Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

1.

Francisco Mercado
Ipinanganak noong Mayo 11, 1818
Namatay noong Enero 5, 1898.
2. Teodora Alonzo
Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila
Namatay noong Agosto 16, 1911
Hunyo 19, 1861 - Isinilang si Rizal Noong sa Calamba, Laguna
Hunyo 22, 1861 - Bininyagan sa simbahan ng Calamba noong.
1864 - Sa edad na tatlo ay nakasama na siya sa pagdadasal ng pamilya.
Hunyo 6, 1868 - Pagpunta sa Antipolo noong. Ito ang kaniyang unang pagtawid sa Lawa ng
Laguna.
1869 Sa edad na 8 ay kaniyang isinulat ang tulang Sa Aking mga Kabata na nagbibigay ng
pagpapahalaga sa kaniyang sariling wika.
Sa edad na 8 ay sinulat niya ang isang drama na nakaukol sa kapistahan ng Calamba at ang
nasabing gawa ni Rizal ay binili sa kaniya ng gobernadorcillo ng Paete, Laguna.
Hunyo 1869 - si Rizal ay umalis ng Calamba para magtungo sa Bian para mag-aral.
noong Disyembre 1870 - Nilisan ni Rizal ang pag-aaral sa Bian ,pagkatapos ng halos isa at
kalahating taon, sakay ng Barkong Talim na naghatid sa kaniya sa Calamba.
June 20, 1872 sinamahan si Rizal ni Paciano para magpunta sa Maynila. Kumuha ng
pagsusulit sa mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at Pagbasa sa Colegio ng San Juan de
Letran. Nagbalik si Rizal sa Calamba mula sa Maynila para dumalo ng kapistahan sa kaniyang
pagbabalik sa Maynila ay nagbago ng isip si Rizal at nagbalak na pumasok sa Ateneo.
Unang Taon sa Ateneo (1872-73)
1. Padre Jose Bech S.J. ang guro ni Rizal sa kaniyang unang taon sa Ateneo.
2. Nagsimula siyang nasa mababang ranggo sa imperyong Cartago ngunit sa paglipat ng mga
linggo ay nagawang makapanguna sa kaniyang mga kamag-aral.
3. Napanalunan niya ang kaniyang unang gantimpala sa kaniyang pag-aaral isang larawang
pangrelihiyon.
4. Upang mapagbuti ni Rizal ang kaniyang kaalaman sa wikang Esanyol siya ay nagpaturo ng
aralin sa Colegio de Santa Isabel sa panahon ng kaniyang pamamahinga sa tanghali.
5. Sa kalagitnaan ng taon si Rizal ay hindi nagbuti sa kaniyang pag-aaral upang mapanatili
ang kaniyang pangunguna sa klase ito ay dahilan sa kaniyang sama ng loob sa hindi
makatwirang puna ng guro sa kaniya.
6. Sa bakasyon ng 1873, si Rizal ay hindi naging masaya dahilan sa nasa bilangguan ang
kaniyang ina. Lihim na pumunta sa Santa Cruz para dalawin ang kaniyang ina at
kinuwentuhan niya ang ina ukol sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo.
Ikalawang Taon sa Ateneo (1873-74)
1. Walang masyadong mahalagang pangyayari kay Rizal sa Ateneo sa taong ito.
2. Hindi nagpakita ng pangunguna sa pag-aral si Rizal dahilan sa sama ng loob dailan sa hindi
magandang puna ng guro sa kaniya
3.Dumating sa Ateneo ang ilan sa kaniyang mga dating kamag-aral sa Bian.
4. Hinulaan ni Rizal ang nalalapit na paglaya ng kaniyang ina.
5. Nagsimula si Rizal ng kaniyang pagkahilig sa pagbabasa at ilan sa mga aklat na ito ay ang
mga sumusunod:
1.Count of Monte Cristo na sinulat ni Alexander Dumas.
2. Universal History na sinulat ni Cesar Cantu na pinilit niyang ipabili sa kaniyang ama.

3.Travels in the Philippines na isinulat ni Dr. Feodor Jagor.


