Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Malay 26.

1 (2014): 1-11

Arkitektura at Globalisasyon sa Pilipinas: Isang Pagbabakasakali Tungo sa Isang Kritikal na Teoryang Kultural /
Architecture and Globalization in the Philippines:
An Attempt at a Critical Cultural Theory
Jovito V. Cario
Unibersidad ni Santo Tomas, Pilipinas
jovitovc@gmail.com

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa, hindi lamang sa Asya kundi pati na rin sa buong mundo, na
kakikitaan ng ibayong sigla ng modernisasyon. Isa sa mga pinakamalinaw na katibayan nito ang malawakang
paglaganap ng urbanisasyon gaya ng pinapatunayan ng mga nagtatayugang condominium, mamahaling
kabahayan at naglalakihang shopping mall na sagisag ng masiglang daloy ng kapital sa bansa. Ito ang ng
larawan modernidad bunga ng globalisasyon. Sa kabila ng mga pagbabagong ito, hindi maikakaila ang mga
aspekto ng modernisasyon na tuwirang kabaligtaran ng kanyang mapanghalinang larawan: masikip na trapiko,
malalang problema sa pabahay, sisiksikang migrasyon sa lungsod, di mapuksang problema sa basura at ang
pinakamabigat sa lahat, ang pagsulong ng isang mentalidad na mapamuksa ng kalikasan. Ekta-hektrayang
bukirin, tubigan, kakahuyan at mga kabandukan ang kinailangang magsakripisyo upang bigyang daan ang
bukang-bibig na mga imprastraktura ng pagbabago. Tila ba pagbabago lamang ang tanging mabuti na dapat
bigyan ng katuparan at lahat, kahit na ang kaligtasan ng kapaligiran, ay maaaring isantabi sa ngalan nito.
Sa ganitong usapin, mahalaga ang papel ng arkitektura. Naiiba ang arkitektura dahil sa pambihira nitong
katangian bilang pinaka-publiko sa lahat ng mga anyo ng sining. Bilang anyo ng sining, may autonomiya
ang arkitektura na paboran o tutulan ang mga epekto ng modernidad. May direkta din itong kapangyarihan
na maimpluwensiyahan ang uri ng pamumuhay gayundin ang kaisipan ng mga taong nakikinabang dito, ibig
sabihin, tayong lahat. Kritikal samakatwid ang papel nito hindi lamang bilang isang partikular na sining kundi
bilang puwersang kultural na kumakatawan sa katangian ng panahon at sa uri ng pamumuhay na umiiral
sa isang lokalidad. Kaugnay ng mga ito, paano nga ba susuriin ang estado ng arkitektura sa panahon ng
globalisasyon sa Pilipinas? Upang masagot ang naturang tanong, tatalakayin ng papel na ito ang posibilidad ng
pagkakaroon ng isang kritikal na teoryang kultural na magiging batayan sa pagsuri ng ugnayan ng arkitektura
at globalisasyon sa ating bansa. Nagbabaka sakali din ang papel na ito na makapag-ambag sa pagbuo ng
maka-Pilipinong teoryang kultural at sa pagsusulong ng kritikal na pagsipat sa arkitektura sa kunteksto ng
dialektikong relasyon ng ekonomikong kaunlaran at integridad ng kalikasan.
Mga Susing Salita: lungsod,, arkitektura, globalisasyon, urbanisasyon, Deleuze
Within Asia and across the globe, Philippines is one of the countries where modernization is gaining ground.
This is manifested, among others, by the rise of urban centers where one finds the concentration of high-rise
condominiums, opulent residences and mammoth shopping malls which are themselves results of a more
fluid capital inflow into the local economy. This is one of the pictures of modern life borne by globalization.
Despite the apparent affluence however, one cannot simply gloss over certain aspects of globalized society
Copyright 2014 by De La Salle University

Malay

Tomo XXVI Blg. 2

which run counter to the alluring images of progress: heavy traffic congestion, inadequate housing, unmitigated
urban migration, pestering garbage problem and worse of all, the emergence of a kind of mentality which pays little
regard to the welfare of ecology. Hectares upon hectares of farmlands, waterways, forests and mountains have been
wasted in the name of the so-called infrastructures of economic progress. This state of affairs makes an impression
that financial prosperity is the only thing worth pursuing notwithstanding the environmental costs. It cannot be denied
that architecture has a huge stake in this situation.. Architecture distinguishes itself as the most public among the
arts. As an art form, it is free either to embrace or reject the effects of modernity. It can likewise help shape the way
of life and worldview of its users, which means, all of us, consumers all of this art. Architecture therefore has a
crucial role not only as an individual art form but also as cultural expression which manifests in a very concrete
form\ the spirit of the times as well as the quality of life in a given locality. In the light of the foregoing, how must
one view the state of architecture in the Philippines in the age of globalization? To explore this question, this paper
will examine the possibility of developing a cultural theory which can serve as a basis of the critique of architecture
and its relation with globalization in the Philippines. It likewise aspires to make a contribution to the articulation of
a Filiipino cultural theory as well as the critical appreciation of architecture in the context of the dialectical relation
between economic progress and the integrity of environment.

Keywords: city, architecture, globalization, urbanization, Deleuze

PANIMULA
Ang arkitektura ay isang larangan ng sining,
sa katunayan, isang larangan ito na maaaring
pinakamalapit sa pansin ng lahat. Higit itong
umaakit ng atensiyon sa kasalukuyan bunga
ng masiglang paglaganap ng urbanisasyon sa
bansa. Gayunman, sa kabila ng pagiging popular,
mas madalas malimutan ng madla na ang mga
gusaling nakapaligid sa kanila ay mga anyo ng
sining. Tinatawag itong tirahan, pamilihan,
eskwelahan, opisina o kaya pasyalan ngunit ang
karakter nito bilang sining ay hindi kagyat na
nakikilala. Kalimitan, tinitingnan ito bilang mga
estruktura lamang na itinayo na malayo o walang
kaugnayan sa mga kultural na pwersang batayan
ng kanilang pagiging sining-likha. Ang ganitong
pagtanaw sa arkitektura ay isa sa mga epekto ng
modernisasyon na mas kilala rin sa katawagang
globalisasyon. Ang modernisasyon, sa tradisyonal
na pakahulugan ay tumutukoy sa pamamayani ng
isang kaayusan na hinulma ayon sa katwiran
ng tao. Ang globalisasyon, sa isang banda, ay
ang mukha ng higit na pagpapaigting at higit na
pagpapaibayo ng pamamayaning ito sa tulong ng
teknolohiya at kapital. Hindi lamang heograpikal
o teritoryal na penomenon ang globalisasyon
kundi isang dinamikong pagkilos na kakikitaan

