Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 60

3

Huwag Mong Sikilin


Ang Aking Puso!
Nobela ni Lino Cali Soriano
Ang nobelang ito pati na ang pangalan ng
mga karakter ay pawang kathang-isip lamang,
anumang pagkakahawig sa pangalan ng ibang
tao, patay man o buhay ay hindi sinasadya.
Halos lahat ng mga lugar na nabanggit ay
totoong lugar lalo na sa Hong Kong at Macau.
Ang pagkopya ng nobelang ito bahagi man o
kabuuan sa pamamagitan ng photocopying,
printing o anumang mechanical, electronic,
digital, data retrieval system, o anumang
paraan ay hindi pinahihintulutan ng publisher,
maliban lamang sa pagsipi sa maikling passage
para sa review sa mga pahayagan, magazine o
mga paaralan.
Published by Smartlearn Multimedia Productions
Vista Verde E. V., Cainta, 1900, Rizal, Philippines
Email: smartlearn888@gmail.com
Mobile: 0906-349-2034
4
5
unfnished
text
Huwag mong
Sikilin ang
Aking Puso
Nobela ni
Lino Cali Soriano
6
7
LADIES and gentlemen this is Captain
Carillo speaking, we are about to approach
Hong Kong International Airport in
exactly three minutes. May I remind
you to remain seated and to fasten your
seatbelts, saad ng Philippine Air Lines
pilot sa sound system ng 211-seat Boeing
767 300ER.
Araw ng Miyerkules noon, February
21, 2007, alas diyes ng umaga. Maraming
babaing overseas Filipino workers o OFWs
ang papunta sa dating Crown Colony
para magtrabaho bilang domestic helpers.
Marami sa kanila ang resigned teachers,
housewives at single women. Isa na rito
ang 21-year-old na si Melissa Zuiga.
Halos kasabay nang smooth na paglapag
ng PAL Flight 147 sa runway nang
maalimpungatan si Melissa, dala ng ilang
gabing puyat. Halata sa makinis niyang
mukha ang lamlam ng kanyang mala-
Bumbay na mga mata at eyebags sa ilalim
nito.
Marahang kinuha ni Melissa ang kanyang
compact at sinipat sa salamin nito ang
maamong mukha, ang matangos na ilong
na namana pa niya sa half-Spanish na lolo.
Gamit ang kaliwang kamay, inayos niya
ang kanyang nakalugay na buhok itim
na itim ito at lagpas-balikat.
Kahit walang make-up ay lutang pa rin
ang ganda ng 58 na dalaga. Sa takong ng
kanyang sapatos na two inches, kasing-
taas na niya ang dating beauty queen si
Precious Lara Quigaman. Ang kaseksihan
ni Melissa at magandang aura ang palaging
nakatatawag-pansin lalo na sa mga
kalalakihan, saan man siya magpunta.
Pasado alas diyes na nang umaga. Habang
nakapila si Melissa sa immigration counter,
hindi niya pansin ang mahabang pila ng
mga Pinay DH sa katabing counter, ni
ang Azerbaiani couple na nagyayakapan
at naghahalikan sa may gilid niya, ganoon
din ang isang Singhalese na ina na may
akay na kambal na batang babae na
parehong nag-iiyakan. First-time kasing
makaalis ang mag-iina mula sa kanilang
sinilangang bayan sa Colombo, Sri Lanka.
Bakit nga pala pumasok akong DH
samantalang pwede akong magtrabaho
bilang computer graphic artist sa isang
multinational company sa Ayala Alabang?
Wala pa naman akong asawa, bakit
kailangan ko pang magsakripisyo gaya ng
aking mga kababayan? tanong ng dalaga
sa sarili.
Kabanata
1
8
9
Hindi napansin ni Melissa na dalawang
beses na siyang tinawag ng Tsinong
immigration offcer.
Next please, pag-uulit nito Miss
Beautiful, youre next!
Saka lamang humakbang palapit sa
counter ang medyo nabiglang dalaga.
Matapos matatakan ang passport ay
iniabot ito ng 25-year-old na lalaking
Chinese immigration offcer na may
sulyap ng paghanga sa matangkad na
dalaga.
Makalipas ang mahigit 15-minutong
mabagal na paglalakad ay narating na
niya ang welcome area. Lumapit siya sa
isa ring Pilipina, edad 40, na may hawak
na 12 x 18 whiteboard na kung saan
nakasulat ang pitong pangalan, kasama na
rito ang kay Melissa.
Bukod kay Melissa, may hinihintay
pa silang isang OFW, si Janet Rose dela
Rosa, isang dating tindera ng pirated CDs
sa Recto at Avenida. Tahimik lamang
ang anim na babae, humahanga sila
sa laki ng international airport na nasa
Lantau Island na may 45,000 na mga
kawani. Mistulang isang siyudad ang
airport terminal building. Sa tingin nilay
doble pa ang laki nito sa 40-hectare SM
Mall of Asia sa Pasay City. Mas malinis,
mas organisado at walang naglipanang
mga bampira o buwitre na katulad
sa Ninoy Aquino International Airport
na naglilibot at naghahanap ng mga
masisilang biktima.
Bakit kaya wala pa si Miss Janet Rose
De la Rosa? may halong pagkainip
at pagtatakang tanong ni Mrs. Vilma
Metrillo, ang kinatawan ng kanilang
agency sa Hong Kong.
Makalipas ang halos isang oras ay
dumating din ang kanilang hinihintay.
Lumapit sa kanila si Janet Rose at parang
balisa at mukhang hindi mapakali. Medyo
pinapawisan ito sa noo kahit malamig ang
aircon sa lugar na yon.
Anong problema Miss Janet Rose?
usisa ni Mrs. Metrillo.
Kasi po sabay kamot sa ulo.
Sabihin mo na ang problema mo, hindi
kita matutulungan kung sosolohin mo
ito, saad ni Mrs. Metrillo.
Pa-pasensya na po maam, nalaglag po
kasi ang passport ko nang paalis na ako
sa immigration counter; hindi ko po
napansin. Hindi ko kasi naisara ang aking
bag, paliwanag ni Janet Rose. Hinanap
ko pa po kaya ako natagalan.
10
11
Sa susunod maging maingat ka Miss
De la Rosa Ladies, tandaan nyo ang
inyong passport ang pinakamahalagang
dokumento na dala nyo, kaya hindi ito
dapat mawala o mawaglit man lamang.
Naku, napakalaking problema ito kung
mawawala ang passport nyo, pwede
kayong ituring na illegal aliens. Baka
makulong pa kayo kung nagkataon, kaya
ingat lang.
Yes maam, halos sabay-sabay na sagot
ng pitong babae.
Bukod kina Melissa at Janet Rose,
kasama nila sina Lily Moises, isang dating
public school teacher; si Myrna Luching,
dating seamstress sa Cebu; Miriam
Manlangit, isang frustrated na japayuki
na nagsawa na sa kaa-apply sa Japan, pero
di pa rin matanggap-tanggap dahil wala
naman talaga siyang talent; si Lorraine
Coquia, isang dating dealer ng Avon at
si Nelia Bathan, isang dating empleyada
sa gobyerno. Lahat silay puro frst-timer
dito.
Ladies, noong 1898, naging colony
ng Great Britain ang Hong Kong. Itoy
may sukat na 1,100 square kilometers sa
mahigit na 260 mga isla. May populasyon
itong 6.7 million ngayon. Ito ay ibinalik sa
ilalim ng China noong 1997 at ngayon ay
isa ng Special Administrative Region nito.
Ang Hong Kong ay may kombinasyon ng
mahigit 150 taong colonial infuence at
5,000 Chinese culture, pahayag ni Mrs.
Metrillo.
Matapos ibigay ang background ng
lugar, inisa-isa ni Mrs. Metrillo ang dos
at donts sa kanilang trabaho.
Matapos ang halos isang oras na briefng
ay sumakay ang pitong babae sa isang
right-hand-drive na puting French-made
Renault van para ihatid sa kani-kanilang
employer. Sa buong mundo, right-hand
drive ang mga sasakyan sa dating British
colonies.
Talagang iniiwasan ni Mrs. Metrillo
na magbigay ng briefng sa sasakyan
habang bumibiyahe sapagkat alam niyang
nanakawin ng mga magagandang tanawin
sa daan ang atensyon ng mga babae: gaya
ng Tsing Ma Bridge - na hawig sa Golden
Gate Bridge sa San Francisco, California
na siyang nag-uugnay sa Tsing Yi Island
at mainland. Alam niyang kapag nagtagal
ang mga ito ay magsasawa rin sila sa mga
makapigil-hiningang tanawin ng Hong
Kong o kayay Xianggang o Hsiang Kang,
gaya sa marami sa 130,000 OFWs rito.
Halos 5:30 p.m. na nang dumating sina
Melissa sa kanyang employer sa South
Horizons. Mas magkakalapit kasi ang
12
13
employers ng anim na babae kaya sila ang
naunang naihatid ni Mrs. Metrillo.
Habang sakay ng lift o elevator, may
kaunting nadamang tensyon si Melissa.
Papaano kung salbahe ang aking mga
amo? Papaano kung saktan nila ako at
maltratuhin? Ito ang gumugulo sa isip
ng dalaga.
Diyos ko, sana po mali ang nasa isip
ko, anas ng dalaga.
Pagdating sa 31st foor ay bumukas ang
lift at lumabas ang dalawa. Naglakad sila
at nag-door bell sa unit 3111-H.
Marahang bumukas ang pinto. Isang
babaing Intsik na may edad 35-36 ang
lumabas. Medyo masaya ang mukha
nito.
Come in, saad ni Mrs. Yap.
Good afternoon Mrs. Yap, bati ni Mrs.
Metrillo. This is Miss Melissa Zuiga
your new helper from the Philippines,
dugtong niya.
Im glad to meet you maam, nakangiting
bati ni Melissa habang kinakamayan ang
employer.
Tinitigan ni Mrs. Yap ang kabuuan ni
Melissa. Hindi siya makapaniwala na
ang ganito kagandang babae na mukhang
edukada ay papasok na domestic helper.
Miss Zuiga is from Bacolod City, a
city south of Manila. But she grew up in
Makati City, in the suburbs of Manila,
saad ni Mrs. Metrillo.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na si
Mrs. Metrillo. Sinundan siya ng tingin ni
Melissa.
Itinuro ni Mrs. Yap ang kwarto ni
Melissa, sumunod ang dalaga. Maliit
lamang ang silid, 6 feet by 9 feet, at halos 7
square meters lamang. Kasya lamang dito
ang isang single double deck bed, isang
silya at isang maliit na mesa. Mayroon
itong maliit na built-in cabinet sa taas at
pull-out cabinet sa ilalim ng kama. Kulay
peach ang kwarto at may maliit na sliding
window.
Mahal kasi ang upa sa frst-class na fat
kaya masyadong limitado ang space rito.
Hindi uso ang rehas sa mga condominium
sa Hong Kong.
Matapos ipakita ni Mrs. Yap ang masters
bedroom at iba pang bahagi ng fat ay
bumalik si Melissa sa kanyang silid.
Ilang sandali lang ay dumating na si
Mr. Henry Yap, isang banker sa Chase
Manhattan Bank sa Admiralty. Ipinakilala
ni Mrs. Yap ang asawang si Henry at ang
14
15
anak na si Margaret. Kindegarten ang bata
sa Queen Elizabeth Montessori School.
Youre my new yaya? Kumusta ka?
tanong ng six-year-old na si Margaret.
Tumango lamang si Melissa at ngumiti.
Miss Melissa, we had two Filipina
domestics before you, so my daughter
can speak some Tagalog. With your help,
maybe she can be at home with your
language in a year or two, paliwanag ni
Henry.
Nakatingin lamang ang dalaga at bilib
mag-Ingles sa among Tsino, distinctive
British accent. Hindi katulad ng maraming
Hong Kong Chinese na hindi maintindihan
ang pagsasalita ng English. Mali-mali ang
pronunciation at enunciation. Marahil
nakapagtrabaho nang matagal si Mr.
Yap sa England. Bago ang hand-over ng
Hong Kong Sa China noong 1997, hindi
na kailangan sa permanent residents ng
Hong Kong ang visa para makapunta o
makapagtrabaho sa England.
Matapos kumain ang pamilya Yap ay
iniligpit niya ang kinainan at hinugasan
ito gamit ang isang remote-controlled
Whirlpool dishwasher. Pagkatapos ay
kumain na ang dalaga. Halos pasado alas
diyes na nang nahiga siya sa kama, agad
siyang nakatulog dala ng pagod.

Kinabukasan, 4:45 a.m. pa lamang ay
gising na si Melissa. Naratnan niyang
nagluluto ng almusal si Mrs. Yap. Hindi
nito iniuutos ang pagluluto sa dalaga at sa
mga dating kasambahay sapagkat minsan
na silang na-food poisoning dahil sa
pagluluto nang una nilang DH, na isang
Nepalese.
Good morning Mrs. Yap! nakangiting
bati ng dalaga.
Ngumiti lamang ang babaing Tsino,
tumango at muling nagluto. Ilang minuto
lamang ay natapos na siya. May iniabot
ito kay Melissa na dalawang-pahinang
copy paper na kung saan naka-print ang
kanyang duties and responsibilities.
Read that carefully, you remember
important details including emergency
telephone numbers.
Yes Mrs. Yap, sagot ng dalaga.
Nagtungo siya sa sala, umupo sa sofa para
basahin ang ibinigay ng amo.
Alas 9 ng ng gabi nang matapos siyang
magligpit ng kinainan. Hindi naman
masyadong mabigat ang kanyang trabaho
Kabanata
2
16
17
sa kusina dahil kumpleto sa kitchen at
maging laundry equipment ang kanyang
amo. Puro kilalang brand pa sa U.S.
at Europe Whirpool, GE, Grundig,
Seimens, Philips at iba pa.
Kinaumagahan, matapos bihisan ng
puting navy-style blouse at checkered blue
na palda, inayos ni Melissa ang dadalhing
school bag ng bata. Sinamahan niya ito
pasakay sa lift, pababa sa ground foor,
lumabas sila at nagpunta sa bus stop.
Ilang sandali pay tumigil ang isang
dirty white na Mercedes-Benz coaster na
may sakay na ilang bata na papasok din
sa school sa umagang yaon. Nagpaalam si
Margaret sa yaya at sumakay.
Mas maswerte talaga ang mga bata rito
kaysa sa aming bansa, mas maganda ang
kanilang buhay, anas ni Melissa.
Sa fat, naligo muna ang dalaga.
Gusto niyang palaging mabango bago
magsimulang magtrabaho. Nag-enjoy
siya sa hot shower at malakas na water
pressure. Kinalakihan kasi niya ang drum
at tabo sa kanilang bahay sa Makati.
Halos 8 p.m. nang may kumatok sa silid
ni Melissa. Nagbabasa siya ng pocketbook
na sinulat ni Andrea Almonte, isang
Pinay na writer na kilala sa pagsusulat ng
kakaibang love stories.
Pagbukas ay bumulaga sa kanya si
Margaret.
Ca. can you help me with my
homework yaya?
Of course yes!
Ipinatong niya ang pocketbook sa mesa,
pinaupo ang bata sa tabi ng kama at
kinuha ang librong iniaabot nito. Inalam
niya ang homework at nagsimula na itong
turuan. Mahigit isang oras na tinuruan
ni Melissa si Margaret. Medyo matalino
ito pero hirap pang bumasa. Hindi kasi
natuturuan ng kanyang ina dahil busy ito
palagi sa trabaho.
Nang matapos na ang pagtuturo ay
tumayo ang bata at humarap kay Melissa.
Yaya, whats tall, beautiful and
exceptional in Tagalog?
Where did you learn the word
exceptional?
Well, I heard it while I was watching
Disney Channel, nakangiting tugon ni
Margaret.
Tall is matangkad while beautiful is
maganda Exceptional is hmm saglit
na nag-isip ang dalaga. Well, exceptional
is katangitangi or natatangi.
18
19
Yaya Melissa ikaw ay matangkad,
maganda at katang How is that again?
Ka-ta-ngi-ta-ngi. Repeat after me,
katangi-tangi.
Oh yes, its katangitangi.
Very good Margaret, very good!
Ikaw din ay katangi-tangi, you are a fast
learner!
Hindi nagtagal ay nakatulog na ang bata
sa kama ni Melissa. Hinayaan muna niya
ito ng halos kalahating oras bago binuhat
at inilipat sa kwarto nito.
Pasado alas diyes nay wala pa ang
mag-asawang Yap. May pinuntahan kasi
silang party sa Hotel Furama Kempinski
sa Central.
Naupo siya sa may sofa hawak ang
remote control ng 50-inch Sony Bravia
high-defnition LCD TV. Gusto niyang
makapanood ng balita mula sa Pilipinas.
Bago pa man mapindot ni Melissa ang on
ay nag-ring ang telepono. Agad niyang
kinuha ang wireless phone sa cradle nito
at sinagot.
Hello, good evening, sagot ni Melissa.
Emergency! Emergency! Please help
me! sagot ng babae sa kabilang linya.
Biglang kinabahan ang dalaga. Si Mrs.
Yap! Diyos ko!!!
Please help me! My son ingested
poison! Help! balisang sabi ng Tsina sa
kabilang linya ng telepono.
Calm down maam please calm down.
This is a private phone. I suggest you dial
999. Repeat 9-9-9 it is the emergency
telephone number, sagot ni Melissa.
999? oki.
Nabawasan ang pangamba ng dalaga.
Ang akala niyay may nangyaring masama
kay Mr. Yap. Unang araw pa lang niya
sa Hong Kong ay na-memorized na niya
ang mga importanteng telephone number
gaya ng 999, ang numero para sa police,
fre at ambulance.
Naalala niya ang kanyang cellfone.
Hindi niya ito nai-set sa roaming mode
bago umalis dahil ayaw niyang malaman
ng kanyang mga magulang at kamag-anak
ang kinaroroonan niya. Bakit nga ba?
Napabuntong-hininga ang dalaga.

