Professional Documents
Culture Documents
Kasanayan Sa Pananahi Sa Makina
Kasanayan Sa Pananahi Sa Makina
Naimbento ang kaunaunahang makinang panahi ni Elia Howe noong 1846. Pinabuti ito ni Isaac
Merit Singer noong 1851. Pinasimulan niya ng paggawa ng maramihan ng mga makinang panahi kaya
mayroong tatak ang makina na Singer. Ang pagkaimbento ng makina ay iang malaking hakbang na
nagpabuti sa gawaing pananahi. Sa makina, mabilis matapos at higit na matibay ang tahi kaysa sa pananahi
sa kamay. Ang making panahi ay maaring patakbuhin sa pamamagitan ng paa, kamay o kuryente.
MGA BAHAGI NG MAKINA
Mga pangunahing bahagi:
A) Ulo
B) Kama
C) Ibaba ng makina
A. Ulo - ito ang bahgi sa itaas na binubuo ng maliliit at tiyak na bahagi ng makina
1. Gulong na Pangkamay (Balance Wheel) ito ang maliit na gulong sa gawing kanan ng ulo na
umiikot sa pamamagitan ng kordon sa makina.
2. Tusukan ng karete (Spool pin) - ito ay nasa itaas na bahagi ng ulo ng makina. Dito inilalagay ang
karete ng sinulid.
3. Ikiran ng sinulid ng bobina (Bobbin Winder) ang bahaging ito ay malapit sa balance wheel. Ito
ang mag-iikid ng sinulid ng bobina.
4. Pang-ayos ng tahi (Stitch Regulator) ito ay nakalagay sa ibaba ng ikiran ng sinulid. Inaayos at
kinokontrol nito ang haba ng mga tahi.
5. Pang-itaas na panghigpit (Tension Regulator) Ito ang nag-aayos ng luwag o higpit ng mga tahi
ng makina.
6. Panikwas na sinulid (Thread take-up lever) ito ang bahaging humihila nang paitaas sa labis na
sinulid.
7. Kabilya ng Karayom ( Needle Bar) sa bahaging ito inilalagay ang karayom. Ito rin ang
nagdadala ng sinulid sa ibabaw habang nanahi.
8. Presser Foot - ito ang pumipigil at gumgabay sa tela habang nanahi.
9. Tagataas-babang pisador ( Presser Bar Lifter) bahaging nagtataas at nagbaba sa presser foot.
10. Face Plate- takip sa bandang kaliwa ng braso na maaring alisin upang maparaan ang kabilya ng
karayom.
11. Turnilyong Pampaandar (Stop Motion screw) ito ang malaking turnilyo sa gitna ng balance
wheel. Maari itong luwagan o sikipan. Itinitigil nito ang galaw ng makina kapag niluluwagan at
pinaandar naman kapag sinisikipan.
(6)Thread Take up Lever
(12)Thread Guide
(2)Spool Pin
(1)Balance Wheel
(3)Bobbin Winder
(5)Tension Regulator
(10)Face Plate
4) Stitch Regulator
(7)Needle Bar
(8)Presser Foot
B. Kama ( Bed) - ito ang patag na bahagi ng ulo ng makina. Sa ilalim nito pinaandar ng shuttle ang
galaw ng sinulid.
1. Metal na pambibig ( Throat Plate) ito ang makinis at makintab na metal sa ibabaw ng kama na
pinagdaraanan ng karayom at sinulid.
2. Ngipin ng makina ( Feed Dog) ito ay nasa ilalim ng presser foot. Ang bahaging ito ay may
ngiping gumagalaw na siyang nag-uusad sa tela habang ito ay tinatahi.
3. Takip na metal ( Slide Plate) ito ay nasa gawing kaliwa ng kama. Yari ito sa makinis at
makintab na metal. Binubuksan ito kung aalisin o ilalagay ang kaha sa bobina.
4. Kaha ng bobina (Bobin Case) pinaglalagyan ng bobina.
5. Bobina (Bobbin) dito inilalagay ang sinulid sa ilalim ng makina.
(2)Feed Dog
(1)Throat Plate
(5)Bobbin
(3)Slide plate
(4)Bobbin Case
C. Ibaba ng Makina
1. Koreya, Kulindag o Kurdon (Belt) ito ay balat na lubid na nag-uugnay sa maliit na gulong sa
ibabaw at sa malaking gulong sa ilalim.
2. Malaking Gulong (Band Wheel) - makikita sag awing kanan sa ilalim ng cabinet ng makina. Ito
ang malaking gulong sa ibaba na kinakabitan ng koreya at nagpapaikot sa balance wheel.
3. Pidal (Treadle) dito pinapatong ang mga paa upang umandar o umikot ang malaking gulong sa
ilalim sa tulong ng pitman rod.
4. Band Wheel Crank ito ang bahaging nagpapaikot sa malaking gulong sa ilalim.
5. Pangawit (Pitman Rod) - isang mahabang bakal na naghuhugpong sa pedal at sa malaking
gulong.
6. Giya ng Koreya (Belt Guide) - pumapatnubay sa koreya upang hindi mawala sa lugar.
1)Belt
6)Belt Guide
5)Pitman Rod
4)Band Wheel
Crank
2)Band Wheel
3) Treadle