ng higit na bagsik dahil sa kakayahan nitong


lampasan o isantabi ang tradisyonal na bakod na
dating naghihiwalay sa mga bansa o kontinente.
Gaya ng nabanggit na, teknolohiya at kapital
ang pangunahing dinamo ng globalisasyon; ito
ang simula at ito rin ang tunguhin ng kanilang
pagkilos. Sang-ayon sa tradisyunal na hangarin
ng modernidad na maglunsad ng ibayong ginhawa
ar progreso para sa sangkatauhan, pangarap din
ng globalisasyon na maghatid ng malawakang
kaunlaran para sa lahat. Hindi tinatawaran ng
papel na ito ang mga benepisyong nakamit na sa
maraming aspekto ng modernong pamumuhay.
Bilang pagtatangka tungo sa kritikal na teoryang
kultural, hangad lamang nito na isaproblema
ang paraan natin ng pagtingin sa globalisasyon
at sa konsepto ng kaunlaran na kinakatawan
nito kaugnay ng arkitektura sa Pilipinas sa
kasalukuyan. Gaya ng mababasa sa papel, pinili
kong tingnan ang urbanisasyon bilang konteksto
ng nasabing pagsasaproblema sapagkat sa proseso
ng urbanisasyon higit na makikita ang epekto
ng globalisasyon na nangangailangan ng higit
na pagsusuri. Sa aking pagtalakay, ginamit ko
ang arkitektura bilang sentro ng paghimay sa
usaping ito. Higit sa mga indibidwal na bahay
o gusali, sakop din ng arkitektura ang kabuuang
balangkas ng isang lungsod. Sangkot samakatwid

Arkitektura at Globalisasyon sa Pilipinas

ang arkitektura sa pagsusulong ng kaunlaran ng


isang urbanong lunan, nakakatulong man ito o
hindi sa kanya. Bihira ring mapag-usapan kung
ang kaunlaran na karaniwan nating tinuturing ay
tunay na nakakabuti sa pangkalahatang kalagayan
ng tao, lalo higit ng kalikasan. Sa pagpapatuloy
ng papel na ito, makikitang hindi lamang ang
pagkasining ng arkitektura ang nakasalalay sa
usaping ito.
Globalisasyon at Arkitektura
Dalawang larangan daw ang nagpasimula
ng pagbabago ng balat ng lupa: agrikultura at
arkitektura at kung titingnan natin ang ating
paligid, mapapansin kahit hanggang ngayon ang
katotohanan ng obserbasyong ito (Lethaby 7).
Patuloy na nagbabago ang mukha ng sangkalupaan
dahil sa tuloy-tuloy na ebolusyon ng nabanggit na
dalawang larangan subalit kung susuriin, tila hindi
sabay ang daloy ng kanilang pag-unlad; isa sa
kanila ang napapag-iwanan. Kung mapapansin,
ang agrikultura ay laging dehado sa pagtatamasa
ng benepisyo ng modernisasyon, kung benepisyo
nga itong matatawag. Maraming palayan, tubuhan,
tumana, manggahan ang nabura na sa kinalalagyan
kapalit ng mga bahay, liwasan at naglalakihang
pamilihan na nagtatanyag sa lumalaganap na
daluyong ng globalisasyon. Globalisasyon
ang tawag sa mukha ng modernisasyon na
nakikita natin sa anyo ng pagsulpot ng kulturang
makalungsod. Kinakatawan ito ng matataas na
gusali, mga higanteng tindahan, hile-hilerang
kainan at inuman, nababakurang komunidad
at mga kalsadang nagmumula at nagtatagpo
kung saan-saan. Ang pagsulpot ng mga bagong
urbanong sentro na ito ay likha ng ibat ibang
salik, pangunahin na rito ang dagdag na sigla sa
kakayahang gumastos ng mga kababayan natin at
sa ibayong impluwensiya ng agham at teknolohiya
na makikita hindi lamang sa kalakalan at iba pang
publikong larangan kundi pati na rin sa loob ng
itinuturing na mga pribadong espasyo. Tampok na
katangian ng mga makabago o global na lungsod
na ito ang pagkakadugtong-dugtong ng bawat
bahagi ng buhay ng mga naninirahan sa urbanong

J. Cario

pamayanan o kaya gawin itong kaisa o kaugnay


kung saan naroon ang kalakalan (Braham at Hale
418-434). Hindi kataka-taka na ang mga kalsada
sa mga makabagong lungsod ay laging patungo
at palabas sa mga lugar ng pamilihan na siya
ngayong sentro ng lahat. Ang mga modernong
bahayan ay laging makikita malapit sa mga
pamilihang ito. Sa katunayan, marami, kung hindi
man halos lahat, ng mga condominium ngayon
ay pawang mga gusali na pinagsanib na tirahan,
opisina, pasyalan at palengke. Makikita rin ang
impluwensiya ng komersiyo hindi lamang sa mga
residensiya na dating itinuturing na pribadong
espasyo kundi pati na rin sa relihiyon. Halos
lahat ng mga mall sa bansa ay nag-aanyo ring
lugar sambahan kapag araw ng Sabado o Linggo
kung paanong ang paligid ng mga tradisyonal na
lugar sambahan ay kakikitaan din ng kakatwang
sigla ng komersiyo. Kahit ang mga eskuwelahan
ngayon ay nagmimistula na ring palengke sa dami
ng establisyamentong pinagkakakitaan sa ngalan
ng edukasyon.
Madaling patunayan ang katotohanan ng
lihis na relasyon ng agrikultura at arkitektura,
gayunman, ang komplikasyon ng ugnayan ng
dalawang larangang ito ay indikasyon lamang
ng mas malawak na usapin hinggil sa problema
ng ugnayan ng arkitektura at kalikasan na hatid
ng globalisasyon (Kelly 114-140). Sa katunayan,
ang agrikultura at arkitektura ay kapwa biktima
lamang ng konsyumeristang kultura na sumasakop
sa kanila. Sapagkat kung dating malinaw ang
relasyon ng arkitektura sa mga kongkretong pakay
at inaasam ng tao, hindi na ngayon ganoon kalantad
ang ugnayang ito. Manapa, ang arkitektura ay
tila nakapaloob na lamang sa isang sistema na
nag-uudyok sa mga tao na mangailangan nang
mangailangan kahit walang pakay at bumuo ng
mga pakay na tila wala namang hahantungan.
Hindi na arkitektura ang nagbibigay ng lokasyon
sa kaganapan ng mga nais ng tao kundi ang mga
ideolohiyang nagsasamantala sa kakayahan
niyang maniwala agad sa mga patalastas at sa
bilis niyang maglabas ng pera o credit card nang
walang pagdadalawang-isip (Ahlava 85).

