Philippine Festivals

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

NCR

CARACOL FESTIVAL
Ang Caracol Festival ay isa sa mga pinakamakulay na pagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay
ipinagdiriwang ng Lungsod Makati tuwing ikatlong linggo ng Enero ng taon. Ang pagdiriwang ay
isang bersyon ng pagdiriwang ng Mardi Gras.

SAMBALILO FESTIVAL
Ang Sambalilo Festival ay isa mga pinakaaabangan sa Araw ng Palanyag o pagdiriwang ng
pagkakatatag ng Lungsod ng Paraaque. Ipinakikita rito ang makukulay at iba't ibang hugis ng
sambalilo o sumrero. Idinaraos ang isang engrandeng parada mula sa Kabihasnan patungo sa Casino
Filipino. Nakasuot ng makukulay na damit at sumbrero ang mga kasali habang nagsasayaw sa
indayog ng tambol. Iniimbitahan ang iba't ibang munisipyo at lungsod sa Kalakhang Maynila upang
makilahok sa parada.

REGION 1

PAMULINAWEN FESTIVAL
Ang Pamulinawen ay isang awitin ng mga Ilokano. Sinasabing ito ang pangalan ng babaeng
inaawitan ng lalaki sa kanyang panghaharana. Tuwing unang Linggo ng Pebrero, ginaganap
ang Pamulinawen Festival sa Lungsod Laoag, kasabay ng pagdiriwang ng pista ng patron ng bayan
na si Saint William the Hermit.

BINATBATAN FESTIVAL
Isa ang Pista ng Binatbatan sa mga dahilan kung bakit dinarayo ng maraming lokal at banyagang
turista ang Vigan sa Ilocos Sur. Daan-daang residente at turista ang nagkukumpulan sa kalye ng
Crisologo na puno ng mga ansestral na tahanan upang masilayan ang iba't ibang tampok na
programa ng nasabing pista.
Isang linggong puno ng kasiyahan at pagdiriwang ang Pista ng Binatbatan kasabay ng ibang
pagdiriwang tulad ng Pista ng Longanisa na kung saan sikat rin ang Ilocos at ang Amazing Heritage
Race.

REGION 2

BAMBANTI FESTIVAL
Inilunsad sa kabisera ng Isabela ang Bambanti Festival bilang pagpupugay sa masaganang ani na
naitala sa larangan ng agrikultura. Napapaloob sa festival ang mga agricultural showcase mula sa 34munisipalidad at dalawang lungsod na gaganapin sa trade exhibit sa Provincial Capitol compound,
ayon kay Gov. Faustino Dy III. Ang Bambanti ay salitang iloko na scarecrow na nagbabantay sa mga
pananim na mais at palay na pangunahing produkto ng Isabela.

PANAGYAMAN FESTIVAL
Panagyaman Festival ay ginaganap sa Bayombong, Nueva Vizcaya Nueva Vizcaya tuwing Mayo 22-24
sa pagdiriwang ng anibersaryo ng pundasyon ng pagtatatag ng pamahalaan sibil ng Nueva Vizcaya .
Sa pagdiriwang na ito ng buhay na buhay na motorcades , pagtatanghal ng kalye paligsahan , beauty
pageant na pagtatanghal , kultural na palabas, paligsahan at dinisenyo sa kamay , munisipalidad
sports event at agro - pang-industriya fairs . Ang salitang " Panagyaman " na ang ibig sabihin ay
pasasalamat . Mayroon din itong mga lokal na produkto tulad ng yacon , citrus , mangoes at iba pang
mga prutas at gulay na ipinapakita sa iba't ibang mga Booths sa lokal na lugar. Nilalayon ng linggong
ito upang i-highlight ang Ecotourism at pagsasaka potensyal ng lalawigan

CAR

PANAGBENGA FESTIVAL
Ang Pista ng Panagbenga o ang Pista ng mga Bulaklak ng Baguio (Ingles: Panagbenga
Festival, Baguio Flower Festival) ay ang taunang kapistahan sa Lungsod Baguio na idinaraos sa
buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun
din ang mayamang kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang
panagbenga ay may kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito
ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin,
paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.

