Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sinag sa karimlan

Sa isang pagamutan ng pambansang bilangguan sa Muntinlupa ay makikita ang apat na lalaking may
kanya-kanyang karamdaman. Isa sa nasa pagamutan na iyon si Bok. Si Bok ay dalawampu't siyam na
taong gulang na labas masok na lamang sa bilangguan. Si Doming na nagkaroon ng kasintahan na
maganda ay inagaw ng kanyang kaibigan. Si Mang Ernan naman na isang manunulat, isa ring
propesor sa isang unibersidad sa maynilaat nagging kasapirin sa iba't ibang samahan. Siya ay
apatnapu't limang taong gulang at nakapangasawa sa isa sa mga magaling tumugtog ng piyano. Sa
tagal nilang nagsama ay hindi sila pinalad magkaroon ng anak. Isa sa kanyang kasamahan sa
bilangguan ay si Tony. Si Tony ang pinakabatang bilanggo sa bilibid na may angking talino. Bata pa
lang si Tony nang iwan sya ng kanyang ama. Tanging ina lang at kapatid niya ang kanyang kasama.
Si Tony ay nakapagtapos sa elementary at nagging balediktoryan. Dahil sa kahirapan natuto siyang
magnakaw at mandukot. Kaya't iyon ang naging dahilan kung bakit kinamumuhian niya ang kanayang
ama at itinuring na patay na ito. Sa loob ng bilangguan ay doon rin niya nakilala ang isang pari, si
Padre Abene. Si Padre Abena ang gusting umampon kay Tony at gusto rin niyang pag-aralin ito. Hindi
lang si Padre Abena ang gusting tumulong kay Tony maging si Mang Ernan na kasama niya rin sa
bilibid.
Nagkakasayahan sila sa isang panig ng bilangguan. Isang tanod ang dumating at sinabing may dalaw
si Tony. Hindi niyang inaasahang may dadalaw sa kanya sa mahabang panahon inisp niya na
imposible ito. Ngunit hindi inaasahang ang dadalaw pala sa kanya ay ang kanyang ama. Nang
magkaharap ang mag-ama, ang kanyang ama ay hindi niya ito tinanggap. Sinabi niya walang
kapatawaran ang pag-iwan at pagpalit nito sa babae ng kanilang pamilya.
Nalaman nila Padre Abena, mang Ernan, iba pang kasamahan at isang nars na Bb. Reyas ang ginawa
ni Tony sa kanyang ama. Pinangaralan nila si Tony kung gaano kahalaga ang isang ama. Nang
dumalaw muli ang kanyang ama, pinatawad na niya ito at maging ang kanyang ina ay tuluyang
gumaling at napatawad pa rin ang asawa. Muling nabuo ang kanilang pamilya.

DULA JAGUAR

Jaguar(KUwENTO) Oras ng labasan. Nagbu-bundy clock ang mga papalabas na mga MANGGAGAWA.
Nasa tabi ng desk ng security guard ang bundy clock. Nakauniporme si POLDO, nakaupo sa gilid ng
desk. May kasama syang GUWARDIYANG BABAE. Iniiksamin nilang dalawa ang mga bag ng mga
trabahador. Ang mga lalaki'y kinapkapan ni Poldo. Dadaan si SONNY, may bitbit na attach case.
Sasalubungin siya ni Poldo. Itataas ni Poldo ang palad sa harap ng mga nakapilang manggagawa,
parang pulis na nagpapatigil ng trapik. Ang ekspresyon sa mukha ni Poldo ay parang nagsasabing:
relaks lang muna kayo riyan; boss ito at dapat unahin. Uunahan ni Poldo si Sonny. Ipagbubukas ito ng
salaming pinto. EXT. GASTON PUBLISHING HAPON. Susunod si POLDO hanggang sa kotse ni SONNY.
Bubuksan ni Sonny ang pinto ng kanyang kotse. Hahawakan ni Poldo ang pinto habang pumapasok si
Sonny. Saka sasarhan ang pinto matapos makaayos ng upo si Sonny. POLDO: Sir, sa Linggo, ha?
