Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 40

ii

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
ii
MGA ESTRATEHIYA AT MGA BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO
NG ARALING PANLIPUNAN PARA SA SEKUNDARYA (I-III)
Unang Edisyon 2011
ISBN 978-971-07-2626-4
Karapatang-ari 2011 ng Vibal Publishing House, Inc.
Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring
ilathala o ilabas sa anumang anyo, kasama na rito ang pelikula, nang walang
nakasulat na pahintulot ang Tagapaglathala at ang mga may-akda. Hindi sakop
ng karapatang-ari ang suring-aklat na ilalathala sa mga pahayagan at magasin.
Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Publishing House, Inc.
Punong Tanggapan:
1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, Philippines
Tanggapang Panrehiyon:
Unit 202 Cebu Holdings Center, Cebu Business Park, Cardinal Rosales
Avenue, Cebu City
Kalamansi St. cor. 1st Avenue, Juna Subdivision, Matina, Davao City
Bldg. A, Unit 4, Pride Rock Business Park, Gusa, Cagayan de Oro City
Kasapi: Philippine Educational Publishers Association; Book Development
Association; Association of South East Asian Publishers; Graphic Arts Technical
Foundation
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
iii
Paunang Salita
Ang epektibong pagtuturo ay nagsisimula sa isang plano.
Naghahanda at nagpapasya ang guro kung paano ilalahad
ang nilalaman ng aralin ayon sa mga layunin nito upang
maging epektibo ang pagtuturo at pagkatuto. Ang epektibong
pagtuturo ay sumusunod sa isang organisadong pagtutularan
o paraan tulad ng banghay-aralin. Mahalaga rito ang
pagpapasya ng guro dahil sa bawat hakbang ng kanyang
pagtuturo ay maraming pagpipiliang gawain na kailangan
niyang pagpasyahan. Ito ang pangunahing layunin ng aklat na
ito ang Mga Estratehiya at Banghay-aralin sa Pagtuturo ng
Araling Panlipunan para sa Sekundarya (I-III) ang tulungan
ang guro sa kanyang mahalagang gawain na epektibong
makapagturo ng kanyang inihandang aralin sa pamamagitan
ng paggamit ng isang organisadong banghay-aralin.
Ang aklat na ito ay binubuo ng dalawang bahagi. Sa unang
bahagi ay napapaloob ang mga estratehiya sa pagtuturo ng
Araling Panlipunan na angkop sa lahat ng antas sa mataas na
paaralan. Ang mga estratehiya ay binubuo ng isahang pagkatuto,
pangkatang pagkatuto, paggamit ng mga laro, at mapping at
graphic organizer. Bawat estratehiya ay mayroong maikling
paliwanag upang maunawaan kung paano ito gagamitin. Ang
guro ay makapipili ng estratehiya na inaakala niyang siyang
maaangkop sa mga paksang tatalakayin at sa mga mag-aaral
na tinuturuan niya. May mga estratehiyang magiging kapaki-
pakinabang sa mga klaseng binubuo ng matatalinong mag-aaral
at may mga estratehiya namang nababagay sa mga klaseng
nangangailangan ng masusing patnubay.
Bukod sa estratehiya sa pagtuturo, may impormasyon din
na nauukol sa pagtataya ng pagkatuto. Pagkaraang matalakay
ang paksa, mahalagang masukat ng guro kung gaano kalawak
ang natutunan ng mga mag-aaral.
Mababasa sa ikalawang bahagi ang mga inihandang
banghay-aralin para sa Araling Panlipunan mula una hanggang
ikatlong taon sa mataas na paaralan. Makatutulong sa isang
bagong guro na magkaroon ng mga modelong banghay-aralin sa
pagtuturo ng Araling Panlipunan. Ang mga banghay-aralin na
nakapaloob sa aklat na ito ay gumagamit ng mga halimbawang
estratehiyang ipinaliwanag sa unang bahagi ng aklat.
Ipinakikita sa Aralin 13 (Unang Taon), Aralin 24 (Ikalawang
Taon), at Aralin 31 (Ikatlong Taon) ang isang higit na
detalyadong banghay-aralin upang lalong mailarawan sa guro
kung paano isinasakatuparan ang bawat estratehiya na ginamit
sa bawat bahagi ng banghay-aralin.
Bawat banghay-aralin ay binubuo ng apat na pangunahing
bahagi ang mga layunin, paksa, pamamaraan, at takdang-
aralin. Ang bawat isa nito ay may ilang kasangang bahagi.
Layunin
Ang bawat yunit at aralin ay may panlahat at tiyak
na mga layunin na dapat isakatuparan. Ang tiyak na
mga layunin sa bawat aralin ay nakatuon sa tatlong uri:
pangkaisipan, pandamdamin, at psychomotor.
Paksa
Tumutukoy ito sa mga pangunahing kaisipan at mga
kasangang kaisipan (sub-concepts) na tatalakayin sa bawat
aralin.
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
iv
Pamamaraan
Panimulang Gawain
Layunin ng pagsasanay na linangin ang kaalaman
at mga kasanayang kaugnay sa nakaraang aralin.
Maaaring gumamit ng laro, guessing game, puzzle, at
iba pa na naaayon sa interes at kakayahan ng mga
mag-aaral.
Iuugnay ang nakaraang aralin sa bagong paksang
tatalakayin sa bahaging balik-aral.
Paglinang ng Aralin
Sa bahaging pag-aalis ng sagabal, maaaring gumamit
ang guro ng ibat ibang paraan upang tulungan ang
mag-aaral na maunawaan ang mga konseptong
tatalakayin.
Layunin ng pagganyak na pukawin ang interes ng
mag-aaral sa araling tatalakayin. Maaaring gumamit
ang guro ng sipi, tula, awit, larawan, pantomime,
monologue, at iba pang paraang maaaring angkop sa
kakayahan ng mga mag-aaral.
May ilang estratehiyang iminumungkahing gamitin
sa ibat ibang aralin.
Pangwakas na Gawain
Maaari ding gumamit ng mga ibang estratehiya sa ibat
ibang bahagi ng pangwakas na gawain.
Sa pagbubuod, maaaring magpagawa ng outline,
graphic organizer, o magpabuo ng mga paglalahat.
Takdang-Aralin
Ang takdang-aralin ay batay sa nakasaad sa DepEd
learning competencies na nakalaan sa bawat taon.
Ang mga tanong sa takdang-aralin ang siyang patnubay sa
pagbasa ng araling tatalakayin sa susunod na araw.
Makatutulong sa paghikayat sa mga mag-aaral na
basahin at pag-aralan ang takdang-aralin sa paggamit ng
high level questions.
Inaasahan na makatutulong sa mga guro ang aklat na ito
sa marangal na propesyong kanilang pinili.
May-akda
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
v
I . ISAHANG PAGKATUTO ....................................................... 2
1 Learning Contract 2
2 Activity Card 2
3 Kard ng mga Pangunahing Ideya 2
4 Learning Center 2
5 Learning Activity Package (LAP) 2
II. PANGKATANG PAGKATUTO ................................................ 3
1 Teams Accelerated Instruction (TAI) 3
2 Learning Together (LT) 3
3 Students Teams-Achievement
Division (STAD) 3
4 Jigsaw 4
5 Mock Meeting 4
6 Brainstorming 4
7 Think-Pair-Share 4
8 Inside-Outside 4
9 Role-playing 4
10 Classroom debate 5
11 Talakayan 5
12 Joint Storytelling 6
13 Unnished Story o Reaction Story 6
14 Paglalakbay-Isip o Imaginary Travelogue 6
15 Pag-aaral ng Kaso 6
16 Storyline 7
17 Panayam 7
18 Pandulang Pagbabasa ng Tula 7
19 Mag-isip-Magsulat-Magpareha 7
20 Pagpapalitan ng Kuru-kuro 7
21 In the News 8
22 Storyboard 8
23 Balitaan sa Kasaysayan 8
24 Paglalarawang-diwa 8
25 Viewpoint 9
26 Story Pyramid 9
27 Story Map 9
28 Di-inihandang Talumpati
o Impromptu Speaking 9
29 Imaginary History 9
30 Inquiry Teaching 9
31 Fishbowl 9
32 Multi-perspective Approach 10
33 K-W-L Technique 10
34 Numbered Heads Together 10
35 Pandulang Pagtatanghal 10
36 Simulation 11
37 Mock Trial 11
38 Simulation Game 12
39 Plus, Minus, Interesting (PMI) 12
40 First Important Priorities 13
III. PAGGAMIT NG MGA LARO ............................................... 13
1 Team Charade 13
2 Perfect Match Game 13
3 Crossword Puzzle 13
IV. MAPPING/GRAPHIC ORGANIZER ...................................... 13
V. PAGTATAYA (ASSESSMENT) ............................................. 19

Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
vi
Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Aralin Panlipunan I 21
Yunit I ANG SIMULA NG BANSA ........................................ 22
Aralin 1 Heograpiya at Kasaysayan 22
Aralin 2 Mga Teorya ng Pinagmulan ng Pilipinas 23
Aralin 3 Pambansang Teritoryo, Rehiyonalisasyon,
at mga Pangkat-etnolinggwistiko sa Pilipinas 24
Aralin 4 Heograpiya ng Pilipinas 26
Aralin 5 Likas na Yaman ng Pilipinas 28
Aralin 6 Yamang Tao 29
Aralin 7 Mga Sinaunang Tao sa Pilipinas 30
Aralin 8 Kabihasnan ng Sinaunang Pamayanan 31
Aralin 9 Ugnayan ng mga Sinaunang Pilipino
sa Kapwa Asyano 33
Yunit II PAGLINANG SA KAMALAYANG PILIPINO .................. 34
Aralin 10 Kolonisasyon at Kristiyanisasyon 34
Aralin 11 Pamamahala ng Spain sa Pilipinas 36
Aralin 12 Pagbabagong Pangkabuhayan 37
Aralin 13 Pagbabagong Kultural 38
Aralin 14 Reaksyon ng mga Pilipino sa mga Dayuhan 43
Aralin 15 Pilipino Laban sa Ibang Dayuhan 44
Yunit III PAGSIBOL AT PAG-UNLAD
NG NASYONALISMONG PILIPINO ............................ 46
Aralin 16 Pagsilang ng Nasyonalismo 46
Aralin 17 Mga Kilusan Tungo sa Reporma 47
Aralin 18 Ang Katipunan 49
Aralin 19 Himagsikang Pilipino 50
Aralin 20 Panahon ng Kolonisasyon ng mga Amerikano 52
Aralin 21 Ikalawang Yugto ng Himagsikan:
Ang Digmaang Pilipino-Amerikano 53
Aralin 22 Paghadlang sa Nasyonalismong Pilipino 55
Aralin 23 Ang Panahon ng Pamamahala
ng mga Amerikano 56
Aralin 24 Pagpupunyagi sa Kabila ng Pagsupil 58
Aralin 25 Mga Misyon at Batas Pangkasarinlan 59
Aralin 26 Ang Pamahalaang Komonwelt 60
Aralin 27 Pagkabalam ng Kalayaan 62
Aralin 28 Pagtataguyod ng Kalayaan 63
Aralin 29 Ang Pilipinas sa Ilalim ng Batas Militar 65
Aralin 30 Panunumbalik ng Demokrasya 67
Aralin 31 Kultura sa Pagtataguyod ng Demokrasya 68
Yunit IV ANG PAMAHALAAN AT ANG MAMAMAYAN .............. 70
Aralin 32 Ang Estado 70
Aralin 33 Saligang Batas ng Pilipinas 71
Aralin 34 Ang Pagkamamamayan 73
Aralin 35 Ang Pamahalaan 75
Aralin 36 Mga Sangay ng Pamahalaang Nasyonal 76
Aralin 37 Sangay Tagapagbatas 78
Aralin 38 Sangay Tagapaghukom 80
Aralin 39 Komisyong Konstitusyonal 81
Aralin 40 Ang Pamahalaang Lokal 83
Aralin 41 Ang Pambansang Badyet 84
Aralin 42 Pakikipag-ugnayang Panlabas 86
Panghuling Pagsusulit 88
Talaan ng Nilalaman Unang Taon
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
vii
Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Aralin Panlipunan II 89
Yunit I HEOGRAPIYA NG ASYA ........................................... 90
Aralin 1 Katangiang Pisikal ng Asya 90
