AP Reviewer

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

AP

UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO


AT IMPERYALISMO SA TIMOG AT
KANLURANG ASYA
(16-17 SIGLO)
Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga
Kanluranin na Magtungo sa Asya
Mga Krusada na naganap mula 1096
hanggang 1273. Ang mga Krusada ay
isang kilusan na inilunsad ng simbahan
at ng mga Kristiyanong hari upang
mabawi ang banal na lugar, ang
Jerusalem sa Israel
- ang nagpasigla ng kalakalan sa
pagitan ng Europa at Asya.
- ito din ang naging daan para
magkainteres ang malalaking bansa
sa Europa na sakupin ang ilang
lugar o bansa sa Asya.
Paglalakbay ni Marco Polo na isang
Italyanong adbenturerong
mangangalakal na taga-Venice
Renaissance na nagpasimula sa Italya na
naganap noong 1350. Isa itong kilusang
pilosopikal na makasining at dito
binigyang-diin ang pagbabalik-interes sa
mga kaalamang klasikal sa Greece at
Rome
- ang pangunahing interes ay labas sa
saklaw ng relihiyon.
- salitang Pranses na ang ibig sabihin
ay ay muling pagsilang.
- Nakasentro ang buhay ng tao sa
relihiyon
- Indibidwalismo ang binigyang
pansin
- ang siyang nagbukas ng daan sa
pagbabago sa larangan ng kalakalan
at negosyo kaya umusbong ang
rebolusyong komersyal na nagdulot
ng mga pagbabago sa gawang pang-
ekonomiya
Pagbagsak ng Constantinople
- ang Asyanong teritoryona
pinakamalapit sa Kontinente ng
Europa
- nagsilbing rutang pangkalakalan
mula Europa patungong India,
China at ibang bahagi ng Silangan
na napasa kamay ng mga Turkong
Muslim noong 1453
- teritoryong madalas daanan noong
panahon ng Krusada.
- ring sinakop ang Constantinople
noong1453 at ang naging resulta ay
ang ganap na pagkontrol ng mga
Turkong Muslim sa mga ruta ng
kalakalan mula sa Europa
patungong Silangan
- mga Italyanong mangangalakal na
taga Venice, Genoa, at Florence ang
pinayagan ng mga Turkong Muslim
na makadaan sa ruta
Merkantilismo
- umiral ang prinsipyong pang-
ekonomiya na kung may maraming
ginto at pilak, may pagkakataon na
maging mayaman at
makapangyarihan
PAGGALUGAD AT PAGTUKLAS NG MGA
BANSANG KANLURANIN
Vasco da Gama
- nalibot niya ang Cape of Good
Hope sa dulo ng Aprika na siyang
magbubukas ng ruta patungong
India at sa mga Islang Indies
1494 - line of demarcation o
hangganan kung saang bahagi ng mundo
maggagalugad ang dalawang bansa
Tratadong Tordesillas, ang Portuges ay
maggagalugad sa bandang silangan
samantalang ang Espanya ay sa bandang
kanluran
Moluccas - Ito ang pinakamimithi na
lugar na pinagkukunan ng mga rekado
Tratadong Saragosa (1529) - nakuha ng
Portuges ang Moluccas

PORTUGAL
Noong 1502 nagbalik at nagtatag si
Vasco da Gama ng sentro ng kalakalan
sa may Calicut sa India
1505 ipinadala si Francisco de Almeida
bilang unang Viceroy sa silangan
Sa pamumuno ni Alfonso de
Albuquerque, 1510 nasakop ang Ormuz
sa Golpo ng Persia(Iran ngayon).Diu at
Goa sa India, Aden sa Red Sea,
Malacca sa Malaya at Moluccas sa
Ternate, Macao sa China at sa
Formosa(Taiwan ngayon)
1580 - sinakop ng Spain ang Portugal ng
60 taon
makalaya ang Portugal -1640
John Cabot, napasailalim ng Inglatera
ang Nova Scotia Canada
natalo ng Inglatera ang Spanish Armada
noong 1588
East India Company - naitatag ng
Inglatera ang sentro ng kalakalan sa
India.
pagsakop ngCeylon, Malaya, at
Singapore pati na rin ang Australia, New
Zealand, at mga pulo sa Hilagang
Pasipiko.