Ikatlong Taon sa Ateneo (1875-76)
1. Nagbalik si Rizal sa Ateneo para sa kaniyang Ikatlong Taon.
2. Dumating ang kaniyang ina at ipinaalam kaniyang paglaya kay Rizal.
3. Hindi rin kinakitahan ng pangunguna si Rizal sa klase.
4. Natalo siya ng mga kamag-aral na Espanyol sa wikang Espanyol dahilan sa mas mahusay
ang mga ito sa sa tamang pagbigkas.
Ika-apat na Taon sa Ateneo (1876-77)
1. Sa taong ito ay nakilala ni Jose Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez S.J. Ang nasabing
pari ang humikayat kay Rizal para mag-aral na mabuti, lalo na sa pagsulat ng mga tula.
2. Sinabi ni Rizal na si Padre Francisco de Paula Sanchez ay isang modelo ng katuwiran at
pagsisikap para sa pag-unlad ng kaniyang mga mag-aaral.
3. Dahilan dito ay nagbalik ang sigla ni Rizal sa pag-aaral at natapos ang taon ng pag-aaral na
mayroong limang medalya.
Huling Taon sa Ateneo (1876-77)
1. Naging ganap ang sigla ni Rizal sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo.
noong Marso 23, 1877 - Nagtapos si Rizal sa Ateneo at natamo sa paaralan ang Bachiller en
Artes.
Noong Abril 1877 nagpatala para mag-aral si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Ang una niyang kursong kinuha ay Pilosopia Y Letra.
Taong 1877-78 - Sa unang semestre si Rizal din ay nag-aral sa kursong perito agrimensor sa
Ateneo.
Sa ikalawang Semestre ng nasabing taon ay natanggap ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo
Ramon SJ na nagpapayo sa kaniya na kumuha ng Medisina. Kinuha ni Rizal ang kurso
dahilan sa kaniyang pagnanais na magamot ang kaniyang ina.
noong 1878 - Si Rizal ay naging biktima ng isang opisyal na Espanyol. Si Rizal ay pinalo ng
sable sa likod ng nasabing opisyal.
Noong 1879, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario. Sa nasabing
paligsahan ay nanalo ng unang gantimpala ang kaniyang tulang sinulat na may pamagat na A
La Juventud Filipina.Ang paligsahan ay para lamang sa mga Pilipino.
Noong 1880, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario ukol bilang pagpaparangal sa ika-400 taon ng kamatayan ni Miguel de Cervantes. Sa nasabing paligsahan ang
kaniyang ginawang akda na may pamagat na El Consejo de los Dioses ay nanalo ng unang
gantimpla. Ang paligsahan ay bukas sa mga Pilipino at Espanyol.
1982-85 - Sa pagtatapos ni Rizal sa kaniyang ika-apat na taon ng pag-aaral ng medisina sa
UST si Rizal ay nagbalak na tumungo ng Espanya para dito magpatuloy ng pag-aaral.
noong Mayo 3, 1882 - Umalis si Rizal sa Pilipinas sakay ng barkong Salvadora.
Mayo 8, 1882 narating ni Rizal ang Singapore. Tumuloy siya sa Hotel de la Paz sa Singapore.
noong Hunyo 11, 1882 - Nagtungo ang barkong Djemnah sa Europa at noong narating ni Rizal
ang Naples.
Hunyo 12, 1882. - narating niya ang daungan ng Merselles at kaniyang binisita ang Chateu dIf
na siyang lugar na binanggit ni Alexander Dumas sa kaniyang nobelang Count of Monte
Cristo.
Hunyo 15, 1882 - nilisan ni Rizal ang Merseilles aty narating ang Barcelona sakay ng tren
galing Pransiya.

Hunyo 16, 1882 - Narating niya ang Barcelona.


noong 1885 - Natapos ni Rizal ang kaniyang kurso sa Medisina at Pilosopiya
Sa Paris (1885-86)
Nagtungo si Rizal sa kanyang layunin na magpakadalubhasa sa optalmolohiya o paggamot sa
mata.
Nobyembre 1885 - nakarating si Rizal sa Paris at naglingkod bilang katulong ni Dr. Loius de
Weckert na pangunahing optalmolohista ng Pransiya.
1885 hanggang Pebrero 1886 - Nanatili dito si Rizal mula Nobyembre.
Pebrero 3, 1886 - dinalaw ni Rizal ang makasaysayang lunsod ng Heidelberg na kilala sa
kanyang unibersidad. Naninirahan siya sa isang boarding house na tinitirhan ng mga magaaral ng abogasya.
Hulyo 31, 1886 - petsa ng unang sulat ni Rizal na ipinadal;a niya kay Blumentritt.