LANG-AY FESTIVAL
Ang Lang - Ay Festival sa Bontoc, Mountain Province ay isang linggo mahabang aktibidad na kung
saan ay ipinagdiriwang taun-taon tuwing unang linggo ng Abril. Tulad ng nakaraang taon , ika-9 na
pagtatanghal ng dula ng festival sa pamamagitan ng sayawan sa kalye at dances cultural na ginawa
sa pamamagitan ng mga batang, sa taong ito mas bata at kabataan performers . Kinuha ang iba pang
mga iginagalang mga matatanda komunidad bahagi sa pamamagitan ng pagtiyak na ang mga
kultural na palabas itinatanghal ang tunay na kultural na mga kasanayan ipapasa sa kanila sa
pamamagitan ng kanilang mga antesedente .

REGION 3

PISTA NG CRUS SA WAWA


Ang Pagoda sa Wawa, na nakikilala rin bilang Kapistahan ng Pagoda sa
Bocaue (Ingles: Bocaue Pagoda Festival) ay isang pagdiriwang na idinaraos sa bayan ng Bocaue,
Bulacan sa pulo ng Luzon sa Pilipinas tuwing unang Linggo ng Hulyo. Ipinagdiriwang sa pistang ito
ang pagkakatuklas ng mahimalang krus na nakalutang sa Ilog ng Bocaue 200 mga taon na ang
nakalilipas. Sa araw ng Pagoda sa Wawa, isang kopya ng krus na pinagpakuan ni Hesukristo ang
ipinuprusisyon habang nakasakay sa isang pagodang pinalamutian at ginagabayan ng mga bangkang
makukulay. Pinaparangalan ng prusisyon at ng nobenaang Banal na Krus ng Bocaue, Bulacan na mas
nakikilala bilang Krus ng Wawa.

CARABAO FESTIVAL
Carabao Festival sa Pulilan, Bulacan. Idinaraos ito tuwing
ika-14 ng Mayo sa bawat taon. Ayon sa mga Pulileo, ang Carabao Festival ay isang pagdiriwang ng
pasasalamat sa kanilang patron, si San Isidro Labrador. Bilang pagkilala, sa pagdaraos ng parada ay
lumuluhod ang mga kalabaw sa tuwing tatapat obago tumapat sa simbahan.

REGION 4

MORIONES FESTIVAL
Ang Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na pagdiriwang sa pulo ng Marinduque. Ang Morion ay
nangangahulugan maskara, na parte ng armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha noong
panahong Medyibal. Ang Moriones ay ang mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na
nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong araw sa paghahanap kay Longhino. Ang isang
linggong pagdiriwang na ito ay nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng
Pagkabuhay.

SANDUGUAN FESTIVAL
Ipinagdiriwang ito bilang paggunita sa unang barter sa pagitan ng mga Mangyan at mga
mangangalakal na Tsino noong unang panahon. Pangunahing atraksyon dito ang Indakan sa
Sanduguan, isang kumpetisyon sa pagsasayaw sa lansangan habang nakasuot ng makukulay na
kasuotan na gawa sa mga produktong matatagpuan sa lugar.
Nagmula ang sanduguan sa salitang sandugo na nangangahulugang pagkakaibigan. Tinutukoy
din ng salitang sanduguan ang kasunduan sa pagitan ng mga katutubong Pilipino sa Mindoro at mga
mangangalakal na Tsino.