20
21
Linggo ng umaga. Day-off ni Melissa.
Matapos magpaalam sa amo ay bumaba
siya ng fat at sumakay sa lift. Nakasabay
niya si Quirina isa ring domestic helper
na nagtatrabaho sa 21st foor. Ilang araw
pa lang ito sa Hong Kong.
Pilipina ka rin? tanong ni Quirina.
Oo, sagot ni Melissa. Anong pangalan
mo?
Eh eh Qui-Quirina, ipinangalan
kasi ako ng tatay ko sa nasira kong lola.
Pero tawagin mo na lamang akong Rina,
dalaga pa ako.
Ako naman si Melissa Zuiga, dalaga
rin ako Mahigit isang buwan na ako
rito. Noong una, nakapanibago dahil frst
time akong mawalay sa pamilya. Pero
ngayon medyo sanay na ako, kaya lang
paminsan-minsan nahu-home sick pa
rin.
Ngayon din lang ako nawalay sa
aking pamilya Melissa. Hindi pa nga ako
nakararating maski sa Maynila.
Bumukas ang pinto ng lift sa 10th foor,
pumasok ang mag-asawang Slovenian na
may kasamang apat-na-taong green-eyed
blond girl. Ngumiti rito si Melissa nang
siya ay sulyapan.
Nang bumukas ang pinto sa ground foor
ay patuloy pa ring nag-usap ang dalawa, at
kahit na bago pa lang nagkakilala, medyo
naging close kaagad dahil pareho silang
taga Bacolod City. Pagdating sa may bus
stop ay naghiwalay na sila.
Day, mauna na gid ako, paalam ni
Rina.
Ingat ka rin Day, marami ring mga
lokong Pilipino rito, babala ni Melissa.
Salamat gid.
Pag-alis ni Rina ay tumawid na ang
dalaga.
Naglakad si Melissa ng kaunti papunta
sa bus stop na pa-Central. May mga naka-
assign na bus stop sa bawat grupo ng mga
bus depende sa destinasyon.
Sa bus stop, narinig ni Melissa ang pag-
uusap ng dalawang Ilongga na parehong
OFW tungkol sa problema sa kani-
kanilang mga batugang asawang lalaki.
Kahit naiintindihan niya ang dialect ay
hindi niya pinansin ang dalawa. May ilan
Kabanata
3
22
23
pang mga kababayan na nasa bus stop
across the street ang matiyagang nag-
aabang sa double-decker bus, habang ang
ilan ay tumitingin sa kanilang visitors
map.
Bilib talaga ako sa disiplina ng mga tao
rito, pati mga kababayan koy sumusunod
sa lahat ng batas-trapiko, bulong ng
dalaga.
Sa mga mata ng mga frst-timer, parang
isang malaking Ongpin ang Kowloon
at Hong Kong, kaya nga lang mas
sophisticated, mas moderno. Lalo na
kung araw ng Linggo, hindi nawawalan
ng Pilipino kahit na saang parte ng
Xianggang. Pero hindi lahat ng mga
naririto ay OFWs, marami rin ang turista.
Ito rin ang paboritong puntahan ng anak
ng mga mayayamang Filipino-Chinese
tuwing semestral break dahil sa bagong
bukas na Hong Kong Disneyland na
matatagpuan sa Lantau Island.
Ilang bus na papuntang Central ang
dumaan pero hindi pa sumasakay si
Melissa. Naaliw siyang pagmasdan ang
luxury cars at SUVs na dumadaan: pulang
Lexus, itim na BMW X5, Volvo SC90,
Ferrari Marinello, Hummer H3, at Range
Rover HSE.
Makalipas ang ilang sandali, tumatawid
na ang dalaga para bumili ng chitchirya sa
tapat na convenient store. Pero may iniisip
siya. Medyo mabagal siyang tumawid.
Nakailang hakbang na siya nang biglang
may bumusina ng ubod-lakas, galing sa
isang pulang Mercedez-Benz SLK 350
convertible. Galit na sinigawan siya ng
British na babaing driver nito.
Right-hand drive nga pala rito sa Hong
Kong. Nalimutan ko Kaya dapat sa
kanan muna ako titingin bago tumawid,
sabi ni Melissa sa sarili.
After 20 minutes, nasa Central terminal
na ang dalaga. Dala ang maliit na
visitors kit, tiningnan niya ang mapa
at nagsimulang maglakad sa Des Voeux
Road.
Alas diyes na nang umaga. Sa daan ay
nagsimula nang dumagsa ang libu-libong
OFWs mula sa Queens Road, Connaught
Road, Star Ferry Pier, at iba pang lugar.
Dahil sa rami ng mga Pinay, isinasara
na sa trapik ang ilang kalsada sa Central
para ma-accommodate ang ating mga
kababayan na nais mamasyal o mag-
bonding. Dumaan siya sa isang iskinita na
maraming nagtitinda, sa Chiu Tung St.
Mga suki, murang-mura lang, bili na
kayo, bargain! sigaw ng isang Cantonese
vendor na mahusay magsalita ng
24
25
Tagalog.
Mga kabayan, pa-load kayo? hiyaw ng
isang Fookienese vendor.
Cellfone, bargain, buy one take one!
saad naman ng isang Bumbay o Indian
na may mahabang balbas at orange na
turban.
Mistulang isang frst-class na fea market
sa Makati ang maraming lugar sa Central
dahil tuwing Linggo, malaking bilang
ng mahigit sa 130,000 OFWs ang nasa
lansangan, malls, parks, ferry, restaurants
at iba pang mga lugar. Sanay na ang mga
taga Hong Kong sa kanila. Naging bahagi
na ang mga Pinoy ng kanilang pang-araw-
araw na buhay at kultura.
Noong 1990s umabot sa mahigit 175,000
ang documented at undocumented OFWs
sa dating Crown Colony. Dahil dito,
natuto ng Tagalog ang marami sa kanilang
mga amo. Matatagpuan na rin sa ibabaw
ng dining table ng libu-libong mga Intsik
mula sa Lantau Island, Hong Kong
Island, Kowloon, New Territories at kahit
na saan sa 9.57 million square-kilometer
na higanteng bansa na may Pilipino -
ang mga putaheng Pinoy gaya ng adobo,
sinigang, kare-kare, bopis, sigsig, at iba
pa.
Naupo sandali si Melissa sa higanteng
plant box para tingnan ang kanyang mapa.
Ilang sandali pa
Melissa! Melissa! Ikaw nga, saad ni
Janet Rose.
Kumusta ka na? sabay pagtayo ni
Melissa.
Mabuti naman, sagot ni Janet Rose.
Bakit mukha kang malungkot?
Ma-may problema kasi ako, medyo
mabigat.
Ha??? Ano yon?
Hindi kumibo si Janet Rose, napayuko
ito.
Sino pa ba naman ang magtutulungan
kundi tayong magkababayan. Sabihin
mo na ang problema mo, hwag ka nang
mahiya.
Nagsimula nang maglakad si Janet Rose.
Sumabay si Melissa.
Gusto ko na yatang bumalik na sa atin
Melissa!
Ha? Bakit naman? Pero two months
pa lang tayo rito.
Lagi kasing wala si Mrs. Uy, ang amo
kong babae. Palagi kong kasama sa
26
27
fat ang kanyang mister na mukhang
manyakis Napapansin kong masama
palagi ang tingin niya sa akin, para bang
may binabalak na hindi maganda. Ano
kaya ang dapat kong gawin Melissa?
Baka naman palagay mo lang yun
Janet?
Hindi. Malakas ang kutob ko na may
masamang binabalak sa akin si Mr. Uy at
kumukuha lang ng tiyempo.
Ilang taon na ba si Mr.Uy?
Sa palagay ko, mga 68 years old na
siya.
Amoy lupa na pala eh, hindi na pwede
yun.
Pero Melissa, kabisado ko ang mga
Intsik, kahit matanda nay pwede pa ring
makipagtalik dahil may mga iniinom
silang herbal na nagpapalakas sa kanilang
pagkalalaki, paliwanag ni Janet Rose.
Alam mo Janet, baka ganun lang
tumingin ang amo mo. O kaya baka palagi
kang nakasuot sexy kaya laging nakatutok
sa iyo ang mga mata ni Mr. Uy.
Wala naman akong ibang dalang damit
kundi shorts at hanging shirts.
Mura lang naman ang mga damit dito
sa night market. Pag suweldo mo, bumili
ka.
Three weeks pa ang sweldo Pag
hindi ako nakatiis, uuwi na lang ako sa
atin!
Ang sabi mo may type B diabetes
mellitus ang nanay mo kaya naririto ka at
kailangang magpadala ng pera pambili ng
Insulin at iba pang mga gamot. Kung uuwi
ka sa atin, papaano mo siya matutulungan?
Janet, panghabang-buhay ang sakit na
diabetes at itoy nakamamatay!
Hindi nakakibo si Janet Rose. Kahit na
siyay mahigit 28 years old ay hindi pa ito
matured kung tungkol sa pakikibaka sa
buhay ang pag-uusapan. Hindi katulad ni
Melissa, kahit mas bata ay marami nang
karanasan sa paglutas ng mga problema
sa buhay dahil sa pagtira niya sa mga
tiyahing may asawa.
Kung gusto mo pahihiramin muna
kita ng jogging pants at ilang t- shirt na
hindi sexy para maisuot mo. Sumabay
ka na mamya pag-uwi ko Janet, huwag
mong masyadong pansinin si Mr. Uy.
Maski mamula ang mga mata niya sa
katititig sa iyo, dedmahin mo lang.
Hindi nakabubuntis ang basta tingin.
Tawagan mo ako kaagad pag nandyan na
ang problema, saad ni Melissa habang
28
29
isinusulat ang kanyang telephone number
sa isang maliit na papel.
Sa kanyang silid, halos 11 p.m. na nang
matapos ni Melissa ang charcoal drawing
ng ilang mukha ng Pinay na nakita niya
sa Statue Square sa Central. Sayang,
wala pa siyang digital camera. Mas
detalyado kasi ang charcoal sketch kapag
kokopyahin mula sa picture ang iguguhit.
Dahil isa siyang visual artist na mahilig
sa photography, sa ikatlo niyang sweldo
ay balak ng dalaga na bumili ng isang 10
megapixel Nikon 40Dx na may kasamang
18-55mm zoom lens, isang digital still
camera para sa serious photographers.
Kahit pwedeng kumuha ng hulugang
camera, sinanay si Melissa ng ina na
magtipid at mag-ipon at bumili ng cash
para makamura. Hindi birong pera ang
matitipid kung cash na bibili. Ayaw
niyang gumaya sa maraming kababayan
na wala halos natitira sa sweldo dahil
sa rami ng mga inutang na kadalasan ay
puro lang luho.
Pasado 11 p.m. na pero ayaw pa ring
dalawin ng antok ang dalaga, kahit natapos
na niya ang drawing. Sumulyap siya sa
bintana at tiningnan ang napakaraming
mga ilaw at neon lights na nagkikislapan -
na tila libu-libong mga bituin sa madilim
at malungkot na langit na mistulang
piping mga saksi sa kanyang nadaramang
matinding kalungkutan.
Maya-maya pa ay nagsisimula nang
umagos ang masaganang luha sa kanyang
maaamong mga mata. Nais niyang
humagulgol nang malakas para maibulalas
sa mundo ang pighating nadarama, pero
hindi niya magawa.
Bakit nga ba? Ano ang bumabagabag
kay Melissa?
Naalala ng dalaga ang amang si
Clemente at ang inang si Zeny, pati
na ang problemang nagtulak sa kanya
para biglaang umalis sa bansa. Kahit di
nagsisisiy labis siyang nalulungkot sa
ginawang pagtakas sa mga magulang.
Marahan niyang pinahid ng tissue ang
kanyang luha.
Kumusta na kaya sina Mommy at
Daddy? Sana mapatawad nila ako.
Nang mga sumunod na araw naging
karaniwang routine na kay Melissa
ang gumising nang maaga, maglinis ng
fat, maglaba at kung minsan, turuan si
Margaret sa gabi.
Medyo nahirapan siya nang unang
linggo dahil hindi siya sanay gumising
nang maaga at malakas magbihis ng damit
30
31
ang pamilya Yap.
Yaya Melissa, why you always lonely?
Problema ba? usisa ni Margaret.
Buntong-hininga lamang ang isinagot
ng dalaga.
Napansin din ng bata na palaging
tahinik ang yaya at hindi siya halos
kinakausap. Pero tuwing gabi, madalas
itong magtungo sa kwarto ni Melissa para
tingnan ang mga drawing nito at tuloy
magpaturo.