Enero 2, 1884 - - petsa ng pagtitipon kung saan pinanukala ni Rizal sa grupo ng mga Pilipino
na magsulat sila ng isang nobelang ukol sa kalagayan ng Pilipinas.
Pebrero 21, 1887 - petsang natapos ang Noli Me Tangere at inihanda para sa pagpapalimbag.
Marso 21, 1887 - lumabas ng palimbagan ang nobelang Noli Me Tangere.
Mayo 11, 1887 - nagsimula ang paglalakbay nina Rizal at Viola sa Europa.
Mayo 13, 1887 - dumating si Rizal sa Leitmeritz at dito siya ay sinalubong ni Prof. Ferdinand
Blumentritt sa istasyon ng tren dala ang larawan na pagkakakilalanan kay Rizal.
Mayo 17 -19, 1887 - Dinalaw ni Rizal at Viola ang lunsod na ito.
Hunyo 19, 1887 Sa Geneva inabutan si Rizal ng kanyang ika-26 na taong kaarawan at
kanyang pinakain si Viola ng isang masaganang pagkain.
noong Hunyo 27, 1887 - Roma - nakarating si Rizal sa "lunsod ng mga Caesar". Hinangaan ni
Rizal ng labis ang karangyaan ng nasabing lunsod.
noong Hunyo 29, 1887
Vaticano - ang lunsod na sentro ng Katolisismo sa mundo at dinalaw ito ni Rizal. Kanyang
nakita ang Basilica de San Pedro - ang pinakamalaking simbahan sa mundo.
Hunyo 29, 1887 - tumelegrama si Rizal sa kaniyang ama ukol sa kanyang pagbabalik sa
Pilipinas.
Hulyo 3 ,1887 - lumulan si Rizal sa barkong Diemnah ang barkong kanyang sinakyan noong
siya ay magtungo ng Europa limang taon na ang nakakaraan.
Hulyo 30, 1887 - nakarating si Rizal sa Saigon at sumakay ng barkong Haipong.
Agosto 5, 1887 - nakarating ang Haipong sa Maynila.
Agosto 8, 1887 - petsa ng makarating si Rizal sa Calamba.
Kumita si Rizal ng P900 sa unang buwan ng kanyang paggagamot at sa buwan ng Pebrero
1888 ang halaga ay umabot ng P5,000.
Peberero 3, 1888 - sumakay si rizal ng barkong Zafiro patungo ng Hongkong at
Pebrero 7,1888 - nakarating sa Amoy, China .
Pebrero 11- 13, 1888 - Maingay na pagdiriwang ng Bagong Taon .
Pebrero 22, 1888 - nilisan ni Rizal ang Hongkong sakay ng barkong Oceanic na pag-aari ng
mga Amerikano at kanyang patutunguhan ay ang bansang Hapon.
Pebrero 28, 1888 - duamting si Rizal sa Yokohama at tumigil sa Grand Hotel.

