Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang, Bryan Y.

Dr. Efren Isorena

3 BS ME

HI 165 Section V
Ang Kabuuang Halaga ng Kalayaan

Isang Reflection Paper sa Babasahing Patterns of Struggle ni Renato Constantino


Nagkaroon ng malaking epekto ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Ang mga pagaalsa ng mga Pilipino laban sa mga dayuhang mananakop ay isang tugon sa mapang-abusong
pamamahala ng mga Kastila. Sa pagsulat ng kasaysayan ng Pilipinas, kitang kita na nagiging
pangunahing aspeto ng mga Pilipino ang pagtatamo sa kasarinlan at kalayaan. Nagkakaroon ng
mga rebelyon bilang kasagutan sa mga pangangabuso at paghihirap noon. Naging mahalaga ang
papel ng paghahari ng simbahan at estado upang lubusin ang kapangyarihang hawak noon sa
pananakop at sa pananatili ng kaayusan. Lahat ng ito ay nagtulak upang mas kilalanin ng mga
tao ang kanilang kapangyarihan (nakita sa pakikipaglaban). Nagsilbi rin itong edukasyon sa
kanilang pakikibaka. Higit sa lahat, itong lahat ay naging kontribyuson sa kamalayan nila bilang
mga Pilipino. Ang mga Pilipino noon ay kinilala sa pagkaroon ng subsistence economy habang
mga kastila ay mercantilist. Pinagsamantalahan na lamang ng mga Kastila ang Pilipinas dahil sa
kakulangan sa ginto at pilak. Mga pakikipaglaban ay nagsimula sa panahon nila Magellan at
Lapu-lapu at umabot hanggang sa ika-19 na dantaon.
Sa simula ng sakupin ng mga Kastila ang Pilipinas, hindi na nawala ang pagtutunggali.
Hanggang sa katapusan ng kanilang pananakop, hindi nawala ang pag-aaklas at mga rebelyon
sapagkat naging wake-up call din ito para sa mga Pilipino upang magkaisa upang harapin ang
mga mananakop dahil sadyang natatalo na sila sa usapin ng kayamanan, ekonomiya, edukasyon
at iba pa. Gayunpaman, binigyan ng diin ng babasahin ang pagkakaiba ng Pilipinas sa Espanya,
at talagang makikita na mas mahina ang Pilipinas kahit saang banda mo tingnan kung kayat
napaikot din tayo ng mga ideolohiya katulad ng reduccion. Makikita rin ito sa kakulangan natin
ng kaalaman upang gamitin ang ating mga resources sa optimal na paraan.
Kung iisipin, nagdulot ng negatibong epekto sa lipunan at kabuuan ang mga karahasan
at mapang-abusong pananakop ng mga Kastila at naging mas pressured ang mga Pilipino upang
makaligtas at mabuhay ng mapayapa. Nugnit nagiging malaking hamon at pagsubok na ang
kapayapaan sa kanila dahil unti-unti silang nasusubject sa mga restriksyon ng mga dayuhang
mananakop, at dahil dito, kahit nabago ang kaugalian ng mga Pilipino. May mga Pilipino na ring
pinagsasamantalahan ng kapwa Pilipino. Ang pagsira sa subsistence economy ng Pilipinas ay
nagpapahiwatig ng mas seryoso, mas nakakatakot at mas makarasiling at konsumerismong paguugali kung saan patungo na rin sa mercantilist state ang Pilipinas. Itinulak tayo ng mga Kastila
upang magkaroon ng paghangad sa kalayaan, isang kalayaan dapat ipaglaban.

You might also like