Professional Documents
Culture Documents
Balagtasan
Balagtasan
Balagtasan
Si Francisco Balagtas,
inspirasyon sa paglikha ng
balagtasan.
Kasaysayan
Noong Marso 28, 1925, limang araw bago
ang kaarawan ni Balagtas, nagpulong ang
ilang mga nangungunang manunulat
sa Instituto de Mujeres, kalye ng
Tayuman, Tondo, Maynila, Pilipinas para
maghanda sa pagdiriwang ng Araw ni
Balagtas sa Abril 2, 1925. Tanggapan ni
Rosa Sevilla, isang kilalang manunulat, ang
gusaling iyon. Dito nila nalikha ang
konsepto ng balagtasan nang may mga
ilang nagmungkahi ng makabagong duplo.
Noong Abril 6, 1925, tatlong magkatambal
ang lumahok sa unang balagtasan
sa Instituto de Mujeres,ito ay sina Rafael
Olay laban kay Tomas de Jesus,Amado V.
Hernandez laban kay Guillermo
Holandez. Sa mga lumahok, sina Jose
Corazon de Jesus (Huseng Batute),
at Florentino Collantes(Kuntil Butil), isang
rin manunula sa Bulacan ang nakatanggap
ng pinakasiglang tugon mula sa madla.
"Bulalak ng Lahing Kalinis-linisan" ang
pamagat ng kanilang paksang kanilang
pinagtalunan na sinulat nilang pareho.Ang
dalawang ito ang nanomina sa panglawang
paghaharap.
Tungkulin ng balagtasan
Maliban sa tagisan ng talino at pagbibigay
ng aliw sa mga manonood, nagkaroon ang
balagtasan ng isang mas mataas na
pampolitika at panlipunang
tungkulin. Binibigay ng mga sumasali sa
balagtasan ang kanilang saloobin tungkol sa
kasalukuyang pangyayari at suliranin
katulad ng ginagawa ng mga kolumnista at
patnugot ng isang pahayagan.Ilan sa mga
balagtasan nina De Jesus at Collantes ang
mga pampolitikang paksa katulad ng
"Koalisyon at Kontra Koalisyon" na
tumutukoy sa masiglang kampanya ng
noong Pangulong Manuel Quezon upang
pag-isahin ang lahat ng partidong
pampolitika sa ilalim ng Partido Nacionalista
na siyang partido na pamahalaan noon.