Malay

Urbanisasyon at Ang Kuwento Ng Mga


Naglalahong Lupa, Hangin, Tubig at Apoy
Matatagpuan ang Hagonoy sa hilagang bahagi
ng lalawigan ng Bulacan. Karatig nito ang bayan
ng Calumpit, ang huling bayan na madadatnan
bago dumating sa probinsiya ng Pampanga.
Tahimik at payak ang bayan ng Hagonoy.
Pangunahing industriya dito ang pangingisda
at pamamalaisdaan. Kilala ang Hagonoy sa
bangus at tilapya at iba pang lamang-tubig gaya
ng alimango, alimasag, talangka at hipon. May
panahon na ang pangalan ng Hagonoy ay kasingkahulugan ng mga likas na yamang nabanggit.
Nitong mga nagdaang taon, mas kilala na ang
Hagonoy sa ibang dahilan: kabilang na ito sa
mga lugar na unti-unting kinakain ng tubig. Ang
kuwento ng bayan ng Hagonoy ay kuwento ng
unti-unting naglalahong lupa.
Sinumang mapunta sa bayang ito ay hindi
mahihirapang mapansin ang nawawalang
urbanisasyon sa nasabing lugar. Ang mga luma
at maliliit na kalsada ay luma at maliliit pa rin
at pilit pang pinag-aagawan ng mga bus, jeep,
bisikleta at tricycle na mas marami pa kaysa
mga pasaherong nag-aabang sa kanila. Marami
ring tambay at maliliit na tindahan. Larawan ang
Hagonoy ng urbanisasyon na tila hindi na nito
marating. Ang pagbaha sa buong bayan na naging
palagian nitong kalagayan simula nitong huling
dekada ay lalo pang naglalayo rito sa sadyang
mailap na kaunlaran.
Biktima ang Hagonoy ng urbanisasyon na
hindi naman nito tinatamasa. Ang tanong: Paano
naging biktima ang isang lugar ng urbanisasyon
na hindi mapasakanya? Kung tutuusin, malapit
lamang sa Hagonoy ang kaunlaran, nasa kabilang
pampang lamang ng dagat, sa timog na bahagi
ng Manila Bay, sa kahabaan ng Maynila, Pasay,
Makati, Paraaque hanggang sa bukana ng
Cavite. Dito, kabaligtaran naman ang nangyayari.
Samantalang unti-unting tinatakpan ng tubig ang
Hagonoy, unti-unti namang tinatabunan ng lupa
ang dagat sa kalunsuran sanhi ng pagsisiksikan
ng populasyon, ibayong pagpapalawak ng mga
kalsada at komersiyong espasyo, pagpapatayo

Tomo XXVI Blg. 2

ng mga gusali at malawakang pagsasakongkreto


ng mga tubigan. Matagal nang tinuran ng Global
Facility for Disaster Reduction and Recovery
(GFDRR) maging ng United Nations Office
for Disaster Risk Reduction (UNISDR) na ang
ganitong uri ng estratehiya ng urbanisasyon
ay lubos na mapaminsala hindi lamang sa mga
residente ng lungsod kundi pati na rin sa mga
naninirahan sa mga mas mabababang bayan sa
baybayin gaya ng Hagonoy. Ang obserbasyong
ito ay batay sa pag-aaral ng GFDRR at UNISDR
sa mga karanasan ng ibat ibang bansa at halos
lahat sila na naging bahagi ng nasabing pag-aaral
ay kakikitaan ng katulad na pinagdaanan.
Dahil sa pagsasakongkreto ng halos lahat
ng lupang puwedeng tapakan, kahit mismo ng
karagatan, binabago ng mga umuusbong na
urbanong sentro ang kapwa lokal at pambansang
klima. Ang labis na sementong bumabalot
sa lungsod ay nagpapasidhi ng pagtaas ng
temperatura na pumipigil at kumikitil sa mas
madalang nang sariwang hangin. Ang mataas
na temperaturang ito ang siya ring sangkap sa
paglikha ng mararahas na bagyo na siya namang
nagpapabago ng dating sa atin ng sikat ng araw.
Ang bagsik ng bagyong Ondoy, Pablo,
Sendong at Yolanda, pati na ang dumadalas
na daluyong ng habagat ay mga patunay sa
obserbasyong ito. Totoo na lumalala ang kalagayan
ng pandaigdigang klima at mukhang ang pisikal at
kultural na paglaganap ng urbanisasyon ay hindi
nakakatulong upang maibsan ito. Sa patuloy nitong
pamamayagpag, patuloy din nating nasasaksihan
ang unti-unting paglalaho ng lupa, tubig, hangin
at apoy. Ang tradisyonal na apat na elemento na
pinaniniwalaang saligan ng kosmikong realidad
ay unti-unting napupuksa sa ngalan ng inaakala
nating kaunlaran. Isang halimbawa ito ng sinasabi
ni Gilles Deleuze na deteritoryalisasyon.
Ang nakakapagtaka, kung babasahin ang taya
ng mga eksperto sa arkitektura, kapansin-pansin
ang kanilang lantad na pagtingin sa urbanisasyon
bilang isang neutral na puwersa. Ganito ang
mababasa sa akda ni Gerard Lico na pinamagatang
Arkitekturang Filipino: A History of Architecture
and Urbanism in the Philippines. Ang pananaw ni

Arkitektura at Globalisasyon sa Pilipinas

Lico ay mababanaagan din sa posisyon ni Paulo


Alcazaren, isang premyadong arkitekto at regular
na kolumnista na nagtatampok ng arkitekturang
panlungsod sa bansa. Sa katunayan, para kay
Felino Palafox, isa pang bantog na arkitekto, hindi
lamang neutral na puwersa ang urbanisasyon, ito
pa nga, para sa kanya, ang lunas sa problemang
kinasasadlakan ngayon ng Kamaynilaan at
mga karatig na lalawigan. Hindi ko sinasabi
na hindi ito tama. Sa palagay ko, ang isang di
arkitektong katulad ko ay walang karapatang
tawaran ang isang propesyonal na panukala ng
isang lisensiyado at bantog na arkitekto. Ang
punto na aking tinututulan dito ay ang tahasang
linyar na pagtingin sa relasyon ng urbanisasyon at
arkitektura, ang uri ng pagtingin na sa kasamaang
palad ay siyang nagpapalala sa ekolohikal
na bangungot na kasalukuyang bumabalot sa
lungsod. Kaya nga bagamat natatangi sa lawak
at detalye ng kanyang pag-aaral, ang kahinaan,
sa tingin ko, ng akda ni Lico ay hindi nito
naisaproblema ang urbanisasyon gayon na rin
ang pagkakaipit ng arkitektura sa sistemang ito.
Bagamat nag-iwan si Lico ng ilang tala sa huling
bahagi ng huling kabanata ng kanyang akda na
tumutukoy sa ganitong direksiyon, maliwanag
na ang urbanisasyon at ang relasyon nito sa
arkitektura ay isang tema na nangangailangan
pa ng higit na pansin mula sa mga arkitekto at
teorista ng kulturang Pilipino. Ang arkitektura
ay isang publikong sining at hindi matatawaran
ang kakayahan nito na lumikha at humubog ng
mga bagong kamalayan at uri ng pamumuhay. Ito
ang dahilan kung bakit hindi dapat ipagwalangbahala ang komplikadong pagkakasangkot ng
arkitektura sa usapin ng urbanisasyon lalo pat
may direkta din itong kaugnayan sa integridad
ng kapaligiran. Ang hamon ng pagsasaproblema
ng ugnayang ito ang dahilan ng aking pagbaling
kay Gilles Deleuze at sa kanyang pilosopiya
bilang tuntungan sa pagbuo ng isang kritikal na
teoryang kultural.