Miyerkules ng umaga, pakanta-kanta si
Melissa habang naglilinis ng kwarto ng
mag-asawang Yap. Pag-angat niya ng bed
sheet ay nagulat siya nang may mapansin
siyang ilang pirasong Hong Kong dollars.
Kinuha niya ito at binilang.
Two thousand dollars!
Agad niyang inilagay ito sa drawer, na
nasa side table ng kama. Kahit mahirap
lamang ay hindi niya ugaling pag-interesan
ang perang hindi kanya. Ito ay matagal
nang naikintal ng amang si Clemente sa
kanyang isip mula pa sa pagkabata.
Naalala niya ang P550,000 cash na
nakalagay sa isang clutch bag na napulot ni
Clemente sa comfort room ng Philippine
Plaza Hotel noong si Melissay 17 years
old pa lamang. Ito ang naging dahilan
kung bakit muntik nang maghiwalay ang
kanyang mga magulang. Ayaw isauli ni
Zeny ang pera dahil wala naman daw
pangalan ang bag pero gusto ng kanyang
ama, na siya ring nasunod sa huli. Hindi
rin tinanggap ng ama niya ang ilang libong
pisong pabuya na ibinibigay ng may-ari
Siya, pati na ang kanyang mga Ate Mabel
at Ate Jennifer ay lumaking honest at
hindi kumukuha ng mga bagay na hindi
kanila, maski souvenir items lamang sa
mga hotel at iba pang class na lugar.
Kinagabihan ay kaagad kinausap ni
Melissa si Mr. Yap.
Sir Henry, Ive found HK$2,000 under
the bed sheet, I placed it inside the drawer
in your room.
Oh Ive been looking for that since this
morning. I thought I lost it somewhere
Tumingin siya sa dalaga at ngumiti.
Thank you very much, youre a very
honest girl!
Kabanata
4
32
33
Thats what my father had taught me:
to be honest any time,marahang sinabi ni
Melissa habang nakatitig sa among Tsino.
Ilang sandali lang ay dumating na si
Mrs. Yap, may dalang groceries. Nang
nalaman niya ang ginawa ng dalaga ay
nagpasalamat siya. Alam ng mag-asawang
Yap na hindi sila nagkamali ng pagpili sa
dalaga. Hindi lang siya maganda sa labas,
pati na rin kalooban, na bihirang makita
sa mga tao sa ngayon, lalo na sa mga
kabataan.
May kinuha sa grocery bag si Mrs. Yap.
Its for you! sabay abot ng 250 grams
na Toblerone chocolate sa dalaga.
No, thanks maam.
I really bought an extra bar, Margaret
has reminded me this morning to buy one
for you.
Thank you so much Mrs. Yap, youre
so kind, sabay abot ng chocolate bar.
Ilang sandali pa ay nag-excuse ang dalaga
para pumunta sa kwarto ni Margaret para
turuan ang bata.


Linggo ng umaga. Naglalakad si Melissa
sa Tsim Sha Tsui sa may Nathan Road. Dito
matatagpuan ang daan-daang tindahan
ng mga electronic at digital gadgets gaya
ng cameras, video equipment, laptop
computers, PDIs, cellfones, MP4 players,
blue ray disc players, digital photo frames
at iba pang nakatutulong-laway na mga
electronic equipment at digital gadgets.
Pumasok si Melissa sa isang photo
shop para tingnan ang presyo ng digital
SLR camera na Nikon D40x na gusto
niyang bilhin sa susunod na sweldo. May
naririnig siyang nagtatalo na tila isang
Intsik at isang matangkad na lalaking
mukhang Pilipino.
Marami palang manloloko rito sa Hong
Kong, saad ng binata, habang napasulyap
kay Melissa na nasa gawing kanan niya.
Lumapit ito sa kanya. Miss alam mo ba
ang number ng pulis dito? tanong niya
kay Melissa.
Pulis? Bakit, anong problema? tanong
ni Melissa.
Pagtingin sa dalaga ay namangha ang
Kabanata
5
34
35
binata. Hindi niya mapigilan ang paghanga
sa ganda at tangkad nito. Saglit na nawala
sa isip niya ang problema at
Si-syanga pala ako si Edward Grana,
iniabot nito ang kamay kay Melissa at
kinamayan ito.
Ako naman si Melissa Zuiga isang
DH.
DH? I cant believe that youre a
domestic helper, youre so beautiful,
simple but classy. Maybe youre a tourist,
sagot ni Edward.
Do I look like lying? tanong ni Melissa
habang nakatitig sa binata.
Umiling lamang si Edward, nag-sorry
at sinabi niyang ibang brand ng digicam
na mas inferior na uri ang ibinibigay
ng salesman kaysa doon sa kanyang
binayaran. Wala na raw stock. Ayaw niya
itong tanggapin at humihingi ng refund
pero ayaw pumayag ang tusong Intsik.
Kinausap ni Melissa ang salesman.
Nagsalita ito ng kaunting Cantonese, at
pagkatapos ay Hey mister, if you will
not give him a refund, well report you to
the police now and fle a formal complaint
at the Consumer Council! dugtong ng
dalaga.
Nagulat ang Tsino, kinausap ang kanyang
boss sa wikang Cantonese at nagsimulang
kunin ang perang ibinayad ni Edward
US$600. Medyo nakasimangot na iniabot
nito ang pera sa binata. Mabilis na kinuha
ni Edward ang dolyares at binilang.
Mauna na ako sa iyo Edward, paalam
ni Melissa.
Bakit ka nagmamadali? Hindi pa ako
nakapagpapasalamat sa iyo at doon sa
mamang Intsik.
Magpapasalamat ka roon sa nanloko sa
yo? Hindi ko ma-gets, saad ng dalaga.
Kung hindi dahil sa panloloko niya,
hindi ako makakakilala ng maganda,
charming at mabait na Pilipina na parang
teenager na Precious Lara Quigaman.
Twenty-one years old na ako. Huwag
mo na akong bolahin, tinulungan na nga
kita. Tumingin ito sa mukha ng binata at
nagpaalam. Bye Edward!
Wait! Melissa, kung pwede sanang
makahingi ng isa pang favor sa iyo.
Ngumiti siya. Lalo itong pinaganda ng
kanyang expressive na mga mata, malalim
na dimples at cleft chin.
Baka ang ibig mong sabihiy favor,
hindi favor. Hindi naman ako tindera
36
37
ng Magnolia ice cream, sabay tawa ng
dalaga.
Gusto lang kitang pasayahin. Lalo ka
kasing gumaganda kapag nakangiti.
Sabihin mo na kung ano ang gusto mo,
huwag mo na akong bolahin Mr. Bolero
King.
Melissa, can I invite you for lunch?
Busog pa ako. At sakamalakas akong
kumain, baka mapasubo ka.
Okey lang. Gutom na kasi ako, di pa
ako nag-breakfast.
And so? kasunod ng ngiti ng dalaga.
Matapos ang ilang sandali ay nakumbinsi
rin ng binata si Melissa. Kumain sila sa
Jade Ocean Chinese Restaurant sa ilang
blocks lang ang layo sa camera store.
Sa harap ng Chinese lauriat na nakahain
sa mesa ay nag-usap ang dalawa.
Gusto ko na ring mag-work dito,
marami palang magagandang Pilpina rito
na gaya mo. Anong panama sa yo ng mga
artista sa atin?
Ngumiti lamang si Melissa, medyo
nasanay na ito sa matamis na dila ng
binata. Hindi na rin siya magtataka
dahil marami sa mga kaibigan niya sa
Maynila ang nagsasabing para raw siyang
nakababatang kapatid ni Precious Lara
Quigaman.
Turista ka?
No.. Actually nagti-training ako sa
thermoplastic technology sa Aliaxis
Group of Companies dito. Isa akong
mechanical engineer, sagot ni Edward.
Matapos ang mahigit dalawang oras at
21-course lauriat ay lumabas ang dalawa.
Edward, ayaw ko nang sumama sa iyo
sa susunod.
Nagtaka ang binata.
Why? Have I done something wrong?
If ever I did, please forgive me Melissa.
Ngumiti ang dalaga at
Ayaw ko nang sumama sa iyo kasi
baka maulit pa ng ilang beses ito, hindi
na magkakasya ang mga damit ko, at
kailangang ibili mo na ako ng bago
dahil tiyak na magiging dabiana na ako.
Masyado mo kasi akong binubusog.
Minsan lang naman ito Melissa. At
sa sexy mong yan, hindi ako maniniwala
na tabain ka Siyanga pala, pwede bang
makuha ang landline mo at cellfone
38
39
number?
Meron akong cellfone pero walang
number, sabay tawa ng dalaga. Hindi
ko nailagay sa roaming ang aking cellfone
bago ako umalis kaya hindi ko ito
magamit. Sorry, hindi ko pwedeng ibigay
ang landline number ko kasi magagalit
ang amo ko. Alam mo namang may mga
limitasyon ang aming pagtira sa kanilang
bahay.
Ibinigay na lamang ni Edward ang
kanyang cellfone number at landline
number sa offce niya sa Maynila.
Nagpaalam na ang dalaga. Kahit malayo
nay sinusundan pa rin siya ng tingin ng
binata.

Alas sais ng hapon. Nagpaalam si
Melissa kay Mrs. Yap para bumili ng ilang
items sa convenience store, di kalayuan
sa kanilang tinitirhan. Paglabas niya
ay naratnan niya ang 30-year-old na si
Precy, isa ring DH sa may di-kalayuan sa
kanyang pinaglilingkuran, nakamukmok
sa labas.
O, Precy, bakit hindi maipinta ang
mukha mo?
Malaking problema, Melissa.
Tungkol saan?
Nagtatampo ang aking anak na babae
sa Maynila. Ayaw niyang sagutin ang
mga text at tawag ko Hindi ko kasi
napalitan ng bago ang cellfone na
hinihingi niya noong kanyang 13th
birthday kamakalawa.
Bakit?
Naubos na kasi, ipinambili ng damit at
sapatos niya. Kinulang ang perang inutang
ko kaya P12,000 lang ang naipadala ko.
Nabigla ang dalaga.
Huwag ka sanang magagalit Precy.
Alam mo, itinuturing kitang parang
kamag-anak.
Natigilan ito, tumitig sa dalaga at
nakinig.
Precy, halos dugo at buhay na ang
puhunan nating OFWs dito sa Hong
Kong. Ilan na ba ang tumalon sa terrace
ng condominium o nagpakamatay dahil sa
takot nilang makulong sa hindi mabayad-
Kabanata
6
40
41
bayarang mga utang?
Lumapit ang dalaga kay Precy at
nagsalita sa mas mahinang boses.
Ipaalam mo sa anak mo ang tunay
na kalagayan natin dito. Hindi picnic
ang pinuntahan natin kundi trabaho
mabigat na trabaho! na madalas umaabot
pa sa mahigit 16 na oras isang araw
Dapat na silang makontento kung ano
ang nakayanan mo. Sa totoo lang, luho na
ang hinihingi ng anak mo at hindi basta
regalo!
Alam mo namang walang trabaho si
Alfred ko.
Precy, sana sumulat ka sa pamilya mo
at ipaalam mo ang totoo. Kumbinsihin
mo rin si Alfred na maghanap ng trabaho,
huwag lahat iaasa sa iyo. Kung lahat ng
luho ng pamilya mo ay susundin mo, baka
bukas-makalawa iuwi kang nakalagay sa
kahon dahil namatay ka sa sakit o kayay
nag-suicide ka katulad ng iba nating mga
ka-trabaho.
Naghiwalay ang dalawa. Kahit nabigla
si Melissa sa sinabi ay alam niyang
kinakailangang sabihin niya ito para
magising si Precy.
Pagbalik ni Melissa sa fat ay inabot
niya si Margaret na naghihintay sa may
couch. Ipinatong niya sa working table
sa may kitchen ang pinamili at lumapit sa
naghihintay na bata.
Yaya please, can you teach me to draw?
tanong ni Margaret habang hawak nito
ang isang set ng Staedtler color pencils at
11 x 20 sketch pad.
Yes, of course, nakangiting sagot ng
dalaga. Why do you like to learn how to
draw?
I want to become great artist someday
like like Mr. Pablo Picasso.
Pablo Picasso? The great Spanish
master?
Yup.
Kinuha ni Melissa ang sketch pad at
ilang colored pencils. Nakikita niya sa
mga mata ng anim-na-taong bata na
talagang interesado itong matuto.
What do you want me to draw frst?
Mickey Mouse!
Makalipas ang isang oras, marami nang
nai-sketch na lines at shapes si Margaret.
Kahit na crude, nagaya rin niya ang Micky
Mouse sketch ng yaya.
Kinagabihan, ayaw pa ring dalawin
42
43
ng antok ang dalaga, hindi dahil sa
problemang iniwan niya sa kanilang
bahay sa Makati kundi dahil kay Edward.
Kahit na noong unay umiiwas
siya, ngayoy parang gusto na niyang
makasama ang 5 10 na binata, hindi lang
sa lunch kundi maging sa dinner. Kahit
na panandalian lamang, nalilimutan ni
Melissa ang kanyang mga problema kapag
kasama ang palabirong si Edward.
Hindi nagtagal nakatulog si Melissa na
hawak pa rin ang pocketbook na sinulat
ni Stephen King.

