Mga Teorya Sa Pagbasa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Christian R.

Gonzales BS Psychology 2-B



Iba`t-ibang pananaw sa Proseso ng Pagbasa

Ang Teoryang Bottom-up, Teoryang Top bottom, Teoryang Interaktib, at ang Teoryang
Iskema

Teoryang Bottom-up -> ay ang tradisyunal na pananaw sa pagbasa na bunga ng
impluwensya ng teoryang behaviorist at higit na binibigyang pokus ang
kapaligiran sa paglinang ng pag-unawa sa pagbasa. Inilalarawan ng teoryang ito
na ang pagbasa ay nagsisimula sa mga input na grapiko o stimulus, Halimbawa,
ang mga letrang bumubuo ng mga nakalimbag na salita. Malinaw na masisilip sa
teoryang bottom-up na ang pagbasa ay nagsisimula sa sintesis ng mga letra
upang makabuo ng salita, mga salita sa pagbuo ng mga pangungusap hanggang
sa makabuo nang sapat na rami ng teksto na mabibigay daan sa tagabasa upang
maunawaan kung ano ang isinulat ng isang autor.

Teoryang Top bottom -> binibigyang-diin ng teoryang "top-down" na ang
pagbasa ay nagsisimulasa isipan ng tagabasa dahil ang dating kaalaman niya ang
magpapasimula ng pagkilala niya sa teksto at kung wala ito, hindi niya
mabibigyan ng kahulugan ang anumang babasahin sina Smith at Godman ang
pinakamasugid na tagataguyod ng teoryang "top-down". Naniwala sila na ang
mahusay na pagbabasa ay iyong pagpapakahulugan sa teksto na gumagamit ng
kakaunting oras at panahon sa pamamagitan ng pagpili ng mga makabuluhang
hudyat (cues) at mga impormasyon mga na makakatulong sa pagbuo ng
kahulugan sa teksto.

Teoryang Interaktib -> ang teoryang ito ay naniniwala na ang teksto ay
kumakatawan sa wika at kaisipan ng autor at sa pag unawa nito, ginagamit ng
mambabasa ang kanyang kaalaman sa wika at sariling konsepto o kaisipan. Dito
nagaganap ang interaksyon ng mambabasa at ng autor. Ang interaksyong
nagaganap ay may dalawang direksyon (bi- directional) gaya ng binabangit sa
itaas.

Teoryang Iskema -> ay paglilinaw sa organisasyon at saa pag-imbak ng ating
dating kaalaman at sa mga karanasan. Ayon sa teoryang iskema, ang lahat ng
ating natuturan at karanasan ay nakalagak sa isipan at maayos na nakalahad
ayon sa kategorya. Ang mga iskimang ito ay patuloy na nadaragdagan, nalilinang,
napaunlad at nababago at ginagamit natin sa pag-uugnay ng at anumang bagong
karanasan.

You might also like