Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

ANG

ANG KALABAW
KALABAW
AT
AT
TAGAK
TAGAK

Minsan isang araw,


Ang kalabaw at tagak
Ay nagkatagpo sa batisan.
Kapwa sila nauuhaw.

Bati ng tagak, "Kumusta, kaibigan?"


"Mabuti naman, at ikaw?
Di ko akalaing ikaw pala ay hangal!

"Bakit hangal?"
"Bakit ka naparito?
Ito ay ilog ko."
"Sino kang magbabawal?
Ito'y biyaya ng Maykapal!"

"Mula ngayon, ipinagbabawal ko,


Walang paparito kahit sino!
Ako ang hari nitong ilog,
Masdan yaring sungay na
maalindog,
Simbolo ng kapangyarihang aking
lubos."

"Kung tunay ngang ikaw ay hari,


Lumipad ka. Subukin kung maaari;
Pagnatupad mo, utos mo'y hindi mababali.
At kung mainom mo ang tubig sa ilog,
Hari ka ngang tunay. Dapat kang mapabantog!"
"Oo, pustahan tayo!"
"Payag ako. Gagawing alipin ang matatalo."

Ang lahat ng hayop at mga ibon


Nanood na sadya sa paligsahang
iyon.
"Ikaw ang magsimula ng pag-inom,
Sa iyo'y susunod akong walang tutol,"
Sabi ng tagak na mahinahon.

Ang kalabaw ay nagsimulang uminom ng tubig


sa batis,
Nagkataong mataas noon ang tide.
Sa kaiinom, tiyan ay lumaking parang buntis.
"Suko na ako!" sabi ng kalabaw,
"Hala nga, subukin mo, ikaw naman."
Uminom ang tagak na walang atubili,
Nagkataong noo'y ang ilog ay bumama.

Nakita ng kalabaw na kakaunti na ang tubig,


"Nanalo ka!" karakaraka'y siyang sambit.
Mula noon mapapansing sa likod ng kalabaw
Dumarapo ang tagak bawa't oras araw-araw.

Ang kalabaw ay kanyang pinarusahan:


Pinag-aararo ng tumana, maghapunan,
Samantala siya'y nakaupo't nagbabantay.

Ano ang Pamagat ng


Maikling Kwento?

Sinu-sino ang mga


Tauhan?

Ano ang katangian ng


kalabaw?

Ano ang katangian ng


Tagak?

Ano ang nakapaloob


na mensahe sa maikling
kwento?

You might also like