Kinabukasan, maagang nagising ang
dalaga. Maagang umalis ang mag-asawang
Yap. Agad niyang ginampanan ang
kanyang tungkulin. Kahit puyat, masigla
pa rin siya. Bumabawi naman siya ng
tulog kapag Linggo ng umaga. Bihis na
si Margaret nang mapansin ni Melissa na
medyo mainit ito, may kaunting lagnat.
Hindi na niya ito pinapasok sa Queen
Elizabeth Montessori School.
Makalipas ang ilang oras, tumaas nang
husto ang lagnat ni Margaret. Medyo
naaburido si Melissa. Binigyan niya
ng sponge bath ang bata pero pagbaba
ng lagnat nito ay muling tumaas.
Tinawagan niya sina Mr. at Mrs. Yap pero
unreachable ang cellfones nito.
Taas-baba ang lagnat ni Margaret sa
loob ng halos isang oras kaya napilitan si
Melissa na dalhin ang bata sa Wan Chai
Medical Center.
Dahil sa malubhang lagay ni Margaret, sa
private room siya na-confne. Kakaiba ito
sa ibang private rooms ng ospital. Parang
bahay at palaruan ang design. Mayroong
mga human-size color drawings nina
Micky Mouse, Goofy, Donald Duck at
iba pang Disney characters sa walls,
mayroong malaking playhouse sa isang
bahagi ng silid at mga laruan gaya ng
Lego. Pambata talaga ang motiff. Ayon sa
isang Chinese staff na taga Xinjiang, isang
Filipino interior designer ang nag-design
nito, at mas nakatutulong sa mabilis na
paggaling ng mga batang maysakit ang
ganitong athmosphere.
Makalipas ang isang oras, dumating sina
Mr. at Mrs. Yap sa ospital.
Melissa what happened? tanong ng
Tsino.
Kabanata
7
44
45
Im still waiting for the laboratory
results Mr. Yap.
Nakalipas ang ilang sandali, dumating si
Dr. Jennifer Lee ang attending physician.
Niyaya niya ang mag-asawa sa kanyang
opisina para ipaliwanag ang karamdaman
ng bata.
Mr. Yap, Mrs. Yap, laboratory tests have
confrmed that your daughter is suffering
from rheumatic fever. She is positive of
streptococcus bacteria, paliwanag ni Dr.
Lee.
Is it very serious or could be fatal?
tanong ni Mrs. Yap.
In some cases, yes. I have had a number
of patients whose heart was seriously
affected because there was no immediate
medical intervention. Its good that Miss
Zuiga has bought her early, if not, its a
different story.
Dr. Lee, emergency room please, saad
ng sound system.
Nagpaalam ang doktora sa mag-asawang
Yap. Kaagad silang nagtungo sa kwarto
ni Margaret.
Hinawakan ni Mrs. Yap si Melissa sa
balikat at kinausap.
I dont know how to say this, but
thank you for what you have done to
my daughter, I hope I can repay you
someday.
Its my duty maam, and besides, I can
never forgive myself if something bad
happened to Margaret, sagot ni Melissa.
Nagpasalamat din si Mr. Yap. Alam ng
mag-asawa na nasa mabuting kamay ang
kanilang anak. Mag-uumaga na nang
silay umalis.
Alas sais ng gabi na nang pumasok ang
nurse na si Judy. Pinainom niya ng gamot
si Margaret at nagsulat ng entry sa chart.
Tuloy tuloy na ang paggaling ng iyong
alaga Melissa, saad ng nurse.
Kailan kaya kami makalalabas dito?
Siguro one week pa, yan ang narinig
ko kay Dr. Lee, sagot ng nurse.
Matagal ka na rito Judy?
Four years na, pero baka next year ay
mag-resign na ako Melissa.
Bakit naman?
Mag-aasawa na ako ng Scottish
widower at sa Edinburg na kami titira!
46
47
Edinburgh? Wow, sosyal! Di ba yun
ang capital ng Scotland at maraming mga
palasyo roon!
Tama ka Melissa. Baka roon na ako
magtrabaho kapag nakapasa ako sa nursing
board exam nila.
May kapatid ba ang fanc mo?
Ipakilala mo naman ako, malay mo baka
maging mag-bilas tayo, nakangiting saad
ni Melissa.
Wala na, siya ang bunso.
Ilang taon na ba ang fance mo?
Eh seventy na Melissa.
Ha??? may pagtatakang tugon ang
nabiglang dalaga.
Medyo na-offend si Judy sa facial
expression ni Melissa. Lumapit ang nurse
sa kanya at nagsalita nang mas mahina.
A-alam mo Melissa, praktikal ako
Mas inuna ko ang kumakalam na sikmura
ng aking mga magulang at anim na mga
kapatid kaysa sa aking puso! Namulat
ako at ang aking mga kapatid sa kahirapan.
Lumaki kami sa kahirapan Ito ang
dahilan kaya matagal ko nang tinuruan
ang aking puso na sundin ang aking isip.
Kaya ngakaya nga nang sinagot ko si
Sean last year ay nakipagbreak muna ako
sa aking boyfriend kahit kahit halos
ikamatay ko!
Judy!
Melissa, naging manhid na ang aking
puso dahil sa labis na kahirapan ng
aking pamilya Hindi ko na kailangang
i-detalye pa sa yo kung gaano ko kamahal
ang aking mga magulang at mga kapatid.
Kaya lang ako nakapagtapos ng nursing
ay dahil scholar ako.
Lumapit si Melissa sa nurse at inakbayan,
Im terribly sorry Judy. I dont mean to
hurt you or offend you. I am sure your
parents and family are very proud of you.
Napakabuti mong anak.



Mahigit nang isang linggo sa ospital
si Margaret. Tanging si Melissa lamang
ang palaging nagbabantay. On and off
ang dating ng mag-asawang Yap dahil
sa trabaho nila. Kapansinpansin na
naiinip na ang bata at kung minsan ay
Kabanata
8
48
49
nakasimangot.
Yaya Melissa, kailan po tayo uuwi?
tanong ni Margaret.
We cannot go home yet. Dr. Lee said
you have to undergo some laboratory
tests She said if youre okey, bukas,
uuwi na tayo.
But I want to go home now. Im home
sick Yaya... Uwi na tayo!
Well just do some drawing of Minnie
Mouse and Goofy, then when you wake
up tomorrow, we can go home.
Pumayag si Margaret.
Makalipas ang 30 minuto ay natapos
na ng bata ang drawing. Minasdan ito ni
Melissa.
Good! Very good! Youre a talented
little girl. Im sure we can go home
tomorrow.
Really, Yaya?
Yes Margaret, because your drawing
says so.
Tinuruan ni Melissa na magkulay ng
drawing ang bata. Sa totoo lang, sa halos
dalawang buwan niyang inaalagaan si
Margaret ay napalapit na ito sa kanya.
Gabi na, pumasok si Judy para
kumustahin ang bata at si Melissa.
Bukas ng umaga malalaman lahat
ang resulta ng laboratory tests kay
Margaret. Im sure magaling na siya.
Gusto lang makasiguro si Dr. Lee na hindi
magkakaroon ng relapse, paliwanag ni
Judy.
Salamat sa mahusay mong pag-aasikaso
Judy.
Wala yun. Trabaho lang. At saka
kilala naman sa TLC ang Pinay nurse sa
buong mundo.
TLC?
TLC as in Tender Loving Care. Wala
niyan ang caucasian nurses kaya nga
in-demand tayo sa Europe lalo na sa
London.
Noong bata pa akoy gusto ko
ring maging nurse gaya ni Florence
Nightingale, kaya lang takot ako sa dugo,
kaya isang computer graphic artist ang
binagsakan ko, paliwanag ni Melissa.
O sige Melissa, magra-round pa ako ng
ibang pasyente. Sabihin mo na lang kung
kailan ka pabalik sa atin, may ipadadala
ako.
Matatagalan pa siguro ako rito Judy.
50
51
Hayaan mo pag may kakilala akong pauwi,
sasabihin ko sa yo.
Linggo ng umaga, papalabas na sa
ospital si Margaret. Matiyagang inaayos
ng dalaga ang mga damit at ilang stuffed
toys at inilalagay sa malaking Samsonite
bag. Nakasuot si Melissa ng puting
walking shorts at puting sleeveless blouse
na medyo plunging ang neckline. Suot
din niya ang kanyang ivory necklace.
Nagbayad na ng hospital bill si Mr. Yap
at kinuha ang discharge papers. Hindi
naman kalakihan ang ibinayad niya dahil
mayroong health insurance ang pamilya.
Sakay ng Volvo SC70 na kulay midnight
blue, pauwi na sina Margaret. Nakahiga
siya sa may likod at nakaunan sa mga hita
ni Melissa. Nasa harap ang mag-asawang
Yap.
Sa daan, hindi pinapansin ni Melissa ang
mga higanteng shopping mall at walang
katapusang signs sa bawat shop na parang
humihiyaw ng SALE!!! pati na ang mga
magagandang tanawin. Sanay na siya
rito, ni ang maraming mga Pinay OFW na
nag-uumpukan sa mga parke, MTR at bus
stations, at maski sa malls.
Hindi lang OFWs ang marami rito.
Malaking bilang din ng turistang Pilipino
ang nagpupunta rito, lalo na kung Chinese
new year. Bukod sa Ocean Park, number
one sa listahan ng ating mga kababayan
lalo na yung may mga kasamang bata -
ang Disneyland na kung saan marami ring
mga Pilipino ang nagtatrabaho.
Ano nga kaya ang mangyayari sa Hong
Kong kung walang Pilipino? naisip ni
Melissa.
Nang malapit na sila sa South Horizons
ay tinawagan ni Mr. Yap sa cellfone ang
opisina ng fat at nag-request ng wheel
chair para kay Margaret.
Pagdating sa fat ay agad ibinaba ni
Melissa ang mga gamit. Iniakyat niya ito
samantalang isinakay naman ni Mrs. Yap
ang anak sa wheelchair.
Halos buong hapong nanood si Margaret
sa Disney Channel. Kinuha ni Melissa
ang mga gamot nito at nagsimula nang
painumin ang bata.
Dont like to take medicines anymore,
Kabanata
9
52
53
ayaw ko! angal ni Margaret.
Dr. Lee said you must take your
medicines, if not we will go back to the
hospital.
Ngumuso ang bata, tanda nang mariing
pagtanggi.
I thought you were Minnie Mouse,
and Miss Minnie Mouse always likes to
take her medicines.
Ngumiti si Margaret at nakumbinsi rin
ni Melissa ang alaga.
Habang nagluluto ng hapunan si Mrs.
Yap ay naglilinis ng cabinet si Melissa.
May inihandang ibang putahe ang Tsina
para kay Margaret, ayon sa instruksyon ni
Dr. Lee.
How are your parents Melissa?
Nabigla ang dalaga. Hindi niya
inaasahan ang tanong ng amo.
The-theyre in our house in Makati
City, sagot ni Melissa.
Ive noticed you havent mentioned
anything about them. Our two previous
Filipina DH before you were very open
about their parents and family.
I guess Ive nothing much to tell you
maam.
Kahit hindi niya sinasabi, nadarama ni
Mrs. Yap na may problema sa pamilya si
Melissa. Hindi lang niya ito mausisa dahil
masyadong personal.
Kinahapunan, habang natutulog si
Margaret ay tumunog ang door bell.
Alam ng dalaga na hindi galing sa labas
ng building ang nag-door bell dahil hindi
tumawag sa kanila ang security. Mabilis
siyang lumapit sa pinto at binuksan ito.
Nagulat siya nang bumulaga si Rina, ang
kapwa DH na nagtatrabaho sa 21st foor.
Melissa, pwede ba tayong mag-usap?
Importante lang, pakiusap ng tulirong si
Rina.
Hindi pwede rito, alam mo namang
hindi ako pwedeng tumanggap ng bisita
na hindi muna nagbibigay-abiso kay Mrs.
Yap.
Lalong nagmukhang aburido si Rina.
Teka Rina, doon na lang tayo magkita
sa may veranda, sa ground foor sa loob ng
15 minutes. Magpapaalam lang ako kay
Mrs. Yap.
Tumango lamang si Rina at dahan-
dahang umalis.
Pagdating sa ground foor ay naglakad
54
55
si Rina papunta sa likod ng condo at
nagtungo sa veranda. Nakita niya roon
si Melissa na nakatayo at naghihintay.
Sinalubong siya nito at
Nagpaalam ka ba sa amo mo Rina?
Wala siya, bukas pa ang balik may
business trip sa Beiing at Loo Syan.
Baka Lau Fau Shan ang ibig mong
sabihin, hindi Loo Syan.
Tumango lamang si Rina.
Marahang naglakad ang dalawa papunta
sa sea wall. Malapit nang magdapit-
hapon. At kapag ganitong oras, maraming
matatandang Chinese na nakatira sa
South Horizons ang nagtutungo rito
para maglakad at sumagap ng sariwang
hangin. Hindi nila pansin ang makulay,
makapigil-hiningang paglubog ng araw,
ni ang langkay-langkay na mga seagull
na lumilipad sa di-kalayuan na mistulang
mga maliliit na eroplano na naghahanap
ng masisila. Sa lapad ng kanilang mga
pakpak na umaabot sa mahigit 12 feet,
malayo ang nalilipad ng seagulls para
maghanap ng makakaing isda.
Ano nga pala ang problema mo,
Rina?
Huwag na lang yata Day, nakakahiya
eh.
Pambihira ka naman, papaano natin
masu-solve ang problema mo kung hindi
mo sasabihin sa akin?
Nagkaroon ng ilang sandali ng
katahimikan.
Melissa, yung a-amo kong German,
si Mr. Reidenbach m-may gusto sa
akin!.
Ha?
Kahit noong unang araw ko sa kanya,
napansin ko na iba ang tingin niya sa
akin. Nang mga sumunod na araw ay
medyo sweet siya, na para bang akoy
nililigawan. Tapos halos araw-araw may
dala siyang regalo.
Sure ka ba, Rina?
Sigurado ako Melissa. Nag-propose na
siya sa akin bago siya umalis last week.
Hindi ba may asawat mga anak si Mr.
Reidenbach?
Meron nga, nasa Cologne, Germany
sila at tuwing bakasyon lang nagpupunta
rito.
56
57
Ang ibig mong sabihin, idi-divorce ng
amo mo ang kanyang asawa? Kawawa
naman ang pamilya niya.
Hi-hindi.
Gagawin ka niyang kabit?
Parang wala sa sarili si Rina, tumango
lamang siya.
Ayaw kong makialam sa problema ng
iba lalo nat ganyan, pero dahil humihingi
ka ng payo kaya
Tumingin si Rina sa mukha ni Melissa
at nakinig.
Kung ako ang nasa kalagayan mo, hindi
ako papayag. Huwag kang pasisilaw sa
mga regalo Papaano kung mabuntis ka?
Papaano kung matapos siyang magsawa sa
iyoy iwanan ka at pabalikin sa Pilipinas?
Papaano mo susuportahan ang magiging
anak mo?
Unti-unti nang umaagos ang masaganang
luha sa mga mata ni Rina. Nagsimula na
ring humagulgol ang dalaga. Napayakap
siya kay Melissa.
Pag-uwi mo sa Pilipinas, nakakahiya.
Matatanggap mo ba ang mga masasakit na
salitang paulitulit na sasabihin sa iyo ng
mga magulang mot kamag-anak?
Medyo humigpit ang yakap ni Rina sa
dalaga.
Huwag na huwag kang pumayag na
maging kabit Rina. Alam ko na ang mga
German ay hindi namimilit kung ayaw
ng babae. Huwag ka nang tumanggap ng
regalo mula sa kanya. Sabihin mo na lang
kay Mr. Reidenbach sa maayos na paraan
na ayaw mo. Nagpunta ka rito sa Hsiang
Kang para magtrabaho at hindi para
magpaligaw Magdasal ka palagi para
makapagdisisyon ka ng tama.
Ma-maraming salamat, Melissa. Isa
kang tunay na kaibigan.

