Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

Paggamit ng Netbook sa Paaralan ng St.

Clare College, Caloocan City


sa Taong Panuruan 2013-2014:
Isang pananaliksik

Ni/Nina
Ruby Laine A. Fuentes
James B. Fulgencio
Caryl Faith E. Hererra
Cleofe Mae O. Lasic
Luthgarda C. Leonardo
Ma.Eloisa Lyn P. Lubrino
Jaspher Mae V. Mamorno
Maria.Elena Cristina B. Marcos

Batsilyer ng Siyensa sa Edukasyon
Medyor Sa Filipino

Eulogio Amang Rodriguez
Institusyon Ng Siyensa at Teknolohiya
Nagtahan, Sampaloc Maynila
Dahon ng Pagpapatibay

Bilang bahagi ng gawaing kailangan sa pagtatapos sa titulo ng Batsiler ng Sekundaryang
Edukasyon, Medyor sa Filipino ang pananaliksik na ito ay pinamagatang PANANAW NG MGA
MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG NETBUK SA PAARALAN NG ST. CLAIRE COLLEGE, CALOOCAN
CITY SA TAONG PANURUAN 2013-2014 ay ihiharap nina;

Rubylaine A. Fuentes
James B. Fulgencio
Caryl Faith Herrera
Cleofe Mae O. Lasic
Luthgarda C. Leonardo
Ma. Eloisa lyn P. Lubrino
Jaspher Mae V. Mamorno
Maria. Elena Cristina B. Marcos

At ngayon ay itinagubilin ng lupon ng tagapayo sa kaukulang pagsusuring pasalita.


Baby Lyn J. Conti, Ed.D.
Tagapayo

ABSTRAK

Pamagat: Paggamit ng Netbook sa Paaralan ng St. Claire College, Caloocan City sa
Taong Panuruan 2013-2014.
Mananaliksik: James Fulgencio, Ruby Laine Fuentes, Caryl Faith Herrera, Cleofe Mae
Lasic, Luthgarda Leonardo, Ma. Eloisa Lyn Lubrino, Jaspher Mae Mamorno, Ma.Elena
Cristina Marcos
Institusyon: Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology
Tagapayo: Gng. Baby Lyn J. Conti

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang ibat ibang pananaw ng mga
mag-aaral ng St. Claire College sa lungsod ng Caloocan ukol sa kanilang pananaw sa
paggamit ng netbook sa pag-aaral.
Sa pananaliksik na ito, ginamit ang paraang descriptive survey kung saan
gumawa ang mga mananaliksik ng mga talatanungan na siyang ipinasagot sa mga
respondanteng mag-aaral ng St. Claire College upang makalap ang mga datos sa ibat
ibang pananaw na hinain ng mga mananaliksik.
Batay sa kinalabasan ng pag-aaral at pagsagot ng mga respondante sa mga
tanong, maraming mag-aaral ng St. Clare College sa Caloocan City ang sumasang-
ayon sa paggamit ng netbook sa kanilang klase sapagkat ayon sa kanilang mga
pananaw, ang netbook ay higit na makatutulong sa kanilang pag-aaral. Mas
mapupukaw ang kanilang interes at mas magiging konkreto ang iiwang detalye ng
kanilang tinalakay sa kanilang kaisipan




PAGHAHANDOG


Lubos ang pasasalamat ng Ikalimang grupo, sa mga inspirasyon at mga
naging bahagi ng riserts na ito. Una sa lahat nagpapasalamat kami sa Poong
Maykapal na siyang nagbigay ng tatag at lakas sa amin. Sa kanyang pag-iingat at
paggabay sa aming mga Gawain sa araw-araw at sa mga biyayang walang
hanggan na siyang nangunguna na nagging dahilan ng aming pananatili samundong kanya
ng nilikha.

Sa aming mga magulang na walang sawa sa pagsuporta sa aming pag-
aaralal pagbibigay sa lahat ng suportang moral maging pinansyal, upang kami ay
makapanaliksik nang maayos at para maipagpatuloy ang aming pag-aaral.

At higit sa lahat, sa aming pinakamamahal, kagalang-
galang at mabaitnaming propesor, Gng. Baby lyn J. Conto na walang sawang gumabay sa
aming pag-aaral sa asignaturang Filipino. Gayundin sa bawat kasapi ng aming
pangkat na nagbigay at nagbuhos ng oras at pagod upang ang pananaliksik na ito ay
maisakatuparan.

Maraming Salamat po!

\

KABANATA 1
Ang Suliranin at Kaligiran nito
Panimula

Ang paaralan ay isang institusyong panlipunan kung saan hinuhubog nito ang
kaalaman ng bawat mag-aaral.

Nililinang ng paaralan ang kakayanang sosyal, emosyonal, pisikal at intelektwal
ng isang indibidwal. Ang tagumpay ng isang tao ay nakasalalay sa paaralan sapagkat
pinagyayaman nito ang kaalamang magamit sa pang araw-araw na buhay. Walang
tutulong sa tahanan kung walang paaralan na mag-aangat sa kalidad na pang moral ng
sambayanan. Kaya mabigat ang responsibilidad ng paaralan upang matupad ang isang
partikular na pangarap at kaisahan sa buhay. Kaugnay nito, nakasalalay sa mga guro
ang kalinangang pinayabong sa paaralan. Ito ang natatanging instrumento upang
maghatid ng mga kasanayan, kaalaman at pagpapahalaga sa isipan ng bawat mag-
aaral. Dito rin nakasalalay ang ikapapanuto ng isang mag-aaral. Isang hamon sa isang
guro kung paano niya magaganyak na matuto ang mga mag-aaral. Sa larangan ng
pagtuturo, hindi maitatanggi na ang guro ay isa sa pinakamahalagang instrumento sa
paaralan sapagkat ang guro ang siyang naghahatid ng kaalaman sa mga mag-aaral.
Sa pananaw na ito, hindi dapat kalimutan ang kahalagahan ng karunungang inihahatid
ng guro, ang kapaligiran, at mga bagay-bagay na nagpapabilis o nagiging sagabal sa
pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa pagpapahalagang ito, pumapasok ang pagsasaalang-
alang ng pagpili ng kagamitang pampagtuturo sa pagpaplano ng mga kilos ng isang
guro upang maalis ang mga suliranin sa mabilis at mabisang pagkatuto ng mag-aaral.
Ang matagumpay na pagtuturo ay nakasalalay sa kahandaan ng mag-aaral.