J. Cario

Ang Lungsod Bilang Isang Kultural at


Pilosopikal Na Problema
Bago ko balingan ang panukalang pilosopikal
na Gilles Deleuze, nais ko munang linawin ang
kahulugan ng ilang termino na may malapit na
kaugnayan sa aking hinuhubog na kaisipan.
Una, ang kaibahan ng urbanisasyon at
urbanismo. Ang urbanisasyon ang maituturing
nating pinakakongkretong pahiwatig ng
globalisasyon. Tumutukoy ito sa isang uri ng
sistema na binuo at sunod-sunuran sa padron
na nilikha ng komersiyo, mula imprastruktura
hanggang sa edukasyon hanggang sa pamamahala
ng gobyerno. Sa madaling salita, higit pa
sa pagpapalit ng anyo ang nakapaloob sa
urbanisasyon dahil matatagpuan din dito ang mga
tunggalian at pagsasantabi na likha ng selektibong
pakikinabang sa komersiyo. Dahil nga tubo
lamang ang mahalaga sa sistema ng globalisasyon,
maraming elemento sa lungsod ang kakikitaan
ng negatibong epekto ng pagkahumaling sa
kapital. Ang sumisidhing pagsisiksikan na
siya ring pinagmumulan ng mga karugtong na
problema gaya ng kahirapan, kakulangan sa
pabahay, problema sa kalusugan at kalinisan
kasama na rin ang kriminalidad ay tila ba isang
tagihawat na nagbibigay-kapintasan sa maganda
na sanang pisngi ng isang maunlad na lungsod
(Pieterse 16-38). Ang ganitong sitwasyon ng
di pagkakapantay-pantay ang pangunahing
resulta ng globalisasyon ngunit ito rin mismo
ang sangkap na kinakailangan upang mapanatili
ang kanyang sakop sa kaisipan at buhay ng mga
indibidwal at mga komunidad (Held at McGrew
430-439).
Ang urbanismo sa isang banda ay isang tugon
sa doble-karang epektong ito ng urbanisasyon.
Makikita sa disenyo ng urbanismo ang pagsisikap
na makalikha ng lungsod sa loob ng isang lungsod
upang matakasan ng mga naninirahan dito ang
gulo at kalituhan ng urbanisadong buhay hindi
man nila tuluyang talikuran ang kabihasnan na
nakasanayan na nila (Lico 530-533). Ang pagusbong ng tinatawag nating mga nababakurang
komunidad gayon na rin ang paglaganap ng kabi-

Malay

kabilang mall ay bahagi ng ganitong penomenon.


Naging biktima ang lungsod ng sariling kaunlaran
kaya kinakailangang lumikha ng espasyo sa loob
mismo nito upang mapagtakpan ang kahungkagan
ng kaunlaran na larawan di umano ng modernong
buhay.
Ang dialektikong ito sa loob mismo ng
sinasabing urbanisadong sistema ay kalakip ng
ikalawang pares ng terminong nais kong linawin,
ang modernidad at modernismo. Ang modernidad
ay isang partikular na yugto sa kasaysayan ng
pilosopiya na tumutukoy sa pagbabantayog ng
kapangyarihan ng katwiran ng tao. Sinasabing
ang rurok ng yugtong ito ay maipapako sa
ikalabimpito hanggang ikalabinsiyam na siglo at
kinakatawan ng mga pilosopiya ni Rene Descartes
(1596 - 1650), Immanuel Kant (1724 1804)
at GWF Hegel (1770 1831). Pangarap ng
modernidad na talikuran ang anumang gunita
ng lumipas, lalo na ang gunita na nagpapaalala
sa batayan at pamantayang tiyak na tiyak at
pangmatagalan. Ang modernismo sa arkitektura
ay isang tugon sa modernidad. Inilalahad nito
ang pagtatakwil sa anumang anyo o porma
na maikakawing sa lumipas o sa sinasabing
pangmatagalang tradisyon. Pinapaburan nito ang
pagtatampok sa kasalukuyan, sa panandalian at
sa pansamantala. Kakikitaan samakatwid ang
disensyo ng modernismo ng ibayong pagdidiin
sa kalayaan gaya ng binigyang-pansin ni Charles
Baudelaire sa pagsasamoderno ng lungsod ng
Paris, Sa kanyang mga akda, tinula ni Baudelaire
ang kakaibang karanasan sa isang modernong
lungsod kung saan anya tila ba halos lahat ay hindi
sinasadya at nagkataon lamang. Ang lungsod ay
isang lugar kung saan lahat ng tao ay nagkikita
ngunit hindi nagtatagpo; nagkakasalubong
subalit hindi nagkakakilala (Baudelaire 84-109;
Ross 101-116). Sa madaling salita, ang mga
disenyo ng modernong arkitektura na sinasabing
bagong simbolo ng kalayaan ang siya mismong
pinagmumulan ng panibagong uri ng alyenasyon
na naging tema ng mga tula at iba pang akda ni
Baudelaire at siyang dahilan upang anihin niya
ang taguri ayon kay Walter Benjamin bilang
manunulat ng modernong buhay. Si Baudelaire