Abril 13, 1888 - petsa ng umalis si Rizal sa Yokohama patungo ng Amerika sakay ng barkong
Belgic.
Abril 28, 1888 - dumating ang barkong Belgic sa daungan ng lunsod ng San Francisco.
noong Mayo 3, 1888 - Narating ni Rizal ang New York at kaniyang sinabi na ang lunsod ay
isang napakalaking bayan.
noong Mayo 24, 1888 - Dumating si Rizal sa Liverpool, England at nagpalipas ng gabi sa Hotel
Adelphi.
Mayo 25, 1888 - Dumating si Rizal sa London.
noong 1872 - Pansamantalang nanirahan si Rizal sa bahay ni Antonio Ma. Regidor na isang
takas na Pilipino sa Marianas at nagtatrabaho bilang abogado sa London.
Disyembre 24, 1888 - Nagbalik si Rizal sa London at nagdaos ng Pasko at Bagong Taon sa
tahanan ng mga Beckett . Nagpadala si Rizal ng regalo kay Blumentritt at Dr. Czepelak.
Disyembre 31, 1884 - Itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona ang isang makabayang samahan
na tinawag na Asosacion La Solidaridad na pinasinayaan.
Pebrero 15, 1889 - itinatag ni Graciano Lopez Jaena sa Barcelona ang pahayagang makabayan
na amy pamagat na La Solidaridad na lumalabas tuwing ikalawa at huling linggo ng buwan at
nagsilbing pahayagan ng kilusang propaganda.
nalathala noong Marso 25, 1889 - Los Agricultores Filipino - ang unang artikulo na isinulat ni
Rizal para sa pahayagang La
Solidaridad. Sa nasabing artikulo ay kanyang sinabi na
ang dahilan ng pagiging paurong ng mga magsasakang Pilipino ay ang napakaraming balakid
sa kanyang pagsulong tulad ng mga mahihigpit na pinuno, mga magnanakaw, sakunang mula
sa kalikasan, sapilitang paggawa, at marami pang mga salik na hindi magbibigay daan sa pagunlad ng kabuhayan ng mga magsasaka at ng sining ng agrikultura sa bansa.
Marso 19, 1889 - nagpaalam si Rizal sa pamilyang Beckett at nilisan ang London patungo ng
Paris.
Isa sa pinakamahalagang nagawa ni rizal habang siya ay nasa Paris ng 1889 ay ang
pagpapalimbag ng kanyang anotasyon ng aklat ni Morga na Sucesos de las Islas Filipinas na
inilathala ng Garnier Freres.
(1890) - Umalis si Rizal patungo ng lunsod ng Brussels kasama ni Jose Albert at nanuluyan sa
isang kainamang bahay paupahan sa 38 Rue Philippe Champagne na pinangasiwaan ng
magkapatid na babaeng Jacoby na sina Suzanne at Marie.
Upang magawan ng paraan na huwag lumala ang karibalan ay nagka-isa ang mga Pilipino sa
Madrid na may bilang na 90 ay nagkaisang magsagawa ng isang pag-uusapan na kanilang
gaganapin sa Enero 1, 1891
noong unang linggo ng Pebrero 1891 at nahati ang mga Pilipino sa dalawang kampo -Rizalista at Pilarista .
unang araw ng halalan ay si Rizal ang nanalo ngunit hindi natamo ang 2/3 na kinakailangang
boto
sa ikalwang araw ay nagkaroon uli ng halalan ay ganito pa rin ang resulta.
ikatlong araw ay hinakayat ni Mariano Ponce na bumoto na ang karamihan kay Rizal at
natamo ni Rizal ang kinakailangang 2/3 na boto na naghalal sa kanya bilang pinuno ng
samahan.

Noong Setyembre 18, 1891 ay lumabas ng palimbagan ang El Filibusterismo at kanyang


