kaibigan ko na lahat nang tao ay may karapatang mag salita kung ano ang kanilang saloobin. Pero ewan ko ba pag sa pamilya ko hindi ko nasasabi kung ano yong tunay kong nararamdaman at yong pag dedesisyon para sa sarili. Kasi nararamdaman ko na bawal ako mag salita, yung parang bawal ka pa mag salita kasi baka mali yong masabi mo, baka masabihan kanila na marunong ka ng sumagot sagot. Kaya mga piling salita lang ang sinasabi ko sa kanila o di kaya nanahimik na lang ako kadalasan. Kung may karapatan ang isang tao, syempre may kaakibat yan na tungkulin. Sabi nga ni Peter Parker, With great power comes great responsibility. pero dahil ako ay nag-aaral pa ang aking tungkulin ay hindi pa masyadong kabigatan. Ang ilan sa mga tungkulin ko ay; Pagsunod sa takdang oras ng pagpasok sa eskuwelahan, Pagsunod sa tamang kasuotan sa paaralan at kung saan may hiniling na tamang pananamit, Pagbibigay-galang sa bawat isang nilalang, atb.