Tomo XXVI Blg. 2

din ang naging inspirasyon ng pilosopong si Walter


Benjamin upang suriin ang relasyon ng arkitektura
sa paglikha ng modernong lungsod. Paniwala ni
Benjamin, naging kasangkapan ang arkitektura
upang ang lungsod na kinikilala nating moderno
ay maging isang lugar na gawa-gawa lamang; ibig
sabihin, walang totoo na matatagpuan dito. Ang
lahat sa lungsod ay pantasya, o ayon nga sa kanya,
phantasmagoria, mga kathang-isip upang tayo ay
lansihin, upang pagtakpan ang mukha ng buhay
sa pamamagitan ng paglikha ng mga pangitain
na bagamat nakakaaliw at nakakaganyak ay
naglalayo naman sa atin sa mas makabuluhang
pag-unawa sa kasaysayan (Benjamin 21; Cohen
87-107). Sa Paris ng ikalabinsiyam na siglo,
ayon kay Benjamin, nagtagpo at napagtibay ang
pagkakasangkot ng arkitektura sa komersiyo.
Sa ugnayang ito, kahit ang kalsada ay hindi
na simpleng daanan lamang. Bahagi na ito ng
pamilihan at naging kasangkapan na rin upang
gisingin ang pangangasim ng ordinaryong tao
na gumasta (Benjamin 46). Bagamat may ilan
na nagpakita ng pagtutol sa ganitong direksiyon,
ang huling pasiya tungkol sa kinabukasan
ng arkitektura ay mapagwawagian ng mga
nagtatampok sa sarili bilang mga progresibong
modernista (Hvattum 50-51). Sinasalamin ang
kanilang posisyon ng akda ni Antonio SantElia na
pinamagatang Manifesto of Futurist Architecture,
na lumuluwalhati sa kakayahan ng arkitektura na
humiwalay sa anumang tradisyon (Hvattum 53).
Ang makabagong siyudad, ayon sa kanya, ay
masigla, mabilis at dinamiko sa lahat ng detalye
(Malgrave 223-226).
Mekanikal ang tingin sa siyudad at sa mga
estrukturang bumubuo nito dahil sa pakinabang
sa makabagong teknolohiya gaya ng napansin ni
Benjamin sa pagsasamoderno ng Paris (Benjamin
15; Ferris 116). Tumutukoy din ito sa bagong
kabuuan at mga bagong relasyon na pinausbong ng
modernidad bagamat tigib ng mga kontradiksiyon
na modernidad din ang pinagmulan. Tila baga
arkitektura ang nagbigay ng optikal na dimensiyon
sa kalituhan at kontradiksiyon na una nang tinuran
ni Sigmund Freud sa kanyang paglalarawan sa
modernong panahon (Collins at Jervis 172).

Arkitektura at Globalisasyon sa Pilipinas

Isinulong ng arkitektura ang modernismo sa


paniniwalang makakapagbigay ito ng bagong
simula sa sariling larangan. Nalimutang isaalangalang ng mga unang henerasyon ng modernong
arkitekto na ang arkitektura gaya ng modernismo
ay nakapaloob din lamang sa mas malawak
at mas komplikadong sistema ng ibat ibang
puwersa at impluwensiya. Sa bandang huli, ang
ipinagmamalaki ng modernismo na katangian
bilang mabilis, madali at pansamantala ang siyang
naging susi upang daglian itong mapangibabawan
ng kapangyarihan ng pangangalakal at kapital.
Ito ang dahilan kung bakit sa mga lugar gaya
ng Estados Unidos, naging laganap agad ang
pagkalat ng suburb, ang popularidad ng pribadong
transportasyon at ang konstruksiyon ng matatayog
na gusali bilang simbolo ng sigla ng pananalapi
(Adamson 214-244). Bahagi ng pagiging kakatwa
ng modernismo na lumikha ng mga lunas sa
suliraning sa kanya rin mismo nanggaling. Hindi
kataka-taka na ang mga lunas na inaakala nitong
titimpi sa taglay nitong negatibong aspekto ay siya
pang nagpapalala sa mga suliraning pilit niyang
iniiwasan. Higit na kakatwa na sa kabila ng taglay
nitong kahungkagan, ito pa rin ang padron ng
arkitektura at kultura na pilit nating sinusundan
dito sa Pilipinas.
Si Gilles Deleuze at ang Posibiliad ng
Kritikal na Teoryang Kultural
Si Gilles Deleuze (1925-1995) ay isang
Pranses na pilosopo na umani ng pandaigdigang
pagkilala dahil sa kanyang kakaiba, malikhain
at mapangahas na mga teoryang nagpalaya
sa pilosopiya at nagbigay dito ng ibayong
kapangyarihan upang makatawid mula sa
pagkakapinid sa kanyang makitid na lunggaan
tungo sa marami at ibat ibang larangan, kabilang
na rito ang arkitektura. Ang lumalawak na
impluwensiya ni Deleuze sa larangang ito ay
pinapatunayan hindi lamang ng bilang ng mga
arkitektong teorista na sumasandig sa kanyang
mga batayang kaisipan kundi pati na rin ng
dumaragdag nang dumaragdag na mga lathalaing
nagtatampok sa halaga ng ambag ni Deleuze sa

J. Cario

mga arkitekto at arkitektura sa pangkalahatan.


Sa kronolohikal na pagtingin, maaaring ituring si
Deleuze na isang postmodernista subalit kung ang
pagbabasehan ay ang kritikal na layon ng kanyang
pamimilosopiya, tila hindi angkop na ikahon ang
tulad ni Deleuze sa loob ng mga kategoryang
moderno at postmoderno. Una sa lahat, ang
modernidad para kay Deleuze ay isang continuum,
isang abstraktong makina, kaya walang malinis
na palatandaan kung saan ang mga hanggahan at
lagusan (Deleuze at Guattari 141-142) Bilang
isang abstraktong makina, ang modernidad ang
pinangyayarihan ng mga deteritoryalisasyon
na itinuturing na isa sa pangunahin nitong
katangian. Sa simula pa lamang ng papel ay
tinuran ko na ang deteritoryalisasyon ng lupa,
tubig, hangin at apoy na likha ng urbanisasyon na
siya ring nagiging dahilan ng deteritoryalisasyon
ng mga tao sa anyo ng malawakang migrasyon
na lumilikha naman ng deteritoryalisasyon ng
pakaunti nang pakaunting maayos na espasyo sa
kalunsuran. Ang ganitong uri ng suson-suson na
deteritoryalisasyon ang sanhi ng kalagayan ng
kalituhan at kontradiksiyon na makikita sa buhay
sa lungsod. Hindi cosmos ang tawag ni Deleuze
sa ganitong kondisyon kundi chaosmos gaya ng
paglalarawan ng sining ni James Joyce (Deleuze
at Guattari 204). Ang chaosmos ay taliwas sa
tradisyonal na konsepto ng kabuuan na likha ng
isang maayos na dugtungan ng ugnayan; ang
chaosmos, ayon kay Deleuze, ay isang asemblahe
na binubuo ng nagtatagisan at nagtutungaliang
lakas. Isang masukal na kagubatan ng tensiyon
ang chaosmos at ito ay mararamdaman sa isang
lungsod gaya ng Maynila na kamakailan lamang
ay inilarawan sa isang nobela ni Dan Brown
bilang tarangkahan ng impyerno. Gayunman,
para kay Deleuze, ang suliraning kinakatawan
ng isang modernong lungsod ay hindi malulutas
sa pamamagitan ng pagsasantabi ng gusot upang
makamit muli ang isang orihinal na estado ng
kaayusan o ang ego na tinutukoy ni Freud. Ang
gusot ay hindi isang pangyayari na nagaganap sa
lungsod; sa halip ang gusot ang siya mismong
dahilan kung ang bakit ang lungsod ay patuloy
na nagaganap. Ito ang dahilan kung bakit tutol si