Aralin 2 Yamang Likas ng mga Rehiyon sa Asya 91
Aralin 3 Mga Suliraning Pangkapaligiran 93
Aralin 4 Timbang na Kalagayang Ekolohikal ng Asya 95
Aralin 5 Yamang Tao sa Asya 96
Aralin 6 Populasyon ng Asya 98
Yunit II SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA ....................... 100
Aralin 7 Sinaunang Pamumuhay ng mga Asyano 100
Aralin 8 Kabihasnang Sumer 101
Aralin 9 Kabihasnan sa Lambak ng Mesopotamia 103
Aralin 10 Sinaunang Kabihasnan sa Kanlurang Asya 104
Aralin 11 Sinaunang Kabihasnan sa India 106
Aralin 12 Sinaunang Kabihasnan sa Japan 108
Aralin 13 Sinaunang Kabihasnan sa Korea 110
Aralin 14 Sinaunang China 111
Aralin 15 Mga Relihiyon, Pilosopiya,
at Pananaw ng mga Asyano 113
Aralin 16 Kalagayan ng Kababaihang Asyano sa Lipunan 115
Yunit III ANG ASYA SA IBAT IBANG PANAHON:
TRADISYUNAL AT MAKABAGONG ASYA ................... 118
Aralin 17 Ang Asya at Kanluranin 118
Aralin 18 Unang Yugto ng Imperyalismo
at Kolonyalismo sa Asya 119
Aralin 19 Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
at Kolonyalismo 121
Aralin 20 Nasyonalismo sa Asya 123
Aralin 21 Mga Digmaang Pandaigdig 125
Aralin 22 Mga Pagbabago sa Katayuan
ng Kababaihang Asyano 128
Yunit IV ANG ASYA SA KASA LUKUYANG PANAHON ............... 130
Aralin 23 Pamahalaan, Kultura, at Lipunang
Asyano sa Kasalukuyang Panahon 130
Aralin 24 Ang Pamilyang Asyano 131
Aralin 25 Kababaihang Asyano sa Kasalukuyan 135
Aralin 26 Sistema ng Edukasyon sa Asya 137
Aralin 27 Mga Relihiyon sa Asya sa Kasalukuyan 139
Aralin 28 Ang Kalagayan ng Ekonomiya
ng mga Bansang Asyano 140
Aralin 29 Kalakalan sa Pagbabagong
Pang-ekonomiya at Kultural sa Asya 142
Aralin 30 Neokolonyalismo sa Asya 144
Aralin 31 Mga Kontribusyong Asyano sa Daigdig 146
Aralin 32 Kultura, Gawi, at Asal ng mga Asyano 147
Aralin 33 Mga Napapanahong Isyu
at Suliranin sa Asya 149
Aralin 34 Ang Asya sa Pandaigdigang Kalakalan
at Industriyalisasyon 151
Aralin 35 Urbanisasyon at Migrasyon 153
Aralin 36 Mga Transnational Crime 155
Aralin 37 Kalayaan, Pagkakapantay-pantay,
Katarungan, at Mabuting Pagkamamamayan 156
Aralin 38 Mga Sigalot Panrelihiyon at Etniko 158
Aralin 39 Mga Samahang Panrehiyon sa Asya 159
Panghuling Pagsusulit 162
Ikalawang Taon
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
viii
Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Aralin Panlipunan III 163
Yunit I ANG SIMULA NG KABIHASNAN ............................... 164
Aralin 1 Mga Teorya sa Pinagmulan ng Daigdig 164
Aralin 2 Katangiang Pisikal ng Daigdig 165
Aralin 3 Pinagmulan ng Tao 167
Aralin 4 Yugto ng Pag-unlad ng Kultura 169
Aralin 5 Pag-usbong ng mga Sinaunang Kabihasnan 171
Aralin 6 Sinaunang Kabihasnan sa Mesopotamia 172
Aralin 7 Sinaunang Kabihasnan sa Kanlurang Asya 174
Aralin 8 Sinaunang Kabihasnan sa India 176
Aralin 9 Kabihasnang Klasikal ng India 178
Aralin 10 Sinaunang Kabihasnan sa China 180
Aralin 11 Kabihasnang Klasikal ng China 182
Aralin 12 Sinaunang Kabihasnan sa Egypt 184
Aralin 13 Sinaunang Kabihasnan sa South America
at Mesoamerica 186
Yunit II ANG DAIGDIG SA PANAHON NG TRANSISYON .......... 188
Aralin 14 Kabihasnang Klasikal sa Minoa at Mycenaea 188
Aralin 15 Kabihasnang Griyego 189
Aralin 16 Kabihasnang Roman 192
Aralin 17 Imperyong Roman 193
Aralin 18 Paghina ng Imperyong Roman 196
Aralin 19 Kabihasnang Byzantine 197
Aralin 20 Ang Holy Roman Empire 199
Aralin 21 Kabihasnang Islamik 201
Aralin 22 Mga Klasikal na Kabihasnan sa Africa 202
Aralin 23 Kabihasnan sa mga Pulo ng Pacic 204
Aralin 24 Ang Paglakas ng Simbahang Katoliko 206
Aralin 25 Ang mga Krusada 207
Aralin 26 Ang Sistemang Pyudalismo at Manoryalismo 209
Aralin 27 Ang Pagsisimula at Paglaganap
ng mga Bayan at Lungsod 210
Ikatlong Taon
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
ix 1
Yunit III PAG-IGTING NG UGNAYANG PANDAIGDIG
AT PAGTATATAG NG MGA NATION-STATE ................. 212
Aralin 28 Paglakas ng mga Bourgeoisie 212
Aralin 29 Ang Pagsilang ng Merkantilismo 213
Aralin 30 Ang Pagtatatag ng National Monarchy 215
Aralin 31 Ang Renaissance 216
Aralin 32 Ang Simbahang Katoliko sa Paglakas
ng Europe 223
Aralin 33 Ang Repormasyon 224
Aralin 34 Unang Yugto ng Imperyalismo
at Kolonyalismo 227
Aralin 35 Rebolusyong Siyentipiko 229
Aralin 36 Ang Enlightenment 231
Aralin 37 Ang Glorious Revolution sa England 233
Aralin 38 Rebolusyong Amerikano 234
Aralin 39 Rebolusyong French 236
Aralin 40 Rebolusyong Industriyal 238
Aralin 41 Ang Pananakop sa Makabagong Panahon 240
Aralin 42 Nasyonalismo sa Europe 242
Aralin 43 Nasyonalismo sa England 245
Aralin 44 Ang Pagbubuklod ng Italy 247
Aralin 45 Ang Pagsilang ng Germany 248
Aralin 46 Ang Rebolusyon sa Russia 250
Aralin 47 Rebolusyon sa Latin America 252
Aralin 48 Paglinang ng Nasyonalismo sa Africa 254
Aralin 49 Unang Digmaang Pandaigdig 256
Aralin 50 Ikalawang Digmaang Pandaigdig 258
Yunit IV ANG DAIGDIG NGAYON AT SA HINAHARAP .............. 261
Aralin 51 Mga Ideolohiyang Laganap 261
Aralin 52 Cold War at Neokolonyalismo 263
Aralin 53 Pagpaparami ng Armas 265
Aralin 54 Pandaigdigang Terorismo 267
Aralin 55 Populasyon, Kalusugan, at Kabuhayan
ng Bansa 269
Aralin 56 Teknolohiya at Kalagayang Ekolohikal 271
Aralin 57 Mga Karapatang Pantao 273
Aralin 58 Globalisasyon 275
Panghuling Pagsusulit 277
Bibliograpiya 279
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
2 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III
Ang mga estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto ay mga paraan na
ginagamit sa paglilipat ng mga konsepto, ideya, katotohanan, kasanayan,
at saloobin sa pag-iisip at mga gawain ng mga mag-aaral. Natatamo ang
layuning ito sa mahusay at walang sawang paggabay ng guro.
I. ISAHANG PAGKATUTO (INDIVIDUALIZED INSTRUCTION)
Ang individualized instruction ay isang estratehiya na tumutugon
sa mga pangangailangan, interes, at kakayahan ng bawat mag-aaral.
Ito ay epektibong magagamit sa ilang aralin at sa mga mag-aaral.
Kailangang tugunan ng guro ang mga pangangailangang ito ng bawat
mag-aaral. Isang paraan ng pagsasagawa nito ay ang pagpili ng mga
gawain at kagamitan na angkop sa kakayahan ng bawat mag-aaral. May
ilang learning modality na dapat isaalang-alang visual (nakikita),
auditory (naririnig), tactile (nahihipo), at kinesthetic (nasasakilos
o naisasagawa). Tungkulin ng guro na tuklasin ang mga salik na
magpapataas sa kakayahan sa pagkatuto ng bawat mag-aaral.
Ilang estratehiyang magagamit sa individualized instruction ang
sumusunod:
1. Learning Contract
Ang learning contract ay isang kasunduan na nilagdaan
ng guro at isang mag-aaral. Nakatuon ang kasunduan sa
isang partikular na mag-aaral batay sa kanyang interes at
kakayahan. Nakasaad dito ang pagsang-ayon ng mag-aaral
sa mga gawain na kailangan niyang matutuhan.
May dalawang uri ng learning contract ang open
learning contract at closed learning contract. Sa open learning
contract, may kalayaang pumili ang mag-aaral ng paksang pag-
aaralan, mga gawain, takdang aralin, at paraan ng pagtataya.
Sa closed learning contract, ang guro ang gumagawa ng mga
layunin, gawain, takdang-aralin, at paraan ng pagtataya sa
mga gawain ng mag-aaral.
2. Activity Card
Ang activity card na inihanda ng guro ay nakatuon
sa mga layunin. May mga mungkahing gawain ito kung
paano matatamo ang mga layunin. Maaaring gamitin ang
activity card sa ibat ibang paraan. Maaaring bigyan ng isang
activity card ang isang mag-aaral ayon sa kanyang interes o
natatanging pangangailangan. Maaari ding hayaang pumili
ang mag-aaral ng isang activity card tungkol sa isang paksang
aralin.
3. Kard ng mga Pangunahing Ideya
Isusulat ng mag-aaral sa index card o ibang kard ang
kanyang reaksyon sa isang paksa, pangyayari, o bagay na
tinalakay sa klase. Malalaman sa estratehiyang ito ang
kakayahan ng mag-aaral na ipabatid ang kanyang mga ideya,
opinyon, at saloobin tungkol sa isang bagay sa pamamagitan
ng pagsulat.
4. Learning Center
Madalas na ginagamit sa mababang paaralan ang learning
center. Maaari din itong gamitin sa mataas na paaralan sa
mga mag-aaral na hindi sapat ang kakayahan na makilahok
o makaagapay sa mga gawain ng mga pangkat.
Ang learning center ay nasa isang lugar sa silid-aralan
na may mga kagamitan sa pag-aaral at mga panuto sa mga
gagawin ng mag-aaral. Mayroon din itong mga gabay sa
pag-aaral na may mga tanong na kailangang sagutin ng mga
mag-aaral at paglalarawan ng mga gawain na dapat nilang
makumpleto.
5. Learning Activity Package (LAP)
Ang learning activity package (LAP) ay isang paraan ng
pag-aayos ng pagtuturong pang-indibidwal. Binubuo ito ng
pre-test, mga layunin, at post-test.
Mga Estratehiya
sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III 3
Ang LAP ay kagamitan sa pagtuturo na inihanda at
isinaayos ng guro para sa mga mag-aaral na may espesyal na
pangangailangan. Malaking tulong ito sa paggabay sa mga
mag-aaral sa mga proyekto na kailangan ng pagsasaliksik.
May mga tuntunin ito kung ano ang gagawin ng mga mag-
aaral. Maingat na pagsubaybay ng guro sa gawain ng mga
mag-aaral upang matukoy at malutas ang suliraning maaaring
makaharap ng mga mag-aaral.
II. PANGKATANG PAGKATUTO (GROUP INSTRUCTION)
Sa cooperative learning, pinapangkat ang mga mag-aaral sa maliliit
na grupo na magkakaiba ang kakayahan, etnisidad, at kasarian.
Magagamit ito sa ibat ibang antas at aralin. Sa pamamagitan nito,
natutuhan ng mag-aaral ang pagiging responsable sa sarili at sa
mga kapangkat. Naghihikayat din ito ng interaksyon sa pagitan
ng guro at mag-aaral, aktibong interaksyon ng mga mag-aaral na
makapaglilinang ng kanilang mga kasanayan, at pagtitiwala sa
pakikipagtrabaho sa ibang tao.
Ang papel ng guro ay tagalunsad ng aralin, tagapagpasya,
tagapagmasid ng gawain, at tagapagsuring-halaga ng mga gawain
ng mga mag-aaral.
Sa pagtupad ng mag-aaral sa kanyang mga tungkulin, nalilinang
ang ilang kasanayan at kakayahan bilang kasapi ng isang pangkat.
