Si Alexander III o mas kilala sa tawag na Alexander
the great ay isang hari ng sinaunang griyego ng Macedonia. Ipinanganak siya noong 356 B.C. sa Pella, na siyang punong lungsod ng Macedonia. Sinundan niya ang yapak ng kanyang ama na si haring Philip II pagkatapos ng asasinasyon nito noong 336 B.C. Siya ay namatay sa Babylonia noong 323 B.C. sa edad na 32 anyos.
Sinasabing namatay si Alexander sa dahilan ng pagkakasakit ng malaria, typhoid fever at encephalitis. Ang iba naman ay nagsasabing nilason sa Alak si Alexander ng mga kumakalaban sa kanya. Nakapag asawa siya ng dalawang prinsesa sa magkaibang bayan; Si prinsesa Roxana ng Bactria, at si prinsesa Stateira ng Persia (anak ni haring Darius III).
Bagaman wala siyang anak na tagapagmana noong siya ay mamatay, kinuha ng mga heneral ni Alexander ang isang marangal na lalaki na kapangalan ni Alexander, Alexander IV ang pangngalan niya. Walang relasyon si Alexander III kay Alexander IV, kinuha lang ng mga heneral si Alexander IV bilang pag alala sa dakilang si Alexander III.
Ang pangngalan ni Alexander ay tumatak sa Kasaysayan ng Pandirigma, una dahil sa malawakang pagsakop nito sa iba't ibang mga lugar sa daigdig, at pangalawa na hindi siya natalo sa kahit anong digmaang kinaharap niya. Siya ay ginawang isang makasaysayang bayani ng buong Macedonia noong mamatay siya sa pamamaraan na tradisyon ni Achilles.