RP 4-Newson

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang, Bryan Y.

Dr. Efren Isorena

3 BS ME

HI 165 Section V
Sa Labas at sa Loob ng Maynila Noon

Isang Reflection Paper sa Babasahing Conquest and Depopulation before 1600, Manila and Tondo
at Interior ng Luzon ni L. Newson
Umaabot hanggang 1571 ang orihinial na pagkatayo sa Maynila, ang kasalukuyang
capital ng Pilipinas. Noong panahong ito, kinilala rito ang pagkaroon ng enconmienda. At sa
pagdatal ng mga kastila kasama ng pagtayo nito, lumaganap din ang Kristyanismo at nagkaroon
ng mga katolikong grupo sa kapuluan (Augustinians, Dominicans, Jesuits at Fransiscans). Kinilala
ang Maynila noon sa kanyang matabang mga lupain laganap sa bigas, puno, at mga sari-saring
prutas at gulay. Sa Tondo naman, andito mga mangangalakal galing sa Tsina, Japan, Borneo at
iba pang mga karatig bayan. Laganap din ang mga sakit na small pox at fever sa Tondo at
Maynila at dahil dito, naitayo ang mga ospital ng Santa Ana, San Lazaro, ata iba pa. Ang
pagdebelop ng mga agrikultural na estado at ang dumadaming bilang ng mga siyudad ay naging
posible dahil sa land grants, pag-unlad ng mga agrikultural na lugar, at ang pagkaroon ng mga
imigranteng Tsino. Sa kabundukan naman, hindi masyadong naimpluwensiyahan ang mga
katutubo rito. Mas intensive ang mga pamamaraang agrikultural nila. Hindi sila naapektuhan ng
mga sakit at ibang direktang epekto ng pananakop. Ngunit, sa usapin ng demographics,
nabawasan din ang mga katutubong ito dahil din sa sakit, pagbabago sa lipunan, at sa
resettlement.
Magandang ipaghambing ang mga katutubong naimpluwensiyahan at hindi
naimpluwensiyahan ng mga dayuhang mananakop. Makikita ang trends at pagkakaiba, ngunit
hindi pa rin mawawala ang ibang mga bagay na maaari na nating tingnan bilang general.
Population-wise, nabawasan pa rin ito dahil sa ibat ibang mga dahilan. Makikita rin na
sinusubukang maisaayos ng mga Kastila ang Maynila dahil hindi pa ganap o perketong ideal
state na siyudad ang nakikita nila noon dahil marami pa itong pagkukulang.
Maituturing isa sa mga pinakalumang siyudad na sa kasaysayan ng Pilipinas ang Maynila
dahil nakita at na-oversee ng mga Kastilang mananakop ang mismong pagtayo ng buong
siyudad. Ang transpormasyong naganap sa lupang ikinatatayuan natin ngayon lalo na ang
Maynila mismo doon sa may Tondo (malapit lang sa amin) kung san ko isinusulat itong
reflection paper ngayon ay may hawak ng ilang daang libong kuwento tungkol sa ating pagkaPilipino. Kabilang dito ang mga impluwensiyang dayuhan na humubog sa katangian ng lipunan
na kinabibilangan natin ngayon. Ang Maynila noon at ang Maynila noon ay maaring magkaiba,
ngunit nandiyan at ramdam pa rin ang mga essence ng Maynilang noong sinakupan ng mga
Kastila at ng mga iba pang dayuhang mangangalakal.

You might also like