Baka nyo makalimutan. SONNY: Ano'ng sa Linggo? POLDO: Yung piyesta sa'min. SONNY: Piyesta..a,
oo. Hindi ko makakalimutan 'yan. Sasaludo uli si Poldo. Tatakbo patungo sa labasan ng driveway.
Pasenyas- senyas at pasilba-silbato, pahihintuin niya ang trapik sa kalsada para makalabas ang kotse
ni Sonny. EXT. SLUM AREA 1. TANGHALI Piyesta sa komunidad. May kaunting banderitas na
nakasabit. Sa harapan at lob ng mga bahay- bahay, MARAMING nagkakainan, nag-iinuman, at
nagkakaingayan. EXT. BAHAY NINA POLDO. TANGHALI Nakatayo si POLDO sa harap, may inaabangan
at mukhang inip na inip. Bihis na bihis siya. May hawak na bote ng beeer at kakaunti na ang laman.
Sa background, MAY MATANDANG MAG- ASAWA AT DALAWANG APONG nakaupo sa dalawang

mahabanh bangko kumakain. Kinakausap ng TIYUHIN ang matandang lalaki. Ang TIYAHIN NI Poldo at
si MARISSA ay may dalang nga bandehado ng mga ulam at nag-aalok ng mga bisita na kumuha pa.
Tinutukso-tukso ni totoy ang dalawang apo- kinakalabit ang batok, pinipitik ang tenga. Nasa isang tabi
ang mesitang ginagamit ng tiyuhin sa trabaho. Malinis ito ngayon, walang nakapatong na mga
kagamitan ng sapaterya. Sa tabi nito, may mahabang dram na natatakpan ng sako. Uubusin ni Poldo
ang laman ng hawak na bote. Lalapitan ang mahabang dram. Ititindig ang basyo sa tabi ng dram.
Hahawiin ang saka. Ang laman ng dram ay mga bote ng serbesa at malalaking tipak ng yelo. Kukuha
si Poldo ng isang malamig na bote. Bubuksan niya ang bote sa pamamagitan ng ngipin. Iluluwa ang
tansan. Tututungga siya. Habang ginagawa ito ni Poldo. Sa background ay makikitang lumalabas sa
pinto ng bahay ang kapatid niyang si AIDA, kasama ang isang pulutong ng mga kaklase. Maingay at
masaya, nagpapaalam kay Aida ang mga kaklase. Papasok sa bahay si Poldo, kasunod si Marissa. INT.
BAHAY NI POLDO. TANGHALI Sa mesa ng komedor-kusina, nakalatag ang maraming pang ibang
bandehado ng pagkain, puro may takip na wax paper. Nasa banggerahan si ALING ELENA,
naghuhugas ng pinggan. ALING ELENA : Wala pa ba ang nga bisita mo, Poldo? POLDO : (Ngumunguya) Wala pa ho, e. MARISSA : Hindi kana siguro sisiputin no'n kuya. Class yata yong boss mo, e.
Hindi 'yon ang tipong tumutuntong sa barung-barong. POLDO : Oy, wag ka ngang sumali sa usapan
ng matatanda, ha? MARISSA :Sayang ang pinambili mo ng beer. Sana kuwatro kantos nalang ang
binili mo, Tayu-tayo lang pala ang iinom. POLDO :Ako ba'y talagang niloloko mo? ALING ELENA
:Poldo, kumain kana. Pasado ala-una na, baka ka malipasan. Tapos na kaming lahat. POLDO
:Kumakain na nga ho. Ano pa ba 'tong ginagawa ko? ALING ELENA :Ba't hindi ka kumuha bg pinggan
at umupo nang maayos? Maiimpatso ka niyan sa ginagawa mo. Tamo, ni hindi ka nagkakakain. Ang
dami naming kanin diyan. Nagsasalita pa si Aling Elena ay maririnig na ang boses ng TIYUHIN mula sa
labas. TIYUHIN : (Voice over ) Poldo! Mga bisita mo! Eto na! (sa mas mahinang boses) Tuloy na ho
kayo, nasa loob ho si Poldo. Aida samahan mo ang mga bisita ng kuya mo. Mabilis na isusubo ni Poldo
ang kapirasong ulam na hawak niya. Ipapahid ang daliri sa gilid ng mantel. Lakad-takbong
pupuntahan ang pinto. Hustong pumapasok naman si Aid, kasunod sina SONNY, DIREK, CRISTY,
EDMON, JING at BOSYO. Si Sonny ay may hawak na bote ng stateside whisky. POLDO : Tuloy kayo,
tuloy. Akala ko hihiyain n'yo ko e. SONNY : (inaabot ang bote ng whisky kay Poldo) Pwede ba 'yon?