REGION 5

PENAFRANCIA FESTIVAL
Nagsisimula ang pagdiriwang ng Peafrancia Festival tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre sa
lalawigan ng Naga, Bikol. Ang festival ay ang pinakamalaking pista ng Marian sa buong bansa.
Tinagurian din itong isa sa mga nangungunang festival ng pinagsamang relihiyon, kultura at
tradisyon sa siyam na araw na pagdiriwang. Kasama sa selebrasyong ito ang mga parada, iba't ibang
isports, trade fairs at pagtatanghal, karera ng mga bangka, tanghalang pangkultura, timpalak
pangkagandahan, at iba pang mga nakakasiglang kumpetisyon.

TINAGBA FESTIVAL
Ang Tinagba Festival ay isang taunang pagdiriwang sa lungsod ng Iriga sa Bicol, na ginaganap
tuwing ika-5 hanggang ika-11 ng Pebrero. Ang Tinagba ay isang pagdiriwang sa Bicol tungkol sa pagaalay ng unang ani na kinatatampukan ng mahabang hanay ng mga karosang de-motor o hinihila ng
mga kalabaw. Bahagi rin ng pagdiriwang ang mardi gras at ang mga tradisyunal na kasuotan ng mga
kalahok sa sayaw at pagpaparada sa lungsod. Ang pangunahing atraksyon ng nasabing pagdiriwang
ay ang kumpetisyon sa street parade o pagsasayaw sa kalsada, na isinasabay sa kapistahan ng Ina ng
Lourdes. Ang pinakahuling pagdiriwang ay nagsisilbing daan sa pagsulong ng lungsod bilang
isang Science and Technology Park.

REGION 6

ATI-ATIHAN FESTIVAL
Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista ng Atiatihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Nio. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang
mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng Hala,
Bira! Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong
malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga
Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Nio na malimit hinihingan ng milagro.

DINAGYANG FESTIVAL
Ang Dinagyang Festival ay isang relihiyoso at kultural na pagdiriwang na ginaganap sa lungsod ng
Iloilo tuwing ikatlong linggo ng Enero o pagkatapos ng Sinulog sa Cebu at Ati-Atihan sa Aklan.
Ginagawa ito bilang pagdiriwang sa pista ng Santo Nio at para na rin sa pagdating ng mga Malay
sa Panay na nagdala ng ita sa lugar. Simula ng ito ay gawing taunang selebrasyon, marami ang
nakapansin sa pagdiriwang at nabigyan ito ng National Commission for the Culture and the Arts ng
karangalan bilang Festival of Excellent Folk Choreography.

REGION 7

SINULOG FESTIVAL
Sumisiklab ang Lungsod Cebu, Cebu tuwing Enero dahil sa pagdiriwang ng Sinulog. Gaya ng Atiatihan, ang Sinulog ay tinatampukan ng sagradong imahen ng Santo Nio, at sa himig ng Pit Seor!
Hala, Bira! ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng mga tao ang buong lungsod. Ang
Sinulog ay binubuo ng halos isang buwan na paggunita sa mahal na patron ng mga Sebwano, at
kabilang dito ang Sinulog Bazaar, ang timpalak Sinulog, ang sining at pangkulturang pagtatanghal,
prusisyon, ang parada doon saIlog Mactan, ang Reyna ng Sinulog, at ang makukulay na kuwitis na
pinasasabog sa himpapawid.

PAHINUNGOD FESTIVAL
Ang Pahinungod Festival Nagtatampok ang performance sa mga kalye ng Carrascal, Surigao del Sur ,
sa karangalan ng tagapag-adya nito , Ang Lady ng Mt. Carmel .

REGION 8

PINTADOS-KASADYAAN FESTIVAL
Ang Pista ng Pintados, o tinatawag ding Pista ng Pintados-Kasadyaan, ay isang masayang
pagdiriwang na tumatagal ng isang buwan, kung kailan din ginaganap ang "Leyte Kasadyaan Festival
of Festivals", ang "Pintados Festival Ritual Dance Presentation" at ang "Pagrayhak Grand Parade".
Ang mga pagdiriwang ito ay sinasabing nagmula sa Pista ni Seor Santo Niotuwing ika-29 ng
Hunyo. Ang mga taga-Leyte ay ipinagdiriwang ang nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay
na pamamaraan. Bihasa ang mga Bisaya sa pagtatato, ang mga lalaki't babae ay mahilig magtato sa
kanilang sarili.