ipinadala ang dalawang kopya sa Hongkong kina Jose Basa at Sixto Lopez. Pinadalahan din
niya ang kanyang mga kaibigang sina Blumentritt, Ponce, Lopez-Jaena, T.H. Pardo de Tavera,
Antonio Luna at Juan Luna. Pinagkaloob ni Rizal kay ValentinVentura ang orihinal na
manuskrito ng El Filibusterismo.
Inilathala ng sipian ng El Filibusterismo sa pahayagang El Nuevo Regimen sa kanyang isyu ng
Oktibre 1891.
Nobeyembre 20, 1891 - Dumating si Rizal sa Hongkong at sinalubong ng mga kaibigan at dito
ay nanirahan sa 5 D' Aguilar Street No. 2 Rednaxola Terrace. Sa nasabi ding tirahan si Rizal
ay nagbukas ng isang klinika.
Bago magpasko ng 1891 - dumating sa Hongkong ang kanyang ama at bayaw na si Silvestre
Ubaldo. Sumunod na rin ang kanyang ina, Lucia, Josefa, at Trinidad.
Hunyo 26, 1892 - nagbalik si Rizal sa Maynila kasama ng kanyang kapatid na si Lucia at
tumigil sa Hotel de Oriente.
Hulyo 3, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa bahay ni Doroteo Ongjungco sa Kalye Ylaya,
tondo Maynila.
Hulyo 6, 1892 - sa isang pakikipag-usap ni Rizal kay Despujol ay inaresto siya sa dahilan sa
bintang na pagdadala ng mga polyetong kontra-simbahan.
Hulyo 15, 1892 - nakarating si Rizal sa Dapitan at ipinagkaloob kay Kapitan Ricardo Carnicero
ang komandante ng hukbong Espanyol sa lugar.
Setyembre 21, 1891 - nakatanggap sina Rizal, Carcinero at isang Espanyol ng Dipolog ang
gantimpala na ang kanilang ticket bilang 9736 ay nanalo ng ikalawang gantimpalang P20,000.
Ang naging hati ni Rizal ay P6,200. Ibinigay niya ang P2,000 sa kanyang ama at P200 kay Jose
Ma. Basa sa Hongkong at ang natira ay kaniyang ginamit sa pagbili ng lupa sa Talisay na
isang kilometro ang layo sa bayan ng Dapitan.
Agosto 28, 1893 - Namatay si Leonor Rivera dahilan sa panganganak.
Sa unang bahagi ng 1896, nakunan si Josephine sa kanilang anak ni Rizal.
noong Hunyo 1896 - si Dr. Pio Valenzuela upang ipaalam kay Rizal ang ukol sa Katipunan.
Hinikayat ni Valnzuela ang pamumuno ni Rizal sa Katipunan na tinaggihan naman niya.
Nagboluntaryo si Rizal upang maglingkod sa hukbong Espanyol bilang isang seruhano sa
Cuba. Ang kanyang kahilingan ay tinugon naman ni Gob. Hen. Ramon Blanco na sumagot sa
kanyang sulat noong Hulyo 1896 na nagsasabi ng pagsang-ayon sa kanyang plano
noong Hunyo 31, 1896 - Nilisan ni Rizal sakay ng barkong Espana kasama nina Josephine,
Narcisa, at pamangking si Angelica.
Agosto 30, 1896 natanggap ni Rizal ang isang sukat ni Blanco na nag-eendorso sa kanya sa
Ministro ng Digma.
Setyembre 2, 1896 - Inilipat si Rizal sa barkong Isla de Panay na maglalayag na patungong
Barcelona.

Setyembre 28, 1896 - narinig ni Rizal ang bali-balitang siya ay aarestuhin pagdating sa
Barcelona.
Setyembre 30, 1896 - ipinaalam kay Rizal ni Kapitan Alemany ang kautusan na siya (Rizal) ay
idedetine sa loob ng kanyang kabina hanggang hindi nakakabalik sa Maynila.
Oktubre 3, 1896 - nakarating ang barkong Isla de Panay sa Barcelona at ipinadala sa
Munjuich Castle na noon ay pinamumunuan ni General Eulogio Despujol .
Oktubre 6, 1896 - inilabas si Rizal ng kulungan para ibalik sa Maynila sakay ng barkong
Colon.
Nobyembre 3, 1896 - Nakarating ang barkong Colon sa Maynila at tahimik na inilipat si Rizal
sa Fort Santiago. Sa panahong ito ang mga Espanyol ay nangangalap na ng ebidensiya laban
kay Rizal. Pinahirapan ng mga Espanyol ang maraming mga Pilipino para isabit si Rizal sa
nagaganap na himagsikan.
Disyembre 26, 1896 - Nagsimula ang paglilitis kay Rizal at sa nasabi ding araw ay nagpasiya
ang hukuman na bitayin si Rizal sa pamamagitan ng pagbaril.
Disyembre 28, 1896 nilagdaan ni Gobernador Heneral Camilo Polaviela ang kautusan ng
pagbaril kay Jose Rizal.
Sa ganap na ika -6:00 ng umaga ay binasa ni Kapitan Rafael Dominguez ang kapasiyahan na
siya ay bitayin, sa Bagumbayan sa Disyembre 30, 1896 sa ganap na ika- 7 ng umaga.
Alas 7:00 ng umaga - Tinanggap niyang bisita sina Padre Miguel Saderra Matta (Rector ng
Ateneo) at Padre Luis Viza, isang Jesuitang Guro.
Alas 8:00 ng umaga - Pumalit kay Padre Viza si Padre Antonio Rosell, inimbitahan siya ni Rizal
na mag-almusal. Pagkatapos na mag-almusal dumating si Tinyente Luis Taviel de Andrade at
nagpasalamat si Rizal dito sa ginawang pagtatanggol niya.
Alas 9:00 ng umaga - Dumating si Padre Federico Faura at sinabi ni Rizal na tama ang sinabi
ng pare na mapuputulan siya ng ulo sa pagsulat ng Noli Me Tangere .
Alas 10:00 ng umaga - Dumating si Padre Villaclara (guro ni Rizal sa Ateneo) at Padre Vicente
Balaguer (kura paroko ng Dapitan). Dumating si Santiago Mataix at kinapanayam si Rizal para
sa pahayagang El Heraldo de Madrid.
Alas-12:00 ng tanghali - naiwan si Rizal na nag-iisa sa kanyang silid para magtanghalian.
Pagkatapos nito ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsusulat. Natapos na niya ang Mi Ultimo
Adios at itatago na lamang sa lutuang alcohol at ginawa na rin ni Rizal ang kanyang huling
sulat kay Ferdinand Blumentritt.
Alas 3:00 ng hapon ay nagbalik si Padre Balaguer sa Fort Santiago at kinukulit si Rizal na
gumawa ng isang retraksiyon sa kanyang isinulat na laban sa simbahang Katoliko.
Alas 4:00 ng hapon - dumating ang ina ni Rizal sa Fort Santiago. Lumuhod dito si Rizal at
hinalikan ang kanyang ina. Sumunod si Trinidad at dito ay ibinigay niya ang lutuang alcohol
na naglalaman ng Mi Ultimi Adios .
Alas 6:00 ng gabi - Patuloy pa rin sa pangungulit ang mga Jesuita at mga prayle na gumawa
na si Rizal ng isang retraksiyon.