Eto nga't may pasalubong pa ako. POLDO :'Nay mga.kaibigan koBoss ko ho, siasi Sonny.
ALING ELENA :Magandang tanghali po. SONNY :Magandang tanghali po naman. ALING ELENA :O,
Poldo, bigyan mo ng mga pinggan yang mga bisita mo. Aida, Marissa, tumulong muna kayo rito. 'Yong
mga napkin, ilabas niyo. Habang kumukuha ng mga pagkain sina Sonny, abalang-abala si Poldo sa
pag-iistima sa kanila. Excited sya, tuwang-tuwa. Si Cristy ay walang ekspresyon sa mukha, parang
napilitan lang sa pagkakapunta rito. Si Sonny naman ay parang pulitikong nasa kanyang balwarte.
POLDO :Itong morkon, Sonny, Direk - ito ang ispesyalidad ni inay. Cristy, kuha lang, ha? Jing, Edmon,
abot lang. Bosyo. SONNY :O, Cristy, tikman mo raw 'tong morkon. Ikaw Poldo, huwag kang
mahihiya,ha? Feel at home. EXT. BAHAY NINA POLD. HAPON. Malakas ang tawanan, parang
karugtong ng tawanan sa nagdaang sequence (Eksena). Nagtawanan ang mga LALAKING BISITA ni
Poldo. Lasing na ang lahat. Nakaupo sila sa magkaharap na bangko. Nasa gitna nila ang mesita ng
sapatero. Nasa ibabaw nito ang bote ng beer; isang mangkok na na may lamang halos tunaw nang
yelo; isang bandehadong pulutan. Nakatayo si Poldo sa may likuran ni Sonny, parang anghel de la
guwardiya. Sa background, makikitang nakabukod si Cristy, kinukwentahan at iniistima ng husto ng
Ina at mga kapatid ni Poldo. Nakikinig lang si Cristy. DIREK :( Iaabot kay Poldo ang mangkok)Wala na
tayong yelo, Jaguar. Sa mababang dram, magtitipak ng yelo. Ibinubuhos ni Direk ang natitirang
laman ng whisky sa baso niya. Umiihi si Bosyo sa isang sulok. Kumakanta si Sonny - wala sya sa tono.
SONNY : " Si Bosyo kung umihi, sumasagitsut pa nang konti.." Hagalpakan na naman ng tawa. Bigla,
makakarinig sila ng mga hiyawan at pagkaingay sa di kalayuan. Mapapatingin ang lahat sa
pinagmulan ng ingay. POV (point of view) NINA POLDO DALAWANG MATON nagmumurahan,
naggigirian pormang magkakatirahan. Nakapaligid ang iba pang tambay at maton, nagmimiron,
nanunulsullsol. Puro lasing ang mga ito. BALIK KINA POLDO Nakatingin pa rin ang lahat. Nakatayo na
si Sonny. SONNY : Ano 'yon? POLDO : Wala 'yan. Talagang ganito dito kung piyesta- hindi nawawalan

ng gulo. BALIK SA MGA MATON Biglang susugod ang ang isang MATON. Magkakasutunkan na ang
dalawa. Titilapon si TAMBAY 1 sa hanay ng mga KABARKADA ng kalaban niya. Magsusuguran na rin
ang mga barkada ni Tambay 1. BALIK KINA POLDO. Nakatayo na rin si Direk sa tabi ni Sonny.. SONNY
: Labu-labo na brod. DIREK : Oo nga, brod. Magkakatinginan ang dalawa. Magtatawanan. Takang
mapapatingin si Poldo sa kanila. Itataas nina Sonny at Direk ang kanilang mga baso, pagpipingkiin
ang mga ito sa isang toast, at uubusin ang laman sa isang tungga. Pagkatapos, parang iidiyan na
hihiyaw ang dalawa-"Yahoo!"- at mabilis na tatakbo papunta sa gulo. Saglit na mapapanganga si
Poldo. Saka magmamadaling iiling-iling pa na para bang sinasabi sa sariling: eto na naman po kami.
