Ako si Cristine Mae Espiritu ipinanganak noong Abril 6, 1998.
Ang aking ama ay si Ruben espiritu at ang aking ina ay si Jovielyn Espiritu mayroon akong dalawang kapatid sina James John at Marie Antonette Espiritu . Ako ay natapos ng elementarya sa Apaya Elementary School at ng Sekondarya sa Ilocos Norte College Of Arts And Trades at ngayon, kasalukluyan ay sa Mariano Marcos State University sa kursong BA-Sociology.
Ang aking hilig ay magsayaw. Ang aking paboritong pagkain ay adobong
manok Ang Paborito kong kulay ay berde. Ako yung tipo ng tao na lagi lamang sa loob ng aming munting tahanan lalo na kapag walang pasok. Libangan ko din ang magbasa ng mga libro,manuod sa telebisyon,at ang makinig ng musika.Tumutulong din ako sa mga gawaing bahay lalo na kapag walang pasok.Masaya ako sapagkat mayroon akong mga tunay na kaibigan.
Nais kong makapagtapos ng pag-aaral.Hindi lamang para sa akin kundi
maging sa aking mga magulang.Mabigyan ng magandang kinabukasan.lahat ng ito ay pangarap ng bawat isa,ang makaahon sa kahirapan.
Ang aking buhay ay maihahalintulad ko
sa isang bangka. Minsan ay sumusunod nalang ako sa tahimik na agos ng tubig at minsan namay sinasalungat ko ito. Ang aking pagsasagwan ay patungo sa isang destinasyon. Ilang beses na akong humantong sa maling kahihinatnan at bumalik ako sa aking pinanggalingan. Sa daloy ny buhay, patuloy akong naghahanap ng makakapitan at ito ang aking kwento.