Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Manny Pacquiao and wife Jinkee reportedly had a big fight over Krista Ranillo

Glen P. Sibonga

There's a strong buzz that boxing champ Manny Pacquiao is having an affair with sexy actress Krista Ranillo. It has
been confirmed that Krista and her family were in Las Vegas to watch Manny's fight against Miguel Cotto.
Sa kabila ng malaking tagumpay ni Manny Pacquiao sa laban nito
kay Miguel Cotto ng Puerto Rico, hindi pa rin nakaligtas sa intriga
ang Pambansang Kamao. Hanggang ngayon kasi ay hindi mamatay-
matay ang isyu na diumano'y may espesyal na relasyon sa pagitan ni
Manny at ng sexy actress na si Krista Ranillo, lalo na nga't
napabalita pang nasa Las Vegas din ang aktres, kasama ang pamilya
nito, para manood ng laban ni Pacquiao.
Kinumpirma ng ilang sources ng PEP (Philippine Entertainment
Portal) na nasa Las Vegas nga si Krista at ang pamilya nito. In fact,
sa PEP Alerts ay ibinalita na sa Luxor Hotel nag-check-in ang
pamilya Ranillo. Doon din daw sa naturang hotel naka-check-in si
Manny at ang kanyang entourage.
Kahapon, November 15, sa The Buzz ay isa sa naging paksa ng
usapin ang naturang intriga. Matatandaang unang na-link kay Manny
ang isa pang sexy actress na si Ara Mina, na nakatambal niya sa
pelikulang Anak ng Kumander (2008). Matapos ngang putaktihin ng
intriga noon si Ara, si Krista naman ang sumunod na ikinakabit sa pangalan ni Manny.
Noong November 8 episode ng The Buzz ay hiningan ng komento ang ina ng boksingero na si Mommy Dionisia
Pacquiao tungkol intriga sa mga babaeng nali-link kay Pacquiao, na pinangalanang sina Ara at Krista nga. Pero todo
tanggol naman si Mommy Dionisia sa anak.
"Ang daming humahanga sa kanya, lalo na sa mga babae. Hindi totoo 'yang mga balita. Lalo na pati si Jinkee, sabi ko,
'Wag na kayong maniwala sa balita kasi sikat ang mister mo. Ikaw ang pinaka-reyna ng General Santos sa tahanan ni
Manny,'" wika ni Mommy Dionisia.
KRISTA IN MANNY'S LIFE. Nagsimulang maiugnay ang pangalan ni Krista kay Manny nang magsama ang
dalawa para sa pelikulang Wapakman, na entry sa Metro Manila Manila Film Festival ngayong Disyembre. Parang
ganito rin ang naging sitwasyon nina Manny at Ara noong 2007 nang magsama sila sa pelikula hanggang sa maintriga.
Ngunit mariing idinenay ni Ara ang pagkakaroon ng relasyon umano kay Manny.
Ayon sa mga nag-oobserba, pawang publicity lang daw para sa pelikula ang naglalabasang balita tungkol kina Ara,
Krista, at Manny. Ngunit hindi pa rin tumigil ang daloy ng intriga. Hanggang sa sunud-sunod na balita na ang lumabas.
September 2009, lumabas sa kolum ni Ricky Lo sa Philippine Star ang balitang nakitang magkasama sa flight
papuntang Hong Kong at pabalik ng Pilipinas sina Manny at Krista.
Ayon kay Ricky Lo, umamin sa kanya si Krista na totoong nakita niya si Pacquiao sa Hong Kong. Pero aksidente lang
daw ang pagkikitang iyon sa isang mall. Patunay pa ng aktres, ang mga kaibigang kasama niya roon. Nagkasabay lang
daw si Manny at ang grupo ni Krista sa eroplano sa kanilang pagbabalik-bansa. Nasa economy section daw ang aktres
at nasa business class naman daw si Manny. Paglapag ng Manila, niyaya pa raw sila ni Manny na sumama sa kanila sa
VIP line. Pero tumanggi raw si Krista.
Sunod naman daw, in-offer ni Manny ang kanyang sasakyan upang sabay na silang pumunta sa isang birthday party.
Sa pagkakataong ito raw nakita silang magkasama ni Manny. At ayon kay Krista, "I have nothing to hide. I'm not guilty
of anything."
Sa kolum naman sa isang tabloid ng talent manager-columnist na si Lolit Solis ay lumabas ang intrigang sa panahon
ng pag-eensayo ni Pacquiao sa Baguio ay naroon din diumano si Krista, na sweet raw ang pakikitungo kay Manny.
Sa kolum naman ni Mario Bautista, maging sa Ondoy relief distribution ni Manny ay naroon din at nakaalalay si
Krista, at naroon din ang ama nitong si Mat Ranillo III.
At ngayon nga ay patuloy sa paglaki ang intriga, dahil habang nasa Las Vegas si Pacquiao ay naroon din daw si Krista,
kasama ang pamilya nito. Kinumpirma ng manager ng aktres na si Arnold Vegafria na nasa Las Vegas nga ang alaga
niya, ngunit hindi nito tinukoy ang pakay ng aktres doon. Tingin ng manager ni Krista, ang turingan ng dalawa ay
magkaibigan lang.
GINA'S INTRIGUING FACEBOOK ENTRY. Lalo pang tumindi ang espekulasyon ng marami nang ilantad ng The
Buzz ang isang malamang mensahe ng director-actress na si Gina Alajar sa kanyang Facebook status na tila nag-uugnay
sa boxing champ na si Manny Pacquiao at kay Krista Ranillo.
Ayon sa Facebook account ni Gina, "If I am Jinkee Pacquiao I will not give up Manny... Krista Ranillo is not at all
worth it!!!"
Ngayon, ano naman kaya ang pinanggagalingan ng biglang pagbubulgar ni Gina sa sinasabing ugnayan nina Manny at
Krista?
Taong 2001 nang maghiwalay sina Gina at ang asawa nitong si Michael de Mesa. At dito nga ay naugnay ang
pangalan ni Krista. Sa kolum ni Emy Abuan sa Pilipino Star Ngayon noong 2002, sa presscon ng isang pelikula,
hiningan si Krista ng linaw tungkol sa napabalitang relasyon daw nito kay Michael de Mesa, pero kaagad namang
pinabulaanan ng aktres ang intriga.
Tahimik naman ang kampo ng boyfriend ni Krista na si Direk Dominic Zapata. Ayon naman sa ilang sources, hiwalay
na raw ang direktor at ang aktres.
Upang mabigyang linaw at matuldukan na ang lahat ng espekulasyon, sinubukang kontakin ng The Buzz si Krista.
Ngunit walang sagot mula sa kampo ng aktres.
JINKEE'S TEXT MESSAGE TO KRIS. Pagkatapos ng VTR news na ito ay nagbigay ng komento tungkol sa isyu
ang The Buzz hosts na sina Boy Abunda, Ruffa Gutierrez, at Kris Aquino.
Ayon kay Ruffa, na ang parents na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama ay nasa Las Vegas para sa laban ni
Pacquiao, nandoon daw talaga si Krista with her family. Pero hindi niya raw sigurado kung saang hotel ito nag-i-stay,
pero siguro raw ay sa Luxor Hotel.

You might also like