Ilan sa mga papel na gagampanan ng mag-aaral bilang kasapi ng
pangkat ay ang sumusunod:
Tagabuod tagalagom ng lahat ng ginagawa ng pangkat na
kinabibilangan
Tagatsek tagatingin kung tama o may mali sa mga gawain
ng pangkat
Tagapagsaliksik may karanasan sa pagmamasid, magsulat
ng mga namasid na mga pangyayari, at kasanayan sa paggamit
ng aklatan
Tagapagtala tagasulat ng lahat ng naganap sa pangkat
Mga halimbawa ng Cooperative Learning.
1. Teams Accelerated Instruction (TAI)
Ang TAI ay isang uri ng pangkatang pagkatuto. Hahatiin
ang klase sa maliliit na pangkat na binubuo ng apat hanggang
anim na mga kasapi. Magkakaiba ang kakayahan, etnisidad,
at kasarian ng mga kasapi sa pangkat. Bibigyan sila ng kanya-
kanyang mga kagamitan at mga tanong. Isusulat ng mga mag-
aaral sa sagutang papel ang kanilang mga sagot na ibibigay
ng guro. Magpapalitan ng papel ang mga magkapangkat at
itetsek ang kanilang mga sagot. Ang score ng pangkat ay batay
sa kabuuang bilang ng yunit na nabuo sa bawat linggo at ang
kawastuhan ng mga sagot ay batay sa kabuuang resulta sa
mga sagutang papel.
2. Learning Together (LT)
Isa itong pangkatang pagtutulungan kung saan
pinapangkat ang mga mag-aaral na ibat iba ang antas ng
kakayahan. Ang bawat pangkat ay binibigyan ng gawain at
ang bawat kasapi ay inilalagay sa isang bahagi ng proyekto na
angkop sa kanyang interes at kakayahan. Tungkulin ng bawat
pangkat na magtipon ng impormasyon at mga kagamitan na
kailangan sa kanilang gawain.
3. Students Teams-Achievement Division (STAD)
Binubuo ito ng mga pangkat na may apat na kasapi at
may ibat ibang kakayahan, etnisidad, at kasarian. Sa simula,
ilalahad ng guro ang aralin at pagkatapos, pag-aaralan ang
aralin sa kanya-kanyang pangkat. Pagkatapos ay bibigyan
ang bawat mag-aaral ng maikling pagsusulit. Ang score ng
mga mag-aaral ay batay sa kanilang nagawa. Ang kabuuang
score ng bawat mag-aaral ang magiging score ng pangkat.
Tatanggap ng sertipiko o ibang gantimpala ang pangkat na
makakatugon sa criteria na ibinigay ng guro.
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
4 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III
4. Jigsaw
Ang pangkat jigsaw ay binubuo ng anim na miyembro
na bibigyan ng academic material o paksa ng guro. Ang
bawat academic material ay hahatiin sa anim na seksyon at
ang bawat miyembro ng pangkat ay magtatrabaho sa isang
seksyon. Ang mga miyembro ng ibat ibang pangkat na
itinalaga sa magkakatulad na seksyon ay magsasama-sama.
Ito ay tinatawag na expert group. Tatalakaying mabuti ng
bawat expert group ang kanilang seksyon. Pagkatapos, babalik
ang miyembro ng expert group sa orihinal nilang pangkat
at tatalakayin ang buong academic material na ibinigay sa
pangkat. Sa ganitong paraan, mahihikayat ang mga miyembro
ng pangkat na makinig at magpakita ng suporta sa gawaing
ibinigay sa lahat ng miyembro nito. Mahaharap ang mag-aaral
sa tunay na sitwasyon na makabubuti sa pagkatuto.
5. Mock Meeting
Magkaroon ng kunwang pagpupulong tulad ng pagpu-
pulong ng konseho ng lungsod o pagpupulong ng mga
organisasyong pambansa, panrehiyon, o pandaigdig.
6. Brainstorming
Layunin nito na tulungan ang mga mag-aaral na makagawa
ng orihinal na solusyon sa mga suliranin. Hinihikayat nito ang
mga mag-aaral na magbigay ng maraming sagot sa suliraning
binibigyang-tuon. Ilan sa mga tuntunin na dapat sundin sa
brainstorming ang sumusunod:
a. Pagbibigay ng isang suliranin ng mga mag-aaral na
kanilang bibigyang-tuon.
b. Mabilis na pagbibigay ng mag-aaral ng mga ideya.
Kailangang gawin ito nang mabilis tulad ng isang
bagyo o a storm of the brain.
c. Huwag magbigay ng mga puna maging ito ay positibo
o negatibo man sa mga binibigay na mga ideya. Lahat
ng ideya ay tatanggapin.
d. Itala ang lahat ng mga ideya.
e. Isulat ang lahat ng mga ideyang ibinigay.
f. Itigil na ang pagbibigay ng mga ideya kapag humina
na ang pagbibigay nito.
g. Magkaroon ng pangkalahatang talakayan ng mga
ideya.
7. Think-Pair-Share
Pinapangkat sa dalawahan ang mga mag-aaral sa klase.
Binibigyan sila ng isang tanong o suliranin. May ilang sandali
silang mag-iisip tungkol sa tanong o suliranin. Sa hudyat ng
guro, ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot
sa kani-kanilang pangkat. Pagkaraan ng kanilang talakayan
sa pangkat, ibabahagi ng bawat pangkat ang kanilang mga
sagot sa buong klase.
Sa ganitong estratehiya, mauunawaan ng mga mag-aaral
ang kahalagahan ng pagsama-sama ng kanilang mga ideya
at pagkakasundo.
8. Inside-Outside
Maaaring pangkatin ang klase sa dalawa o tatlo batay sa
bilang ng mga mag-aaral sa klase. Gumawa ng bilog sa gitna
ng klase. May isang pangkat na nasa loob at isang pangkat
sa labas ng binubuong bilog. Tungkulin ng bawat kasapi ng
pangkat na nasa labas na pagmasdan ang mga kasapi na
nasa loob. Ang pangkat na nasa loob ay ang magtatalakay ng
paksa. Pagkatapos gampanan ng bawat pangkat ang kanilang
tungkulin, magpapalitan ng tungkulin ang mga pangkat. Higit
na nagiging produktibo ang mga mag-aaral na nabibigyan ng
pagkakataon na lumahok sa ganitong gawain at napapalakas
ang kanilang kasanayan sa pangkatang gawain.
9. Role-playing
Ito ay kusang pagsasanay ng papel na gagampanan sa
ibat ibang sitwasyon. Isa itong pangkatang pamamaraan ng
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III 5
paglutas ng suliranin na may bahaging talakayan, pagpapasya,
at pagsusuri ng suliranin.
Sa role-playing, naipapakita ng mga mag-aaral ang
kanilang tunay na damdamin tungkol sa isang sitwasyon
o suliranin. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-
aaral na talakayin at suriin ang mga isyu o suliranin nang
walang kinakatakutan at maging sensitibo sa damdamin ng
ibang tao.
Mga mungkahing hakbang sa pagsasagawa ng role-
playing:
a. Paghahanda sa role-playing
Paggabay ng guro sa pangkat na isipin ang
mangyayari kaysa ano ang dapat mangyari. Ang
aspektong dapat mangyari ay kailangang manggaling
sa pagkaunawa ng pangkat habang ginagampanan
nila ang kanilang papel sa sitwasyon.
b. Pagpili ng mga role-player
c. Paghahanda sa mga mag-aaral na manonood
i. Magmasid sa pagganap ng papel ng mga role-
players at gaano ito makatotohanan.
ii. Magmasid sa damdamin ng mga gumaganap
sa sitwasyong ipakikita.
iii. Pag-aralan ang solusyong ipinakikita na
maaaring magbigay ng ibang solusyon.
d. Pagsasagawa ng role-playing
e. Talakayan, ebalwasyon, at pagbubuod ng mga
mahalagang sinabi at ginawa ng mga nagsipagganap
sa role-playing
10. Classroom debate
Binubuo ang classroom debate ng dalawang pangkat
na kumakatawan sa magkabilang panig ng iisang isyu. Ang
isang pangkat ay sa panig na sang-ayon (pro) at ang isa pang
pangkat ay sa panig na salungat (con). Isang mag-aaral ang
magsisilbing kritiko.
Ang paksa ng debate ay isang isyung maaaring pagtalunan.
Isa itong panukala na nangangailangan ng pagsasagot.
Mga hakbang sa pagsasagawa ng classroom debate.
a. Ang bawat kasapi ng panig na sang-ayon at salungat
ay magsasalisi sa pagsasalita ng tig-tatlong minuto.
b. Ang mga kasapi ng panig na sang-ayon ay magsusulit-
tanong (cross-examine) ng kabuuang anim na
minuto. Gayundin ang susunod na gagawin ng
pangsalungat.
c. Magbibigay ang mga kasapi ng bawat panig ng
kanilang huling pangungusap sa loob ng tatlong
minuto.
d. Ang kritiko ay magbibigay ng mga masusing
pagtatanong sa mga kasapi ng pangkat sang-ayon at
salungat sa loob ng walong minuto. Tungkulin ng
kritiko na ipakita ang kahinaan ng pagtatalo.
e. Ang buong klase ay magbobotohan kung sino ang
nanalo. Gagawin ito sa loob ng dalawang minuto.
11. Talakayan
Ito ay palitan ng mga ideya sa pagitan ng mga mag-aaral at
ng guro o ng pangkat ng mga mag-aaral. Layunin ng talakayan
na suriin ang impormasyon upang malinang ang malalim at
malawak na pag-unawa sa isang paksa. Isaalang-alang ang
sumusunod sa paghahanda ng talakayan sa klase.
a. Malinaw na layunin ng talakayan na may kaugnay sa
paksang-aralin
b. Magbigay ng mga ideya at hikayatin ang mga mag-
aaral na magpalitan ng mga ideya at impormasyong
kaugnay sa paksa. Ituon ang talakayan sa isang paksa
lamang.
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
6 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III
c. Gumamit ng brainstorming subalit iwasan ang
pagbibigay ng puna, opinyon, o karagdagang
pagpapaliwanag pagkatapos ng bawat pangungusap
ng mag-aaral.
d. Gumawa ng pagbubuod ng talakayan.
e. Ang guro ang moderator o facilitator ng interaksyon.
12. Joint Storytelling
Kailangan dito na nabasa na ng mag-aaral ang aralin.
Gagamitan ito ng pagkukwento sa pag-aaral ng aralin.
Magpangkatang dalawahan ang mga mag-aaral. Ang isa
ay ang Partner A at ang isa ay Partner B. Magtutulungan
ang dalawang pangkat sa pagkukwento ng aralin. Sundan
ito ng tanungan, sagutan, at talakayan tungkol sa kanilang
kwento.
13. Unnished Story o Reaction Story
Ginagamit ito bilang pampasigla sa pagganap sa
isang sitwasyon. Ipakikita ng mga mag-aaral ang kanilang
gagawin kung sakaling kasangkot sila sa isang pangyayari.
Ikukwento ng isa o dalawang mag-aaral ang tungkol sa isang
suliranin. Pagkatapos mapakinggan ang kwento tungkol sa
isang suliranin, isasadula ng mga mag-aaral ang solusyon.
Susundan ito ng pagkuha ng reaksyon/ebalwasyon ng mga
mag-aaral sa isinadula.
14. Paglalakbay-Isip o Imaginary Travelogue
Isa itong likhang-isip o imahinasyon ng isang turista.
Isasalaysay ng turista o ng tour guide ang mahahalaga at
makasaysayang pook na kunwang nakikita o pinapasyalan.
Susundan ito ng malayang talakayan at mga puna ng mga
mag-aaral kung wasto o ayos ang pagsasalaysay o paglalarawan
ng mga pook.
15. Pag-aaral ng Kaso
Pagsusuri ito sa suliranin, pasya, o aksyon. Ilan sa mga
paraan at gamit sa mga kaso ang sumusunod:
a. Mga aklat na nagpapaliwanag ng kadahilanan
b. Dokumento na nagpapakita ng pinagmulan ng isang
lugar, bagay, o institusyon
c. Mga kwento na maaaring totoo o hindi
d. Datos mula sa pananaliksik na ginagamit na
patunay
e. Vignettes na nagpapakita ng isang bahagi ng
karanasan
f. Interpretative essay na ginagamit upang makabuo ng
konklusyon tungkol sa usapin.
Mga hakbang na maaaring isagawa sa pag-aaral
ng kaso.
a. Ipabasa ang kaso at isulat sa pisara ang mga
mungkahing solusyon sa suliraning tinatalakay sa
kaso.
b. Magtalakayan sa pamamagitan ng pagbasa sa mga
ginawang solusyon ng mga mag-aaral.
c. Tiyakin na nauunawaan ng lahat ang bawat isyu na
maririnig at ang lahat ng paniniwala, isyu, at ang mga
solusyong iniharap ay makatwiran.
d. Ipabuod ang bawat isyu. Magpasya ang klase kung
aling solusyon ang pinakamabuti.
