Kinder Poem Kinder-poemMPRE

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Ang Batang Babae at ang Uod

Noong
unang panahon, may
isang batang babae na gustinggustong sumayaw. Palagi siyang
sumasayaw sa bahay pero hini suya
magaling. Isang araw, dumungaw siya
sa bintana at tumingin lang siya sa
halamanan noong nakita niya ang
isang uod. Sinabi ng uod na tuturuan
niya ang babae kung paanong
magsayaw kung ipangangako niyang
hahalikan niya ang uod pagkatapos ng
mga klase. Duda ang babae pero
umoo pa rin siya.
Nag-umpisa agad sila sa pagaaral ng sayaw. Araw-araw nagturo
ang uod at araw araw nag aaral ang
babae. Sa katapusan,magaling na

magaling na ang babae !Masayangmasaya rin siya!Pinasalamatan niya


ang uod nang isang halik at pagmulat
niya ng mata niya naging malaking,
magandang paru-paro ang uod.!
Sinabi ng uod na hindi siya magiging
paru-paro kung hindi siya hinalikan ng
isang babae na tinutulungan niya dahil
may masamang aswang na inihagis
ang isang masamang engkanto sa
kanya noong siyay ipinanganak. May
isang daang taon na siya na uod!
Pagkatapos ng lahat ng ito, namuhay
sila
ng
masaya
at
nagiging
magkakaibigan sila sa mahabang
panahon.

Ang Alamat ng Ahas


Bago pa man gumagapang ang mga ahas ay dati
na silang may mga paa. Tulad ng iba pang mga
hayop, ang mga ahas ay may apat na paa na
kanilang ginagamit upang makalakad.
Sa gubat, tinuruan ng isang guro ang mga
magkakaibigang kobra, sawa at dahong palay ng
pagtatanggol sa sarili. Ang mga ito ay tinuruan
ng guro sapagkat napansin nito na ang mga ahas
ay maliliit at palagi silang kinakawawa ng mga
mas
malalaking
hayop.
Matapos ang kanilang pagaaral, natuto
nga ang mga ahas ng kakayahang ipagtanggol ang
sarili. Mahigpit na ipinagbilin ng guro sa mga
ito na wag gamitin ang natutunang kakayahan sa
paghahambog lamang. Ito ay gagamitin lang nila
kung
kinakailangan
at
sa
mabuting
layunin
lamang.
Ngunit dahil sa bagong natutunan, naging
mataas ang tingin ng mga ito sa sarili. Saan man
sila magpunta ay pinagyayabang nila na itinuro
sa kanila ng guro ang kakayahan na ipagtanggol
ang sarili maski mas malaki pa ang kalaban.
Isang araw, ang mga ahas ay nagkatuwaan
at
nagpustahan
kung
sino
sa
kanila
ang
pinakamagaling.
Nagpatagisang
gilas
silang
tatlo. Dahil dito, ang lahat ng mga hayop sa
gubat ay nagkagulo. Sumakit ang katawan ni Leon
ng pilipitin ni kobra. Iika-ika si elepante
matapos sipa-sipain ni sawa ang kanyang mga

