Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tilamsik ng Sining Kapayapaan (bahagi lamang) ni Magdalena O.

J ocson

Pilipinas, mapalad ka sa muling pagsilang. Ang panahon ng kababalaghan ay hindi pa lumilipas. Hindi ang kababalaghan
ng panandaliang lunas kundi ang kababalaghan ng masidhing pagbabagong-bihis na dumatal sa puso ng bawat Pilipino.
Ang lahing kayumanggi ay may bago nang pagkakilala sa sarili. Sa bawat pag-aasam natin ng kapayapaan, maraming
nagsisilbing daan upang ganap na magkaroon ito ng katotohanan. Nariyan ang armas na pakikibaka, tilamsik ng panulat,
maramdamin at makabayang awitin, at matatalim na pananalita na lubhang parang lason at apoy na kumakalat sa buong
sambayanan. Hindi pahuhuli ang maindayog at makabuluhang pagsasayaw na sa bawat kampay at tikwas ng mga daliri sa
kamay at galaw ng buong katawan ay pilit na ipinararating ang diwang nais ipahiwatig. Isama pa natin ang ibat ibang
guhit sa kanbas, mga lilok mula sa kahoy, mga maniking pilit na binubuhay sa pamamagitan ng mga hugis sa metal at iba
pa. Lahat ng binanggit ay nagsilbing tulay upang ang kapayapaan mula sa magigiting nating mga bayani sa panahon ng
mga Raha, sa panahon ng mga propagandista at rebolusyunaryo at higit sa lahat sa panahon ng SAMBAYANANG
PILIPINO, hindi abottanaw lamang ang pagkakamit ng kalayaan kundi isang nagpupumiglas na katotohanan
na mayayakap na natin siya. Dalawang makasaysayang pangyayari ang nagpatunay na ang mga Pilipino ay mga tao sa
mundo na gumamit ng mga mapayapang paraan hindi ang paggamit ng tabak o baril ang magiging kasagutan upang
makamit ang tinatawag na kalayaan. Makapangyarihang aspekto ang sining na magpahatid ng adhikaing makamtan ang
kapayapaan sa bagong siglo. Ayon nga kay Lord Macaulay, Ang sining ay isang panggagagad. May ibig na tuklasin. At
ang ibig tuklasin nito ay ang bumabalot na GANDA sa isang likha ng tao, na maghatid ng damdamin, kaalaman, at
kagandahang-asal ng isang tao. Papaano ba nakamit ng ating mga ninuno ang kapayapaan sa bawat balangay na
sinasakupan nila? Ito ay sa tulong ng sining. Ang umalohokan ang buong husay na naghahatid ng mga mensaheng
kailangan ng bawat mamamayang Pilipino. Siya ang isa sa nagbabadya ng pagkakaroon ng panganib ng pagkawala ng
kapayapaan. Maririnig din ang tunog ng tambuli na isa sa mga etnikong instrumento ng ating bansa upang bigyang babala
ang mga mamamayan sa haharaping
panganib. May kasabihan ngang ang mga Pilipino ay inugoy sa duyan ng mga berso at ito ay napatunayan sa
pamamagitan ng mga awiting-bayan. Sa pag-aasam pa rin ng kapayapaan, ginamit ni Rizal at ng iba pang propagandista
tulad nina Marcelo H. del Pilar, at Graciano Lopez Jaena ang tilamsik ng kanilang panulat at tapang ng dila upang
ipahayag ang tunay na nararamdaman ng mga Pilipino sa pagtatamo ng kapayapaan na pilit na sinasagka ng mga Insulares
at Peninsulares. Taliwas naman ang paniniwala ni Bonifacio na kailangan ang isang armadong pakikibaka hindi lamang
ang bagsik ng panulat upang makamit ang tawag na kapayapaan. Kayat sa pag-aalimpuyo ng kaniyang damdamin,
masining niyang isinulat at ipinarinig ang tula niya tungkol sa Pag-ibig sa Tinubuang Lupa na gumising sa natutulog na
damdamin ng mga Pilipino noong panahong iyon. Tila walang pagod ang sining na magbigkis sa pagtatamo ng
kapayapaan. Sa bawat tilamsik ng kaniyang layunin na maisagawa ang isang makabuluhang bagay, pilit na para siyang
ibon na iigkas at hahawarin ang lahat ng balakid sa kaniyang landas tungo sa KAPAYAPAAN. Gayunpaman, taong 1986,
ng ang mga mamamayang Pilipino ay buong giting na nakipaglaban sa diktador. Napatalsik ang diktador at nailuklok ang
isang babae na siyang naging daan upang ang inaasam na pagbabago sa ganap na kapayapaan ay makamit na.
Narinig natin ang maramdaming panawagan ng mga taong may malaking malasakit upang iligtas ang bansa sa kumunoy
ng pagkakadapa. Mahuhusay na paraan ngpagsasalita ang maririnig sa radyo, napapanood sa telebisyon, masasaksihan ng
aktuwal sa itinayong tanghalan sa makasaysayang EDSA ang tamis ng bawat pananalita ng buong SAMBAYANAN. Mga
awit na punung-puno ng damdamin para sa bayan. Ginampanan
ito ng mga alagad ng sining mula artista sa pelikula, mga mang-aawit, ordinaryongmamamayan, elitista, masa, bata, at
matanda na buong pagpupugay na ibinigay ang kakayahan nila sa pagnanasa ng pagkakaroon ng kapayapaan. Nagtanghal
din ng ilang madudulang bahagi ng kasaysayan na pilit nating binabaka ngunit nagpapatunay naman ng ating kagitingan.
Mula sa dahon ng People Power I, umusbong muli ang People Power II. Muli, ang bida ay ang SAMBAYANANG
PILIPINO. Sa pamamagitan ng kanilang malikhaing
pagtatanghal ng ibat ibang uri ng sining, muling nagtali ang pusod ng bawat mamamayan na muling nangulila sa tawag
ng KAPAYAPAAN. Nanguna ang ilan nating mga artista sa pelikula, artista sa politika, artista ng tahanan, artista ng
paaralan, artista ng kalsada, artista ng simbahan, at artista ng SAMBAYANAN na hadlangan sa ikalawang pagkakataon
ang sinumang pilit na pinapatay ang kalayaan at kapayapaan ng bansa. Nagkaroon ng
kaganapan ang Vox populi, Vox Dei. Ang tinig ng Diyos ay ang tinig ng bayan. Huwag tayong malungkot at mangamba,
kapayapaan ay nakangiti sa Perlas ng Dagat
Silangan. At sa bawat tilamsik ng sining, sandata itong nagbabantay upang ang kapayapaan
sa kasalukuyan at sa darating pang mga taon ay hindi na maaagaw at pagsasamantalahan
ng mga makasariling mamamayan nito.

You might also like