Ang papel ng guro sa estratehiyang ito ay bilang
kasangguni o lider ng talakayan bagamat paminsan-minsan
maaari niyang ipahayag ang kanyang sariling mga ideya.
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III 7
16. Storyline
Isa itong pagdulog na ginagamit ang natutuhan at
karanasan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng aktibo at
makahulugang usapan o dayalogo. Mahalaga ang pakikilahok
ng mga mag-aaral. Ilan sa mga hakbang na maaaring sundin
sa paggawa ng storyline ang sumusunod:
a. Simulan ito sa pagsasabi sa klase na sama-sama silang
bubuo ng isang kwento.
b. Ibigay ang pinangyarihan at panahon kung kailan
naganap ang kwento na naaayon sa mga layunin ng
aralin. Magkaroon ng talakayan ang mga mag-aaral
tungkol dito at magpasya.
c. Bumuo ng mga tauhan sa kwento na pag-uusapan at
pagpapasyahan ng mga mag-aaral.
d. Magbigay ng mga pangyayari na naaayon sa mga
layunin ng aralin na siyang batayan ng mga mag-aaral
sa pagbubuo ng kwento.
e. Magkaroon ng talakayan tungkol sa nabuong
kwento.
17. Panayam
Ang pakikipanayam ay isang paraan ng pagtitipon ng mga
datos na kaugnay sa aralin mula sa mayamang kaalaman ng
isang dalubhasa ukol sa isang paksa o kanyang karanasan sa
isang pangyayari. Mabisang paraan ito sa pagpapayamang-
aralin.
Mga mungkahing hakbang sa isasagawang panayam.
a. Linawin ang paksang pag-uusapan.
b. Gumawa ng talaan ng mga tanong at iayos ayon sa
pagkakasunud-sunod.
c. Isulat ang mga sagot o gumamit ng tape recorder.
d. Humingi ng pahintulot sa kinapanayam sa
pamamagitan ng imbestigasyong nakasulat o oral at
linawin ang paksa, petsa, oras, at pook.
e. Maging magalang sa pagtatanong at iwasan ang
personal na bagay.
Sa mock interview na gagawin sa klase, sundan ang
pakikipanayam ng pagbibigay-puna sa mga tanong at sagot
na naganap. Suriin ang mga ito na ayon sa layunin at paksa
ng panayam.
18. Pandulang Pagbabasa ng Tula
Pumili ng isang tula na may kaugnayan sa paksang-
aralin. Ipabasa nang madamdamin sa isang mag-aaral na may
karanasan dito. Pagkatapos basahin, talakayin ang mensahe
ng tula at kaugnayan nito sa aralin. Itanong ang damdaming
nadama habang binabasa ang tula at ang dahilan nito.
19. Mag-isip-Magsulat-Magpareha
Magpabigay ng mga salita o ideya na nauugnay sa
paksang tatalakayin at natalakay na sa mga mag-aaral.
Ipasulat ito sa papel. Ibahagi sa kapareha ang kanilang mga
ginawa. Maaaring isulat ang mga ideya ng kanilang kapareha.
Ulitin pa ng dalawang beses ang pagbabahagi ng mga
ideya sa bagong kapareha. Sa ganitong paraan, maraming
matututuhan sa mga kapareha ang mga mag-aaral. Mabisa
rin itong paraan upang malaman ang natutuhan ng mag-aaral
sa nakaraang aralin o kung pinag-aralan ang bagong aralin.
20. Pagpapalitan ng Kuru-kuro
Ang gawaing ito ay nakapagpapasigla sa pakikilahok
ng mga mag-aaral sa talakayan sa klase. Natututo ang mga
mag-aaral na makinig sa ibat ibang opinyon. Isang paraan
ng pagsasagawa nito ang sumusunod:
a. Bigyan ang bawat mag-aaral ng name tag. Ipasulat
ang kanilang pangalan at ipasuot ito.
b. Magbigay ng isang tanong o pangungusap na
nangangailangan ng kanilang opinyon tungkol sa
isang isyu na may kaugnayan sa paksang-aralin.
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
8 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III
c. Pangkatin ang mga mag-aaral nang dalawahan.
Magpalitan ng opinyon tungkol sa ibinigay na
tanong. Bigyan ng ilang minuto upang gawin ito at
pagkatapos magpalitan ng name tag. Humanap ng
bagong kapa reha at ibahagi sa kanya ang opinyon
ng una niyang kapareha habang suot-suot ang name
tag nito.
d. Magpalitan muli ng name tag at maghanap ng ibang
kausap at ibahagi ang opinyon ng kamag-aral na may
suot ng kanyang name tag.
e. Gawin ito nang ilang beses. Iproseso ang gawain.
21. In the News
Isa itong peer teaching approach na magbibigay ng
karagdagang materyal at impormasyon na maibabahagi sa
mga mag-aaral.
Magpadala sa mga mag-aaral ng mga artikulo, news
items, editoryal, at mga cartoon na may kaugnayan sa aralin.
Pangkatin ang klase at ibahagi ang dalang artikulo at aytem
sa kanilang kamag-aral at pumili ng dalawa o tatlo rito na
kanilang nagustuhan.
Magtipon muli ang buong klase at ipabahagi sa bawat
pangkat ang kanilang napiling aytem. Makinig sa mahahalagang
puntos na iniulat ng mga pangkat. Gamitin itong impormasyon
upang pasimulan ang talakayan sa klase.
22. Storyboard
Layunin nito na iugnay at pagsunud-sunurin ang mga
pangyayari at linangin ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa
mga bahagi ng kwento.
Mag-brainstorm ng mga ideya para sa mga storyboard tulad
ng mga konsepto o pangyayari sa kasaysayan. Ipasulat ang mga
ideya ng mga mag-aaral sa mga index card. Ipadikit ang mga
index card sa mga poster board at pagsunud-sunurin ito.
Isabit ang mga poster board sa paligid ng silid-aralan at
hayaang tingnan ito ng mga mag-aaral. Simulan ang talakayan
tungkol sa ginawa ng mga mag-aaral. Maaari din na sa halip
na magsulat ng mga konsepto o mga pangyayari sa mga
index card, magpaguhit ng mga larawan kaugnay sa aralin.
Ayusin ito ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
23. Balitaan sa Kasaysayan
Bawat pangkat sa klase ay bigyan ng paksa o balita mula
sa pahayagan na may kaugnayan sa aralin. Ipasulat sa papel
sa bawat pangkat ang paksa at ang limang salitang pananong
tulad ng:
Paksa
Sino? ______________________________________
Ano? _____________________________________
Kailan? ___________________________________
Saan? ____________________________________
Bakit? ____________________________________
Ipapasa ng mga mag-aaral sa kanilang kapangkat ang
papel at sa bawat ikot nito, magdagdag sila ng mahalagang
impormasyon na sasagot sa mga salitang pananong. Kapag
nasagot na ang mga ito, isusulat ng bawat pangkat ang
kanilang artikulo batay sa impormasyong kanilang nabuo.
Ipabasa ang artikulo ng bawat pangkat at iproseso.
24. Paglalarawang-diwa
Pagkatapos pag-aralan ang isang pangyayari sa kasaysayan,
ipapikit ang mga mata ng mga mag-aaral at ipalarawan sa isip
ang pangyayari. Bigyan ng sapat na panahon na gawin ito ng
mga mag-aaral at pagkatapos, tatalakayin ang mga larawang
nabuo sa isip. Ibahagi sa klase ang mga ito. Ipaguhit ang
larawang nakita sa isip at pag-usapan ito ng mga pangkat.
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III 9
Ipasulat ang tanong sa isang sagutang papel at kasunod
nito, itala ng mga pangyayari na sa palagay ng mag-aaral
ay nabago bunga ng binagong pangyayari. Ibahagi ang tala
ng mag-aaral sa mga kamag-aral upang malaman kung ang
nilikhang imaginative history ay kapani-paniwala.
30. Inquiry Teaching
Sa inquiry teaching, itinuturo ang mga konsepto sa
pamamaraang inductive. Magbibigay ang guro ng ilang tiyak
na mga halimbawa. Pag-aaralan ng mga mag-aaral ang mga
halimbawa at pagkatapos bubuo ng konklusyon na batay sa
mga katangian ng ibinigay na halimbawa.
Mga hakbang sa pagsasagawa ng inquiry teaching:
a. Ilarawan ang mga pangunahing katangian ng
suliranin o sitwasyon.
b. Magbigay ng mga solusyon o paliwanag.
c. Magtipon ng mga katibayan na magagamit sa pagta-
taya ng kawastuhan ng mga solusyon o paliwanag.
d. Tayahin ang mga solusyon o paliwanag batay sa mga
katibayan.
e. Bumuo ng konklusyon na sinusuportahan ng mga
matibay na ebidensya.
31. Fishbowl
Sa gawaing ito nalilinang ang kasanayan ng mag-aaral
sa pag-uusap liban sa kaalaman niya sa paksang tinatalakay.
Bilang paghahanda, ayusin ang mga silya sa dalawang
concentric circles na nakaharap sa loob. Bigyang-laya ang
mga mag-aaral na pumili kung saan sila uupo sa inner o
outer circle.
Ang mga mag-aaral sa inner circle ay may kalayaang
magsalita subalit ang mga nasa outer circle ay dapat
manatiling tahimik. Kapag ang mag-aaral na nasa outer
circle ay nais magbigay ng puna, palitan ang paksa, o kung
nais niyang umupo sa inner circle, kailangan niyang tumayo
25. Viewpoint
Magpasulat ng thesis sentence sa isang opisyal o
personalidad sa kasaysayan ukol sa kanyang opinyon sa isang
isyu at pasuportahan ito ng mga katibayan. Halimbawa: Si
Mohandas Ghandi ay laban sa pamamahala ng mga ingles at
nakita ito sa kanyang sinimulang kilusang passive resistance
sa kanyang pananalita.
Gagamitin ang sipi ng mga mag-aaral sa pagsulat ng
sanaysay tungkol sa opinyon ng napiling personalidad.
26. Story Pyramid
Ibuod ang isang kwento sa anyong piramide sa ayos na
ang bilang ng mga salita ay dumarami tulad ng pagdami ng
bilang ng mga linya.
27. Story Map
Isalaysay ang kwento sa lohikal na organisasyon ng mga
pangyayari at ang mga ideya na mahalaga sa kwento at ang
ugnayan ng mga pangyayari at mga ideya sa pamamagitan
ng mga pigurang geometric.
28. Di-inihandang Talumpati o Impromptu Speaking
Ang impromptu speech ay isang talumpating hindi
inihanda ng mag-aaral. Binibigyan ng paksa ang mag-aaral sa
klase at noon din ay magtatalumpati. Hindi siya binibigyan
ng panahong magsulat ng talumpati o magbasa ng mga
babasahin upang madagdagan ang kanyang kaalaman tungkol
sa paksa.
Layunin ng gawaing ito na tayahin ang natutuhan sa
paksang-aralin at linangin ang kasanayan ng mag-aaral sa
komunikasyon at ipahayag ang kanilang saloobin tungkol
sa isang paksa.
29. Imaginary History
Pumili ng isang kaganapan sa kasaysayan at lumikha
ng sariling imaginary history na kaiba sa tunay na nangyari.
Itanong: Ano ang mga maaaring nangyari kung sakali?
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
10 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III
at tapikin ang balikat ng isang kasapi ng inner circle at
magpalitan ng upuan. Ang kasapi naman ng inner circle ay
hindi maaaring umalis hanggang hindi siya pinipili ng mga
miyembro ng outer circle.
Walang ibibigay na gantimpala o parusa sa hindi
lumalahok sa talakayan. Malaya nilang gawin ang kanilang
nais subalit kailangang sumunod sa mga tuntunin.
32. Multi-perspective Approach
Sa multi-perspective approach, binibigyang-tuon ang
isang isyu mula sa pananaw ng ilang pangkat. Sa paggamit
nito, malalaman ng mga mag-aaral na may mga pangyayari
na binibigyang-pakahulugan sa ilang paraan ng ibat ibang
tao. Madalas, ang pakahulugan ay may kaugnayan sa
pagpapahalaga ng kinabibilangan ng pangkat.
33. K-W-L Technique
Isa itong paraan na bago simulan ang bagong aralin,
inaalam na kung may alam na ang mag-aaral tungkol dito.
Pagkatapos, inaalam naman ang nais matutuhan ng mga
mag-aaral sa bagong aralin. Pagkatapos mapag-aralan ang
bagong aralin, itinatanong kung ano ang natutuhan tungkol
dito. Ipagawa sa bawat mag-aaral o pangkat ang sumusunod
na talahayanan.