ENGLAND
1600 ginamit ang British East India
Company ,isang pangkat ng
mangangalakal na Ingles na
pinagkalooban ng pamahalaang Ingles
ng kaukulang kapangyarihan upang
mangalakal at pamahalaan ang
pananakop nito at pangalagaan ang
interes nito sa ibayong dagat
1612 nabigyan ng permiso ang Ingles
para makapagtatag ng pagawaaan sa
Surat
1622, tinulungan ng Ingles ang mga
Persian laban sa Portuguese dahil dito
nakapagtatag ng sentro ng kalakalan sa
kanluran at silangang baybayin ng India
British East India Company ay
nakakuha na ng concession (pagbibigay
ng espesyal na karapatang pangnegosyo)
sa Madras mula sa rajah ng
Chandarnagore.
1668 - pinaupahan na ni Haring Charles
ang pulo ng Bombay
1690 - sa delta ng Ganges nakakuha ng
kapirasong lupain ang Ingles sa
pagpayag ni Emperador Aurangzeb ang
lider ng Imperyong Mogul

FRANCE
nakakuha rin ng teritoryo sa Quebec,
Canada , Louisiana sa Amerika
ika-18 siglo nasakop ng Pransiya ang
Laos, Cochin China, Cambodia, at
Annam.
French East India Company na naitatag
noong 1664
. Nakapatatag ang France ng
pamayanang pangkomersyal sa
Pondicherry,Chandarnagore, Mahe at
Karikal
labanan sa Plassey ng Pitong Taong
Digmaan sa pagitan ng England at
France
Robert Clive, ang nagtatag ng tunay na
pundasyon ng Ingles sa India

NETHERLANDS
Dutch East India Company ay namahala
rin saisang bahagi ng India.
Napasailalim ng Netherlands ang East
Indies (Indonesia sa kasalukuyan)
KANLURANG ASYA
OTTOMAN EMPIRE
Noong 1507, nakuha ang Oman at
Muscat ng mga mangangalakal na
Portugues ngunit pinatalsik naman ng
mga Arabe noong 1650
Noong 1907, ang Bahrain ay naging
protectorate ng Britanya ngunit hindi rin
nagtagal, pinatalsik ang mga British ng
isang Heneral na si Shah Reza Pahlavi
ang mga British.

Mga Dahilan na Lalong Nagbunsod sa
mga Europeo na Maghangad ng Kolonya sa
Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at
Kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
(18-19 siglo)

Ang merkantilismo ang ginamit na
dahilan ng mga Europeo upang mag-
unahan na makakuha ng mga lupaing
masasakop sa Asya, may mapagkukunan
ng likas na yaman, hilaw na sangkap, at
pagbebentahan ng mga yaring produkto
upang maging pandaigdigang
makapangyarihan
Kolonyalismo
- nagmula sa salitang Latin na
colonus na ang ibig sabihin ay
magsasaka.
- isang patakaran ng isang bansa na
mamamahala ng mga sinakop upang
makagamit ng likas na yaman ng
mga sinakop para sa sariling interes
Imperyalismo
- nagmula sa salitang Latin na
imperium na ang ibig sabihin ay
command
- dominasyon ng isang
makapangyarihang nasyon-estado sa
aspektong pulitika,pangkabuhayan
at kultural na pamumuhay ng isang
mahina at maliit na nasyon-estado
upang maging pandaigdigang
makapangyarihan
Ang panahon mula 1800 hanggang 1914
aynaging kilala bilang Panahon ng
Imperyalismo
Una, dahil sa udyok ng nasyonalismo,
Ikalawa, dulot ng Rebolusyong
Industriyal
Pangatlo, ang Kapitalismo, isang
sistema kung saan mamumuhunan ng
kanyang salapi ang isang tao upang
magkaroon ng tubo o interes
Pang-apat, ang White Mans Burden na
isinulat ni Rudyard Kipling, isang
manunulang Ingles
pamamaraan ngpagkontrol sa kanilang
mga teritoryo.
- colony, kung saan ay direktang
kinokontrol at pinamamahalaan ng
imperyalistang bansa ang kanyang
sakop na bansa
- protectorate ay mayroong sariling
pamahalaan ngunit ang
mgapatakaran at kautusan ay
dinidirekta ng imperyalistang bansa
lalo na sa patakarang panlabas
MGA EPEKTO NG KOLONYALISMO AT
IMPERYALISMO SA TIMOG AT
KANLURANG ASYA (Ika-16-20 Siglo)
Nagpatayo ng mga tulay, riles ng tren,
kalsada ang mga mananakop upang
maging mabilis ang pagdadala at
pagluluwas ng mga produkto
Asyanong naging mangangalakal o
middleman ng mga produkto kaya sila
ay umunlad din sa kanilang mga
pamumuhay at nanatiling mga
tagapagtaguyod ng mga batas na
magpapatibay sa kolonisasyon