Malay

Deleuze sa psychoanalysis ni Freud bilang kritikal


na kasangkapan sa pagsipat sa kasalukuyang
kalagayan ng modernong lungsod. Mas pabor
siyang gamitin ang salitang schizoanalysis
upang tawagin ang ginagawa niyang pagsipat
sa chaosmos ng lungsod sapagkat hindi tulad
ni Freud, hindi naniniwala si Deleuze na may
kabuuan o ego na nakatago sa likod ng salimuot ng
kalungsuran. Sa antas ng lipunan, psychoanalysis
din ang tawag ni Deleuze sa estratehiya ng
kapitalismo upang kontrolin ang hilig ng tao.
Pinapapaniwala at pinaparamdam nito sa tao ang
isang karanasan ng pundamental na pagkawalay
o alyenasyon at upang lunasan ang alyenasyong
ito, nagpapataw ang kapitalismo ng lunas na siya
ring nag-uudyok sa kanya na manatiling sakop
ng kapitalismo (Deleuze at Guattari 303-303).
Ganitong-ganito ang nangyayari sa lungsod kung
saan parami nang parami ang mga higanteng mall,
mga condominium at nababakurang komunidad na
sinasabing alternatibo sa dekadenteng modernong
buhay (Michel 383-406). Patuloy na naghahanap
ang mga tagalungsod ng mga pananggalang
sa problema na kapitalismo rin mismo ang
nagdudulot sa kanila. Wala silang kamalay-malay
na ang ganitong sistema ay nakapaloob sa isang
sirkulo na walang anumang lagusan palabas.
Sa ganitong paraan din natin maaaring sipatin
ang sinasabing sagot sa lumalalang kalagayan ng
kapaligiran ang luntiang teknolohiya na sandigan
ng mga nagsusulong ng sinasabing luntiang
arkitektura. Dati nang pinunto ni Marx sa Das
Kapital ang malapit na kaugnayan ng kapitalismo
sa pagkasangkapan ng likas na yaman gayon na
rin sa mapamuksang epekto nito subalit hindi niya
nahulaan na balang araw ay pagkakakitaan din ng
kapitalismo ang pinsalang ito mismo ang nagdulot
(953-956). Masakit mang isipin, tila kahit ang
kasalukuyang debate hinggil sa lumulubhang
pagbabago ng klima ay pinamamayanihan ng
mga industriya at indibidwal na may malaking
ekonomikong interes, pabor man o laban, sa
teorya ng lumalalang kalagayan ng kapaligiran.
May kabalintunaan man sa unang tingin subalit
sa ganitong paraan mas nais isiwalat ni Deleuze
ang magiging kinabukasan ng modernong

Tomo XXVI Blg. 2

lungsod at ng kapitalismo na tagapagtaguyod ng


globalisasyon. Kadikit din dito ang inaasahan
niyang magiging kapalaran ng ating likas na
kapaligiran. Sa tingin ni Deleuze, hindi na natin
mababaligtad ang kasalukuyang kalagayan;
sa katunayan, wala nang iba pang kalagayan
na kailangang hanapin pa. Hindi naniniwala
si Deleuze sa utopia o sa pangako ng isang
paparating na panahon na panggagalingan
ng ating kaligtasan. Sakop ng kapitalismo
sa anyo ng globalisasyon ang lahat at walang
daan na gagabay sa atin palayo rito. Ang ating
sanggalang laban sa globalisasyon ay nasa loob
ng globalisasyon mismo. Ito ang kalagayan kung
saan ang tahanan ay puwedeng maging tindahan
na puwedeng maging liwasan na puwedeng
maging simbahan; kung saan ang tubigan ay
puwedeng maging lungsod na puwedeng maging
gubat na puwedeng maging paradahan ng mga
sasakyan (Deleuze 237-239). Sa bahaging ito, tila
naiiba si Deleuze sa pananaw ng kapwa Pranses
at pilosopo na si Michel Foucault sapagkat di
gaya ng huli, naniniwala si Deleuze na sa loob ng
modernidad ay mga natatagong bukal ng lakas,
daloy at kilos na pag-uusbungan ng mga bagong
karanasan ng pagtutol at kalayaan. Kailangan
lamang mapanatili ang kaibahan sa isat isa ng
mga lakas, daloy at kilos na ito dahil nasa kanilang
kakayahang manatiling magkakaiba nakasalalay
ang posibilidad ng pagbabago. Hindi nga bat
nakakaumay ang pagkain sa anumang handaan
kung pare-pareho ang lasa. Wala itong iniwan sa
mga bagong damit na mahirap ipagmalaki dahil
iisa ang kulay at gaya ng isang pamahalaan kung
saan ang mga namumuno ay iisa ang pangalan;
hindi ito nakakagana.
Batay mismo sa paglalarawan ni Deleuze,
maihahantulad natin ang lungsod sa isang
katawan, buo, subalit walang lamang-loob;
walang anumang batayan ang nagsisilbing
ugnayan ng kanyang kabuuan. Sa lengguwahe
ng arkitektura, maaaring ihambing ang lungsod
sa arkitekturang baroque na kakikitaan ng
kawalang ugnayan ng loob at labas gayunmay
nananatiling magkaugnay sa pamamagitan ng
kanilang pagkakahiwalay (Deleuze 27-38).

Arkitektura at Globalisasyon sa Pilipinas

Mas nais ilarawan ni Deleuze ang relasyon ng


mga elementong bumubuo sa lungsod bilang
ugnayan-tagisan ng mga lakas, impluwensiya at
epekto. Hindi samakatwid kailangang takpan ang
tubig sa pamamagitan ng reklamasyon at walang
disiplinang pagtatapon ng basura o kaya takpan
ang lupa sa pamamagitan ng paggawa ng parking
lot para sa isang mall. Hindi kailangang takpan
ang hangin sa pamamagitan ng pagpapakalat
ng karbon mula sa pabrika at mga sasakyan o
ang init sa pamamagitan ng mga gusaling mas
matataas pa sa dugtong-dugtong na kawayan.
Ang pagpipilit nating isulong ang pagtatakip na
ito o deteritoryalisasyon ng mga elemento ang
siyang lumilikha ng mga Ondoy, Pablo, Sendong
at Yolanda na nagpakita sa atin kung paano
kumilos ang kalikasan upang iparanas sa atin ang
bunga ng mga pagtatakip natin sa kapaligiran.
Kung tutuusin, sadyang magkatunggali ang
urbanisasyon at kalikasan subalit gaya nga ng
nasabi na, ito mismo ang tinitingnang dahilan
ni Deleuze kung bakit posibleng magkaroon
ng palitan ng epekto ang isat isa. Higit pa
sa ekolohikal, tinatawag ito ni Deleuze na
etholohikal, isang ugnayang nagsisimula hindi
mula sa utopia ng progreso o pagbabago kundi sa
ating materyal na kinasasangkutan sa kasalukuyan
(Deleuze 27; Frichot 215-237). Nagbibigaygalang ito sa pagkakaiba-iba ng lupa, tubig,
hangin at init. Kinikilala nito ang iba-ibang
pangangailangan ng buhay sa lungsod pabahay,
trabaho, edukasyon, kalusugan, libangan, pagkain,
kultura at itinuturing sila bilang hiwa-hiwalay
na larangan at hindi bilang pare-parehong
kasangkapan lamang ng pamumuhunan. Ang
susi, ayon kay Deleuze, ay pagkakaiba-iba at
pagkakahiwalay; tanging sa espasyong nililikha
nila nagaganap ang palitan ng lakas, daloy at
epekto na maaaring pagmulan ng bagong bugso
ng pagbabago.
KONGKLUSYON
Masarap gunitain ang isang Boracay kung
saan ang dagat ay nananatiling dagat at hindi