34. Numbered Heads Together
Pangkatin ang klase sa maliliit na pangkat at bigyan
ang bawat mag-aaral ng numero. Magbigay ng isang tanong
o suliranin sa buong klase. Tatalakayin ng bawat pangkat
ang tanong o suliranin sa ilang minuto na ibibigay ng guro.
Kailangang alam ng bawat kasapi ng pangkat ang sagot sa
tanong o suliranin pagkatapos ng kanilang talakayan. Tatawag
ang guro ng isang numero. Ang mag-aaral sa bawat pangkat
na may natawag na numero ay magtataas ng kamay. Kung
maiibigay nila ang tamang sagot, bibigyan ng puntos ang
pangkat. Ito ay isang anyo ng tutorial group na makatutulong
sa mga mag-aaral na muling talakayin o balik-aralan ang isang
paksa sa maikling oras.
35. Pandulang Pagtatanghal
Ang pandulang pagtatanghal ay isang simulated activity.
Nagbibigay ito ng pagkakataon sa maayos na pagtataya sa
natutuhan ng mga mag-aaral. Sa pagmamasid ng guro sa
mga pandulang gawain ng mga mag-aaral, matataya niya
ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga konsepto, ang
pagpapahayag ng kanilang saloobin, at pagpapakita ng
kanilang pagkamalikhain. Tunghayan ang ilan sa mga anyo
ng pandulang pagtatanghal.
a. Dramatization pagtatanghal ng isang dula o
dula-dulaan na may script, costume, at entabladong
pagtatanghal
b. Dramatic play malikhaing paglalarawan ng mga
karanasan sa hindi pormal na pagtatanghal. Hindi
sinasaulo ang papel na gagampanan at walang
espesyal na kasuotan.
c. Dramatic rhythm bi ni bi gyan ng sari l i ng
interpretasyon ng mag-aaral ang mga gawain sa
pamamagitan ng ritmikong paggalaw ng katawan.
d. Dramatic skit pinag-aaralan ng mga mag-aaral ang
bahaging gagampanan at mga sasabihin sa piniling
gawain na ipinakikita ang mahalagang pangyayari.
K-W-L Technique
K-now W-ant L-earn
Ano ang alam? Ano ang gustong
mapag-aralan?
Ano ang natutuhan?
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III 11
e. Pageant ipinakikita nito ang pagkasunud-sunod
ng mga pangyayari na may kaugnayan sa paksang
tinatalakay sa klase.
f. Pantomime isa itong maikli at payak na paglalarawan
ng isang gawain. Lahat ng impormasyon, emosyon,
at aksyon ay inilalahad sa matahimik na pagkilos
at walang sinasabi. Dapat bigyang-pansin ng mag-
aaral ang paggalaw ng katawan at ipinahihiwatig ng
mukha.
g. Marionette o Puppet ginagamit ito sa malikhaing
drama at pormal na dramatization. Nililinang nito ang
pagtitiwala sa sarili ng mga mahiyaing mag-aaral na
ayaw o bantulot lumahok sa mga gawain sa klase.
h. Readers Theater isang madaling paraan na
pagtatanghal ng isang dula na hindi nangangailangan
ng costume set, pagsasaulo ng papel na gagampanan,
at props subalit gumagamit ng sound effects. Binabasa
ng mga mag-aaral ang dayalago gamit ang boses at
kilos ng katawan upang ipakita ang tagpo ng mga
tauhan sa dula. Maaaring magsuot ng maskara,
sumbrero, o maglagay ng name card sa dibdib upang
malaman ang tauhan sa dula.
36. Simulation
Sa simulation, inilalagay ang mga kalahok sa mga
sitwasyon na halos katulad ng sa tunay na buhay. Sa payak na
paraan, binibigyang-tuon sa simulation ang mga pangunahing
ideya. Maaaring matamo ng mga kalahok ang lahat ng
kanilang mga layunin. Layunin ng simulation na makagawa
ng desisyon at maranasan ang kahihinatnan ng desisyon.
May apat na bahagi ang simulation:
a. Overview inilalarawan dito ang papel na
gagampanan ng mga mag-aaral. Ibibigay ang mga
tuntunin na susundin sa simulation.
b. Pagsasanay pagpapaliwanag sa mga kalahok
kung paano isasagawa ang simulation. Bibigyan ng
pagkakataon ang mga mag-aaral na pag-aralan at
pag-usapan ang papel na kanilang gagampanan.
c. Pagsasagawa ng simulation sa bahaging ito
gagabayan ng guro ang isasagawang simulation ng
mga mag-aaral.
d. Debrieng nakatuon ito sa ginawang mga pag-
papasya, istilo ng simulation, at pagbibigay ng puna
o mungkahi sa ginawang simulation. Sa bahaging ito,
ang pagtalakay sa mga konsepto at mga pamamaraang
isinagawa ay makabubuti sa pagkatuto.
37. Mock Trial
Ang mock trial ay simulation ng paglilitis sa hukuman.
Ito ay maaaring tungkol sa naganap na paglilitis o tungkol
sa kontrobersyal na isyu na humantong sa pagsasakdal. Sa
pamamagitan nito, malawak na mauunawaan ng mga mag-
aaral ang sistemang legal.
Mga hakbang sa pagsasagawa ng mock trial:
a. Ang unang hakbang ay ang pagbibigay sa mga mag-
aaral ng layunin ng mock trial. Kailangang malaman
nila ang paksa ng paglilitis, ang gagawin nilang
paghahanda, at ang tuntunin at mga pamamaraang
susundin. Bigyan ang mga mag-aaral ng impormasyon
tungkol sa kaso. Pagkatapos ay ipamahagi ang fact
sheet na naglalaman ng mga katotohanan tungkol
sa dalawang panig ng pinagtatalunan na kaso.
Pagkatapos, ibigay ang papel na gagampanan ng
mga mag-aaral at kanilang responsibilidad tulad ng
hukom, abogado ng depensa at ng naghabla.
b. Maaaring isagawa ang sumusunod na mga hakbang
sa pagsasagawa ng paglilitis:
Pagbubukas ng hukuman
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
12 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III
Panimulang pananalita ng abogado ng naghabla
at abogado ng depensa
Pagsusulit-tanong (cross examination) ng abogado
ng depensa sa mga saksi ng naghabla
Pagsusulit-tanong ng abogado ng naghabla sa
mga saksi ng depensa
Pagsusulit-tanong sa akusado ng panig ng
abogado ng naghabla
Pagtatapos ng pagtatalo ng panig ng depensa at
panig ng nasasakdal
Pagbibigay ng hatol
Magbibigay rin ang hukom ng mga pahayag sa
bawat proseso
c. Debrieng
Bigyang-tuon sa talakayan ang isyu o kaso,
pangangatwiran, at prosesong ginamit. Bigyang-
pansin din ang naramdaman at natutuhan ng mga
lumahok.
38. Simulation Game
Ang simulation game ay magkahalong simulation at laro.
Ito ay modelo ng totoong sitwasyon sa buhay. Sa simulation
game ay may role-playing competition at interaksyon ng mga
kalahok sa laro na may sinusunod na mga tuntunin. May
kinalaman ang laro sa mga isyu at mga proseso kung saan
kailangang gampanan ng mga mag-aaral ang papel ng mga
taong may kinalaman sa isyu. Nagpapaligsahan ang mga mag-
aaral sa layuning malutas ang suliranin. Sa pamamagitan ng
simulation games, nakikita ng mga mag-aaral ang kaugnayan
ng kanilang kaasalan at ng naging bunga ng pangyayari. Ilang
halimbawa ang sumusunod:
a. Napakaraming tao sa isang lugar (simulation game)
Gumuhit ng malaking bilog sa sahig na sapat na
magkasya ang 12 mag-aaral. Patayuin ang mga mag-
aaral sa labas ng bilog. Sa bawat dalawang segundo,
papasukin ang isang bata sa bilog. Pagpasok ng bawat
mag-aaral, hayaan itong gumalaw o umikot sa loob
ng bilog hanggang sa makapasok ang 12 mag-aaral.
Pabilisan ng galaw ang mga mag-aaral sa loob ng
tatlong minuto. Maaaring may magtulakan sa loob
ng tatlong minuto. Pagkatapos nito, pabalikin sa
kanilang mga silya ang mga mag-aaral at talakayin
ang paglaki ng populasyon at mga suliraning kaugnay
ng kanilang mga karanasan.
b. Sea Battle
Labanan ito sa dagat ng dalawang pangkat. Sa
larong ito, mahalaga ang estratehiyang gagamitin sa
labanan. Ang layunin ng laro ay ang pagpaplano ng
isang manlalaro ng estratehiya sa pakikipaglaban ayon
sa ginawa ng isang tanyag na heneral sa kasaysayan.
Pumili ng isang paksa sa aralin tungkol sa isang
naganap na labanan sa dagat ng dalawang pangkat/
bansa. Idikit sa isang malaking page board ang
mapa ng pinangyarihan ng labanan. Sa magaganap
na labanan, gagalawin ng mga manlalaro sa mapa
ang kani-kanilang mga peg o anumang pananda ng
kanilang pag-ikot sa pook ng labanan at ang kanilang
paglusob sa kalaban. Ang mananalo ay batay sa dami
ng lugar na kanyang nalusob at bilang ng mga kalaban
na sumuko.
Magkaroon ng talakayan ang mag-aaral tungkol sa
kung paano nanalo ang isang pangkat sa mahalagang
labanan.
39. Plus, Minus, Interesting (PMI)
Isang estratehiya na sinusuri ang isang paksa sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga plus point, mga minus
point, at mga interesting point sa paksang tinatalakay.
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III 13
40. First Important Priorities
Pagsusuri sa isang sitwasyon kung saan ay pinag-uusapan
kung aling bagay, aspekto o bahagi ng sitwasyon ang dapat
bigyan ng pangunahing atensyon.
III. PAGGAMIT NG MGA LARO
1. Team Charade
Magpapakita ng pantomime ang una sa tatlong pangkat
sa klase na nauukol sa mga pangyayaring naganap sa paksang
natalakay na. Huhulaan ng pangalawa at pangatlong pangkat ang
ipinakitang pantomime. Sinuman sa dalawang pangkat ang may
pinakamaraming nahulaang pantomime ang panalo sa laro.
2. Perfect Match Game
Pangkatin ang klase sa dalawa at magpabuo ng dalawang
bilog. Mamahagi sa dalawang pangkat ng mga mahaba at makitid
na pilas ng kartolina kung saan nakasulat sa isang pilas ang
isang terminolohiya at sa isang pilas ang katuturan nito. Bigyan
ng dalawang minuto ang mga mag-aaral na hanapin sa kabilang
pangkat ang tamang sagot sa hawak nilang pilas na kartolina.
Kaagad itong ipadikit sa piraso. Ang unang dalawang mag-aaral
na makatapos ng tama ang panalo.
3. Crossword Puzzle
Maaaring gawin ito ng isang mag-aaral o ng pangkat. Isagawa
ang sumusunod.
a. Mag-brainstorm ng ilang mga terminolohiya at mga
pangalang kaugnay sa aralin.
b. Gumawa ng crossword puzzle. Itiman ang mga puwang
na hindi kailangan.
c. Gumawa ng mga clue para sa mga crossword item.
Maaaring gamitin ang sumusunod:
Maikling katuturan
Isang kategorya na magkakasya ang aytem
Isang halimbawa
Isang kasalungat
d. Ipamahagi ang puzzle sa bawat mag-aaral o sa mga
pangkat.
e. Magbigay ng ilang minuto sa paggawa nito. Bigyan
ng gantimpala ang mag-aaral o pangkat na may
pinakamaraming tamang aytem.
IV. MAPPING/GRAPHIC ORGANIZER
Ang mapping ay isang paraan ng pagbibigay ng visual image
upang makapag-isip at makapagbuo ng ugnayan ng mga ideya ang
mga mag-aaral. Isa din itong paraan ng pagproseso ng isang kwento
o pangyayari sa kasaysayan.
Nalilinang ang ugnayan ng mga kaisipan at impormasyon sa pama -
ma gitan ng pagtatanong at talakayan habang ginagawa ang mapping.
Ang mga chart, graph, diagram ay ilan lamang sa mga epektibong
kagamitan sa pagtuturo at pagkatuto. Ang mga ito at ibang graphic
material ay itinuturing na isang estratehiya sa pagtuturo ng Araling
Panlipunan. Inihahanda ito upang gisingin ang damdamin, ipakita
ang katotohanan at ugnayan ng mga bagay sa obhektibong pamamaraan,
at linangin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa paglutas ng suliranin.
