Reaction Paper PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Reaction Paper: El Presidente

Ang pelikulang El Presidente na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival
(MMFF) noong nakaraang 2012 na kung saan ipinakita at isinabuhay dito ang kwento ng buhay
ni Heneral Emilio Aguinaldo na siyang ating unang pangulo at ginanapan ni Jorge ER Estregan.
At ang maraming pang mahahalagang kaganapan sa ating nakaraan tulad ng kanyang pamumuno
sa himagsikan kasama ang ilan sa mga katipunero kabilang si Andres Bonifacio na nagsilbing
Supremo ng katipunan at ang pagtatag ng unang Republika ng Pilipinas.
Sa simula ng pelikula ay pinakita na noong kabataan ni Emilio, siya ay nangongolekta ng
buwis sa mga liblib na lugar kasama ang kanyang matalik na kaibigan. May isang tao silang
hinahanap ngunit ang kanilang nakausap ay isang matandang babae na nagbigay kay Emilio ng
anting anting at puting tela na para bang mapa ang nakaguhit dito. Pagkatapos ay bigla kung
natanong sa aking sarili na kaya ba hindi namatay sa Emilio ay dahil sa mga ito? O totoo kaya
ang eksenang ito? Alam ko na sa mga susunod na mga eksena ay tiyak na kaabang abang at
marami pang pangyayari ang isisiwalat ng pelikula. Sinabi ng matanda na kay Emilio siya raw ay
iibig sa tatlong babae, dalawa dito ay pakakasalan at ang isa ay lubos niyang mamahalin ngunit
di pakaksalan.
Namuno si Emilio sa Kawit, Cavite bilang mayor at sumanib sa Katipunan na kung saan
nagkaroonn siya ng mataas na tungkulin. Lihim siyang miyembro ng Katipunan kasama ang iba
pang Pipilino mayaman o mahirap. Bumagsak ang Katipunan sa Maynila na pinamumunuan ni
Bonifacio. Kaya naglunsad sila ng mga Himagsikan sa Cavite laban sa mga prayle at kastila.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay binaril ang Trece Martires, ito ay kinabibilangan ng mga
kaibigan ni Emilio na nakakaangat sa buhay na lihim na sumusuporta sa Katipunan.

Binanggit sa isa sa mga pagpupulong, sianbi na ang noon ay nakakulong na si Jose Rizal
ay hindi sang ayon sa paraan na paggamit ng dahas upang makamit ang kalayaan. At nagkasundo
sila na magtatag ng mga opisyal na mamumuno sa isang pamahalaang Republika. Si Bonifacio
ay naitalaga sa mababang pwesto na kung saan kwinestyon ito ng isang kaibigan ni Emilio na
mababa daw pinag aralan ni Bonifacio para sa posisyon na iyon. Nagalit si Bonifacio at sianbing
walang bisa ang halalan na naganap. Parang sa kaganapan na ito pinalabas na mainitin ang ulo ni
Bonifacio. Nagkaroon na ng hindi pagkakaunawaan ang mga katipunero, may mga nagtaksil at
naging kalaban ng himagsikan si Bonifacio dahil pinasunog nito ang ilan sa mga bahay sa
Cavite. Pinadakip kasama ang kapatid na si Procopio at hinatulan ng hukuman ng kasong
treason. Nais ng mga heneral na patayin na si Bonifacio ngunit ayaw ni Emilio na kung maaari
daw ay buhay dapat ang Supremo. Ngunit sumang ayon din sya na sinabi nyang isa sa mga
pagkakamali ang pagpatay sa Supremo na dapat ay ikinulong na lamang. Noong napanood ko
lang nalaman na pinasunog pala si Bonifacio ang ilan sa mga bahay ng sibilyang Pilipino, bakit
kaya hindi ito nailimbag sa mga libro? Dahil kaya para pagtakpan ang noon pagkakamali rin ni
Bonifacio. O iba lang talaga ang pagkakalarawan dito sa pelikula kay Bonifacio? Dahil iba ang
kasuotang damit ang gamit ni Bonifacio na pormal tingnan.
Kala noon natin na kakamping Estados Unidos, siya palang sunod na sasakop sa bansa.
Ipinagbili tayo ng Espanya sa Estados Unidos, nagkaroon uli ng mga himagsikan. Naglakbay sila
Emilio kasama ang ilan heneral tulad ni Gregorio Del Pilar na pinakabata na namatay sa Pasong
Tirad upang harangan ang mga Amerikano na masundan sila Emilio. Nadakip si Emilio kasama
ang mga Heneral at natapos ang kanyang pamumuno.
Maraming sinakripisyo si Emilio upang makamit lang kalayaan ng mga Pilipino. Tunay
na kahanga hanga ang kanyang tapang at galing upang pamunuan ang isang bayan. Sa tingin nais

ipabatid ng director ng pelikula na mahalin natin ang ating bansa at mahalaga na malaman ang
kasaysayan upang magkaroon ng kabuuan an gating pagiging Pilipino. Hindi siya namatay dahil
himagsikan kaya maaari ngang totoo na may anting anting siya. Malalim ang mga salitang
ginamit dito ng mga karakter at maayos ang mga lugar na pinag ganapan na para bang nagbalik
tayo sa nakaraan lalo na iyong mga bahay at tauhan.
Ang tinutukoy na babae na lubos na mamahalin ngunit di pakakasalan ni Emilio
Aguinaldo ay ang ating bansa. Dahil ginawa nya lahat ng kanyang makakaya para lamang
makamit ang kasarinlan laban sa mga dayuhang mananakop nito.
Puno ng kaalaman at nakamamanghang panoorin ang mga katulad nitong pelikula na
nagtalalakay sa mga ganitong paksa. Pinakita rin nito kung gaano kagaling ang Pilipino sa
paglikha ng ganitong obra maestra patungkol sa ating kasaysayan.

You might also like