Sa kasalukuyang panahon kung saan umuusad ang maugong na pag-unlad ng
teknolohiya, naging bahagi na rin ang mga guro sa paggamit ng teknolohiya bilang
kagamitang pampagtuturo na masasabing isang mabisang instrumento ng isang guro
sa paghahatid ng kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa asignatura o paksang
tinatalakay. Kung kaya mapupuna na kalimitan sa mga guro sa kasalukuyan ay alipin
na rin ng teknolohiya. Ang mga kabataan ang tuwirang nakikinabang at gumagamit nito.
Kung iisipin, madaling makuha ng guro ang atensyon ng mag-aaral sa pakikinig kung
may overhead projector at laptop o netbuk ang gagamitin sa pagtuturo bilang pamalit sa
tradisyunal na kagamitang pampagtuturo tulad ng visual aids kung saan ang araling
paksa ay dito nakalimbag. Sa bahaging ito, pinatutunayan lamang kung gaano kasining
ang pagtuturo ng isang guro sa larangan ng teknolohiya.

Ang teknolohiya ay nagkaroon ng malaking bahagi sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga tao mula nang ito ay naisilang at napayabong. Kaya hindi
maikakaila na may malaking epekto ito sa buhay ng bawat isa dahil mas napapagaan at
napapabilis nito ang trabaho ng mga tao, maging saan mang lugar ay ginagamit ang
mga makabagong kagamitan na produkto ng teknolohiya. Ngayon ay ginagamit na rin
ito sa pagtuturo gaya ng paggamit ng Microsoft powerpoint presentation na isang
aplikasyon ng kompyuter, LCD (liquid crystal display), projector at marami pang iba.
Ginagamit ng maraming guro ang mga makabagong kagamitang pampagtuturong ito
upang pataasin ang antas ng kalidad ng ating edukasyon. Ang pag-usad ng
perpormans ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglinang sa paggamit ng
teknolohiya bilang kagamitang pampagtuturo ay nagpapakita lamang ito ay may
mahalagang gampanin sa ating lahat.

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang: Pananaw ng mga estudyante sa
paggamit ng netbook sa Pribadong Paaralan ng St. Clare College, Caloocan City 2013-
2014. Ito ay may layuning tuklasin o alamin ang mga pananaw ng mga estudyante sa
paggamit ng mga guro ng netbook bilang makabagong kagamitan sa pagtuturo sa
perpormans ng kanilang mga mag-aaral.

Bilang magiging guro sa hinaharap ay nais mabatid ng mga mananaliksik ang
mga epekto ng elektronikong kagamitang ito sa mag-aaral upang malaman kung mas
nakabubuti ba ang aplikasyon ng teknolohiya sa pagtuturo. Nais rin mabatid ng mga
mananaliksik ang masama at mabuting epekto nito sa mag-aaral at kung nakakaapekto
ba ang mga kagamitang ito sa perpormans ng mag-aaral sa klase.


Balangkas teoretikal
Lipas na ang panahon na ang gamit ng guro sa pagtuturo ay mga teksbuk.
Ngayon ang simula ng mga gurong magtuturo gamit ng kaalaman ng mga mag-aaral sa
daigdig na kanilang ginagalawan. Bilang guro, sila ay nahaharap sa panibagong
dimensyon ng pagtuturo. Isang karaniwang kaalaman na ang guro ay dapat na isaisip
ang kaibahan ng bawat mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay hindi na mababansagan
bilang mabagal, mahina o mabilis matuto. Sila ngayon ang bagong hybrid mula sa
makabagong daigdig na napatibay sa pamamagitan ng marami at iba't ibang
kaparaanang pampagkatuto Laus (2002).
Ang guro ayon kay Kornhaber (2004), na isinasakatuparan ang Mutiple
Intelligences ni Dr. Howard Gardner sa pagtuturo ay makatutulong sa mga mag-aaral
na magpahalaga at magtamo ng mga kaparaanan para sa pagpapahayag sa kanilang
saloobin, kuro-kuro at damdamin at higit sa lahat, pagkakaroon ng kasiyahan sa pag-
aaral. Kaya nga sinabi ni Walter Mc Kenzie na Sa sandaling simulan ang Multiple
Intelligence sa pagtuturo, masisimulan ng guro na bumuo ng isang pangako na maging
tapat sa kanyang sarili, maging bukas sa maraming posibilidad at maging mga
instrumento ng pagbabago. Iminungkahi ni Dr. Gardnerang isang pluralistikong
pananaw na kumikilala sa iba't ibang kakayahang kognitibo at magkakaibang istilo nito.
Ang ganitong pananaw sa katalinuhan ay nagpapahayag na ang isang mag-aaral ay
mayroong iba't ibang set ng katalinuhang maaaring magbunga ng matatalinong gawain.
Nakikita ito sa paraan ng paglutas ng mga suliranin, at paglikha ng iba't ibang produkto
sa iba't ibang sitwasyon at larangan ng buhay Tenedero (1998). Lubhang napakahalaga
ng Multiple Inteligences sa paraan ng tradisyunal na pagtuturo sapagkat ito ang
kasangkapan upang matulungan ang mga mag-aaral na damhin ang paksa, galugarin
ang kabuuan nito at ipakita ang kanilang mga nalalaman at nabuong kaalaman mula sa
paksang pinag-aralan.


