angangailangan ng "a$a#t isa.
Am%n.
Mahal na Bi&h%n ng Guadalu%, ianalangin mo !ami.
San Ro'u%, ianalangin mo !ami.
ORATIO IMPERATA: PANALANGIN PARA IPAG-ADYA SA MGA KALAMIDAD
Amang Makapangyarihan, Itinataas namin sa Iyo ang aming mga pusong nagpapasalamat
sa kagandahan ng Iyong nilikha kung saan kami ay bahagi sa pagkalinga Mong
nagtataguyod sa aming mga pangangailangan at sa karunungan Mong gumagabay sa takbo
ng daigdig.
Kinikilala namin ang aming mga pagkakasala sa Iyo at sa sangnilikha. Hindi kami naging
mabuting katiwala ng kalikasan.
Pinagkamali namin ang iyong utos na pangasiwaan ang daigdig. Ang kapaligiran ay
nagdurusa sa aming kamalian at ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at
kawalang pakialam.
Ang mga bagyo, pagbaha at iba pang kalamidad ay patuloy na tumitindi sa pananalanta.
Lumalapit kami sa Iyo, Mapagmahal na Ama at humihingi ng kapatawaran sa aming mga
kasalanan.
Hinihiling namin na kami, kasama ng aming mga mahal sa buhay at pinagpagurang ari- arian
at ipag-adya sa banta ng mga kalamidad, likas man o kagagawan ng tao.
Panginoon, sa hudyat ng iyong salita
sumusunod ang hangin at dagat.
Iunat mo ang iyong mapagpalang kamay
upang huminto na ang ulan at pagbaha.
Lingapin mo ang aming mga kapatid
na ngayoy giniginaw, nagugutom at lubog sa baha.
Pawiin mo ang lahat ng aming mga takot at pangamba.
Imulat mo ang aming mga mata
at buksan ang aming mga puso
upang makatugon kami sa pangangailangan ng bawat isa.
Iniluluhog namin gawin kaming mapanagutang katiwala ng Iyong nilikha at maging bukas-
palad na kapwa sa mga nangangailangan. Sa Pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Amen.
O Mariang Kalinis-linisan Pintaksi ng Pilipinas, Ipanalangin mo kami!
San Lorenzo Ruiz de Manila, Ipanalangin mo kami!
San Pedro Calungsod ng Cebu, Ipanalangin mo kami!

You might also like