NASYONALISMO SA TIMOG ASYA

India
ENGLISH PERIOD
- Abolisyon ng suttee o sati
- Pagkakaroon ng female infanticide
- Sepoy Mutiny ( 1857 ) = unang
mahalagang pag-aalsa ng mga
Indian laban sa mga English
- Racial discrimination o pagtatangi
ng lahi
- Puti lamang ang nabigyan ng
matataas na posisyon sa pamahalaan
- 1877, ganap ng itinalaga si Reyna
Victoria bilang Empress ng India
- Amritsar Massacre(Abril 13 , 1919)
= namaril ang mga sundalong
English sa isang pagtitipon ng mga
Hindu ; 400 ang patay at 1,200 ang
sugatan
- Indian National Congress =
pangunguna at paggabay ng isang
English na si Alan Hume (1884-
1885 ) ; binuo ng mga propesyonal
na Hindu na ang layunin ay
makamtan ang kalayaan ng India
- Muslim League (1905) =
pamumuno ni Mohamed Ali Jinnah
; magkaroon ng hiwalay na estado
para sa mga Muslim
- Republika ng India ( Agosto 15 ,
1947 ) = Jawaharlal Nehru ;
Bansang Pakistan ( Agosto 14 ,
1947 ) = Mohamed Ali Jinnah

NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA

Ottoman imperyong muslim (1453
1918 )
Malayang Pamahalaan ng Kuwait
(1759)
Kalayaan ng Lebanon at Egypt mula sa
Ottoman (1770)
1894-1897 : Ang mga Armenian ay
nagtangkang magtatag ng isang
malayang estado ngunit napigilan sila ng
mga Turk na sumakop sa kanila
Republika ng Lebanon (1926) subalit
nanatiling mandato ng France
Iraq (1932) isang monarkiya
Ang mga Jews o Israelite ay sumailalim
sa nakakasindak na HOLOCAUST sa
Europa.
Republika ng Israel (1948)

ANG UNANG DIGMAANG
PANDAIGDIG

Sumiklab noong Agosto 1914
DAHILAN : Pag-aalyansa ng mga
bansang Europa at pag-uunahan nila sa
teritoryo at iba pang mga interes
Germany , Austria-Hungary (Central
Powers )
France , England , Russia ( Allies )
Noong piata si Archduke Francis
Ferdiand sa Serbia , nag-umpisa ang
mobilisasyon ng mga sundalo sa Europa
at sumiklab ang digmaan.
Archduke Francis Ferdinand
tagapagmana sa trono ng Austria-
Hungary
Gavrilo Princip bumaril kay Archduke
Francis Ferdinand ; isang Serb
DAHILAN(2) : Spheres of Influences at
interes ng mga kanluranin sa China.
Sinakop ng Japan ag mga teritoryo ng
Germany sa China at sa Pacific Ocean.
Kinuha din ng Japan ag Shantung at ang
mga isla ng Marianas at Carolina
Sumali ang United States sa digmaan sa
panig ng mga Allies (1917)
Allies + India
Itinaguyod ni Gobernador Heneral
Francis Burton Harrison at Manuel Luis
Quezon ang Guardia Nacional ng
Pilipinas ngunit hindi naipadala sa
Europa dahil sa kakulangan sa pondo at
suporta galing sa United States.