BINAYBAYON FESTIVAL
Binaybayon Festival ay ipagdiriwang tuwing 27 araw ng Disyembre (ang pista ng siyudad) sa
karangalan ng tagapag-adya ng Baybay, Leyte , Ang Our Lady ng Immaculate Conception para sa
pagpapala na naibigay sa bawat taon. Naglalarawan Mayroon ding mayamang kasaysayan ang
Baybay, Leyte at na ipinapakita ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng karamihan sa
Baybayanons tulad ng pangingisda , pagsasaka at habi.

REGION 9

KINABAYO FESTIVAL
Ito ay ipagdiriwang tuwing Hulyo 25 sa Dapitan City, Zamboanga Del Norte Pilipinas . Ito ay
pagsasadulang Espanish Moorish Wars , na tinatawag na labanan ng Covadonga kung saan ang mga
pwersang Espanyol sa ilalim ni General Pelagio ay kinuha ang huling laban laban sa mga Sacaran.

SIBUG- SIBUG FESTIVAL


Ang Pista ng Sibug-Sibug ay isang pagdiriwang na ginaganap sa lalawigan ng Sibugay tuwing ika26 ng Pebrero. Ginagawa ito bilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag ng
lalawigan. Pangunahing atraksyon ng nasabing selebrasyon ang pagsasayaw sa kalsada na may
temang etniko, kabilang na dito ang mga ritwal na nagpapakita ng magandang ani, kasal at mga
nakapagpapagaling na ritwal.

REGION 10

KAGAY-AN FESTIVAL
Ang Kagay-an Festival, ay isang malaking pista na ipinagdiriwang sa Cagayan de Oro.
Ipinagdiriwang nito ang kanilang patrong santo na si San Agustin ng Hippo, na ginaganap tuwing
buwan ng Agosto. Ang salitang "Kagay-an" ay nangangahulugang "ilog" sa tagalog.

LANZONES FESTIVAL
Ang Lanzones Festival ay isang taunang selebrasyon ng pasasalamat dahil sa masaganang ani sa
Isla ng Camiguin. Ang bayan ng Mambajao ang nagdiriwang nito tuwing ikatlong linggo ng Oktubre,
sa panahon nang pag-ani sa prutas na lanzones. Ang mga lokal na mamamayan ng
Mambajao, Camiguin at mga turista ay nagsasaya sa isang linggong selebrasyon na may ibat ibang
aktibidad na nagpapakita ng yaman ng kultura ng Camiguin.

REGION 11

KADAYAWAN FESTIVAL
Ang Pista ng Kadayawan sa Dabaw ay isang linggong selebrasyon ng pasasalamat para sa
masaganang ani. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Agosto sa Lungsod ng Davao.
Ang salitang Kadayawan ay nagmula sa katutubong salitang dayao na ang ibig sabihin ay
madayaw isang ekspresyon na ginagamit din upang ipaliwanag ang mga bagay na mahalaga,
maganda, mabuti at kapaki-pakinabang. Sa Mandaya, ito ay tumutukoy sa isang magandang bagay
na nagdadala ng suwerte.

MUSIKAHAN FESTIVAL
Buhay na buhay at hitik sa mga kulay ng kapistahan ang Tagum City, na may mga parada na
pinapalakpalan ng mga tagasuporta sa pagbubukas ng Musikahan sa Tagum Festival.
Ang taunang kapistahan, na ipinagdiriwang sa Pebrero 21-26 ay may layuning patibayin ang
programa sa kultura at sining sa bansa at upang itaguyod ang Tagum City, ang Music Capital ng
Mindanao.