Layunin ng graph at chart na ipakita ang payak na ugnayan ng
mga variable. Ginagamit ito ng mga mag-aaral sa paglalahad ng
paksang kanilang tatalakayin. May tatlong hakbang na maaaring
gamitin sa pagtalakay sa isang paksa gamit ang graph:
1. Basahin ang labas ng graph: pamagat, petsa, at pinagkunan.
Layunin nito na tayahin ang graph batay sa pamagat bilang
palatandaan ng layunin nito; ang petsa, upang malaman ang
kawastuhan ng mga datos batay sa petsa ng paglikom nito.
2. Basahin ang nasa loob ng graph: ang impormasyong literal
at interpretasyon sa impormasyon. Ang pagbasa sa literal
na datos ay batayan ng mga mag-aaral sa pagtukoy sa mga
hinuhang katotohanan, konsepto, at paglalahat na siyang
layunin ng gumawa ng graph.
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
14 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III
3. Iugnay ang paksa/katotohanan sa graph sa karanasan ng mga
mag-aaral.
Ang poster ay nagbibigay ng isang mensahe na madaling
maunawaan sa isang pagtingin lamang. Ginagamit ito upang
maganyak ang mga bumabasa na gumawa agad ng isang aksyon
tungkol sa isang isyu tulad ng pangangalaga sa kalikasan, kampanya
sa enerhiya, at iba pa.
Ang cartoon ay ginagamit upang maipaabot sa mga mambabasa
ang isang mensahe sa pamamagitan ng caricature, biro, o panunudyo.
Ang collage ay binubuo mula sa mga nilikom na mga larawan na may
kaugnayan sa paksang tinalakay sa klase. Gupitin ang mga ito sa ibat
ibang hugis at pagdikit-dikitin sa isang kartolina sa anyong kaakit-akit.
Lagyan ng kapsyon ang nabuong collage. Ipabigay ang kaisipang nabuo sa
collage.
Ang isang graphic organizer ay kahawig ng concept map. Ito
ay kumakatawan sa pagkakaugnay ng maraming paksa. Ito ay
maaaring gamitin sa panimula ng isang bagong yunit o aralin bilang
pangganyak o sa pagwawakas ng isang leksyon bilang pagbubuod ng
isang tinalakay na paksa.
Mga Halimbawa ng Graphic Organizer
A. Pagbuo ng Konsepto
Gamit: Pagtukoy ng mga katangian; paglalagay at paglalarawan ng mga bahagi;
pagpili ng mga katotohanan; pag-uugnay ng magkakatulad na katotohanan;
pag-uugnay ng mga katotohanan sa mga ideya; pagsasalaysay ng kuwento
at pagsasa-ayos ng pagkakasunud-sunod ng mga katotohanan.
1. CLUSTERS
Paksa
Detalye
2. COLLOCATION
Pangyayari Resulta
3. BUBBLE MAP
Paksa
katangian
katangian katangian
Pangunahing
Paksa
kasangang
paksa
kasangang
paksa
kasangang
paksa
kasangang
paksa
4. FACT STORMING WEB
5. CONCENTRIC CIRCLES
Paksa
yugto
yugto
yugto
yugto
katangian
katangian
detalye
detalye
detalye
detalye
detalye
detalye
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III 15
Taon Taon Taon Taon Taon Taon
6. TIMELINES
simula
7. STORY FRAMES
katapusan
Detalye Detalye Detalye Detalye Detalye
12. TREE MAP
Detalye
Kasangang Paksa Kasangang Paksa Kasangang Paksa
Pangunahing Paksa
katotohanan
kaugnayan
kaugnayan
8. TREES
9. FLOW MAP
pangyayari pangyayari pangyayari pangyayari
detalye
pangyayari Pangunahing
Pangyayari
5. FISH BONE
Pagkatapos Pagkatapos Pagkatapos Simula Katapusan
Mga Katotohanan
11. DESCRIPTIVE SEMANTIC MAP
10. FISH BONE
detalye detalye detalye detalye detalye detalye detalye detalye detalye
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
16 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III
B. Pagsisiyasat ng mga Ugnayan
Gamit: Pagtatala ng pagkakatulad at pagkakaiba, pagtitimbang ng mga katibayan para
sa mga ideya, paglalagay ng kahulugan at pagbubuo ng mga hinuha batay
sa mga katotohanan.
1. VENN DIAGRAM
Pagkakaiba
Paksa Paksa
Pagkakatulad Pagkakaiba
Paksa
Paksa
tanging
katangian
tanging
katangian
tanging
katangian
tanging
katangian
tanging
katangian
tanging
katangian
Katangiang
karaniwan
sa dalawang
paksa
2. DOUBLE BUBBLE
Katangiang
karaniwan
sa dalawang
paksa
3. CIRCLE MAPS
batayan
Kahulugan
Termino lohiya
Katibayan
4. EVIDENCE SCALES
Katibayan
6. BRIDGE MAP
Paksa
Katulad
Paksa
5. PRO/CON TEES
Pro Con
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III 17
1. TAN FACT ANALYZER
3
Suliranin
Sanhi
Bunga
2
1
4
5
6
Epekto
Dahilan
Dahilan
Dahilan
Dahilan
Epekto
Epekto
Epekto
2. BRANCHING CHART
C. Pag-uugnay ng mga Dahilan
Gamit: Pagpapaliwanag ng kalakaran, pagpili ng gagawin, pagplano ng estratehiya,
pagpapaliwanag ng proseso, pag-iisip ng mga palagay, at pagbibigay
ng mga sagot.
7. BRACE MAP
Pangunahing
Bahagi
Pangunahing
Bahagi
Maliit
na Bahagi
Maliit
na Bahagi
Paksa/Bagay
Mga Dahilan
4. BACKMAPS
5. FORCES COUNTER FORCES
3. MULTI-FLOW MAP
Dahilan
Dahilan
Dahilan
Bunga
o Epekto
Bunga
o Epekto
Bunga
o Epekto
Pangyayari
Mga Bunga
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
18 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III
7. DECISION TREES
Kung Kung
Kung
P
a
g
k
a
ta
p
o
s

Pagkatapos
P
a
g
k
a
ta
p
o
s

Dahilan Dahilan Dahilan Dahilan
6. CAUSAL CHAINS
8. QUESTION WEB
Paksa
T
a
n
o
n
g
S
a
g
o
t
T
a
n
o
n
g
T
a
n
o
n
g
Sagot
S
a
g
o
t
9. HOUR GLASS
Paksa
Ano kung?
Nalalaman/
Paggunita
1. ILLUSTRATION
mga teorya
interpretasyon
2. OUTLINES
Mga katotohanan
Mga katotohanan
Mga katotohanan
Tanong
Paglalahat
Teorya
D. Pagbubuo ng Teorya
Gamit: Pagsunod sa mga palatandaan, pagbubuo ng paglalahat, pagtutuklas ng
mga pagpapahalaga, pagpapaliwanag, pagmumungkahi ng mga teorya,
paglalarawan ng mga implikasyon, at pagbubuo ng konklusyon.
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III 19
V. PAGTATAYA (ASSESSMENT)
Mahalaga ang papel ng pagtataya (assessment) ng pagkatuto sa
proseso ng pagtuturo. Nababatay ito sa kakayahan at sa ginawa ng mag-
aaral, pagpili ng mga pagsusulit na magbibigay ng totoong resulta ng
pagsukat ng pagkatuto. Layunin ng pagtataya na sukatin ang natutuhan
ng mag-aaral, mapabuti ang pagtuturo, at kalagayan sa pagkatuto ng
mag-aaral. Upang lubos na maunawaan ang paksang ito, bibigyan muna
ng linaw ang kahulugan ng ebalwasyon at pagtataya.
Ang ebalwasyon ay proseso sa paggawa ng desisyon tungkol sa
pagkatuto ng mag-aaral. Kailangan ditong gumawa ng pasya tungkol sa
natutuhan, nagawa, kaasalan at saloobin ng mag-aaral.
Ang pagtataya ay estratehiya sa pagsukat ng nalalaman, nagawa,
kaasalan at saloobin ng mag-aaral. Lumilikom dito ng mga datos na
makatutulong sa gagawing pagpapasya sa ebalwasyon.
Ang guro ay gumagamit ng tatlong uri ng pagtataya diagnostic,
formative, at summative. Ibig sabihin, ang guro ay gumagawa ng pasya
bago, habang, at pagkatapos ng kanyang pagtuturo.
Ang diagnostic assessment ay pagtataya na ibinibigay bago magturo
ang guro upang malaman kung ano ang alam na at kung ano ang gustong
matutuhan ng mag-aaral. Maaaring gamitin ang informal diagnostic
assessment (unstructured) o ang formal diagnostic assessment (nakatakda
o structured). Ang karaniwang ginagamit na formal diagnostic test ay ang
pre-test na isang uri ng pagsukat ng nalalaman ng mag-aaral tungkol sa
ituturo bago ito ituro.
Ang formative assessment ay ginagawa habang nagtuturo ang guro. Ito
ay maaaring formal at informal formative assessment. Ang huli ay ginagawa
sa pamamagitan ng pakikinig sa mga ibinibigay na puna at usapan ng
mga mag-aaral habang sila ay gumagawa. Ang portfolio ng mag-aaral
ay ginagamit sa formal formative assessment. Ito ay mga tinipon na mga
gawain ng mga mag-aaral.
Ang summative assessment ang huling pagsukat ng natutuhan ng mag-
aaral. Ibinibigay ito sa katapusan ng aralin o yunit. Liban sa pagbibigay
ng pagsusulit sa summative assessment, ginagamit din ang sumusunod
na anyo:
a. Alternative summative assessment halimbawa nito ay mga
proyekto at performance tasks
b. Inquiry assessment proseso sa pagtatanong sa mag-aaral
kung ano ang kanilang nararamdaman, ang kanilang iniisip,
ano ang gusto at hindi gusto at pagsusuri ng kanilang pag-
unawa. Halimbawa ng inquiry assessment ay ang panayam at
questionnaire.
PAGTATAYA NG MGA LAYUNING INSTRUKSYUNAL
AT ANG MGA KATEGORYA NG PAGKATUTO
Napapangkat sa tatlo ang mga layuning sinisikap ng gurong
maisagawa sa kanyang pagtuturo. Ang mga layuning ito na binubuo ng
mga kategorya ng pagkatuto ay layuning pangkognitibo o pangkaalaman,
layuning pangsaykomotor, at layuning pandamdamin.
Sa layuning pangkaalaman o cognitive domain, pinagtutuunang
pansin na madagdagan ang kaalaman ng mag-aaral sa mga konsepto,
kaisipan, mga katotohanan, at kasanayang pang-intelektwal.
Sa layuning pangsaykomotor o psychomotor domain, binibigyang-diin
ang pagsasanay ng mga mag-aaral sa muscular coordination, pagiging
maliksi sa pagkilos at paggalaw, at maging mahusay sa pakikipaglaro at
palakasan.
Sa layuning pandamdamin o affective domain, mga pagpapahalaga,
saloobin, kaugalian, at kaasalan ang binibigyang-pansin.
Upang masukat ng guro ang mga natutunan ng mag-aaral sa paksang
tinalakay sa klase, kailangan ang tatlong uri ng pagtataya para sa tatlong
kategorya ng pagkatuto: pagtataya ng cognitive domain, pagtataya ng
affective domain, at pagtataya ng psychomotor domain.
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
20 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III
I. Pagtataya ng Cognitive Domain
Madalas ang pagtataya sa cognitive domain ay sa pamamagitan
ng pagsusulit. Ang pagsusulit ay sistematikong anyo ng pagsukat na
maaaring oral o nakasulat. Maaaring gumamit ng essay test, pakikinig,
at pagmamasid na ginagawa ng mga mag-aaral sa kanilang natutunan,
tulad ng performance task, mga proyekto, pagmamasid ng simulation,
role-play, paglutas ng suliranin, panayam at talakayan.
II. Pagtataya ng Affective Domain
Mahirap ang pagtaya sa affective domain subalit ang madalas
gamitin ay ang inquiry assessment. Maaari ding gamitin ang panayam,
pagmamasid sa talakayan ng mga mag-aaral, at questionnaire.
III. Pagtataya ng Psychomotor Domain
Maaaring gamitin sa pagtataya ng psychomotor domain ang
pagmamasid ng kaasalan o nagawa ng mag-aaral. Ang mga datos
na namasid ay maaaring ilagay sa anecdotal record, checklist o
rating scale.