Alas 8:00 ng gabi - nagsagawa si Rizal ng kanyang huling hapunan sinabi niya kay kapitan
Dominguez na pinatatawad na niya ang lahat ng kanyang mga kaaway .
Alas 10:00- ipinadala ng Arsobispo Nozaleda ang isang kopya ng retraksiyon na pipirmahan ni
Rizal ngunit ito ay tinaggihan ni Rizal. Dahilan sa hindi napapirma si Rizal sa retraksiyon, ang
paring Jesuita ay hinuwad ang lagda nui Rizal at pagkamatay ni Rizal ay sinabi nila na si Rizal
ay lumagda ng isang retraksiyon.
Alas 3:00 ng umaga- sinasabi ng mga paring Jesuita na si Rizal ay nakinig ng misa at
tumaggap ng komunyon. Ngunit ito ay walang basehan.
Alas 5:30- kinain ni Rizal ang kanyang huling almusal pagkatapos ay sinulat niya ang
dalawang sulat para sa kanyang kasambahay at sa kapatid na si Paciano.
Sa nabanggit din na oras ay dumating si Josephine Bracken at ipinagkaloob ni Rizal ang isang
aklat ni Kempis na may pamagat na Imitacion de Cristo . Sa nasabing aklat inilagay ni Rizal
ang isang sulat na To my dear and unhappy wife, Josephine December 30, 1896. Jose Rizal.
Alas 6:00 ng umaga - habang naghahanda para sa martsa sa Bagumbayan, inihanda ni Rizal
ang kanyng huling sulat para sa kanyang ama at ina.
Alas 6:30 - nagsimulang umalis ang martsa mula saa Fort Santiago patungo ng Bagumbayan.
Apat na sundalong Espanyol na nakabaril at bayoneta ang nasa harapan, sa likuran si Rizal
na mahinahong naglalakad kasabay ni Tinyente Luis Taviel de Andrade sa isang tabi at si
Padre March at Villaclara sa kabila. Sa likuran ng maraming mga sundalong Espanyol na
nasasandatahan. Sa panabi ng martsa ay ang hanay ng mga taong nanonood.
Alas 7:00 ng umaga - binaril si Rizal sa Bagumbayan.
Pagkatapos ng barilin ng firing squad isang opisyal ng hukbo ang lumapit sa kanyang katawan
at binaril na malapitan sa puso. Upang tiyakin na patay na ito.
Pagkatapos ng pagbitay, ang bangkay ni Rizal ay inilibing sa sementeryo ng Paco.

You might also like