Ang kundisyon ng pagkatuto ay nababase sa mga itinuturo ng guro ayon sa
teorya ni Van Merrienboer (2004), kung mahusay ang aplikasyon ng pagtuturo ay
magiging maganda ang kanilang perpormans. Idinagdag pa niya na ang mga
makabagong teknik at kagamitan sa pagtuturo ay isa sa mga daan upang ang proseso
ng pagkatuto ay maging maganda at kapaki-pakinabang. Kabilang na rito ang paggamit
ng netbook bilang isang kagamitang pampagtuturo na kalimitan na ngayong ginagamit
sa mataas na paaralan ng St.Clare College.











Netbuk
bentahe

Balangkas na Konseptwal
















Epekto
TEKNOLOHIYA
Disbentahe
Sa Guro
Mga mag-aaral
1. Nakatutulong ang netbuk upang
mapukaw ang atensyon ng mga
mag-aaral sa itinuturong asignatura.
2. Napapagaan ng netbuk ang
paggamit na biswal na materyales
sa pagtuturo.
3. Nagagamit ang netbuk upang
maipakita ng guro ang mga
presentasyon gaya ng bidyo at iba
pang bunga na limitado sa
tradisyunal na pamamaraan.
1. Ang problemang teknikal gaya ng
pagkasira ng dokumento ay hindi
nakakatulong sa aktwal na
pagtuturo.
2.Hindi nagagamit ng
pangmatagalan kung walang
pinagmumulan ng enerhiya.
3. Naiaasa sa lamang ang lahat ng
dokumento at kaalamang pang-
akademiko sa paggamit ng netbuk.

1. Mas nagiging interesado ang mga
estudyante sa pamamaraang
ginagamitan ng netbuk.
2. Aktibo ang lahat na makinig at
makasabay sa daloy ng diskusyon sa
klase.
3. Mas nagiging malikhain ang
kaisipan ng bawat nag-aaral kung
ito ang gagamitin ng guro sa
pagtuturo.
1. Naisasantabi ang paggamit ng
panulat na papel.
2. Hindi na nabibigyang pansin ang
tradisyunal na paraan ng pagkatuto.
3. Naiaasa na lamang ng lahat ng
mag-aaral ang lahat ng pang-
akademong pamamaraan sa tulong
ng netbuk.









Ang modelong nakalarawan ay nakapokus ang pag-aaral na ito sa mabuti at di
mabuting epekto ng paggamit ng Netbook sa pagtuturo ng mga guro sa mga mag-
aaral/estudyante o mga kabataan ng bagong henerasyon at ang epekto nito sa buong
paaralan. Makikitang tunay na malaki ang nagagawa ng paggamit ng netbuk upang
antas ng edukasyon sa guro, mag-aaral at paaralan ay mapaunlad. Gayundin, nais
nitong ilahad ang mga maaaring maging kabutihan at di magandang maidudulot ng
paggamit ng netbook sa isang indibidwal.



Sa Paaralan
1. Makakasabay ang paaralan sa
pandaigdigang tunggalian sa
larangan ng maayos na pasilidad.
2. Kikilalanin ng mga lokal na
paaralan ang paaralan ng St.Clare
College at magiging modelong
paaralan sa mabisang paggamit ng
netbook.
3. Magiging kaaya-aya ang paaralan
ng St. Clare College dahilan upang
maraming mahikayat na mag-aral sa
paaralang ito.
1. Maraming paaralan ang magiging
katunggali ng paaralan ng St. Clare
College sa laragan ng maayos na
pasilidad.
2. Tataas ang pagkonsumo sa
elektrisidad dahil ang netbuk ay
isang elektronikong kagamitan.



Paglalahad ng suliranin
Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang pananaw ng mga estudyante sa
paggamit ng netbook sa paaralan ng St. Clare College, Caloocan City sa taong
panuruan 2013-2014.
Upang malinaw ang pag-aaral, tiniyak ng mananaliksik ang mga sumusunod:
1.) Ano-ano ang ibat ibang pananaw ng mag-aaral sa St. Clare College sa paggamit
ng netbuk batay sa:
1.1 Kalidad ng Pagtuturo
1.2 Metodolohiya sa Pagtuturo
1.3 Approaches
1.4 Teknik ng pagtuturo ng guro
1.5 Stratehiya ng pagtuturo ng guro

2.) Paano nakatutulong ang paggamit ng Netbuk sa pag-aaral ng respondent batay
sa:
2.1 Paggawa ng asignatura
2.2 Pagsusulit (Quizes, longtest, Major Exams)
2.3 Recitation
2.4 Seatwork
2.5 Paggawa ng Proyekto

3.) Ano ang naging epekto ng paggamit ng Netbuk sa pag-aaral ng respondent ayon
sa:
3.1 Interest ng estudyante
3.2 Grado
3.3 Partisipasyon
3.4 Kaalamang Pang-akademiko

4. Mayroon bang kahalagahang relasyon sa pagitan ng mga pananaw ng mag-aaral
sa paggamit ng Netbuk at sa naging Epekto sa paggamit ng Netbuk sa pag-aaral ng
respondente?

Haypotesis
1. Ang kalidad ng pagtuturo sa St. Clare College ay naging mas de kalidad.
2. Naging mas masining ang paggawa ng mga mag-aaral ng proyektong
pampaaralan.
3. Ang partisipasyon ng mga mag-aaral sa klase ay higit na tumataas.
4. Mas napupunan ng Netbuk ang kaalamang pang-akademiko ng mag-aaral.
5. Mas epektibo ang teknik ng guro sa pagtuturo dahil sa paggamit ng netbuk.