J. Cario

karugtong lamang ng mga pamilihan. Mabuti


ring balikan ang isang Baguio kung saan nakikita
pa ang rangya ng bundok bilang hugis ng lupa at
hindi desperadong lunas sa problema sa pabahay.
Nililingon ko rin ang bayan kong nilakhan,
ang bayan ng Hagonoy, noong malayo pa ito
sa pagbabago ng lungsod at kaibang-kaiba sa
larawan ng Maynila. Totoo na ang arkitektura ang
nagbibigay ng pangunahing optikal na karanasan
ng modernisasyon subalit gaya ng tinutukoy ng
aking talakay, hindi lamang modernisasyon ang
daan ng paguunlad at hindi laging pag-unlad ang
hatid ng modernisasyon.
Ipinakita sa papel na ang modernisasyon, bilang
konsepto man o sosyo-ekonomikong karanasan,
ay hindi neutral na larangan. Nakapaloob dito
ang pagsusulong ng isang uri ng kamalayan na
mapanggamit, mapagsamantala at higit sa lahat,
mapanira. Ang simula ng pagsasamoderno
ng lungsod ay pahiwatig ng impluwensiya ng
pananalapi na siyang pangunahing halagahan ng
globalisadong panahon. Hindi lamang nito binago
ang balat ng lupa; binago rin nito ang relasyon
ng tao at ng kanyang kapaligiran at lumikha ng
mga bagong kategorya ng ugnayan ng likas at ng
artipisyal. Sangkot ang sining, partikular ang
arkitektura, sa usaping ito. Bagamat malaki ang
naging ambag ng arkitektura sa pagpapasinaya
ng bagong mukha ng lungsod, naging malaking
tanong naman ang kanyang estado bilang sining.
Sapat na nga bang tingnan lamang ang arkitektura
bilang galamay ng pangangalakal? May taglay pa
ba itong sariling bisa at angking kakayahan bilang
salamin ng pambayang kalinangan?
Sinikap ng papel na talakayin ang usaping
ito bilang pangunang hakbang tungo sa pagbuo
ng isang kritikal na teoryang kultural. Tinangka
nitong lampasan ang tradisyonal na diskusyon sa
arkitektura, ang isyu ng gamit laban sa porma,
upang usisain ang lawak ng impluwensiya
sa at lawak ng impluwensiya ng arkitektura
kaugnay ng kapitalismo sa anyo ng kasalukuyang
globalisasyon. Isinusulong ng papel na ito
ang isang perspektiba na nagsasabing ang
pagbabagong ibinabantayog ng globalisasyon
ay hindi laging kapaki-pakinabang para sa tao

10

Malay

at para sa kalikasan. Kadalasan pa nga, ang


sinasabing pagbabago ay mistulang maskara
lamang upang pagtakpan ang ibat ibang bahagdan
ng alyenasyon na nililikha ng globalisasyon.
Negatibo ang taya ng mga sinaunang Marxista
sa karanasan ng alyenasyon ngunit sa perspektiba
ng pilosopong si Gilles Deleuze, ang alyenasyon
ay isang katotohanan ng globalisasyon na hindi
na natin matatakasan. Gayunman, tutol siya
sa malabis na paniniwala sa deterministang
kapangyarihan ng globalisasyon. Mas pabor si
Deleuze na tingnan ito bilang isang pangyayari na
binubuo ng maliliit na pagkakataon na posibleng
pagmulan ng pagtutol at pagpapalaya tungo sa
naiibang direksiyon ng pag-unlad. Ang maliliit na
pagkakataong ito ay binubuo ng mga pulso, kilos
at lakas na pinag-uusbungan ng bagong bukal ng
pagiging mapanglikha.
Ito ang batayan ng ipinapanukala kong
kritikal na teoryang kultural. Layon ng kritikal na
teoryang kultural na ito na linawin ang kaibahan
ng arkitektura bilang sining labas sa ekonomikong
adyenda ng mga nagpapatakbo ng globalisasyon.
Mahalagang maalala na hindi kapital ang una at
huling timbangan ng lahat. Ang pagpipilit sa
walang patumanggang pagsusulong ng kapital at
ang kawalan ng pagsasaalang-alang sa iba pang
halagahan gaya ng kultura at kapaligiran ang
siyang sanhi ng uri ng sakuna na nakita natin
sa Guian at Tacloban, sampu ng ibat iba pang
isla at lalawigan sa kaBisayaan kamakailan. Sa
ganitong sitwasyon, hindi lamang arkitektura ang
kinakitaan natin ng pinsala.
Ayon kay Deleuze, kailangan nating maging
etholohikal upang maging ekolohikal. Kailangan
nating maalala na may bukal ng lakas, daloy at
kilos na matatagpuan sa ating kinalalagyan: sa
ating mga bundok at dagat, sa ating mga ilog at
mga sapa; sa ating mga palaisdaan at mga palayan.
Hindi lahat ng pagsulong ay pag-unlad. Hindi
lahat ng pag-unlad ay pagbabago. Minsan, ang
pag-unlad ay nangangahulugan ng pananatili,
pangangalaga at pagpapaibayo kung ano ang
mayroon at kung nasaan tayo. Bilang anyo ng
sining, malaki ang papel ng arkitektura sa usaping
ito.

