Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang, Bryan Y.

Dr. Efren Isorena

3 BS ME

HI 165 Section V

Iisang Kultura, Tatlong Kamay: Made in the Philippines, by China, and for Spain
Isang Reflection Paper sa Babasahing Two and A Half Centuries of the Galleon Trade ni Benito
Legarda
Sa babasahing ito, naitala ang kasaysayan ng pangangalakala simula ng 1565 at
sinimulan naman ni Legarda ang akda sa pagsabi na wala pang ruta papunta sa Mexio. Sa
pagsapit ng ika-1 ng Hunyo ng parehong taon, ang barkong San Pablo sa pamumuno ni Salcedo
at ni urdaneta ay naglayag papuntang Acapulco galling ng Cebu at dito nila nadiskubre ang
rutang ginagamit para sa pangangalakal sa pagitan ng Acapulco at Maynila sa sumunod na
mahigit dalaang dantaon. Ang pangangalakal na ito ay itinaguriang kalakalang galleon o ang
galleon trade. Ang galleon ay ang mga malalaking barkong nagtataglay ng ibat ibang kwarter at
espasyong puwedeng paglagyan ng mga goods. Hindi rin biro ang paggawa ng mga barkong ito
sapagkat ginamit ng mga Kastila ang mga Tsinong naninirahan at nakikipagkalakalan sa Pilipinas
upang maging matagumpay ang pagpapatayo at pagpapasimula sa galleon trade. Ipinakita rin
sa babasahin ang papel ng mga Tsino sa galleon trade at sa kalakalang Pilipino. Nakita ang ibat
ibang sistema na na-employ sa kalakalang galleon katulad ng apogee system, at dito rin naitayo
ang mga obras pias na nagsilbing bangko kung saan kumukuha ang mga mangangalakal ng
pampondo para sa Acapulco trade. Ngunit, hindi rin napabuti ang industriyang ito.
Naging mahalaga ang kalakalang galleon ng Acapulco at Maynila sapagkat maraming
mangangalakal ang na-enganyong pumasok sa trade at komersyo. Ngunit, hindi ito tumagal
dahil sa pagkukulang ng mga kastila. Pero kasama rin ng pagkukulang na iyon ang pag-iwas sa
slavery na isinasagawa sa Timog na bahagi ng Amerika. Ang labor force para rito ay nanggaling
sa mga Pilipino at Tsino. Nasama ang Tsino sa galleon trade sapagkat marami talaga sila sa
bilang nang dumating ang mga Kastila at sila ay malakas makipagkalakalan sa bansa.
Inabusuhan din sila ng mga katutubo at pinuntahan nila ang mga Kastila upang protektahan sila.
Nagkaroon naman ng mga parian sa tabing ilog at umusbong ang tinatawag na Binondo. Lahat
ng ito, mula sa pagtayo ng galleon trade papunta sa pagiging sentro ng kalakalan ng Maynila ay
interesante at kanais-nais pag-aralan at tingnan gamit ang ibat ibang perspektibo.
Ang Pilipinas ay isang bansang sinasakupan ng mga Kastila, at malakas ang impluwensiya
ng komersyo rito galling sa mga Tsino kung kayat sila na rin ang nagpapatakbo sa ibang
komersyo sa bansa. Nakita ito ng mga Kastila, at ang inakala ko rati na singular na ugnayan
lamang ng galleon trade sa pagitan ng Espanya at Pilipinas ay sadyang hindi pa buo. Sa
sumunod na akdang babasahin sa klase Foreign Trade in the Nineteenth Century,
nauunawaan ko na kung bakit at kung paano niya sinimulan ang akda gamit ang quote ni Carlos
Recur na nagsasabi na ang Pilipinas ay isang Anglo-Chinese na komunidad na may Kastilang
bandila.

You might also like