Kahalagahan ng pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay tiyak na makatutulong nang malaki sa mga
sumusunod:

Mga Guro
Ang matutuklasang kahinaan sa pag-aaral na ito ay nagsisilbing batayan ng mga
guro sa paggamit ng angkop na kagamitan sa pangangailangan ng mga mag-aaral at
sa pagpili ng mahusay at epektbong kagamitang pampagtuturo.
Mga Mag-aaral
Sa pamamagitan nito, ang pagpili ng angkop na kagamitan sa pagtuturo ay
makahikayat sa mga mag-aaral at matutuklasan nila, ang kahalagahan ng pagkatuto sa
asignatura. Mapupukaw ang kanilang interes at kasiglahan sa pag-aaral na siyang
kinakailangan lalo na sa mataas na antas.
Mga Magulang
Ang pag-aaral na ito ay magiging sandigan ng mga magulang sa pagganyak at
paghahanda sa kanilang mga anak sa pagkatuto. Bukod pa rito, maibabahagi nila ang
kanilang bukas loob na pagtulong sa makapapapagaan sa kalooban ng mga guro na
siyang tunay na nakakaranas ng mga suliranin na ipinawalang bahala lamang ng mga
magulang na dapat ay katuwang ng mga guro para sa mabisang pagkatuto ng kanilang
mga anak.
Mga Mananaliksik
Bilang isang guro sa darating na panahon, malalaman ng mga mananaliksik
kung ano ang mga epektibong kagamitang pampagtuturo at sa pamamagitan nito,
maari siyang gumamit ng iba pang kagamitan sa pagtuturo na maaring makapukaw sa
interes ng mga mag-aaral.

Saklaw at Delimitasyon ng pag-aaral
Saklaw ng pag-aaral na ito ang paaralan ng St.Clare College, Caloocan City.
Ang pananaliksik na ito ay ukol lamang sa pananaw ng mga estudyante sa
paggamit ng netbook sa Pribadong Paaralan ng St. Clare College, Caloocan City sa
taong panuruan 2013-2014.
Lahat ng mga nagtuturo na gumagamit ng netbook sa kanilang klase ay saklaw
sa pag-aaral na ito.
Ang mga baryabol na kasali sa pag-aaral ay ang mga kabisaan ng kagamitang
pampagtuturo na kanilang ginamit at ang pananaw ng mga estudyante sa paggamit ng
netbook sa kanilang paaralan.
Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa buong paaralan ng St. Clare College,
Caloocan City sapagkat ang saklaw ng pag-aaral na ito ay para lamang sa paaralang
nabanggit. Magkagayunman, naniwala ang mga mananaliksik nasakasalukuyang
panahon ay pinakamainam na magkaroon ng pag-aaral na ganito upang masagot ang
mga katanungan at makapagbigay ng sapat na impormasyon sa epektibong
pamamaraan pagturo.




Katuturan Ng Katawagan

1. Baryabol- Hindi consistent, maaari pang magbago.


2. Guro- ay isang tao na nagbibigay ng edukasyon para sa mga mag-aaral. Ang gampanin
ng guro ay kadalasang pormal at umiiral, na isinasagawa sa isang paaralan o ibang
lugar ng edukasyong pormal

3. Interes- ay tumutukoy sa kagustuhan ng mga mag-aaral o estudyante na matuto at mag-
aral.
4. Kompyuter- ay isang makina o elektronikong kagamitan na ginawa para mapabilis ang
mga gawain tulad ng pagbibilang o pagkokompyut.

5. Mag-aaral- ay siyang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino. Ang estudyante ay
tinuturuan ng guro na mag-aaral at makadiskubre ng mga bagay.


6. Magulang- ay nagpapaaral sa kanilang mga anak at isang antas na kinikilala at
sinusunod bilang isang batas at gabay na siyang tumutuwid sa isang kagawian na dapat
isaayos ng karamihan


7. Multimedia- Ang pagsasama-sama ng ibat-ibang anyo ng media. Sinasaklaw nito ang
teks, grapiko, awdyo, bidyo, at iba pa.

8. Netbook- Isang kagamitan na nasa anyong maliit na modelo ng kompyuter na kalimitang
may sukat na 10-12 pulgada.


9. Propesyon- ay isang bokasyon na naitatag sa isang
espesyalisadong pagsasanay na pang-edukasyon, na ang layunin ay ang
makapagbigay ng malayuning payo at paglilingkod sa ibang mga tao, para sa isang
tuwiran at tiyak na kabayaran, na nakahiwalay nang buo magmula sa inaasahan ng
ibang pagkakamit na pangnegosyo.

10. Teknolohiya- Lawas ng mga kasangkapan, makina, materyales, pamamaraan, at
prosesong ginagamit upang magbunga ng mga gamit at serbisyo upang matugunan ang
pangangailangan ng tao.



KABANATA 2
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga natipong kaugnay na literatura at pag-aaral:

Kaugnay na Literatura
Bunga ng teknolohiya ay bumibilis na ang takbo ng ating lipunan ngayon,
kayat kapansin-pansin na naging impluwensya na ang aplikasyon ng teknolohiya sa
lahat ng bagay, lalong-lalo na sa edukasyon, may malaking epekto ito sa proseso ng
pagkatuto ng mga mag-aaral sa paaralan. Maging ang paraan ng pagsulat ng
komposisyon ay kalimitan ng sa netbuk isinasagawa.