MGA EPEKTO NG UNANG DIGMAANG
PANDAIGDIG

Natalo ang Central Powers
Nanghina lahat ng bansang European
dahil sa tagal , hirap at gastos ng
digmaan.
Naiba ang balance ng kapangyarihan.
Superpower ang US at Japan.
Nagkaroon ng May Fourth Movement
(1919)
New Culture Movement itinakwil ang
Confucianism at iba pang mga
makalumang pag-iisp ng China ; pag-
aralan ang mga bagong ideya na galing
sa Europa at sa Himagsikang
Russo(1917)
League of Nations upang maiwasan na
ang pagkakaroon ng digmaan sa
daigdig.
1914 Nadiskubre ang langis sa
Ottoman Empire at nagkaroon ng interes
ang mga kanluranin ditto.
Sumailalim ang Syria at Lebanon sa
mandato ng French habang ang mga
Palestine ay sa mga English.
Napanatili ng Saudi Arabia ang
kalayaan nito sa ilalim ni haring Ibn
Saud ngunit ang mga kumpanya ng
langis ay pagmamay-ari ng mga
dayuhan.
Balfour Declaration (1917) ang
Palestine ay bubuksan para sa mga Jews
o Israelite upang maging tahanan o
homeland.

IKALAWANG DIGMAANG
PANDAIGDIG

Sumiklab noong Setyembre 1939.
Nagsimula sa Asya nang nilusob ng
Japan ang Pearl Harbor noong
Disyembre 7 , 1941 sa Hawaii.
Bumagsak ang mga teritoryong sakop
ng England , Netherlands at United
States.
Nasakop ang Pilipinas ng bumagsak ang
Bataan (Abril 9,1942) at ang Corregidor
(May 6 , 1942)
Kinailangan ng Japan ang Timog
Silangang Asya dahil sa likas na yaman
nito at iba pang produktong pang-
agrikultural.
Ang pamahalaan ng Thailand ay neutral
o walang pinapanigan.
Idineklara ng Japan ang Burma bilang
malayang bansa sa pamumuno ni Ba
Maw.
Ang Pilipinas din noong Oktubre 1943
sa pamumuno ni Jose P. Laurel.
Nobyembre 1943 unang kumperensya
para sa mga pinuno ng bansang Asyano.
Mga kilusang laban sa Japan United
States Army Forces in the Far East
(USAFFE) at Hukbong bayan laban sa
Hapon (HUKBALAHAP)
Natalo ang Japan sa labanan sa Pacific
Midway at Guadalcanal (1942); New
Guinea (1943-1944)
Agosto 1945 Tuluyang natalo ang
Japan
Sumuko ang Japan noong nagpasabog
ng bombing atomika ang US sa
Hiroshima (Agosto 6 , 1945 ) at
Nagasaki ( Agosto 9 , 1945 )

MGA TERMINOLOHIYA:
FEMALE INFANTICIDE pagpatay sa
mga batang babae upang hindi maging
suliranin at pabigat sa mga magulang
pagdating ng panahon na itoy mag-
asawa.
SUTTEE - ang pagpapatiwakal ng mga
byudang babae at pagsama sa libing ng
namatay na asawa.
Holucaoust-ito ang sistematiko at
malawakang pagpatay ng mga Nazi
German sa mga Jew o Israelite. Mateo et
al. Asya Pag-usbong ng kabihasnan.
Sistemang Mandato -nangangahulugan
ito na ang isang bansa na naghahanda
upang maging isang malaya at
nagsasariling bansa ay ipapasailalim
muna sa patnubay ng isang bansang
Europeo, ayon kay Mateo et al.Asya,
Pag-usbong ng Kabihasnan.
Zionism- Ang pag-uwi sa lupain ng
Palestine ng mga Jew mula sa ibat ibang
panig ng daigdig. Mateo etal. Asya, Pag-
usbong ng Kabihasnan.

MGA TAO :
Mohandas Gandhi
- Hindu na nakapag-aral sa isang
unibersidad sa England at
nagtrabaho sa South Africa
- Gumamit ng mapayapang
pamamaraan or non-violent means
(ahimsa)
- Paglalabas ng katotohanan
(satyagraha) , pagdarasal ,
meditasyon , pag-aayuno (fasting) at
pag boykot o hindi pagbili sa mga
kalakal o produktong English
- Labas-masok sa kulungan
- Tinatawag na MAHATMA o great
soul
- Enero 30 ,1948 binaril ng isang
panatikong Hindu na tutol sa
hangarin niya
Mohamed Ali Jinnah
- Ama ng Pakistan
- Disyembre 25, 1876, sa Karachi,
Pakistan
- Namatay si Mohamed Ali Jinnah
noong Setyembre 11, 1948.
Mustafa Kemal Ataturk
- isinilang sa Salonika
- Naging Kapitan ng Ottoman Army
at nagsilbi sa 5th Army sa
Damascus na ngayon ay Syria
hanggang noong 1907

You might also like