Sabado ng umaga, pumayag si Mr. Yap
na ipasyal ni Melissa si Margaret sa park.
Pagbaba sa bus stop ay naglakad sila ng
ilang bloke papunta sa sa Hong Kong
Zoological and Botanical Garden, malapit
sa St. Johns Church at di kalayuan sa The
Peak.
Kabanata
10
58
59
First time na nagkasama ang dalawa sa
pamamasyal. Kahit na magsi-six years old
na si Margaret ay hinahawakan pa rin ni
Melissa sa wrist kapag naglalakad sila sa
mataong lugar.
Why you always holding me Yaya
Melissa, malaki na po ako?
Only when we are in a crowd o kapag
maraming tao sa paligid.
Perobakit, yaya?
To protect you. You might get lost in a
crowded place.
Lost? Im already six years old!
You might get lost and if that happens,
I may not be able to fnd you, and I will
cry.
Why will you cry yaya?
Because youre like a little sister to
me II care for you so much!
Niyakap ni Margaret nang mahigit si
Melissa. Na-touch ito sa sinabi ng dalaga.
Ilang sandali pa ay muling naglakad ang
dalawa. Nang napagod ay naupo sila sa
hagdan sa harap ng aviary. Nakangiting
tinitingnan ng bata ang mga famingo.
I want to draw those pink famingos,
saad ng bata.
Kinuha ni Melissa ang maliit na sketch
pad sa kanyang bag at isang charcoal
pencil. Ibinigay niya ito kay Margaret.
Why do you want to draw pink
famingos, Margaret?
Because theyre soooo cute and
cuddly.
Ilang sandali pa, nagdu-drawing na ang
bata. Malaki na ang improvement niya
dahil sa matiyagang pagtuturo ni Melissa.
Napukaw niya ang interes ng bata sa
sining na ito.
Makalipas ang ilang oras, napagod si
Margaret. Matapos painumin ng dalang
mga gamot ay naglakad na sila. Paglabas
nila sa park ay napansin ni Melissa na
maraming tao. Hinawakan kaagad niya
sa kamay si Margaret.
May mga Hong Kong SWAT team
na nagtatakbuhan. Ilang sandali pa,
nagkaputukan.
Bang! Bang! Bang!
Diyos ko!!! sambit ni Melissa.
Sinundan pa ito ng maraming mga
putok. Binabaril ng mga pulis ang isang
lalaking mukhang terorista, duguan ito.
60
61
Gusto sanang dumapa ni Melissa kasama
ang bata nang pasuray-suray na tumakbo
ang terorista papunta sa kanila! Patuloy
pa rin ang paghabol at pagbaril ng mga
pulis!!!
Mabilis na kinarga ni Melissa si Margaret
at agad silang tumakbo palayo sa mga
pulis na humahabol. Napapikit sa takot
ang bata.
Diyos ko! Tulungan po ninyo kami!
anas ng dalaga.
Cut! Cut!!! sigaw ng direktor.
Lumapit ito kay Melissa at Margaret.
Miss, why did you run in front of
the camera? tanong ni director Jackie
Chan.
Mr. Jackie Chan??? What camera?
We are shooting some flm scenes here.
You arent supposed to be at the scene.
Im so sorry Mr. Jackie.
Makalipas ang ilang sandali, inutos ng
direktor na i-retouch ang make-up ng
ilang artista. Nagpaaalam sina Melissa
pero gusto pa siyang kausapin ng direktor.
Narinig niyang bumubulong sa Tagalog si
Margaret sa dalaga.
Filipina? Youre tall for a Filipina!
Tumango lamang si Melissa at ngumiti.
I like your cleft chin and those
very expressive eyes of yours, theyre
tantalizing! They make you look more
beautiful. You want to be a movie
actress?
N..no, thanks Director Jackie.
In case you changed your mind, please
call me any time, sabay abot ng kanyang
business card kay Melissa.
Sa pakiusap ng dalaga ay nakunan niya
ng pictures si Margaret kasama ang sikat
na director-action star.
Malayo na sila ay medyo excited pa
rin si Margaret sa karanasan. Bagamat
ninerbiyos din siya, ang pagliligtas
sa kanyang buhay ni Melissa ay lalong
nagpalapit ang
kanyang loob sa yaya. G a n o o n
pala siya kamahal ng dalaga, hindi siya
iniiwanan kahit sa panahon ng kagipitan.
62
63
Linggo ng umaga sa Central. Nakaupo si
Melissa sa may plant box at binabasa ang
instruction manual ng kanyang bagong
Nikon D40x na camera. Napapatango ang
dalaga dahil sa ganda at sophistication ng
10 megapixel digital camera.
Iba talaga ang features ng professional
camera kagaya nitong aking Nikon kaysa
roon sa point-and-shoot cameras.
Bukod sa painting, mahilig din
sa photography si Melissa, serious
photography. Hindi na niya dinala sa
Xianggang ang kanyang old but realiable
Nikon FM flm camera na may 28-200 mm
zoom lens, na minana pa niya sa kanyang
lolo, dahil sira na ito.
Nagsimula nang kumuha ng human-
interest pictures ang dalaga. Itinapat niya
ang camera sa isang lalaking papalapit sa
kanya. Kinunan niya ito ng picture.
Edward?
Nagulat ang dalaga. Ibinaba niya
ang camera at hinintay na makalapit si
Edward.
Thank you Melissa at pumayag ka na
mag-lunch tayo, saad ni Edward.
Lets go!
Wait! Sandali lang.
Okey, tugon ng binata.
Inilagay ni Melissa sa stand-by mode
ang kanyang camera para makatipid sa
baterya. Ilang sandali pa ay dumating si
Miriam Manlangit, ang DH na ka-batch
niya. Seksing-seksi ito sa suot niyang
short shorts at hanging t-shirt na labas
ang pusod at bahagi ng kanyang maputing
puson. Maiksi ang buhok at medyo
makapal ang make-up ni Miriam.
Hi Melissa! niyakap nito ang dalaga.
Edward, this is Miriam my batchmate
here. She works at Tsim Sha Tsui East
Could she join us today? She has no other
friends here except me.
Nabigla ang binata, hindi niya na-
anticipate na magsasama pa ng chaperone
ang dalaga.
Yeyes of course, she can join us.
Huwag kang mag-alala, mahina siyang
kumain, nakangiting sabi ni Melissa.
Nagsimulang nang maglakad ang tatlo.
Kabanata
11
64
65
Nasa gitna ng dalawang dalaga si Edward.
Napansin ng binata na kakaiba si Miriam,
walang masyadong breeding, medyo
aggressive ito at palakwento.
Now I believe Melissa, saad ni
Miriam.
Believe on what? tanong ni Edward.
That you so tall and beri-beri handsome,
with kisabol lips! Masarap ka sigurong
humalik!
Medyo nag-blush ang binata. Hindi
niya type ang ganitong babae na mukhang
palaban at mukhang parang linta kung
makipagrelasyon hindi bumibitiw kahit
na anong mangyari.
Pasensya ka na sa kaibigan ko Edward,
masyado lang siyang palabiro at prangka,
saad ni Melissa.
Okey lang. Saan tayo kakain? tanong
ni Edward.
Punta muna tayo sa The Peak, maaga
pa naman, sagot ni Melissa.
Hindi ba mas maganda pumunta roon
pag gabi na? Mas colorful ang birds-
eye-view ng Hong Kong at Kowloon pag
madilim na, saad ni Edward.
Oo nga, mas beri-beri romantik.
Edward, ang akala koy hindi ka pa
nakarating sa The Peak? tanong ni
Melissa.
Hindi pa nga, nabasa ko lang yon sa
brochure at catalog..
Ilang sandali pa ay sakay na sila ng tram
paakyat sa The Peak. Magkatabi sina
Edward at Miriam samantalang sa ibang
upuan naman nakaupo si Melissa.
Nang narating na ng tram ang
pinakamatarik na bahagi ng tracks ay
biglang napayakap nang mahigpit si
Miriam kay Edward na ikinagulat ng
binata.
Ayyyyy! sigaw nang nagulat na si
Miriam.
Napatingin din ang ilang pasaherong
turista.
Gusto sanang itulak ni Edward ang
dalaga dahil naasiwa siya pero wala
siyang nagawa dahil tiyak na mapapahiya
si Miriam. Ayaw niyang magalit ito sa
kanya.
Nang tumigil na ang tram ay saka
lamang kumalas si Miriam sa mahigpit na
pagkakayakap.
Pasensya ka na Edward, natakot kasi
ako. Hindi kasi ako sanay sa heights eh
66
67
paliwanag ni Miriam. Ang bango-bango
mo pala, bulong niya sa binata.
Tahimik lamang ang nabiglang binata.
Medyo nahiya siya sa pagiging agresibo
ni Miriam. Kahit na moderno, lumaki si
Edward sa isang conservative family.
Ilang sandali pa ay nakaakyat na sila
sa tuktok ng the Peak. Nagsimula nang
kumuha ng pictures si Melissa.
Maganda ang camera mo. Bago?
tanong ni Edward.
Oo. Kanina ko lang binili.
Hindi ko alam na malaki pala ang
sweldo nyo rito, saad ni Edward.
Hindi naman. Pinag-ipunan ko lang
ito. Ayaw ko kasi ng mga maliliit na
digital cameras, masyadong limitado ang
features at mababa ang pixels, tugon ni
Melissa.
Bibili rin ako ng digital camera next
week, pwede bang samahan mo ako
Edward? anyaya ni Miriam.
Baka maligaw ka lang pag ako ang
kasama mo. Hindi ako sanay sa Hong
Kong. First time ko lang dito. At saka
may monthly meeting kami sa Sunday,
tugon ng binata.
Medyo ngumuso si Miriam. Hindi ito
napansin ni Edward dahil sumulyap ito
kay Melissa.
Ako na lang ang sasama sa iyo Miriam.
Nakakahiya naman kay Edward.
Ewan ni Melissa kung bakit may
nadama siyang selos sa pagpi-firt ni
Miriam sa gwapong kaibigan. Sinabihan
ni Melissa ang kanyang isip na hindi
siya dapat magselos dahil hindi naman
niya ito boyfriend, at hindi man lamang
nanliligaw sa kanya.
Karamihan ng pictures na kuha ng
camera ni Melissa ay sina Edward at
Miriam. Ibat-ibang pose. May nakayakap
si Miriam sa binata na lalong ikinahiya at
parang ikinaselos ng dalaga.
Ilang sandali pa, may lumapit na
dalawang Japanese teenagers na babae.
Dahil hindi marunong mag-English,
iminuwestra nito na gusto nilang
magpakuha ng picture kay Edward gamit
and dala nilang Canon 40D camera na
may 18-135mm lens. Tumango lamang si
Edward at kinuha ang camera.
Ilang sandali pa, iminuwestra ng isa sa
kanila na kung pwede silang magkaroon
ng pictures ni Edward. Pumayag naman
ang binata. Nang una, inakbayan lamang
ng bagets si Edward at nang sumunod ay
68
69
niyakap ito. Nabigla ang binata pero wala
siyang nagawa. Ayaw niyang hiyain ang
dalawang Haponesa sa harap ng maraming
tao.
Halatang asar na asar si Miriam sa
nakikita. Magkahalong inggit at selos ang
kanyang nadarama.
Bah, mas sexy yata ako sa dalawang
sakang na yan at mas maganda! bulong
ni Miriam. Huwag silang magkakamaling
agawan ako ng boypren, dis will be
war!!!
Makalipas ang ilang sandali, nagpaalam
na ang dalawang Japanese bagets. Bagamat
hindi nagkaintindihan, alam ni Edward
na walang malisya ang ginawa ng dalawa,
just in the spirit of fun.
Matapos ang heavy merienda sa isang
restaurant malapit sa World Wide Center
ay naghiwalay ang tatlo. Pilit na kinukuha
ni Miriam ang cellfone number ni Edward
pero sinabi ng binata na hindi niya dala
ang cellfone at hindi niya kabisado ang
number nito.
Pwede ba, sa huling Sunday ng buwan?
Alam kong may meeting kayo sa Linggo.
tanong ni Miriam sa binata.
Hindi ako pwede sa last Sunday
Miriam, may inspection kami ng isang
project sa Cheung Chau Island. Next time
na lang.
At saka nakakahiya naman kay
Edward, sabat ni Melissa.
Pero ang bait bait naman niya at beri
prendli, saad ni Miriam.
Miriam, Melissa, saka na lang pag libre
ako. Kapag kayong dalawa ay
hindi ako magsasawa sa pagsama.
Halos lumundag sa tuwa si Miriam.
Samantalang si Melissa ay parang naiilang.
Alam niyang out of courtesy lamang
kaya sinabi yaon ni Edward at talagang
sinasabi ng body language ng binata na
ayaw nitong kasama si Miriam. Noon
lamang niya nakasama nang matagal si
Miriam at hindi niya alam na masyadong
aggressive ito at madalas na wala sa lugar
kung kumilos.
Isang hapon, pauwi na si Melissa, mag-
Kabanata
12
70
71
aalas sais na noon. Inutusan kasi siya ni
Mrs. Yap na bumili ng additional groceries
para sa lulutuin nitong kare-kare. Habang
naglalakad siya ay nakasalubong niya
si Lily Moises, isa ring ka-batch mate sa
Hong Kong.
Melissa, mabuti na lang ang nakita kita,
magpapatulong sana ako sa iyo, saad ni
Lily.
Ano yon? Basta kaya ko, why not?
Naglakad ang dalawa. Pumasok sila
sa isang maliit na Chinese restaurant.
Matapos umorder sa counter ay naupo
sila.
Nagkita kami ni Sonia kamakalawa,
yung kaklase ko sa high school,
nagpapatulong siya sa akin, Melissa.
Tungkol saan Lily?
Gusto niya akong gawing comaker sa
kanyang loan.
Magkano naman ang uutangin niya
Lily?
Katumbas ng anim na buwang sweldo,
siguro aabot sa mahigit P150,000 sa pera
natin.
Malaki yon ah. Alam mo ba kung saan
siya nakatira sa Maynila?
Hindi Melissa at hindi naman talaga
ako close sa kanya dahil sa loob ng 12
years ngayon lang kami nagkita.
Nag-isip sandali ang dalaga.
If I were you Lily, hindi ako pipirma.
May nabasa kasi ako sa South China
Post tungkol sa isa nating kababayan na
hanggang ngayoy nakakulong.
Nakakulong? Bakit?
Nag-comaker si Geli, isa ring OFW kay
Mrs. Fronda na hindi naman niya halos
kilala. Yun pala, pagkatanggap ng loan,
agad umuwi ng Pilipinas si Mrs. Fronda,
kaya yung pobreng si Geli ang hinabol.
Umabot sa tatlong taon na hindi nabayaran
ang utang kaya lumobo ito sa mahigit
tatlong ulit sa halaga ng principal. Ang
masakit pa nito, nang hindi makabayad,
ikinulong si Geli at pinagbintangang ka-
tiyap ng umutang.
Melissa kawawa naman pala ang
kababayan nating ito na nakulong kahit
walang kasalanan.
Patong patong na pala ang utang na
tinakasan ng swindler na si Mrs. Fronda at
palaging ang comaker ang napapahamak
Mag-ingat ka Lily. Kung ako ikaw, hindi
ko pipirmahan ang loan na iyan. Gusto
mong tumulong pero kung ikaw naman
72
73
ang mapiperhuwisyo, huwag na lang!
Naku, maraming salamat Melissa.
Hindi na ako pipirma, baka takbuhan pa
niya ang perang uutangin Matalino ka
ngang talaga, saad ni Lily.
Hindi naman, mahilig lang akong
magbasa.
Kinagabihan sa fat, gumagawa ng
sulat si Melissa para sa mga magulang
dahil hindi sila marunong mag-Internet.
Ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit
siya tumakas at nagtrabaho sa Hong Kong.
Sa bandang huli ng sulat
Mom, Dad, humingi po ulit ako ng
tawad sa inyo sa aking nagawa. May
sarili na po akong buhay kaya sana
maiintindihan nyo. Tuwing katapusan
ay magpapadala po ako ng HK$1,000
para panggastos nyo at pambili ng bagong
sapatos ni dad. Alam ko naman pudpod
na ang kanyang sapatos. Nagmamahal,
Melissa.
Isinilid niya ito sa isang legal size
envelope at nilagyan ng dalawa niyang
litrato na kuha sa Ocean Park. Isinulat
ang address sa labas.
Sana maintindihan ako nina Mommy
at Daddy, naisip ni Melissa.
Ika-sampung Sunday na ni Melissa sa
Xianggang. Hindi na siya masyadong
malungkutin dahil marami na siyang mga
kaibigan dito. Medyo excited siya. Pang-
apat na beses na niya itong pagsama kay
Edward para mamasyal. Siniguro niyang
hindi ito maamoy ni Miriam dahil
masyado siyang nahihiya sa binata. Hindi
kasi disente ang ugali nito.
Pumayag si Melissa na sumama sa 23.8
square-kilometer na Macau, isang dating
Portuguese colony, mahigit 50 kilometro
sa hilagang-silangan ng Hong Kong. Kahit
na 450,000 lamang ang populasyon nito -
kasama na ang mga Pinay DH - umaabot
sa 10 milyon ang mga turistang bumibisita
rito taun-taon. Ilang sandali pa, sumakay
sila sa ferry.
Sa ferry ay walang tigil sa kakukuha
ng pictures ang dalaga. Matiyaga siyang
pinagmamasdan ni Edward.
Hilig ko talaga ang photography mula
pagkabata.
Obvious nga, Melissa.
Kabanata
13
74
75
Pagdating nila sa Macau-Hong
Kong Ferry Terminal ay pumila sila sa
immigration counter at tinatakan ang
passport ng dalawa. Kahit na bahagi rin
ng China ang Macau, isa rin itong special
administrative region katulad ng Hong
Kong kaya kailangang dumaan muna sa
immigration ang lahat ng mga turista o
bisita bago makapasok dito.
Sikat ang Macau hindi lang sa mahigit
10 world-class casinos nito, kundi sa
Macau Grand Prix. Ito ay karera ng mga
Formula 1 cars na sinasalihan ng mga
international F1 racers gaya ni Michael
Schumacher ng Germany. Noong 70s,
dito rin namatay sa car crash ang Pinoy
car racer na si Dojie Laurel. Ayon sa
ulat, nang mawawalan na ng kontrol ang
kanyang kotse, pinili ni Laurel na ibangga
na lamang ito sa railing lahit alam niyang
siyay positibong mamamatay, kaysa
sagasaan ang daan-daang spectators na
nasa gilid ng race track na nahaharangan
lamang ng manipis na barrier. Dahil dito,
kinilala ang kabayanihan ni Laurel.
Edward, unique pala ang F1 car
museum ditto sa Macau, may litrato pa ni
Dojie Laurel.
Very interesting talaga ang lugar na ito
at marami ring makikitang tourist spots,
saad ng binata.
Matiyagang naglibot ang dalawa. Sa
ilang bahagi ng Macau, animoy narating
nila ang isang old and conservative
Portuguese town.
Narating nina Melissa at Edward ang
338-meter Macau Tower, ang 16th-
Century Ruins of Saint Paul Church na
tanging faade na lamang ang nakatayo,
ang 13th century Kun Lam Temple, ang
400-year Guia Fortress, at iba pang tourist
spots.
Dumaan sila sa Macau-Taipa Bridge
at Friendship bridge na nag-uugnay sa
Macau at Taipa at sa Lotus Bridge na nag-
uugnay sa Taipa at Coloane. Marami pa
sanang gustong puntahan ang dalawa pero
hindi nila magawa dahil sa kakulangan sa
oras.
Itinaon ni Edward ang very romantic
atmosphere ng Sa Lou Lim Ieoc Garden
para magtapat sa dalaga, isang oras na lang
ay lulubog na ang araw.
Melissa, alam mo
Hindi pa, nakangiting tugon ng
dalaga.
Hindi ka naman siguro magagalit kung
magsasabi ako ng totoo.
Ano yon, gutom ka na?
76
77
Umiling ang binata.
Kasi First time pa lang na nakita
kita sa camera store ay tinamaan kaagad
ako sa yo, Im sure, love at frst sight ang
nadama ko!
Edward, kung bulag ka hinding-hindi
ako maniniwala sa yo, sabay tawa ng
dalaga.
Im serious Melissa. Im serious.
Maski habang nakatitig ito sa dalaga.
Hello, 911, there is a guy here in serious
condition, please send an ambulance,
hurry! habang iminumuestra ni Melissa
ang kunyariy hawak niyang cellfone.
Melissa. I Love You! bulong niya sa
tainga ng dalaga at sabay hawak sa kamay
nito.
Ikinabigla ito ng Melissa. Noon pa
niya nadarama na may gusto sa kanya
si Edward pero hindi niya na-expect na
magiging ganito ka-agresibo ang binata.
Bumuntong-hininga ang napiping si
Melissa.
Makalipas ang ilang sandali ng
nakabibinging katahimikan.
Sa mahinang boses ay sinabi niyang,
Edward, youre a very nice guy, pero
pero hi- hindi pa ako sure sa feelings ko
sa iyo. CuCould we just remain friends
in the meantime?
Na-puzzled ang binata, hindi niya
expected ang ganitong sagot. Tumalikod
ito sa kanya, sumunod naman ang dalaga.
Please, dont get me wrong Edward. I
I really dont mean to hurt your feelings.
Im terribly sorry if ever I did. Its not
my character to offend people, especially
friends.
Humarap si Edward sa dalaga.
Sa gwapo mong yan at sa pagiging very
nice and sweet, kahit na sinong babae ay
tiyak na magkakagusto sa iyoEdward, I
really dont want to complicate things
magulo pa ang isip ko dahil sa problema
sa aming pamilya, hindi pa ako handa na
pumasok sa isang relasyon. I hope you
will understand.
Tumitig ang binata sa maamong mga
mata ni Melissa, mga matang unang umakit
sa kanya, matangos na ilong at makinis
na pisngi na gusto niyang haplusin, mga
mapupulang labi na gusto niyang halikan,
pero hindi niya magawa Alam niyang
nagsasabi ng totoo ang kagandahang
sinasamba niya magmula pa nang una
niyang makita ito.
78
79
Lets just be close friends muna. Ill tell
you if Im ready for a relationship.
Huminga nang malalim ang binata at
tumango nang mahina. Ilang sandali pa,
nagsimula na silang maglakad paalis sa
Lou Lim Ieoc Garden.
Kahit na negatibo ang tugon ni Melissa,
alam ni Edward na kahit kaunti ay may
puwang na siya sa puso ng dalaga.
Madilim na nang sumakay sa lift
si Melissa paakyat sa fat ng pamilya
Yap. Mag-aalas-nuwebe na nang gabi.
Magpapaliwanag na lamang siya kay Mrs.
Yap kung bakit siya ginabi. Alam niyang
mauunawaan siya nito dahil frst time
lang naman nangyari ito.
Pasado alas-onse na ng gabi pero hindi
pa rin makatulog si Melissa. Naalala niya
si Edward. Katulad niya ang ideal man
ng dalaga pero natatakot siyang sagutin
ito dahil ayaw niyang palalain ang
napakalaking problema na iniwan niya sa
Pilipinas.
Ano nga ba ang problemang ito?
Makati City, more than two months
ago Sa isang middle-class apartment sa
Barangay Guadalupe. Nagtatalo ang mag-
inang Zeny at Melissa.
Melissa, bakit hindi mo naman inistima
si Don Pedro, nakakahiya naman, sumbat
ni Aling Zeny.
Ngumuso lamang ang dalaga at patuloy
ang ginagawang charcoal sketch ng
isang Alaskan Malamute, isang uri ng
aso sa Alaska na ginagamit na sled dog sa
Northern Hemisphere. May similarity
ito sa Siberian Husky. Padrowing ito ng
kanyang paboritong pamangkin na si Mai
Mai.
Ibinaba muna ni Melissa ang drowing
kumuha ng isang sketch pad at nagsimulang
magdrowing ng isang Sharpei, isang aso
sa Tsina na pangit at kulubot ang mukha.
Nilagyan niya ito ng bigote at hawig kay
Don Pedro ang features, saka sinulatan ng
D.P. sa ibaba.
Napansin ito ni Zeny. Ano ba naman
ang ginagawa mo Melissa, huwag mo
namang gawing aso si Don Pedro!
Kabanata
14
80
81
Di ba kamukha naman siya ni Lolo
Pedro Valderama? Sabay ngiti ni
Melissa.
Ano ka ba namang bata ka! saad ni
Zeny.
Bakit ba sobra ang lakas sa inyo ng
paputol-putol-magsalitang-matandang
yon? Ano ba ang nakita nyo sa kanya?
Hindi naman dating ganoon magsalita
si Don Pedro. Magmula nang na-stroke
siya ay nagkaroon na ng stutter o naging
paputol-putol na magsalita Mabait
naman siya, di ba?
Atat.. mama-yaman, sabat ni
Melissa.
Huwag mo namang siyang gayahin.
Mommy, hindi asawa ang kailangan ni
Don Pedro caregiver! Tumitig siya sa
ina. Papaano naman ang puso ko?
Melissa alam mo namang siya lang ang
makatutulong para makaahon tayo sa
kahirapan at matubos ang ating sakahan
sa probinsya.
Pero mommy naman.
Huwag mong ubusin ang pasensya
ko, alam mo namang masama akong
magalit!
Lumapit si Melissa sa ina at tinitigan ito
sa mga mata.
Mommy, talaga bang wala nang mas
mahalaga sa inyo kundi pera?
Anak, alam mo naman ang sitwasyon
natin, gipit na gipit tayo. Hindi kaila sa iyo
na matagal na akong nakakapit sa patalim
pati na ang aking mga kapatid sa probinsya!
Bakit ayaw mong magsakripisyo para sa
ating pamilya? Anong uri kang anak?
Mommy!
Baka nakakalimutan mo, ilang buwan
na lang ay maiilit na ang ating lupa sa
Bacolod. Gusto ko ring ipaalala sa iyo na
halos lahat ng aking mga kapatid ay doon
nakatira. Kung hindi mo mapapangasawa
si Don Pedro, hindi na natin matutubos
ito, mawawalan ng tirahan ang iyong
mga tiyo at tiya at ang kani-kanilang mga
anak At kung diyan lang tayo aasa sa
tatay mong uto-uto mamamatay tayo
nang dilat!!!
Tumakbo si Melissa papunta sa kwarto
at nagkulong.
Gumabi na pero hindi pa rin siya
lumalabas ni kumakain.
Halos 10:00 p.m. na nang dumating si
Clemente. Galing ito sa isang kliyente
82
83
niya sa life insurance. Di kalakihan ang
kita ng 53-year-old na underwriter dahil
puro maliliit na kliyente lang ang hawak
niya. Dahil maraming mga kaibigan,
paminsan-minsan ay nagbibigay pa siya
ng rebate sa komisyon.
Huwag ka nang maghain Zeny, kumain
na ako kina Atty. Dacuycuy. Sabay abot
ng P3,500.00 sa asawa.
Pagkabilang ng pera ayBakit ito lang
Clemente?
Eh kasi, hindi maidrowing ang mukha
nito.
Hindi ka naman umiinom, kaya
imposibleng pinainom mo ang mga
kaibigan mo, saad ni Zeny.
Nakiusap sa akin si Atty. Dacuycuy na
kung pwede bigyan ko siya ng kaunting
rebate, kaya kulang yan ng P1,500.
One thousand fve? Kaunti? Halos
isang linggo na nating badyet yan sa
pagkain. Kung sino pa ang mahirap siya pa
ang nagbibigay sa mayaman Clemente,
diyan ka na tumanda sa insurance.
Hanggang ngayon nagpapauto ka pa rin
sa mga kliyente mo?
Zeny naman.
Pinaghirapan mo ang komisyon na
yon kaya dapat pakinabangan mo ito
ng buo Sabihin mo kay Atty. Makunat
na kapag siya ay namatay, siya na lang
ang lumakad ng papeles dahil kulang na
kulang ang kinita mo sa kanya, kaya dapat
kulang din ang serbisyo!!!
Zeny, malay mo, baka kailanganin
natin ang tulong ni Atty. Dacuycuy balang
araw. Makababawi rin tayo.
Hindi mangyayari yon. Bakit, may
balak ka bang mag-asawang muli para
kasuhan kita ng bigamy?
Lumalayo yata ang usapan, Zeny.
Kung gusto mo palapitin ko Ilang
buwan na lang ay mapu-foreclosed na ang
ating lupa sa probinsya. Alam mo namang
minana ko pa ito sa aking mga magulang
na minana naman nila sa kanilang mga
ninuno. May nahanap ka na bang pera na
pantubos?
Hindi makakibo si Clemente. Alam
niyang imposibleng maka-ipon siya ng
halos isang milyong piso. Ang dating
utang nilang P400,000 ay mahigit doble
na dahil sa laki ng interes at penalties.
Gahaman talaga ang mga bangko, ito ang
naiisip niya.
Magsasalita na sana si Zeny nang
lumabas si Melissa at hinalikan ang ama
84
85
sa pisngi. Umalis ng salas si Zeny.
Kumusta ang inaaplayan mong
trabaho?
Ho? Okey naman. Naka-schedule
na ako for fnal interview this week.
Inilihim ng dalaga ang katotohanan.
Ang totooy palipad na siya sa loob ilang
araw.
Ipinatong ni Clemente ang dalang
attach case sa center table. Parang may
hinahanap siya pero tumuloy sa may
hagdan. Habang paakyat ay tinawag niya
ang anak.
Melissa, pakihilot mo naman ang likod
ko anak masakit kasi eh. Sumunod ka
na.
Agad na umakyat ang dalaga. Halata
niyang pagod na pagod ang ama dahil
sa maghapong paglalakad. Hindi siya
sumasakay ng tricycle para makatipid sa
pamasahe. Pero kahit maliit lang ang kita
ng kanyang ama ay alam niyang marangal
ito at kailanman ay hindi nanloko ni nag-
agabyado ng tao, lalo nat kliyente.
Maliit lamang ang kwarto ng mag-
asawang Clemente at Zeny. Halos
12 square meters lamang. Mayroon
itong luma at lumalangitngit na Uratex
matrimonial bed, cabinet, maliit na mesa
at isang luma at maugong na Hanabishi
wall fan.
Dumapa na ang ama sa kama matapos
alisin ang sapatos. Nagsimula na siyang
hilutin ni Melissa.
Nagtatalo yata kayo ng mommy mo
kanina, saad ni Clemente.
Parang ganun na nga po. Kasi
nagpunta rito kanina si Don Pedro, as
usual, maraming dalang pasalubong, at
mukhang masama ang tama ni mommy!
Ano kamo?
Ipinipilit ho kasi niya sa akin ang
gurang na yon. Di siya ang magpakasal.
Hump! Kung yung amoy lupa na yon,
mabuti pa magpapakatandang dalaga na
lang ako! saad ni Melissa.
Lumiligaw ba sa iyo si Don Pedro?
Kabanata
15
86
87
Hindi pa nga po, pero saan pa ba tutuloy
yon?
Baka gusto lang makipagkaibigan ng
tao. Marami akong kilalang matatanda na
may mga kaibigang dalaga na kasing edad
mo.
Dad naman.
Anak, alam mo namang napakalaki ng
utang na loob natin kay Don Pedro at siya
lang ang
Kaya ako ang pambayad nyo?
Hindi naman sa ganon Melissa. Gusto ko
lang pakitunguhan mo siya nang maayos.
Tutal wala ka pa namang boyfriend, di
estimahin mo muna. Pag nagtagal di
magsasawa rin yon ng kapupunta rito.
Dad naman!
Melissa, Anak
Walang kibong lumabas ng kwarto si
Melissa, nakasimangot. Nagtungo ito sa
kanyang kwarto, nag-lock. Hindi niya
maisip kung bakit ipinipilit ng kanyang
mga magulang ang isang taong ayaw
na ayaw niya. Ilang sandali lang ay nag-
uunahan nang umagos ang masaganang
luha sa kanyang mga mata.
Hindi ako mahal nina Daddy at
Mommy! Mabuti pa ang aking Ate
Mabel, nakapag-asawa siya ng gusto niya
si Kuya Rey, samantalang ako
Kinabukasan, maagang umalis si Melissa
para i-follow-up ang kanyang trabaho sa
Hong Kong.
Nasaan ang anak mo Clemente?
tanong ni Zeny.
Nasa Ayala Alabang, nag-follow-up ng
trabaho niya.
Clemente, kahit na magtrabaho at
sumuweldo na si Melissa, hindi natin
matutubos ang lupa!
Ano ngayon ang binabalak mo?
May kasabihan nga na ang taong gipit,
sa patalim kumakapit, kaya gusto ko
nang makipagkasundo kay Don Pedro
para mapangasawa niya si Melissa!
Pero Zeny, hindi natin dapat
panghimasukan ang puso ng ating
anak, nasa edad na siya at gusto niyang
magkaroon ng sariling buhay!
Nandyan na naman tayo. Alam mo
Clemente, kung hindi mo isinanla ang
ating lupa at hindi ka nalugi sa itinayo
mong negosyo, hindi magkakaletse-letse
ang buhay natin at hindi mangyayari
ito!!!
88
89
Hindi nakakibo si Clemente. Talaga
namang siya ang may kasalanan kung
bakit naisanla ang lupa ng kanyang asawa
at mga bayaw. Naging biktima siya ng
pyramid scam at ang malaking perang na-
invest niya ay parang bula na lamang na
naglaho. Tumakas ang mga may-ari ng
kumpanya papuntang Amerika kaya ni
singko ay wala siyang nakuha rito, ganoon
din ang mga kasama niyang investors na
heneral ng pulis, mga sundalo, doktor,
artista, at iba pang malalaking tao.
Ang alam ng mga magulang ni Melissa
ay sa Ayala Alabang lamang siya
magtatrabaho bilang isang computer
graphic artist. Hindi niya sinabi ang
pangalan ng agency dahil mabibisto
na domestic helper sa Hong Kong ang
kanyang inaaplayan. Naisip niya ito para
makatakas kay Don Pedro.
Linggo ng tanghali, sa apartment nina
Melissa. Tumunog ang door bell.
Katatapos lang magluto ng dalaga.
Melissa, may tao yata. Tingnan mo
kung sino! sigaw ni Zeny na nasa itaas
ng bahay.
Lumapit si Melissa at binuksan nang
bahagya ang pinto.
Mamamagandang haha
hapon sa iyo, Me-Melissa, saad ni Don
Pedro.
Nabigla si Melissa. Para namang Intsik
ang matandang ito, halos katanghaliang
tapat kung dumalaw. Medyo umismid
siya. Tuloy po kayo Don Pedro.
Naupo na ang matanda sa sofa. May
inaiabot siyang isang malaking box ng
imported chocolates. Kinuha ito ni
Melissa at ipinatong sa mesita. Umakyat
siya. Sa hagdanan pa lamang ay
Mommy! Mommy! May bisita ka.
Tuloy tuloy si Melissa sa kanyang kwarto
samantalang bumababa sa hagdanan si
Zeny.
Don Pedro! Ikaw pala.
Sisisi Me-li-ssa?
Sandali lang, tatawagin ko.
Bago umakya si Zeny ay binigyan siya ni
Don Pedro ng isang box ng mamahaling
candies na galing pa sa Switzerland.
Kabanata
16
90
91
Inabot niya ito at dinala sa itaas.
Melissa! Melissa! Istimahin mo si
Don Pedro.
Walang nagawa ang dalaga kundi
bumaba at harapin ang matandang
manliligaw. So tono ng boses ng kanyang
ina, alam niyang nagagalit na ito.
Makalipas ang isang linggo, dumating
ulit si Don Pedro kina Melissa. Mas
marami itong dalang pasalubong. Ang
hindi niya alam, nakipagkasundo na pala
ang ina sa matanda. Pumayag din si Don
Pedro na tubusin ang nakasanlang lupa
nina Zeny, pagkatapos ng kasal nila ng
dalaga. Napakayaman ni Don Pedro,
kaya nasilaw ang kanyang ina. Umaabot
sa mahigit 75 milyong piso ang cash assets
nito, hindi pa kasama ang mga lupain at
palaisdaan niya sa Bolinao, Pangasinan
gayundin ang P35-million na mansion
sa Corinthian Gardens, malapit sa EDSA
Shrine.
Sa kwarto ni Melissa
Ano ang iniiyak-iyak mo riyan
maarteng babae! Kung nag-artista ka na
lang pinakinabangan pa ang galing mo sa
pag-arte!
Hindi po ako papayag ma pakasal kay
Don Pedro!
Ulitin mo nga ang sinabi mo! Siino ba
ang dapat masunod dito?
Pero mommy!
Hoy, babaing maarte, nakipagkasundo
na ako kay Don Pedro, kahit na ayaw mo,
kailangang pakasal ka sa kanya sa lalong
madaling panahon, kung hindi, huwag
mo na akong ituring na ina, at hindi na
rin kita ituturing na anak! Maliwanag
ba?
Walang nagawa si Melissa kundi ang
umiyak nang umiyak. Hindi na siya
gaanong nakipagtalo sapagkat ilang araw
na lamang ay paalis na siya papuntang
Hong Kong para magtrabahong domestic
helper, para lamang matakasan ang
trahedyang nakaamba sa kanyang puso.
Ilang araw ding halos hindi nag-usap
ang mag-ina. Napakasakit ng mga salitang
binitiwan ni Aling Zeny na dinamdam
nang labis ng dalaga. Para makaiwas sa
matalim na dila ng ina, maagang umaalis
si Melissa at gabi na kung umuuwi.
Minsan, inabot siya ng pasado alas-
onse ng gabi. Pagbukas niya ng pinto ng
kanilang bahay ay nagulat siya dahil gising
pa ang kanyang ina at naghihintay.
Hoy, magaling na babae, saan ka
nanggaling!
92
93
Mo-mommy?
H`wag mo akong ma-mommy mommy,
sagutin mo ang tanong ko!
Eh nanggaling po ako kina Shandie Lou,
yung kaklase ko, birthday kasi niya.
Bakit hindi ka man lang nagkaroon nang
paggalang sa akin para magpaalam?
Ho? Nagpaalam po ako kay Daddy.
Nakipag-date ka siguro sa boyfriend
mo ano? Magsabi ka ng totoo!
Alam nyo namang wala po akong
boyfriend.
Huwag mo nang bilugin ang ulo ko.
Sa Linggo, pupunta rito si Don Pedro
para pag-usapan namin ang paghahanda
sa kasal nyo. Huwag na huwag kang
gagawa ng kalokohan, tiyak na masama
ang mangyayari. Maliwanag ba!!!
O-opo.
Marahang tumayo ang dalaga at umakyat
papunta sa kwarto niya. Nag-uunahang
dumaloy muli ang kanyang luha sa
magkabilang pisngi dahil sa masakit na
salita na binitiwan ng kanyang ina