Ipinahayag rin ni Karen Bond (2001) sa pagdami ng gumagamit ng Internet ay
ang pagdami rin ng mga wika na talagang nagbabago at natatanggap na sa panahon
ngayon na ang Ingles ay magiging sinaunang salitang Ingles sa Amerika sa darating na
panahon. Sa pananaliksik, ipinapakita na ang mga mag-aaral ay nakauunawa sa
pagkakaiba ng paraan ng pagsulat sa computer, na kaiba sa katutubong paraan ng
pagsulat sa paaralan (Davidson at Tomic, 1994). Ganunpaman kailangan pa ring
maunawaan ng mga mag-aaral na ang pagbabagong nagaganap sa pagsulat sa netbuk
ay hindi pa rin tanggap sa pormal na paraan ng pagsulat sa paaralan kaya dapat pa rin
silang sumunod sa panuntunan ng pagsulat; sa pagdadaglat, pagbabaybay, paggamit
ng maliit at malaki na titik, tamang pagbabantas at sa iba pang mekanismo sa pagsulat
sa internet, pakikipagchat, pag-eemail gamit ang computer. Sa mga baguhan sa
larangan ng paggamit ng website, mahalaga na malaman nila ang mga patakaran sa
pagpasok sa chatrooms na makatutulong sa maayos na pakikipagtalastasan ng bawat
isa. Ang mga gabay ng mga guro ay higit na kailangan upang mapatnubayan ang mga
mag-aaral sa mga kamalian na makikita nila rito nang sa gayon ay maituro nila ang
tama nang patuloy na manaig ang tamang paggamit sa mekanismo ng pagsulat gamit
man ang makabagong produktong ito. Kauganay sa pagkalantad sa maling paggamit
ng Ingles, ang mga tagatugon sa pananaliksik na ginawa ay makita ang pagkakamali ng
ibang mag-aaral na ang makapagpapatotoo at makapagtatama lamang nito ay ang mga
guro.
Sa aklat ni Austero (2006) na ipinaliwanag ni Oranes ipinakita ang kahalagahang
nagagawa ng pagsulat sa pagkatao ng isang nilalang. Kung saan malayang
naipapahayag ng sumulat ang kanyang damdamin, opinion at kaalaman. Isang
mahalagang tulong din ng pagsulat ang makilala ng isang tao ang kanyang kahinaan at
kalakasan upang sa gayoy mabigyang-pansin ang mga bagay na mahina at mapaunlad
pa ang kalakasan nito. Patuloy ang ginagawang pananaliksik ng mga guro upang
mapaunlad ang mga Gawain hinggil sa pagsulat upang ganap na mapanday ang puso
at isipan ng mga mag-aaral sa kasanayang ito.



Kaugnay na Pag-aaral
Ayon kay Hidalgo (2000), modernong pagtuturo at teknolohikal na pagbabago sa
ika 21 siglo ang pokus ng kumpetisyon sa mga paaralan ngayon, Ang modernong
pagtuturo ay ganap na malaman ang mga pakinabang sa mga mag-aaral at guro. Mas
pinalawak nito ang mga konsepto sapagkat mas nakikita ng mga mag-aaral ang nais
ipahiwatig ng tiyak na paksa.
Ngunit di rin maiiwasan na patuloy pa ring ginagamit ang tradisyunal na
pagtuturo sapagkat ito ang ating kinagisnan at kinalakihan. Dito tayo unang natuto ng
mga pangunahing konsepto patungo sa mga malalaking paksa at kaalaman.
Tradisyonal man ang gamit sa pagtuturo ngunit may marami rin tayong natutunan at
naintindihan.


Ayon kay Riel, (1996) na ang teknolohiya ay mabilis na nagpapabago sa
maraming aspekto sa lipunan, at higit na malaki ang epekto nito sa mga kabataan kaya
nararapat lamang eksamining mabuti ang mga pagpaplano ng paggamit ng
"multimedia sa loob ng klase upang maibigay sa kanila ang mainam na edukasyon.
Pinaniniwalaan na ang mga mag-aaral sa kasalukuyan ay nangangailangan ng
maraming kasanayan para sa kanilang propesyon pagdating ng araw upang
makasabay sa mundong laging nagbabago.
.
Ayon pa kay Beothel at Dimock (1999) na ang kaalaman sa paggamit ng
kompyuter at ang akses ng teknolohiya sa loob ng klasrum ay higit na maayos kaysa sa
mga tradisyunal na paraan sa pagtuturo, dahil ibinase nila ang kanilang sa nasaliksik ng
ilang eksperto hingil sa epekto ng paggamit ng teknolohiya sa loob ng klasrum ayon dito
na mas nawiwiling making ang mga mag-aaral sa kanilang mga guro dahil sa paggamit
nito ng multimedia sa loob ng silid aralan ay dahil dito ang kanilang kaalaman ay mas
lalong bumubilis.
Ibinahagi din ni Riel (1995) ang kanyang karanasan hinggil sa kayang
ginawang eksperimento sa aplikasyon ng teknolohiya sa loob ng klasrum at nalaman
niya na ang kanyang mga mag-aaral ay aktibong nakikisali sa talakayan. Pinagawa din
niya ang kanyang mga mag-aaral ng mga proyekto na kaugnayan sa kumpyute at mula
dito ay nakita nioya ang magandang perpormans mga mag-aaral, iginiit din niya na
kapag ang Edukasyunal na teknolohiya ay nailapat na tama at wastosa mga mag-
aaral ay magiging maganda ang proseso ng pagkatuto.

Banyagang Literatura
Ayon kay Merill (1996) sa librong Computer and Education na ang
pinakamahalagang layunin ng edukasyon ay ang maihanda ang mga mag-aaral sa
mundong laging nagbabago at malinang ang kanilang mga kakayahan ay papel ng
teknolohiya sa lipunan ay isa sa mga importanteng salik upang mapatupad ang layunin
ito
Ayon sa teorya ni Van Merrienboer, na ang kondisyon ng pagkatuto ay
nababase sa mga itinuturo ng mga guro, kung mahusay ang aplikasyon ng pagtuturo ay
magiging maganda ang kanilang perpormans idinagdag pa niya na ang mga
makabagong teknik at kagamitan sa pagtuturo ay isa sa mga daan upang ang proseso
ng pagkatuto ay maging maganda at maging kapakipakinabang.
Inilabas naman ni Shepherd (2001) ang kanyang teorya na hinggil sa kabutihan
ng multimedia sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon pa sa kanya na ang mabuting
pagpaplano ng multimedia upang malinang ang kanilang kakayahang pang
teknolohiya upang maging kapakipakinabang sa lipunang sa darating na panahon.










