Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BABALA!!!

Sa buhay ng tao, may apat (4) na bagay na hindi na maaaring


ibalik…

1. Ang BATO…
na naitapon na.

Mangangaral 3:5
“Ang panahon ng pagkakalat ng mga bato at pagtitipon nito; ang
panahon ng pagyakap at panahon ng paglayo.”

Awit 118:22
“Ang mga batong natakwilng nangagtayo ng tirahang bahay sa
lahat ng bato’y higit na mahusay.”

2. Ang mga SALITA …


na nabitiwan na.
Mateo 12:36
“Sinasabi ko sa inyo na bawat walang halaga na iyong sinasalita ay
bibigyang sulit sa araw ng paghuhukom.”

Kawikaan 15:28
“Tinitimbang ng matuwid kung anu ang sasabihin, ngunit din a
iniisip ng masama ang kanyang sasalitain.”

Lukas 12:3
“Anuman ang sabihin ninyo sa dilim ay pawang maririnig sa
liwanag at anumang ibulong sa silid ay mahahayag.”

3. Ang mga GAWAIN …


na nagawa na
1Korinto 3:13
“Ang gawa ng bawat tao ay magiging hayag sapagkat ilalantad ito
ng araw dahil ito’y ipapahayag sa pamamagitan ng apoy at ang
apoy ang susubok sa gawa ng tao kung anu uri nito.”

Mangangaral 12:14
“Sapagkat lahat ng gawa ay isusulit natin sa Diyos: lihim man o
hayag; mabuti man o masama.”
4. Ang mga PANAHON …
na lumipas na
Mangangaral 3:1
“Sa lahat ng bagay may itinakdang panahon at oras sa bawat
layunin sa silong ng langit.”

Awit 90:4
“Ang isang libong taon sa paningin ay parang kahapon lang na
lumipas at isang saglit sa magdamag na dumaan.”

Kaya babala para sa iyo kaibigan; Maging maingat ka sa bato na iyong tinatapon,
sa mga salita na iyong banibitawan, sa mga bagay na iyong ginagawa at sa mga panahon
na hinahayaan mong lumipas.
Napakaikli lang ng buhay. Huwag mong hayaan na sa banding huli ang tanging
maiwan sa iyo ay panghihinayang. Hindi na kayang ibalik ng pagsisisi ang mga nakaraan.

cristyialvior
BSAc2

You might also like