Sa Hong Kong, kahit na magta-tatlong
buwan na rito si Melissa, palagi siyang
nakatingin sa bintana ng kanyang kwarto
kung gabi. Masyado siyang depressed
at medyo naiirita dahil naalala niya
ang dahilan ng kanyang pagtakas para
magtrabaho rito.
Hindi naman sila naghihirap, halos
sapat lamang ang kanilang kabuhayan
pero gusto ng kanyang mga magulang
na mapangasawa niya si Don Pedro para
malutas ang kanilang mga problemang
pinansiyal.
Kumusta na kaya ang aking mga
kabigan, sina Emelita, Imelda, Nerry,
Nancy, Rizza at Rhodeza? tanong niya
sa sarili.
Sa Makati, nalulungkot ang mag-
asawang Clemente at Zeny sa biglaang
pag-alis ni Melissa. Wala itong personal na
paalam. Tanging sulat na lamang nito ang
kanilang nabasa noong araw na umalis ang
dalaga patungong Hong Kong. Hindi nila
alam na nasa Hong Kong ang anak dahil
ang paalam niya ay nasa kaibigan lamang
siya sa Alabang at doon pansamantalang
Kabanata
17
94
95
titira habang nagtatrabaho.
Sa maliit na kwarto sa South Horizons
fat, mahimbing na natutulog ang dalaga.
Sa labas, maliwanag pa rin ang mga ilaw
sa mga katabing gusali at pati na sa mga
lansangan.
Hindi natutulog ang Hong Kong kung
ihahambing sa ilang mga lungsod sa
Timog-Silangang Asya. Itoy isang 24-
hour tourist destination: masaya, lively, at
hindi maubos-ubos na bargains at pook-
pasyalan.
Linggo ng umaga, namamasyal sina
Melissa at Edward sa Disneyland sa
Lantau Island. Pumayag siya na muling
sumama sa binata para malimutan kahit
panandalian ang kanyang problema.
Habang kumakain sila ng snack,
tinitingnan ni Edward ang pictures na
kuha noong silay nasa Macau. Humanga
ito sa talento ng dalaga at sa pagkakaroon
ng emotional attachment ng pictures sa
subject nito.
Ang husay mo talagang kumuha ng
pictures, Melissa. Bakit hindi ka na lang
pumasok na fashion photographer o
kayay magazine photographer?
Domestic helper lang kasi ang kaya
ko, Edward. Sabay ngiti ng dalaga
Pero seriously speaking, marangal ang
trabahong ito. Maraming pamilya sa atin
ang palaging may pagkain sa kanilang
mesa at perang panggastos sa araw-araw,
dahil sa pagsasakripisyo ng maraming mga
ina, kapatid na babae at mga anak bilang
domestic helper.
Tumango lamang ang binata. Dahil sa
itinatanging dalaga, naging mataas na ang
pagtingin niya sa mga kasambahay lalo na
roon sa mga nasa Hong Kong.
Alam mo, mas maswerte nga kami
rito sa Hong Kong kaysa mga kababayan
nating
nagtatrabaho sa ibat-ibang lugar dahil
generally, mas mababait ang employers
dito kaysa sa Saudi Arabia at iba pang
parte ng Middle East. Marami roon
ang minomolestiya ng kanilang among
Arabo o kayay pinagsasamantalahan
kahit bagong dating pa lang. At para
pagtakpan ang kanilang nagawang
krimen, ang ibay itinutulak sa
balkonahe ng condo at pinalalabas na
suicide ang kanilang pagkamatay!
Napalunok si Edward, hindi niya alam
ang ganoong mga bagay.
Muling naglakad ang dalawa. Nag-ikot
sila sa ibat-ibang lugar at pinanood sina
Micky Mouse, Donald Duck, Pluto, at iba
96
97
pang Disney characters habang masayang
nagtatanghal. Parang isang munting
United Nations ang lugar na iyon dahil sa
pagkakaiba-iba ng lahi ng mga nanonood:
mga batang Intsik na kasama ng kani-
kanilang mga magulang, Irish, German,
Australian, Sri Lankan, Indian, Tibetian,
Azerbaiani, Uzbekistani at marami pang
iba.
Nagsawa sa kakukuha ng pictures
si Melissa. Hindi niya mapuno ang 2
gigabyte memory card ng kanyang Nikon
D40x digital camera.
Ako naman ang kukuha ng pictures
mo Melissa, habang hawak ni Edward
ang kanyang Nokia communicator.
Kung ano-anong poses ang ipinagawa ni
Edward sa dalaga. Naroroong pinatakbo
niya ito at pinatalon, nagpose sa tabi ng
mga bulaklak. Nang nagsawa na ang
binata ay naupo sila sa isang tabi.
Melissa, ano ang favorite fower mo?
Orchids, matagal kasi malanta ang mga
bulaklak nito at may orchids na very rare,
libong dolyar ang halaga.
Ako naman ang forget-me-not
Napatingin si Melissa kay Edward.
May bulaklak bang ganun?
Oo. Sana, forget-me-not para tumagal
nang husto ang ating pagkakaibigan.
Lumapit nang husto ang binata, tinitigan
sa mga mata ang dalaga.
Me-Melissa.
Malapit nang magtagpo ang kanilang
mga labi nang bahagyang lumayo si
Melissa at
Uwi na tayo, baka gabihin na naman
ako, nakakahiya kay Mrs. Yap.
Medyo natulala ang binata.
Edward, tayo na, sabay hila ni Melissa
sa kanang kamay nito.
Natapos na naman ang halos buong
maghapon na magkasama sina Melissa at
Edward. May kaunting puwang na rin
ang binata sa kanyang puso pero dahil sa
patuloy siyang binabagabag ng malaking
problemang iniwan niya sa Pilipinas,
naguguluhan ang dalaga. Hindi niya
alam ang gagawin, kung susundin niya
ang kanyang nadarama o ang kanyang
mabagsik na ina.
Habang naghihintay sila ng bus sa
Central Station, nakita nila si Miriam na
nag-aabang din. Mabilis itong lumapit sa
kanila. Para hindi na guluhin ang binata,
hinawakan ito sa kamay ni Melissa, at
98
99
nagpakitang medyo sweet sila.
Pambihira ka naman Melissa, bakit mo
ako inagawan! sumbat ni Miriam.
Inagawan? Si Edward ang tanungin
mo, mahinahong sagot ng dalaga.
Lumapit si Edward kay Miriam at
bahagyang inilayo kay Melissa. Sa
mahinahong boses ay
Im sorry Miriam, matagal na kaming
mag-on ni Melissa, hindi pa kita kilala
Sa-sana maintindihan mo ako, paliwanag
ni Edward.
Sumimangot si Miriam, hindi maipinta
ang mukha.
Hindi ko gustong saktan ang damdamin
mo. Marami ka pa namang makikilalang
lalaki na higit pa sa akin Im very sorry
Miriam.
Napayuko si Miriam at tila napapa-iyak.
Lalo itong sumimangot. Basta na lamang
siya tumalikod at naglakad na palayo.
Hindi na rin sumakay sa bus.
Traydor! Traydor! ang anas ni Miriam
habang naglalakad palayo.
Nang nakalayo na si Miriam ay kumalas
na si Melissa sa pagkakahawak sa kamay
ng binata. Medyo nagulat ito.
Salamat Melissa sa pagpapanggap mo
Sana, totoo na, bulong niya sa dalaga.
Ngumiti lamang ang dalaga. Alam ni
Edward na habang tumatagal, lalong
lumalaki ang puwang niya sa puso ni
Melissa. Alam din niyang hindi na
magtatagal, sasagutin din siya ng dalagang
minamahal niya nang labis. Handa siyang
pakasal dito kahit na anong oras, kahit
saang simbahan.