KABANATA 3
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng disenyo at pamamaraan, mga
respondente, instrumento ng pananliksik at tritment ng datos sa pag-aaral.
Disenyo ng Pananaliksik
Ang disenyo ng pananaliksik ay ginagamitan ng deskriptibong pamamaraan, ang
talatanungan na ginamit makakatulong sa mga mananaliksik sa pag-aaral na ito. Ang
pananaliksik na ito ay binubuo ng pananaw ng mga estudyantepaggamit ng netbook sa
paaralan ng St. Clare, Caloocan City sa taong panuruan 2013-2014., kung paano ito
makakaapekto sa kanilang pag-aaral at kung ano ang kahalagahan nito sa kanilang
pag-aaral.
Mga Respondente
Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay limampung(50) piling mga mag-
aaral ng pribadong paaralan ng St. Clare, Caloocan City na binubuo ng dalawamput
limang (25) babae at dalawamput limang (25) lalaki. Ang pamamaraan na ginamit ng
mga mananaliksik ay non-random sampling.
Instrumentong Pananaliksik
Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay binubuo ng Sampung (10)
talatanungan. Ang mga tanong na ito ay kumakatawan sa paggamit ng netbook ng mga
mag-aaral.
KABANATA 4
PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGANSA MGA NAKALAP NA
DATOS

Nilalaman ng bahaging ito ang mga nalikom na datos ng mga mananaliksik na
tumugon sa nabanggit na mga suliranin sa unang bahagi ng pag-aaral na ito. Ito ay
tinugunan sa pamamagitan ng paghahain ng mga impormasyong ibinase sa una
hanggang sa ikatlong suliranin. Samantala, ang kasagutan sa mga suliranin at ibinase
sa mga datos na nakalap sa pagsasagawa ng isang sarbey sa St. Clare College hinggil
sa paggamit ng netbook.

Pananaw at kaalaman ng mg mag-aaral sa paggamit ng netbook sa kanilang
pag-aaral.
Inilalahad sa talahanayan ang distribusyon ng tugon ng mga mag-aaral ukol sa:
ibat-ibang pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa paggamit ng nebuk sa St. Claire
College sa Caloocan.




Talahanayan 1
Paggamit ng Netbuk sa Kalidad ng Pagtuturo
Unang pananaw Frequency Percentage
Higit na sumasang-ayon 23 46%
Sumasang-ayon 16 32%
Medyo Sumasang-ayon 11 22%
Hindi Sumasang-ayon 0 0%

Inilalahad sa Unang talahanayan ang distribusyon ng pagtugon ng mga mag-
aaral sa Unang pananaw na: Mas nakakatulong ang paggamit ng netbuk sa kalidad ng
pagtuturo. Makikita rito na may Dalawamput tatlo (23 o 46%) ang nagsabi na Higit na
sumasang-ayon. Labing anim (16 o 32 %) naman ang nagsabing Sumasang-ayon.
Labing-isa ang nagsabing Medyo Sumasang-ayon at (0 o 0%) ang nagsabing Hindi
sumasang-ayon. Samakatuwid, naniniwala ang mga mag-aaral na higit na nakatutulong
ang paggamit ng Netbuk ukol sa kalidad ng pagtuturo ng mga guro ayon sa kanilang
pananaw.





Talahanayan 2
Paggawa ng Proyekto sa tulong ng Aplikasyon (ms word, ms excel, ms
powerpoint)
Ikalawang Pananaw Frequency Percentage
Higit na sumasang-ayon 18 36%
Sumasang-ayon 23 46%
Medyo Sumasang-ayon 9 18%
Hindi Sumasang-ayon 0 0%

Inilalahad sa Ikalawang talahanayan ang distribusyon ng pagtugon ng
mga mag-aaral sa Ikalawang pananaw na: Nakagagawa ang mga mag-aaral ng
kanilang mga proyekto sa tulong ng mga aplikasyon katulad ng ( MS WORD, MS
EXCEL, MS POWERPOINT).Labingwalo (18 o 36%) ang nagsabing higit silang
sumasang-ayon, Dalawamput tatlo (23 o 46%) ang sumasang-ayon, Siyam
naman ang nagsabing medyo sumasang-ayon, at wala ang (0 o 0%) nagsasabi
na hindi sumasang-ayon. Sa kabuuan, tunay na may ambag ang mga
aplikasyong makikita sa Netbuk na maaaring magamit sa paggawa ng mga
proyekto, ngunit hindi lihitimong sa lahat ng sandali ay maaaring maasahan ayon
sa kanilang pananaw.

Talahanayan 3
Interes sa pakikinig kapag teknolohiya ang gamit
Ikatlong pananaw Frequency Percentage
Higit na sumasang-ayon 19 38%
Sumasang-ayon 20 40%
Medyo Sumasang-ayon 11 22%
Hindi Sumasang-ayon 0 0%

Inilalahad sa Ikatlong talahanayan ang distribusyon ng pagtugon ng mga
mag-aaral sa Ikatlong pananaw na: Napupukaw ang interes sa pakikinig at
pakikilahok sa klase kapag gumagamit ng teknolohiya sa pagtuturo ang guro.
Ipinapakita sa Ikatlong pananaw na mayroong labingsiyam (19 o 38%) ang
nagsabing higit na Sumasang-ayon. Dalawampu (20 o 38%) naman ang
nagsabing Sumasang-ayon. Labing-isa (11 o 22%) ang nagsabing Medyo
Sumasang-ayon, at (0 o 0%) ang nagsabing hindi sumasang-ayon.
Samakatuwid, mas nagkakaroon ng motibasyon ang mga mag-aaral sa pakikinig
kung ang guro ay gumagamit ng teknolohiya ayon sa kanilang pananaw.




Talahanayan 4
Kaalaman sa Pag-aaral kapag Netbuk ang Gamit
Ikaapat na pananaw Frequency Percentage
Higit na sumasang-ayon 5 10%
Sumasang-ayon 26 52%
Medyo Sumasang-ayon 19 38%
Hindi Sumasang-ayon 0 0%

Sa Ikaapat na talahanayan ang distribusyon ng pagtugon ng mga mag-
aaral sa Ikaapat na pananaw na: Mas nagkakaroon ng karagdagang kaalaman
kung netbuk ang gamit sa pag-aaral. Mapapansin na mayroong lima (5 o 10%)
ang nagsabing higit na sumasang-ayon sa pananaw na ito. Mayroong
dalawamput anim (26 o 52%) ang tumugon ng Pagsang-ayon hinggil sa
pananaw na ito. Labingsiyam (19 o 38%) ang Medyo sumasang-ayon. At (0 o
0%) ang nagsabing Hindi Sumasang-ayon. Sa kabuuan, tunay na may malaking
gampanin ang Netbuk bilang kagamitan sa pag-aaral sa pagtamo ng
karagdagang kaalaman batay sa pananaw ng mga mag-aaral.