REGION 12

TIMPUPO FESTIVAL
Kilala ang Kidapawan sa tawag na City of Fruits at ipinagdiriwang tuwing buwan ng Agosto
ang Timpupo Festival o piyesta ng mga prutas. Nagsisimula ang pagdiriwang sa isang Fruit Float
Parade, isa sa mga pinananabikan at inaabangang bahagi ng selebrasyon. Libu-libong tao ang
nagtutungo sa ipinagmamalaking kapital ng lalawigan ng Cotabato upang saksihan ang naturang
kasayahan at makilahok sa pagdiriwang ng masaganang ani ng prutas sa lungsod ng Kidapawan.

KALIBONGAN FESTIVAL
Ang Pista ng Kalibongan o Kalibongan Festival ay ipinagdiriwang taun-taon tuwing ika-14 ng
Agosto sa Lungsod ng Kidapawan, Hilagang Cotabato. Ang Kalibongan ay salitang Manobo na ang
ibig sabihin ay engrandeng pista o malaking selebrasyon. Ang pista ay pinagsama-samang
selebrasyon at paggunita sa kasaysayan, tradisyon, kultura, at tagumpay ng mga tagaHilagang Cotabato, lalo na ng mga katutubo at mga tribo.

REGION 13

KAHIMUNAN FESTIVAL
Ang Kahimunan Festival ay isa sa mga pistang ipinagdiriwang sa Lungsod Butuan,Agusan del
Norte bilang pagdiriwang ng kapistahan ng kanilang patrong Santo Nio. Ginaganap ito tuwing
ikatlong linggo ng buwan ng Enero. Hinango ang Kahimunan sa salitang nangangahulugang
pagtitipon sa wikang Lumad. Pagtitipon ito ng mga mananampalataya upang ipakita ang kanilang
lubos na pasasalamat sa Batang si Hesus. Itinuturing itong bersyon ng Libertad ng Sinulog
Festival ng Lungsod Cebu.

KALIGUAN FESTIVAL
Ang Pista sa Kaliguan ay ginaganap upang gunitain si San Juan Bautista tuwing ika-22 hanggang
ika-24 ng Hunyo ditto sa Surigao Del Sur. Kilala ang pista para sa patimpalak upang makoronahan
ang Perlas ng Kaliguan. Ang Pista ng Kaliguan ay ginaganap sa dalampasigan at dahil dito ay
maraming mga kasiyahan gaya ng pagsasayaw sa buhangin at kung anu-ano pang mga
mapagkakaabalahan.

ARMM

MEGUYAYA FESTIVAL
Isang Teduray na salita na ang ibig sabihin ay ' katuwaan at pasasalamat " Ito ay isang unibersal na
pagpapahayag ng pasasalamat para sa tagumpay , kasaganaan , kasaganaan o ng anumang paraan
ng pagpapala natanggap. Ang salita sa isang lipunan multi- kultural na kung saan iba't ibang mga
expression o paraan ng pagpapasalamat at pagsasaya kasanayan ay makikila at pararangalan. Sa
gitna ng mga tagumpay ang kasaganaan ay ang konsepto ng Meguyaya Festival, ito ay paraan ng
pagpapahayag ng pasasalamat para sa lahat ng mga binigay. Ang Meguyaya ay isang tatlong linggong pagdiriwang na kung saan ginaganap tuwing Disyembre 22 .

SEAWEED FESTIVAL
Ang Festival ay tinatawag ding Agal- agal Festival (lokal na pangalan para sa carrageen gulaman ),
Pasasalamat para sa magandang ani ( katulad ng Meguyaya ). Sa linggong ito ipagdiriwang ang
linggo ng Setyembre ng pagpapakita ng pang-ekonomiyang potensyal ng rehiyon , kultura, at
tradisyon ; na may katulad na gawain tulad ng mga pagsasayaw sa kalye parada at field
demonstration ; Trade fair , karera ng paggaod o paglalayag ; Cultural Night Presentation ;
Kagandahan maringal na pagtatanghal ; Kapaligiran ng Proteksyon at Conservation Forum.

You might also like