binti. Si matsing naman ay napagod at hinihingal


sa katatakbo upang maiwasan ang mga suntok ni
dahong
palay.
Narinig ng guro ang ginawa ng mga
tinuruan niyang ahas. Napa-iling ito at nag-isip
kung paano niya tuturuan ng leksiyon ang mga
hambog at malilikot na hayop. Matapos mag-isip
ay
hinanap
niya
ang
mga
ahas.
Nang makita ng guro ang mga ahas, ito ay
nagdasal. Napatulog niya ang mga ito. Itinali
niya at inipit ang mga paa ng malilikot na ahas
at
pinutol
ang
mga
ito.
Nagising ang tatlo at nakita ang putol
nilang mga paa. Nasa tabi nila ang kanilang
guro. Pinaunawa ng guro na kaya niya pinutol ang
mga paa nito ay dahil sa naging hambog ang mga
ito dahil sa panibagong natutunan. Pinagsabihan
niya ang mga ahas na simula noon ay wala na
silang paa at gagapang na lamang sila para
makalakad. Hindi na rin nila magagamit ang
kakayahan sa pagtatanggol dahil hindi sila
karapat-dapat
para
dito.
Simula noon ay gumagapang na lang ang mga
ahas. Dahil hindi na rin nila magamit ang
kakayanan ng pagtatanggol at sa hiyang dinulot
ng pagkakaputol ng paa, sila ngayon ay naging
mailap sa ibang mga hayop. Nagtatago sila at
nag-aantay ng tamang pagkakataon upang umatake
sa kanilang biktima.

Ang Alamat ng Maya

Ibong Maya
Si Rita ay batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay
laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi dapat gawin
ng batang katulad niya.
Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si
Rita ay nanood sa kanyang ina. Siya'y gutom na gutom
sapagka't galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang
salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang
kumain ng bigas. Ang lalagyan ng bigas ay malaki at may
takip na bilao. Ngayon natakpan siya ng bilao. Hindi
nahalata ng ina. Nang matapos na ang ina sa kanyang
pagbabayo, tinawag niya si Rita upang mautusan sa
pagtatago ng binayo. Hindi sumagot si Rita. Hinanap ng
ina sa lahat ng taguan, wala rin si Rita roon.
Nang kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may
lumabas na maliit na ibon galing sa loob. Kumakain ng
bigas ang ibong iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang
tinatawag ngayong maya.

Ang Alamat ng Alitaptap


Noong unang panahon, may isang
makisig na binata na nais magasawa ng pinakamagandang dilag.
Siya ay mayabang at masyaong malaki
ang pagkakilala sa sarili.
Kung minsan tuloy, nagdaramdam
ang ilang mga dalaga sa kanya dahil
sa pamimintas niya kahit nakaharap
ang
dalaga.
Isang araw, papunta na siya sa
bundok upang manguha ng yantok nang
masalubong
niya
ang
isang
napakagandang dalaga na nakasuot ng
puting-puti.
"Napakagandang
dalaga,"
wika
niya sa sarili at tuloy-tuloy na
nilapitan
niya
ito.
Nang malapit na siya, nagtatakbo
ang dalaga at nawalang parang bula.
Hinanap niya ang dalaga sa buong
kagubatan ngunit hindi niya nakita.
Sa tagal at hirap na dinanas ng
binata sa paghahanap sa dalaga,
nagalit siya. "Hindi ka talaga
maganda. Ang ilong moy pango, ang

mata mo ay duling at ang mga tenga


mo ay malalapad!" sigaw ng binata.
Dahil sa pagkahapo ay nahiga siya
sa
lilim
ng
punung-kahoy
para
magpahinga. Naidlip siya at nang
magising, nakita niya ang magandang
dilag. Alam niyang maganda talaga
ang dalaga at hindi totoo ang
sinabi
niya.
Bigkas ng dalaga, "ininsulto mo
ako, kaya mula ngayon, ikaw ay
magiging
isang
kulisap.
Manunumbalik lamang ang anyo mo
kapag naipakita mo sa akin ang
isang
dalagang
mas
higit
ang
kagandahan sa akin. Humayo ka at
hanapin mo ang dalagang sinasabi ko
para mabalik ang dati mong anyo,"
ang utos ng engkantadang babae.
Lumipad ang binatang naging kulisap
upang
hanapin
ang
babaeng
mas
maganda pa kaysa sa engkantada.
Naghanap siya gabit araw. Upang
makita niya ang babaing gaganda pa
sa sumumpa sa kanya, nagdala siya
ng ilaw tuwing gabi. Ang binatang
yaon na naging kulisap ang tinawag
natin ngayong alitaptap.

You might also like