Tomo XXVI Blg. 2

SANGGUNIAN
Adamson, Paul. The Modern City Revisited . Thomas
Decker (Ed.) London: Routledge, 2000. Limbag.
Ahlava, Anti. Architecture in Consumer Society.
Helsinki: University of Art and Design Helsinki,
2002. Limbag.
Alcazaren, Paulo. Core Principles of Urbanism sa
Philippine Star 11 Mayo 2013 Web. 1 Nobyembre
2013
Ballantyne, Andrew. Deleuze and Guattari for
Architects. London: Routledge, 2007. Limbag.
Baudelaire, Charles. Les Fleurs de Mal. Richard
Howard (Tagasalin.) Boston: David R. Godine
Pubisher, 1981. Limbag.
Benjamin, Walter. The Arcades Project. Howard Eiland
at Kevin Mclaughlin (Tagasalin.) Cambridge,
Massachusetts: The Belknap Press of Harvard
University Press, 1999. Limbag.
---. The Writer of Modern Life: Essays on Charles
Baudelaire. Michael W. Jennings (Ed.) Cambridge,
Massachusetts: The Belknap Press of Harvard
University Press, 2006. Limbag.
Best, Steven at Douglas Kellner. Postmodern Theory:
Critical Interrogations Web. 31 Oktubre 2013.
Braham, William at Jonathan A. Hale. (Ed.) Rethinking
Technology: A Reader in Architectural Theory.
London: Routledge, 2007. Limbag.
Buchanan, Ian at Gregg Lambert (Ed.) Deleuze and
Space. Edinburgh: Edinburgh University Press,
2005. Limbag.
Cinar, Alev at Thomas Bender (Ed.). Urban
Imaginaries: Locating The Modern City.
Minneapolis: University of Minnesota Press,
2007. Limbag.
Cock, Jacklyn. Green Capitalism or Environmental
Justice: A Critique of Sustainability Discourse
Focus 63. Nobyembre 2011: 45-51. Web. 7
Nobyembre 2013.
Cohen, Margaret. Walter Benjamins Phantasmagoria.
New German Critique. No. 48, Autumn 1989: 87107. Web. 31 Oktubre 2013.
Collins, Jo at John Jervis. (Ed.) Uncanny Modernity:
Cultural Theories, Modern Anxieties. New York:
Palgrace Macmillian, 2008. Limbag.
Deleuze, Gilles. Anti-Oedipus : Capitalism and
Schizoprenia. Robert Harley, Mark Seem at Helen
R. Lane (Tagasalin). Minnepolis: University of
Minnesota, 2000. Limbag.

Arkitektura at Globalisasyon sa Pilipinas

---. The Fold: Leibniz and Baroque. Tom Conley


(Tagasalin). London: The Athlone Press, 1993.
Limbag.
---. Spinoza: A Practical Philosophy. Robert Hurley
(Tagasalin) San Francisco: City Lights Books,
1998. Limbag.
---. A Thousand Plateaus: Capitalism and Schizoprenia.
Brian Massumi (Tagasalin) Minneapolis:
University of Minnesota Press, 1987. Limbag.
---. What is Philosophy? Hugh Tomlinson at Graham
Burchell (Tagasalin.) New York: Columbia
University Press, 1994. Limbag.
Ferris, David S. (Ed) The Cambridge Introduction
to Walter Benjamin. Cambridge: The Cambridge
University Press, 2008. Limbag.
Fisher, Thomas R. In The Scheme of Things: Alternative
Thinking On The Practice of Architecture.
Minneapolis: University of Minnesota Press, 2000.
Limbag.
Frichot Helene at Stephen Loo (Ed.). Deleuze and
Architecture. Edinburgh: Edinburgh University
Press, 2013. Limbag.
Global Facility for Disaster Reduction and Recovery.
Cities and Flooding: A Guide To Integrated Urban
Flood Risk Management for the 21st Century. 2012.
Web. 31 Oktubre 2013
Hanes, Jeffrey E. The City As A Subject: Seki Hajime
and the Reinvention of Modern Osaka. Berkeley:
University of California Press, 2002. Limbag.
Held, David, at Anthony McGrew. (Ed.) The Global
Transformations Reader: An Introduction to
the Globalization Debate. Second Edition.
Cambridge: Polity Press, 2003. Limbag.
Hodal, Kate, Manila less than thrilled at Dan Browns
Inferno The Guardian. 24 Mayo 2013. Web. 31
Oktubre 2013
Hvattum, Mari at Christian Hermansen (Ed.) Tracing
Modernity: Manifestations of the Modern in
Architecture and the City. London: Routledge,
2004. Limbag.
Kelly, Philip F., Landscapes of Globalization:
Human Geographies of Economic Change in the
Philippines. London: Routledge, 2000. Limbag.
Lethaby, W.R. An Introduction to History and
Theory of the Art of Building. London: Thornton
Butterworth Ltd, 1939. Limbag.
Lico, Gerard. Arkitekturang Filipino: A History of
Architecture and Urbanism in the Philippines.
Quezon City: University of the Philippines Press,
2008. Limbag.

J. Cario

11

Lim, William SW. Asian Alterity: With Special


Reference to Architecture + Urbanism Through
the Lens of Cultural Studies. New Jersey: World
Scientific, 2008. Limbag.
Lloyd, Rosemary (Ed.) The Cambridge Companion
to Baudelaire. Cambridge: Cambridge University
Press, 2005. Limbag.
Maccarthy, Ryan J. Venture Capitalists Flock to
Green Technology. Inc. 28 Marso 2006. Web. 7
Nobyembre 2013.
Marx, Karl. Capital: A Critique of Political Economy,
Vol. 3. David Fernbach (Tagasalin). New York:
Penguin Books, 1981. Limbag.
Michel, Boris. Going Global, Veiling The Poor:
Global City Imaginaries In Metro Manila.
Philippine Studies, Vol. 58, No. 3, 2010: 383-406.
Web. 2 Nobyembre 2013.
Malgrave, Harry Francis. Modern Architectural
Theory: Historical Survey 1673-1968. Cambridge:
Cambridge University Press, 2005. Limbag
Ng, Janet. Paradigm City: Space, Culture and
Capitalism in Hong Kong. New York: State
University of New York Press, 2009. Limbag.
Palafox, Jr., Felino A. New Urbanism Toward
Sustainable Cities and Communities. Philippine
Daily Inquirer. 29 Hulyo 2013. Web. 1 Nobyembre
2013.
Pieterse, Edgar. City Futures: Confronting the Crisis
of Urban Development. London: Zed Books, 2008.
Limbag.
Singh, David. Unplanned Urbanization Increasing
Flood Impacts. United Nations Office for Disaster
Risk Reduction. 9 Agosto 2012. Web. 31 Oktubre
2013
United Nations Human Settlements Programme. State
of the World Cities 2012/2013: Prosperity of Cities.
New York: Routledge, 2013. Web. 2 Nobyembre
2013.
Wallis, Victor. Beyond Green Capitalism. Monthly
Review. Volume 61, Isyu 9, 2010. Web 7 Nobyembre
2013.
William W. Braham at Jonathan A. Hale (Ed.)
Rethinking Technology: A Reader in Architectural
Theory. London: Routledge, 2007. Limbag.

You might also like