Lunes ng hapon nang nakatanggap
ng sulat si Melissa na ipinadala sa DHL.
Galing ito kay Zeny, ang kanyang ina.
Medyo kinabahan siya nang tanggapin ito
mula sa delivery man.
Diyos ko, huwag naman po sana!
Mabilis niya itong binuksan at binasa.
Melissa, umuwi ka agad, grabe ang
sakit ng tatay mo, baka hindi mo na siya
Kabanata
18
100
101
abutang buhay! saad ng sulat.
Hindi na binasa ni Melissa ang iba pang
parte ng sulat. Agad siyang kinabahan.
Ano kaya ang sakit ni Daddy? Diyos
ko, huwag naman po sanang grabe!
Ilang oras pa ay dumating na si Mrs. Yap.
Kinausap niya ito hinggil sa problema at
ipinaliwanag ang laman ng sulat.
Whats your decision now? Youre
leaving us for good?
No, no, Mrs. Yap. I just want to see my
father. If he has recovered, Ill come back
immediately, saad ni Melissa.
I understand. To me its okey, but you
must tell Mr. Yap, he is the one who
decides.
Pasado alas nuwebe na nang dumating
si Mr. Yap. Makaraan ang ilang sandali,
sinabi ni Mrs. Yap na kakausapin siya ni
Melissa.
My wife told me that youre leaving,
saad ni Mr. Yap.
My father is so sick. Ill come back
after one or two weeks sir.
Ipinaliwanag ni Melissa na ganoon
talaga ang kultura ng Pilipino. Nangako
siyang babalik kaagad kapag maayos na
ang kundisyon ng kanyang ama.
Okey, but come back after one week.
Is it clear?
Yes Mr. Yap, thank you so much.
When are you leaving?
Tomorrow morning after I get a ticket
tonight, sagot ni Melissa.
Pagpasok niya sa kwarto ay agad inayos
ni Melissa ang ilan sa kanyang personal
na gamit. Medyo nalilito siya at hindi
alam ang gagawin.