Talahanayan 5
Pagtaas ng Grado kapag Netbuk ang gamit
Ikalimang pananaw Frequency Percentage
Higit na sumasang-ayon 6 12%
Sumasang-ayon 11 22%
Medyo Sumasang-ayon 22 44%
Hindi Sumasang-ayon 11 22%

Sa Ikalimang talahanayan ang distribusyon ng pagtugon ng mga mag-
aaral sa Ikalimang pananaw na: Naging mas mataas ang nakukuhang grado
kapag gumagamit ng netbuk sa pag-aaral. Sa ikalimang talahanayan, Anim (6 o
12%) ang tumugon ng higit na sumang-ayon sa pananaw na ito. Labing-isa (11 o
22%) ang sumang-ayon. Dalawamput dalawa naman (22 o 44%) naman ang
nagsabing Medyo Sumasang-ayon. At labing-isa (11 o 22%) ang hindi sumang-
ayon. Sa kabuuan, hindi lamang Netbuk ang maaaring maging dahilan upang
tumaas ang grado ng mga mag-aaral ayon sa kanilang pananaw.




Talahanayan 6
Magandang presentasyon ng mga mag-aaral kapag netbuk ang gamit
Ikaanim na pananaw Frequency Percentage
Higit na sumasang-ayon 14 28%
Sumasang-ayon 22 44%
Medyo Sumasang-ayon 14 28%
Hindi Sumasang-ayon 0 0%

Sa Ikaanim na talahanayan ang distribusyon ng pagtugon ng mga mag-
aaral sa Ikaanim na pananaw na: Nakapaglalahad ng magandang presentasyon
sa klase ang mga mag-aaral sa tulong ng teknolohiya. Labing-apat (14 o 28%)
ang tumugon ng higit na Pagsang-ayon. dalawamput dalawa (22 o 44%%) ang
nagsabing sumasang-ayon. Labing-apat (14 o 28%) ang nagsabing Medyo
Sumasang-ayon. At (0 o 0%) ang nagsabing hindi sumasang-ayon ukol sa
pananaw na ito. Samakatuwid, marami sa mga mag-aaral ang naniniwala na ang
teknolohiya ay nakatutulong upang ang mga mag-aaral ay makapaglahad ng
magandang presentasyon.




Talahanayan 7
Tulong ng netbuk sa estratehiya sa Pagtuturo
Ikapitong pananaw Frequency Percentage
Higit na sumasang-ayon 16 32%
Sumasang-ayon 20 40%
Medyo Sumasang-ayon 11 22%
Hindi Sumasang-ayon 3 6%

Sa Ikapitong talahanayan ang distribusyon ng pagtugon ng mga mag-
aaral sa Ikapitong pananaw na: Nakakatulong sa guro ang paggamit ng netbuk
para makapagsagawa ng ibat-ibang estratehiya sa pagtuturo. Ang sumunod na
talahanayan ay naglalahad ng labing-anim (16 o 32%) na nagsabing higit na
sumasang-ayon batay sa pananaw na ito. dalawampu (20 o 40%) naman ang
sumasang-ayon dito. Labing-isa (11 o 22%) ang nagsabing Medyo sumang-
ayon. At Tatlo (3 o 6%) ang hindi sumasang-ayon dito. Sa kabuuan, may
malaking gampanin ang paggamit ng guro tungo sa pagpapaganap ng ibat-
ibang staratehiya sa pagtuturo ayon sa pananaw ng mga mag-aaral.




Talahanayan 8
Nakikisangkot sa Talakayan Kapag Netbuk ang Gamit
Ikawalong Pananaw Frequency Percentage
Higit na sumasang-ayon 11 22%
Sumasang-ayon 10 20%
Medyo Sumasang-ayon 27 54%
Hindi Sumasang-ayon 2 4%

Sa Ikawalong talahanayan ang distribusyon ng pagtugon ng mga mag-
aaral sa Ikawalong pananaw na: Maraming nakikisangkot sa talakayan kapag
netbuk ang gamit ng guro. Ipinapakita sa talahanayan 8 na mayroong Labing-isa
(11 o 22%) ang Higit na sumasang-ayon sa pananaw na ito. Sampu (10 o 20%)
naman ang sumang-ayon dito. Dalawamuput pito (27 o 54%) ang Medyo
sumang-ayon. At dalawa (2 o 4%) ang hindi sang-ayon sa naturang pananaw.
Sa kabuuan, may mga nakikisangkot sa talakayan sa paggamit ng netbuk sa
pagtututro ngunit hindi lahat ng mag-aaral ay nakikisangkot ayon sa pananaw ng
mga mag-aaral.




Talahanayan 9
Paggamit ng Netbuk kaysa Libro
Ikasiyam na Pananaw Frequency Percentage
Higit na sumasang-ayon 7 14%
Sumasang-ayon 16 32%
Medyo Sumasang-ayon 14 28%
Hindi Sumasang-ayon 13 26%

Sa Ikasiyam na talahanayan ang distribusyon ng pagtugon ng mga mag-
aaral sa Ikasiyam na pananaw na: Mas malaki ang naitutulong ng paggamit ng
netbuk kaysa sa paggamit ng libro sa pag-aaral. Sa talahanayan, pito (7 o 14%)
ang tumugon sa Higit na pagsang-ayon batay sa pananaw na ito. Labing-anim
(16 o 32%) ang sumang-ayon dito. Mayroon namang labing-apat (14 o 28%)
ang hMedyo sumang-ayon. At labingtatlo (13 o 26%) ang hindi sumang-ayon sa
pananaw na ito. Sa makatuwid, pinatunayan sa talahanayan na ito na ang
namumutawi sa pananaw ng maraming mag-aaral hinggil sa may malaking
naitutulong ang paggamit ng Netbuk kaysa libro ay may mataas na bilang ng
paniniwala.