IV. Scoring Rubric
Isang assessment tool ang scoring rubric na nagtataglay ng criteria
sa ibat ibang antas na ginawa ng mag-aaral. Binibigyan nito ng
marka ang bawat gawa (performance) o sagot ng mag-aaral. Isang
halimbawa ng scoring rubric:
a. Marka Kalidad ng Pagpapaliwanag
6 Napakahusay ng pagpapaliwanag
(buo, maliwanag)
5 Mabuting pagpapaliwanag
(katamtamang pagpapaliwanag)
4 Matatanggap ang pagpapaliwanag
(may kaunting kamalian ang pagpapaliwanag)
3 Kailangang isaayos
(malaki ang kakulangan, nagpapakita ng kaunting
kaalaman)
2 Mali at kulang ang pagpapaliwanag
1 Mali at walang pagtatangkang pagpapaliwanag
b. Marka Sagot sa mga Tanong
4 Tama
3 Halos tama o bahagi ay tama
2 Mali subalit may pagtatangkang itama
1 Mali at walang kaugnayan sa paksa
0 Walang sagot
c. Marka Pagpapaliwanag
4 Kumpleto, maliwanag, at lohikal
3 Tama subalit kulang
2 Malabo
1 Mali at malayo sa paksa
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III 21
Banghay-Aralin sa Pagtuturo
ng Araling Panlipunan I
(KASAYSAYAN NG PILIPINAS)
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
22 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I
Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng Kasaysayan ng Pilipinas
B. Paglinang ng Aralin
1. Pag-aalis ng Sagabal
Ipapaliwanag ang kahulugan ng sumusunod na mga
konsepto:
a. arkeologo
b. antropologo
c. mananalaysay
2. Pagganyak
Bumuo ng mga scrambled letter mula sa salitang
KASAYSAYAN. Ipaayos ang mga titik upang mabuo ang
terminolohiya at ipabigay ng kahulugan nito.
3. Mga Mungkahing Estratehiya
a. Magpakita ng mga larawan ng relikyo, kopya ng
dokumento, pagbasa ng alamat, at kwento na may
kaugnayan sa kasaysayan ng Pilipinas. Talakayin ang
mga batayan sa pag-aaral ng kasaysayan.
b. Magpagamit ng cluster map sa pagpapaliwanag
ng kaug nayan ng kasaysayan sa ibang disiplinang
panlipunan.
C. Pangwakas na Gawain
1. Pagbubuod
Magpabuo ng mga paglalahat batay sa paksang
tinalakay.
2. Paglalapat/Pagpapahalaga
a. Itanong: Ano ang maaaring gawin ng isang mag-
aaral upang ipakita ang pagpapahalaga sa kasaysayan
ng bansa?
b. Magsalaysay ng isang kwento o alamat na may
kaugnayan sa kasaysayan ng inyong pamayanan
o lalawigan.
YUNIT I Ang Simula ng Bansa
LAYUNING PANLAHAT
Napahahalagahan ang pag-aaral ng kasaysayan sa pagbuo at pag-
unlad ng bansa
Aralin 1 Heograpiya at Kasaysayan
I. LAYUNING TIYAK
Naibibigay ang kahulugan ng kasaysayan
Naipaliliwanag ang mga batayan ng kasaysayan
Naiuugnay ang kasaysayan sa ibang disiplinang panlipunan
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa mga gawain ng mga
mananalaysay
Nakalilikom ng ibat ibang bagay na batayan ng kasaysayan
II. PAKSA
Heograpiya at kasaysayan
Kahalagahan ng kasaysayan
Kahulugan ng kasaysayan
Batayan ng kasaysayan
Kasaysayan at ibang disiplinang panlipunan
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Isulat sa pisara ang KAPULUAN. Magbigay ng mga
salitang maiuugnay rito gaya ng kasaysayan, vulcanism,
gradation. Ipapaliwanag ng guro sa mga mag-aaral ang mga
konseptong nabanggit.
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I 23
3. Paglinang ng Natatanging Kakayahan
Magpagawa ng pantomime tungkol sa isang alamat sa
isang lugar sa Pilipinas.
4. Pagpapayaman ng Aralin
a. Magpagawa ng tala ng mga bagay na matatagpuan
sa tahanan ng mga mag-aaral. Itanong kung paano
ito nakapagbibigay ng impormasyon tungkol sa
pamilya, uri ng pamumuhay at kapaligirang kanilang
ginagalawan.
b. Talakayin ang natural na kalamidad na naganap sa Leyte
o sa ibang lalawigan. Sabihin ang mga pagbabagong
dulot nito sa lalawigan.
5. Gawaing Remedyal
Sa isang inihandang talahanayan, ipauri ang mga
tinalakay na pinagkukunan ng kasaysayan.
6. Ebalwasyon
Isulat sa isang sagutang papel ang bahaging
ginagampanan ng sumusunod sa kasaysayan:
1. arkeologo
2. antropologo
3. historyador
IV. TAKDANG-ARALIN
Ipasagot ang sumusunod bilang paghahanda sa susunod na
aralin:
1. Ipaliwanag ang mga teorya tungkol sa pinagmulan ng
kapuluan ng Pilipinas.
2. Suriin ang kalakasan at kahinaan ng mga teorya.
Aralin 2 Mga Teorya ng Pinagmulan ng Pilipinas
I. LAYUNING TIYAK
Napaliliwanag ang mga teorya ng pinagmulan ng kapuluan ng
Pilipinas
Nasusuri ang kalakasan at kahinaan ng ibat ibang teorya
tungkol sa pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa pinagmulan ng kapuluan
ng Pilipinas
II. PAKSA
Mga teorya ng pinagmulan ng Pilipinas
Kalakasan at kahinaan ng mga teorya
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Magpalitan ang mga mag-aaral ng pagbibigay
ng terminolohiya at kahulugan nito batay sa nakaraang
aralin.
2. Balik-aral
Itanong: Bakit kailangang pag-aralan ang kasaysayan
ng isang bansa?
B. Paglinang ng Aralin
1. Pag-aalis ng Sagabal
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga
konsepto:
a. teorya
b. mitolohiya
2. Pagganyak
Itanong: Mayroon ba kayong nalalamang mga kwento
tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas?
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
24 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I
3. Mga Mungkahing Estratehiya
a. Ipagawa ang isang joint storytelling tungkol sa mga
alamat ng pinagmulan ng Pilipinas.
b. Ipagawa ang isang mock interview sa mga kasapi ng
Simbahan at mga siyentista. Talakayin sa panayam ang
tungkol sa teoryang biblikal at siyentipikong paliwanag
tungkol sa pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas.
c. Magsagawa ng palitan ng kuru-kuro sa paksang
tinalakay.
C. Pangwakas na Gawain
1. Pagbubuod
Ipabuod ang paliwanag ng relihiyon at agham tungkol
sa pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas.
2. Paglalapat/Pagpapahalaga
Itanong: Ano ang iyong paniniwala tungkol sa
pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas?
3. Paglinang ng Natatanging Kakayahan
Magpaguhit ng larawan tungkol sa sariling interpretasyon
sa teorya ng pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas.
4. Pagpapayaman ng Aralin
Magpasalaysay ng mga alamat tungkol sa pinagmulan
ng isang lalawigan o lugar na nalalaman ng mga
mag-aaral.
5. Gawaing Remedyal
Ipapaliwanag ang alinman sa mga larawang iginuhit
ng mga mag-aaral.
6. Ebalwasyon
Papiliin ang mga mag-aaral ng isang teorya tungkol sa
pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas. Ipapaliwanag ang
teoryang napili.
IV. TAKDANG-ARALIN
Ipasagot ang sumusunod na mga tanong bilang paghahanda
sa susunod na aralin:
1. Ano ang pambansang teritoryo? Ipaliwanag ang konseptong
napapaloob sa Artikulo I ng Saligang Batas ng 1987.
2. Ano ang isinasaad ng Doktrinang Pangkapuluan at
Exclusive Economic Zone?
3. Bakit hinati ang Pilipinas sa mga rehiyon?
Aralin 3 Pambansang T eritor yo, Rehiyonalisasyon,
at mga Pangkat-etnolinggwistiko sa Pilipinas
I. LA YUNING TIY AK
Nailalarawan ang Pilipinas batay sa sakop nitong teritoryo
Na i p a l i l i wa na g a ng p r o b i s y o n ng Sa l i g a ng Ba t a s ng 1987
tungkol sa teritoryo ng bansa
Naipaliliwanag ang Doktrinang P angkapuluan at ang Exclusive
Economic Zone
N a s u s u r i a n g e p e k t o n g p a g k a k a r o o n n g D o k t r i n a n g
P angkapuluan sa mga pulu-pulong bansa tulad ng Pilipinas
Naipaliliwanag ang paghahati ng Pilipinas sa mga rehiyon
N a b i b i g y a n g - h a l a g a a n g r e h i y o n a l i s a s y o n n g P i l i p i n a s a t
Doktrinang P angkapuluan
Nalalagyanng tanda ang mga lalawiganna sakop ng iba t ibang
rehiyon sa mapa ng Pilipinas
Na s us ur i a ng p a g k a k a ha t i - ha t i ng Pi l i p i na s s a i b a t i b a ng
pangkat-etnolinggwistiko
II. P AKSA
P ambansang teritoryo at rehiyonalisasyon ng Pilipinas
DoktrinangP angkapuluan
Exclusive Economic Zone
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Atasan ang mga mag-aaral na puntahan ang i-learn.vibalpublishing.com at
i-search ang 'konsepto' at 'kasaysayan' upang gawin ang Click & Match:
Mga Konsepto ng Pag-aaral ng Kasaysayan. Bilang guro, ito ay
maaari ring ma-access sa i-teach.vibalpublishing.com. Sa pamamagitan ng
gawaing Click & Match, matutulungan ang mga mag-aaral na maiugnay at
matandaan ang mga konseptong kakailanganin sa pag-aaral ng Kasaysayan.
Banghay-aralin sa Araling Panlipunan II 89
Banghay-Aralin sa Pagtuturo
ng Araling Panlipunan II
(KASAYSAYAN NG ASYA)
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
90 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan II
YUNIT I Heograpiya ng Asya
LAYUNING PANLAHAT
Naipamamalas ang pang-unawa at pagpapahalaga sa kaugnayan
ng heograpiya sa kultura at kasaysayan ng mga tao sa mga bansang
Asyano.
Aralin 1 Katangiang Pisikal ng Asya
I. LAYUNING TIYAK
Natutunton sa mapa o globo ang mga hangganan ng Asya
Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating
heograpiko ng Asya Silangang Asya, Timog-Silangang Asya,
Timog Asya, Kanlurang Asya, Hilaga o Gitnang Asya
Natutukoy ang mga bansang kabilang sa bawat rehiyon at ang
lokasyon nito sa globo
Nailalarawan ang mga katangian ng kapaligirang pisikal sa
bawat rehiyon ng Asya
Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga katangiang pisikal
ng Asya
II. PAKSA
Katangiang pisikal ng Asya
Mga rehiyon sa Asya
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Magpaskil sa pisara ng mga larawan tungkol sa Yunit I.
Magtanong sa mga ipinapahayag ng mga larawan at magbigay
ng paunang salita tungkol sa nilalaman ng yunit.
B. Paglinang ng Aralin
1. Pag-aalis ng Sagabal
Ipabigay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita:
a. kapaligirang pisikal e. heograpiya
b. topograpiya f. rehiyon
c. kontinente g. klima
d. panahon
2. Pagganyak
Magpabanggit ng mga bansa sa Asya. Itanong kung ano
ang nalalaman ng mag-aaral sa mga bansang binanggit.
3. Mga Mungkahing Estratehiya
a. Ipaskil ang mapa ng daigdig at mapa ng Asya.
Ipatunton sa mapa ng daigdig ang mga kontinente.
Habang ginagawa ito ng ilang mag-aaral, ipabasa sa
iba ang talahanayan tungkol sa mga kontinente at
kabuuang sukat ng bawat isa. Batay sa ipinakikita sa
mapa at sa talahanayan, ipalarawan sa mga mag-aaral
ang Asya.
b. Ipabanggit sa mga mag-aaral ang anim na rehiyon
ng Asya. Hayaan na mailarawan nila ang hangganan
ng bawat rehiyon. Ipatukoy rin sa mapa ang mga
bansang bumu buo sa bawat rehiyon. Pagkatapos nito,
magpabuo ng konsepto ng Asya batay sa paghahating
heograpiko nito.
Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng Kasaysayan ng Asya
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
Banghay-aralin sa Araling Panlipunan II 91
c. Ipagawa ang pangkatang talakayan tungkol sa mga
katangiang pisikal ng anim na rehiyon ng Asya.
Gumamit ng mga larawan, graphic organizer,
talahanayan ng klima, topograpiya, at iba pang
katangiang pisikal.
C. Pangwakas na Gawain
1. Pagbubuod
Magpabuo ng paglalahat batay sa paksang tinalakay.
Maaari ng gumami t ng al i nman sa mga graphic
organizer para sa pagsasagawa nito.
Halimbawa, maaaring gumamit ng bubble map o
fact storming web ng mga rehiyon sa Asya at palagyan ng
mga salita ang mga guhit o bilog na nakapalibot sa bawat
rehiyon na maglalarawan sa mga katangiang pisikal ng
bawat rehiyon sa Asya.