Kinabukasan, maagang nagising ang
dalaga. Matapos maligo ay nagbihis.
Paglabas niya sa banyo ay inabutan niya
si Mrs. Yap na nagluluto sa kusina.
Im leaving shortly Mrs. Yap. Ill try to
be back next week.
Kabanata
19
102
103
Be sure to be back then Margaret
will miss you.
Yes, I will.
Sa paglalakad ni Melissa papunta sa lift
ay medyo mabigat ang kanyang mga paa,
parang ayaw niyang iwanan ang batang
napamahal na sa kanya, na naging kasama
niya sa araw-araw sa loob ng halos apat
na buwan. Hindi na niya ginising si
Margaret dahil alam niyang hahabol
ito. Pero kailangan niyang umuwi dahil
nanganganib ang buhay ng kanyang ama.
Hindi na siya nakapagpaalam kay Edward.
Alam niyang na maiintindihan siya nito.
Pagdating sa Hong Kong International
Airport ay agad siyang nagtungo sa
counter ng PAL para kunin ang kopya
ng kanyang electronic ticket na kanyang
ini-reserve sa pamamagitan ng Internet.
Kinausap niya ang Chinese na empleyada
na naroroon at nagpakilala.
Miss Melissa Zuiga? tanong ng
Chinese counter personnel ng PAL.
Yes.
Im sorry but your name does not
appear on the passenger list in any of the
fights for Manila today.
Excuse me??? May pagkabiglang
tanong ng dalaga.
I said there are no reservations in the
name of Melissa Zuiga in any of our
fights today.
Diyos ko! Paanong nagkaganoon?
anas ni Melissa. Alam niyang nakapag-
reserve siya online kagabi.
Hindi siya nawalan ng pag-asa. Muling
kinausap ang counter personnel.
Can you do something about it? I must
fy to Manila today, my father is in critical
condition in the hospital! Please help
me!
Ill see what I can do, please wait.
Muling nag-search sa computer ang
empleyada para alamin kung may mga
bakante pa sa ibang fights.
Makalipas ang ilang minuto
Im terribly sorry, there is nothing that
I can really do. All fights for Manila are
fully booked today!
Thank you, mahinang tugon ni
Melissa.
Hinila niya ang kanyang bag at mabagal
na naglakad palayo. Naupo siya sa isang
bahagi ng airport departure area. Hindi
104
105
siya nawawalan ng pag-asa. Alam ni
Melissa na magagawan niya ng paraan
ang problema.
Sa iba pang mga upuan ay kakaunti
lamang ang mga naghihintay ng kanilang
fights, mayroong mag-asawang Turkish
na kababayan ni Yilmaz, ang mister ni
Ruffa Gutierez, may 60-year-old na
Dutch national kasama ang kanyang
Pilipinang misis, may grupo ng Icelandic
scientists at speleogists na papunta sa Fuga
Island sa Aparri, at iba pang nationalities
na pawang naghihintay ng kani-kanilang
fights papuntang Maynila.
Para mawala ang pagka-inip ay binuksan
niya ang kanyang pocketbook at hinanap
ang lugar na may book mark. Itinuloy ni
Melissa ang pagbasa ng aklat na sinulat ni
Nora Roberts.
Halos matapos na ng dalaga ang
pagbabasa nang mapansin niya na pasado
alas-onse na ng umaga, mahigit limang
oras na siyang naghihintay. Hindi siya
nakadama ng gutom o uhaw dahil medyo
aburido siya sa problema. Muli siyang
nagpunta sa counter ng PAL at kinausap
ang counter personnel. Negatibo ulit ang
sagot sa kanya, walang available fight
papuntang Maynila. Hindi naman siya
makabili ng ticket sa ibang airline dahil
puro frst class lang ang available na seats,
malaki ang kamahalan at alam niyang
bawat pisong kanyang iuuwi ay kailangan
ng kanyang ama para sa mga gastusin sa
ospital.
Naglakad siya papuntang rest room.
Nang nakatapos na siya ay may napansin
si Melissa na isang maliit na Louis Vuitton
brown leather bag. Wala namang ibang
tao rito kaya kinuha niya ito at binuksan.
Nagulat ang dalaga sa nakitang maraming
pera puro British pounds at Euro dollars.
Agad siyang lumabas dala ang maliit na
bag at luminga para alamin kung naroroon
pa ang may-ari.
Pagpasok niya sa kwarto ng airport
manager na si Mr. Peter Woo ay may
kinakausap itong isang senior staff ng
Aerofot, ang Russian airline. Kahit may
edad na, maganda ang tindig ng caucasian
na lalaking kausap lalo na sa suot niyang
navy blue na jacket na may apat na yellow
stripes sa manggas, nagpapahiwatig na
siya ay kapitan ng eroplano. Ilang saglit
lamang ay lumabas na ito.
Yes? Anything I can do for you Miss
Beautiful?
Tiningnan ni Mr. Woo ang kaaakit-akit
na kabuuan ng dalaga.
Youre Hawaiian?
106
107
No, Im Filipina. Miss Melissa Zuiga
is my name sir. I came here to return a
bag which I found at the rest room, just
now.
Kinuha ng dalaga ang Louis Vuitton bag
na maingat niyang itinago sa kanyang
traveling bag at iniabot sa namanghang
manager na Tsino. Kapansinpansin sa
mukha nito na parang nabunutan ng
tinik.
Yes! The wife of the British ambassador
who is going to Manila lost this bag
somewhere in the terminal building,
she cant recall where. Tumingin ito sa
kanya at kinamayan, Thank you very
much Miss Melissa.
Nagpaalam na ang dalaga.
Wait!
Kinuha ni Mr. Woo ang kanyang
cellfone at nag speed-dial. May kinausap
ito sa wikang English.
Can I offer you something Miss
Melissa?
No, thanks.
This is courtesy of the house. Please
dont be shy.
Kumuha ng juice at ice-cream ang
manager sa kanyang Daewoo personal
refrigerator malapit sa kanyang mesa at
iniabot kay Melissa, at
This is Magnolia Ice Cream from
Manila.
Thank you Mr. Woo.
Makalipas ang mahigit na 15 minuto
ay dumating ang may-ari ng bag si
Mrs. Martha Fitzroy, asawa ng British
Ambassador to Manila na si Augustus
Henry Fitzroy. Nag-good afternoon at
kinamayan ito ng manager at ni Melissa.
Binuksan nito ang bag at masusing sinilip
ang laman.
Its intact! anas ni Mrs. Fitzroy.
Thank you very much young lady.
Inalok niya ng 500 Euro dollars bilang
pabuya pero agad itong tinanggihan
ni Melissa. Nahalata ni Mrs. Fitzroy na
medyo aburido ang dalaga.
Any problems young lady? Maybe I
could be of help.
Kahit medyo nahihiya ay sumagot si
Melissa.
I cannot get a fight to Manila, maam.
Ive been here since early morning. I gotta
get to my father today whos very sick in
the hospital!
108
109
I think I can help you.
Kinausap ni Mrs. Fitzroy si Mr. Woo at
nagpaalam.
Mr. Woo will take care of you, saad ni
Mrs. Fitzroy.
Bye Mrs. Fitzroy, take care maam,
paalam ni Melissa.
Dahil sa tuwa sa pagkakabalik ng
kanyang Euro 100,000 at 100,000 (na
umaabot sa kabuuang mahigit P15 million
pesos) ay ibinili ni Mrs. Fitzroy si Melissa
ng frst-class ticket sa British Airways na
papuntang Maynila, pero alas otso pa ng
gabi ang fight ng dalaga.
Habang naghihintay ay nag-sketch ang
dalaga ng mukha ni Mr. Woo nang hindi
niya namamalayan. Makalipas ang halos
20 minuto ay iniabot niya ito sa nagulat
na manager. Tiningnan nitong mabuti
ang sketch.
Thats me. Im handsome! Thank you
Miss Zuiga! You wait for a while, your
ticket for Manila will be sent here on
my computer terminal. Ill be the one to
print it for you!
Matapos matanggap ang electronic
ticket ay inalok ng manager si Melissa ng
lunch. Pasado alas dos na ng hapon. Hindi
na tumanggi ang dalaga dahil nagugutom
na rin siya.
Matapos ang lunch sa isang Japanese
restaurant sa second foor ng terminal
building ay may dumating na Hong Kong
media, kinunan silang dalawa ng pictures
at kinausap ng ilang minuto si Melissa.
Dahil sa ginawa ng dalaga ay naiangat
niya ang antas ng pagtingin ng buong
mundo sa mga Pilipino. Bago naghiwalay
ay nagpasalamat muli si Mr. Woo at
sinabing lumapit lamang sa kanya any
time kung magkakaroon ng problema sa
kanyang pagbabalik in the future.
Agad nagtungo si Melissa sa isang pay
phone para ipaalam sa ina ang oras ng
kanyang pag-uwi.

Epilouge
Pasado alas nuwebe na nang lumapag sa
Ninoy Aquino International Airport ang
Airbus 320 ng British Airways na may
lulang 188 na pasareho kasama si Melissa.
Kahit na sobrang lambot at cozy ang
bucket seat sa frst class section ay hindi
nakatulog ang dalaga dahil aburido siya
bukod pa sa mahigit lamang isang oras
ang biyahe.
110
111
Matapos matatakan ang kanyang
passport at makuha ang bagahe ay
nagtungo siya sa exit ng arrival area para
tumawag ng taksi.
Diyos ko, sana po ay walang masamang
nangyari kay Daddy! anas ni Melissa
Makalipas ang ilang sandali ay may
tumawag sa kanya sa di kalayuan.
Melissa! Melissa!
Si-si Mommy!
Kahit na medyo may kabigatan ang
kanyang dalang dalawang bag ay mabilis
na lumakad si Melissa patungo sa kanyang
ina. Niyakap niya ito.
Ano po ang sakit ni Daddy?
Sa ospital ko na lang ipaliliwanag
Melissa.
Makaraan ang ilang sandali ay nasa loob
na ng taksi ang dalawa. Patungo sila sa
Asian Hospital sa may Alabang. Tahimik
lamang ang mag-ina.
Pagdating sa Asian Hospital ay agad
silang sumakay sa elevator at tumuloy sa
suite 510. Habang naglalakad ay lalong
bumibilis ang pintig ng puso ng dalaga.
Pagbukas ng pinto ay nagulat si Melissa
sapagkat si Don Pedro ang nakahiga
sa hospital bed at mukhang grabe ang
sakit. Ang kanyang amang si Clemente
na mukhang malakas at walang sakit ay
nakahiga sa visitors bed. May nakaupo
ring isang may edad na lalaki na naka-
barong, isang huwes ito na magkakasal
sana kina Don Pedro at Melissa.
Mommy, anong ibig sabihin nito?
anas ng dalaga.
Ang mabuti pa si Don Pedro na lang ang
magpapaliwanag sa iyo. Kahit mahina na
ay nakapagsasalita pa siya... Halika.
Inilapit ni Zeny ang tainga ng anak sa
bibig ni Don Pedro para mapakinggan
ang sasabihin nito. Mahina na ang boses
ng matanda.
Me-Melissa?
Ako nga po, Don Pedro.
Ba-bago ako ma-ma-tay.. papa-
ka-sal tayo.
Po???!
Nanlaki ang mga mata ni Melissa
sa pagkabigla. Dahan-dahan siyang
tumalikod at nagtungo sa may pinto
para lumabas. Unti-unting dumadaloy
ang masaganang luha sa kanyang mga
mata. Hindi sa ayaw niyang pagbigyan
ang kahilingan ng matanda. Labis siyang
112
113
naaawa sa kalagayan nito. Payag na siyang
pakasal dito, pero ang hindi niya
makonsensya ay lumalabas na isang
pagsasamantala sa kayamanan ni Don
Pedro ang gagawin niya, dahil araw o oras
na lamang ang itatagal nito sa mundo.
Papalabas na ang dalaga, pagbukas
niya ng pinto ay nakasalubong niya ang
humahangos na si Edward. Labis na
nagulat ang dalawa. Nagkatinginan sila.
E-Edward!
Melissa? Bakit naririto ka??? Sandali
lang, excuse me, sabay punta ni Edward
sa kama ng matanda.
Papa, bakit hindi nyo ipinaalam sa
akin na malala na pala ang sakit nyo?
ang mahinang tanong ng binata.
Hinawakan ni Don Pedro ang kamay
ni Edward. Bumulong. May ibinulong
din dito ang binata. Lalong nagulat ang
dalaga. Sumenyas ang matanda kay Zeny
na palapitin si Melissa. Bumulong ito sa
tainga ng dalaga.
Me-Me-lis-saka- kahit mama-
mayaman ako, ayaw mo pa rin sa akin
Di ka mukhang pe-ra.
Don Pedro! may pagka-awang tugon
ni Melissa.
Sa-sana i-ikaw ang ma-pa-nga-sawa
ng a-aking anak!
A-anak nyo po si Edward?
Nag-iisa, bulong ng matanda.
Hindi kasal ang aking ina at si Papa
Pedro kaya ang apelyedo ni nanay ang
ginagamit ko, paliwanag ng binata.
Me-lissa, a-anak! ang mahinang
sambit ni Don Pedro.
Hindi na kailangan pang sagutin ni
Melissa ang alok ng matanda. Napayakap
siya sa binata. Isang mahigpit na yakap. At
sa kaunaunahang pagkakataon, naghinang
ang kanilang mga labi. Maalab, makaubos-
hiningang halik na lalong pinatamis ng
masidhing pag-ibig sa isat-isa. Hindi
pansin ng dalawa ang mga tao sa loob ng
hospital suite, pati na ang nagulat ding
huwes. Matagal na naglapat ang kanilang
mga labi.
Kahit ilang sandali lamang, napalitan
ng kulay ng pag-ibig ang kulay ng
nakaambang kamatayan sa silid na yaon.
Magkahalong lungkot at saya ang nadama
nina Mang Clemente at Aling Zeny.
Hindi makapaniwala ang mag-asawa
sa nasaksihan. Magiging manugang nila
ang kaisa-isang anak ni Don Pedro si
114
115
Edward.
Hindi nagtagal ay nalagutan ng hininga
si Don Pedro pero masisilayan sa mukha
niya ang kasiyahan. Namatay siyang
payapa, dahil kahit hindi natupad ang
pangarap niyang mapangasawa ang
babaing matagal nang hinahangaan
at minamahal, ang kanyang anak ang
magtutuloy ng kanyang naunsyaming
pangarap. Alam ng matanda na magiging
panghabang-buhay ang ligaya at matamis
na pagtitinginan nina Edward at Melissa.
At kahit na kailan, hinding-hindi na
masisikil ang puso ng dalaga.

WAKAS








116
117
118
119
120

You might also like