Patuloy lang sa pag-inom sina Edmon at Jing, parang walang napapansing kakaiba. Takot at
nininerbiyos si Cristy. CRISTY : Sira-ulo talaga ang mga 'yon. JING :Magpapawis lang ang mga 'yon.
Mag-aalis lang ng lasing. EDMON :'Yan ang katuwaan ng frat nila - rumble CRISTY : Walang fratfrat ditto. Baka sila malagyan ng gripo sa tagiliran. Sa labu-labo, nakaawa pa sina Sonny at Direk
habang nakikipagsuntukan at nakikipagbalibagan. Sinundan-sundan ni Poldo si Sonny. Seryoso si
Poldo. Bahagi ito ng trabaho niyang ipagtanggol ang kanyang amo. Sa kasusunod ni Poldo,
masusuntok sya ng kalaban ni Sonny. Matatawa si Sonny sa nangyari. Bibirahin ni Poldo ang
nakasuntok sa kanya. Titilapon ito. Magpa-flying kick si Direk. Makakailag ang tinatarget nya. Sa
halip, si Poldo ang tatamaan. Iilandang ito, babalandra sa isang tabi. Grogi at nakasalampak sa
putikan, may biglang maaalalasi Poldo. Ilalabas nya ang silbato sa bulsa. Sisibato siya ng malakas at
sunud-sunod. May mga sisigaw ng "Parak! Parak! Magpupulasan ang mga naglalabu-labo. Maiiwan
sina Sonny, Direk at Bosyo. Pagtatawanan nila si Poldo sa kinalalagyan niya. Mapapaangil na rin si
Poldo. INT. BAHAY NINA POLDO. GABI. Nasa harap ng salamin si Poldo. Naglalagay ng merthiolate sa
mga pasa-pasa sa mukha. Titestingin niya kung matatag pa rin ang panga niya. Sa bangerahan,
naghuhugas, naghuhugas ng pinggan sina AIDA at MARISSA. Nakahiga sa sahig si Totoy, tulog.
MARISSA :Kuya, tulungan mo naman kami dito. POLDO :Kayo ang babae, kayo ang maghugas. AIDA
:Bisita mo ang gumamit nito a! Habang nagaganap ang pag-uusap na ito, papasok si aling Elena.
Bubuhatin niya si Totoy at panunuorin si Poldo. ALING ELENA :Bakit naman ganun yung mga bisita
mo, Poldo? Naturingan pa namang may pinag-aralan e nakikihalo sa may gulo ng me gulo? POLDO
:Nakainom lang ho 'yon. ALING ELENA :At bakit pati naman ikaw e nagsasasali? Mga tagarito pa sa'tin
ang inaway mo. POLDO :Amo ko ho 'yong napalaban, Inay, kelangan e damayan ko. Trabaho ko ho
'yon. ALING ELENA :Aba'y trabaho na pala ang basag-ulo? Kung ganyan rin lang, mabuti pa e
maghanap ka na ng ibang trabaho. Tatalikod sa salamin si Poldo at haharapin ang ina. POLDO :Inay,
hindi ko ho ipagpapalit itong trabaho ko ngayon. Palagay ko ho, narito ang asenso ko. Ngayon pa lang
swerte na ako. ALING ELENA :Suwerte? POLDO : (tuloy-tuloy lang, parang walang narinig) Biro nyo
may amo akong ang turing sa akin e kaibigan. May kaya 'yan, may tinapos. Ako hanggang hayskul
lang, mahirap pa sa daga. Pero ang tingin sa'kin, pantay lang.parang kapatid. MARISSA :Kapatid
ba 'yong lagay na 'yon? Ang tingin ko inaatsoy-atsoy ka ke,e. Saglit na matititigilan si Poldo.
Pagkatapos ay babaling sa kapatid na nanlilisik ang mga mata. POLDO :( NAGPIPIGIL NG GALIT) Ilang
beses ko bang sasabihin sa'yong huwag kang makikihalo sa usapan ng matatanda.

You might also like