2. Paglalapat/Pagpapahalaga
Ipasagot ang sumusunod na mga tanong:
a. Paano makatutulong ang paghahating heograpiko
ng Asya sa pagkakaisa at pag-unlad ng rehiyon?
b. Paano iuugnay ang sumusunod na sipi sa Asya?
Pagkakaisa sa gitna ng Pagkakaiba.
3. Paglinang ng Natatanging Kakayahan
Magpaguhit sa bawat anim na pangkat ng mapa ng
rehiyong tinalakay. Pakulayan ang bawat bansa sa rehiyon.
4. Pagpapayaman ng Aralin
Magpasaliksik tungkol sa pag-aangkop ng ilang bansang
Asyano sa naiiba nilang uri ng klima.
5. Gawaing Remedyal
Gumawa ang guro ng balangkas ng paksang tinalakay
ng bawat pangkat. Ipabuo ang detalye ng balangkas sa
mga pangkat.
6. Ebalwasyon
Punan ang patlang upang mabuo ang pangu ngusap.
1. Ang Asya ay binubuo ng ______ rehiyon. (limang)
2. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyon ng ______
Asya. (Timog-Silangan)
3. Ang bansa na itinuturing na pinakamalaking
arkipelago sa mundo ay ang ______ . (Indonesia)
4. Ang uri ng klima ng Pilipinas ay ____________.
(equatorial/tropical)
5. Ang Saudi Arabia, Iraq, at Iran ay nabibilang sa
rehiyon ng ______ Asya. (Timog-Kanluran)
IV. TAKDANG-ARALIN
Ipasagot ang sumusunod na mga tanong bilang paghahanda
sa susunod na aralin:
1. Ano ang mga katangian ng yamang likas ng mga rehiyon
sa Asya?
2. Paano naaapektuhan ng mga suliraning pangkapaligiran
tulad ng pagkasira ng lupa, suliranin sa solid waste,
pagkawala ng biodiversity, polusyon sa tubig at pagkawasak
ng kagubatan ang paghahanapbuhay at uri ng pamumuhay
ng mga Asyano?
Aralin 2 Yamang Likas ng mga Rehiyon sa Asya
I. LAYUNING TIYAK
Nasusuri ang mga katangian ng yamang likas ng mga bansang
Asyano
Natataya ang mga yamang likas ng mga rehiyon sa Asya
Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at
yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano
noon at ngayon sa larangan ng agrikultura, ekonomiya,
panahanan, at kultura
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
92 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan II
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa mga yamang likas ng
mga bansang Asyano
Nakikilahok sa pangangalaga ng mga yamang likas
II. PAKSA
Yamang likas ng mga rehiyon sa Asya
Mga katangian ng yamang likas ng mga bansa
Implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng mga
rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano
Mga paraan ng pangangalaga ng yamang likas
Mga suliranin ng mga bansa sa paglinang ng yamang likas
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Gawin ang map drill ng mga rehiyon at bansa sa
Asya.
2. Balik-Aral
Itanong: Ano ang kaugnayan ng katangiang pisikal sa
uri ng pamumuhay ng mga Asyano?
B. Paglinang ng Aralin
1. Pag-aalis ng Sagabal
Gamitin ang sumusunod na mga salita sa pangungusap.
Pagkatapos ay ipabigay sa mga mag-aaral ang kahulugan
nito batay sa konteksto nito sa pangungusap.
a. yamang likas c. industriya
b. agrikultura d. produkto
2. Pagganyak
Magpakita ng mga larawan o video ng yamang likas ng
Asya tulad ng mga halaman, hayop, at mineral. Magpabigay
ng reaksyon sa mga nakita.
3. Mga Mungkahing Estratehiya
a. Ipagawa ang pangkatang pagsusuri ng mga katangian
ng yamang likas ng mga bansa sa mga rehiyon sa Asya.
Gumamit ng mga larawan at graphic organizer tulad
ng cluster at bubble map. Ipaulat sa buong klase ang
ginawang pagsusuri ng bawat pangkat.
b. Batay sa ginawang pagsusuri, talakayin ang mga
yamang likas ng mga rehiyon sa Asya.
c. Magtanghal ng dula-dulaan ang apat na pangkat
tungkol sa implikasyon ng kapaligirang pisikal at
yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga
Asyano noon at ngayon sa larangan ng:
agrikultura panahanan
ekonomiya kultura
d. Magpagawa sa bawat pangkat ng talahanayan tulad ng
nasa ibaba tungkol sa mga bansa sa rehiyong tinalakay.
Papunan ang talahanayan at magtalakayan sa sinasaad
nito. Magpabuo ng konklusyon batay sa nakalahad sa
talahanayan. Iulat sa buong klase ang ginawa ng bawat
pangkat. Magpabigay ng reaksyon sa inulat.
Bansa
Uri ng Kapaligirang
Pisikal
Yamang Likas Antas ng Kaunlaran
e. Magpadala ng mga news clipping, artikulo, at editorial
na may kaugnayan sa paksang aralin. Talakayin ito sa
klase.
f. Magtanghal ng debate tungkol sa paksang, Ang
Yamang Likas ang Susi sa Pag-unlad ng Bansa.
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
Banghay-aralin sa Araling Panlipunan II 93
C. Pangwakas na Gawain
1. Pagbubuod
Magpabuo sa bawat pangkat ng isang konklusyon
at tatlong katotohonan (facts) na susuporta sa binuong
konklusyon.
2. Paglalapat/Pagpapahalaga
Ipakwento sa isa o dalawang mag-aaral ang isang
pangyayari na kinasangkutan nila tungkol sa suliranin sa
yamang likas. Ipasadula naman sa ibang mag-aaral ang
solusyon sa suliranin. Magpabigay ng reaksyon sa solusyong
isinadula.
3. Paglinang ng Natatanging Kakayahan
Magpagawa ng slogan tungkol sa kahalagahan
ng yamang likas ng mga bansa.
4. Pagpapayaman ng Aralin
Magpasaliksik tungkol sa natatanging yamang likas
ng ilang mga bansa. Ipabahagi sa klase ang mga nakalap
na impormasyon.
5. Gawaing Remedyal
Isagawa ang joint storytelling tungkol sa paksang aralin.
6. Ebalwasyon
Tayahin ang ipinakitang gawain ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng rubric. Basahin ang halimbawa na nasa
pahina.
IV. TAKDANG-ARALIN
Ipasagot ang sumusunod na mga tanong bilang paghahanda
sa susunod na aralin:
1. Bakit nagkakaroon ng suliraning pangkapaligiran ang mga
Asyano?
2. Paano nakaaapekto ang mga suliraning pangkapaligiran
sa pamumuhay ng mga Asyano?
3. Paano nilulutas ng mga Asyano ang mga suliraning
pangkapaligiran?
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
Banghay-aralin sa Araling Panlipunan III 163
Banghay-Aralin sa Pagtuturo
ng Araling Panlipunan III
(KASAYSAYAN NG DAIGDIG)
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
164 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan III
YUNIT I Ang Simula ng Kabihasnan
LAYUNING PANLAHAT
Naipamamalas ang pag-unawa sa kinalaman ng heograpiya
sa pamumuhay ng sinaunang tao sa daigdig
Aralin 1 Mga Teorya sa Pinagmulan ng Daigdig
I. LAYUNING TIYAK
Nasusuri ang mga teoryang siyentipiko at pahayag mula
sa Bibliya tungkol sa pinagmulan ng daigdig
Nabibigyang-puna ang mga teorya tungkol sa pinagmulan
ng daigdig
Naipahahayag ang sariling paniniwala tungkol sa pinagmulan
ng daigdig
Naipamamalas ang paggalang sa mga paniniwala ng ibang tao
tungkol sa pinagmulan ng daigdig
Nakalilikom ng mga artikulo tungkol sa pinakahuling tuklas sa
pag-aaral at pagsasaliksik tungkol sa pinagmulan ng daigdig
II. PAKSA
Mga teorya sa pinagmulan ng daigdig
Teoryang siyentipiko
Teoryang makarelihiyon
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Magbigay ng maikling paliwanag tungkol sa nilalaman ng
Yunit I. Maaaring gumamit ng mga larawan at balangkas ng
yunit. Maaari din lumahok ang mga mag-aaral sa pagtalakay
tungkol sa kanilang nalalaman sa paksa.
B. Paglinang ng Aralin
1. Pag-aalis ng Sagabal
Ipabigay ang kahulugan ng sumusunod na mga
konsepto:
a. teorya
b. Creationist
c. kondensasyon
2. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng daigdig. Itanong kung ano
ang paniniwala ng mga mag-aaral tungkol sa pinagmulan ng
daigdig. Magkaroon ng maikling talakayan tungkol dito.
3. Mga Mungkahing Estratehiya
a. Ipagawa ang padulang pagbabasa ng Bibliya. Tingnan
ang nilalaman nito sa Genesis 1:1-3. Itanong sa mga
mag-aaral kung ano ang naramdaman habang ito ay
binabasa at ang epekto nito sa kanilang paniniwala sa
pinagmulan ng daigdig.
Ipangkat sa dalawahan ang mag-aaral. Ipabahagi sa
kapareha ang kanilang naramdaman tungkol sa binasa
at gayundin ang epekto nito sa sarili. Pagkatapos ay
tumawag ng ilang mag-aaral na makapagbibigay ng ulat
sa klase tungkol sa naganap na pagbabahagi.
b. Ipagawa ang kunwaring pagpupulong ng mga siyentista
na mag-uulat tungkol sa nabuo nilang teorya sa
pagkabuo ng daigdig. Magpalitan ng kuru-kuro ang
pangkat tungkol sa kanilang mga teorya.
C. Pangwakas na Gawain
1. Pagbubuod
Ipabuod ang paksang tinalakay sa pamamagitan
ng pagpapagawa ng rebus. Mga larawan at simbolo
ang ipagamit sa paggawa nito sa halip na mga salita.
Banghay-Aralin sa Pagtuturo
ng Kasaysayan ng Daigdig
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.
Banghay-aralin sa Araling Panlipunan III 165
2. Paglalapat/Pagpapahalaga
Itanong: Naniniwala ba kayo sa teoryang makarelihiyon
tungkol sa pinagmulan ng daigdig? Kung gayon, dapat pa
bang gumawa ng pananaliksik ang mga siyentista tungkol
sa pinagmulan ng daigdig?
3. Paglinang ng Natatanging Kakayahan
Magpaguhit ng mga larawan tungkol sa mga teorya na
pinagmulan ng daigdig.
4. Pagpapayaman ng Aralin
Magpasaliksik ng mga artikulo tungkol sa pinakahuling
tuklas ng mga siyentista sa pinagmulan ng daigdig.
5. Gawaing Remedyal
Maghanda ng question web at ipasagot ito sa mga
mag-aaral.
6. Ebalwasyon
Sa isang sagutang papel, ipaliwanag ang mga teoryang
makarelihiyon at makaagham tungkol sa pinagmulan
ng daigdig.
IV. TAKDANG-ARALIN
Ipasagot ang sumusunod na mga tanong bilang paghahanda
sa susunod na aralin:
1. Ano ang mga katangiang pisikal ng daigdig na angkop
bilang tirahan ng tao?
2. Ano ang mga teorya tungkol sa pinagmulan ng mga
kontinente?
3. Paano mapangangalagaan ang daigdig bilang tirahan
ng tao?
4. Bakit mahalaga ang heograpiya sa kasaysayan?
Aralin 2 Katangiang Pisikal ng Daigdig
I. LA YUNING TIY AK
Nailalarawan ang mga katangiang pisikal ng daigdig
Nasusur i ang kat angi ang pi si kal ng dai gdi g bi l ang t i r ahan
ng tao
Naipaliliwanagangmgateoryatungkol sapinagmulanngmga
kontinente
Naipaliliwanagangkahalagahanngheograpiyasakasaysayan
Naimumungkahi angmgaparaanngpangangalagasadaigdig
bilang tirahan ng tao
Nakalilikom ng mga larawanng katangiang pisikal ng daigdig
na angkop na tirahan ng tao
Nakaguguhit ng larawan tungkol sa daigdig
II. P AKSA
Katangiang pisikal ng daigdig
Mga teorya ng pinagmulan ng mga kontinente
Kahalagahan ng heograpiya sa kasaysayan
Mga paraan ng pangangalaga sa daigdig
III. P AMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Picture Drill. Magpabigay sa mga mag-aaral ng isang
maikling pangungusap sa bawat larawang ipakikita.
2. Balik-aral
Itanong: Alin sa mga teorya tungkol sa pinagmulan
ng daigdig ang dapat paniwalaan? Bakit?
This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

You might also like