Talahanayan 10
Epektibo ang Paggamit ng Netbuk sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral
Ikasampung pananaw Frequency Percentage
Higit na sumasang-ayon 5 10%
Sumasang-ayon 15 30%
Medyo Sumasang-ayon 24 48%
Hindi Sumasang-ayon 6 12%


Sa Ikasampung talahanayan ang distribusyon ng pagtugon ng mga mag-
aaral sa Ikasampung pananaw na: Naging epektibo ang paggamit ng netbuk sa
pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa talahanayan, lima (5 o 10%) ang tumugon sa
Higit na Pagsang-ayon sa pananaw na ito. Labinglima (15 o 30%) naman ang
nagsabing Sumasang-ayon. Dalawamput apat (24 o 48%) naman ang Medyo
sumasang-ayon. At anim (6 o 12%) ang Hindi sumang-ayon hinggil sa naturang
pananaw. Sa makatuwid, pinatutunayan lamang sa talahanayan na ito na ang
epekto ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa paggamit ng netbuk ay hindi
direktang nakakaapekto ayon sa kanilang pananaw.



KABANATA 5
Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

Lagom
Mahalaga sa isang guro ang may mas malawak na kaalaman at kasanayan sa
paggamit ng ibat ibang dulog upang mas maging epektibo at mahikayat ang mga mag-
aaral na making at maging interesado sa paksang tinatalakay.
Gumamit ang mananaliksik ng Deskriptib sarbey o Pananaliksik, isang disenyo
na itinatala ang mga pangyayari o sitwasyon, inilalarawan ang pagdidiskubre ng mga
datos pagpapahayag ng mga natuklasan at ang pagsusuri sa mga ginamit na baryabol.
Isinagawa ang pag-aaral gamit ang Questionaire checklist.
Batay sa naging resulta ng pag-aaral at pagsagot ng mga respondante sa mga
tanong, maraming mag-aaral ng St. Clare College sa Caloocan City ang sumasang-
ayon sa paggamit ng netbook sa kanilang klase sapagkat ayon sa kanilang mga
pananaw, ang netbook ay higit na makatutulong sa kanilang pag-aaral. Mas
mapupukaw ang kanilang interes at mas magiging konkreto ang iiwang detalye ng
kanilang tinalakay sa kanilang kaisipan.

Kongklusyon
Base sa mga nakalap na datos, at sa kinalabasan ng pag-aaral ng mga
mananaliksik;
1. Batay sa kabuuang pag-aaral, lumalabas na ang mga mag-aaral ng St. Clare
College sa Caloocan City ay sumasang-ayon sa paggamit ng netbook sa
kanilang klase upang mas higit na maunawaan ang mga paksa at isa itong
mainam na pamalit sa tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo.
2. Sa isinagawang pag-aaral, lumalabas din sa datos na mas napupukaw ang
interes ng mga mag-aaral kung netbook ang kanilang ginagamit sa klase.
Alinsunod sa mabilis na pagbabago ng pamumuhay ng tao, sumasabay ang
kaunlaran ng kaisipan ng mga mag-aaral sa makabagong teknolohiya sa
ngayon.
3. Mas nagiging makabuluhan ang pagkatuto ng mag-aaral kung ang guro ay
gagamit ng ibat ibang estratehiya sa pagtuturo ng isang paksa upang mapukaw
ang atensyon ng mga tagapakinig. Isa na rito ang paggamit ng netbook sa klase.
4. Nagkakaroon ng mas malawak na interkasyon sa klase kung ang guro at ang
mag-aaral ay parehong gumagamit ng netbook sapagkat mas tumatatak sa isip
ng mag-aaral ang tinatalakay na aralin.
Rekomendasyon
Sa mga nakalap na impormasyon, ang mga mananaliksik ay naghahain ng ilang
rekomendasyon para sa mga sumusunod:

Mag-aaral: Dapat maalam sa ibat ibang uri ng teknolohiya sa ating paligid higit lalo sa
netbook na lubos na makakatulong sa kanilang pag-aaral. Ngunit, dapat ding tandaan
ng mga mag-aaral na hindi dapat umaasa sa teknolohiya sa pag-aaral sapagkat may
mga impormasyon pa rin na sa libro lamang makikita.

Mga guro: Mahalaga para sa isang guro ang kaalaman sa ibat ibang paraan ng
pagtuturo. Sa panahon ngayon, nararapat lamang na kahit ang mga guro ay marunong
gumamit ng computers, netbook at iba pang teknolohikal na bagay upang makasabay
sa mga mag-aaral. Isaalang-alang ang kapakanan ng mga mag-aaral.

Paaralan: Dapat nagkakaroon ng computer laboratory na bukas sa lahat ng mag-aaral
upang sila ay makapag-aral at makapagsanay sa mga ito. Ang lahat din ng kolehiyo at
departamento ay dapat magkaroon ng computer subject upang mas mahasa pa ang
kakayahan ng mga ito dito.

Magulang: Ang mga magulang bilang ang gabay ng mga mag-aaral ay nararapat
lamang na suportahan ang mga anak sa kanilang pag-aaral. Maaaring hindi lahat ay
kayang bumili ng netbook o ng computer kung kayat hikayatin nila ang mga anak na
mag-aral sa tradisyunal na pamamaraan.


Website:
http://www.slideshare.net/Kate_JRG/mga-epektibong-pamamaraan-ng-pagtuturo-ng-
mga-guro-sa-filipino-sa-sdca
http://www3.bc.sympatico.ca/linguisticsissues/hostedchatroom

Tesis
Dela Cruz, Perlita E. Kamalayan sa paggamit ng teknolohiya at kaugnayan nito sa pagsulat ng
komposisyon sa Filipinob 2011
Aranilla, Arvin Kim A. Paggamit ng Teknolohiya Pang-Edukasyon at Antas ng Kahusayan sa Pagtuturo ng
mga Guro sa Filipino 2008

You might also like