Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

World Literature

Students Name:

Prudente, Cyril Claris P.

Student Number:

2009-01046-MN-0

Course/Yr & Sec:

BS-Architecture V-1

Gabriel John Utterson (The Lawyer)


Ang manananggol na ayon sa kwento ay hindi masisilayan ng mga ngiti sa mukha, paminsanminsan lamang magsalitao magbigay ng kanyang komento ngunit masasabi kong siya ay isang
mabuting tao sa bilang ng kanyang mga kaibigan. Ang katangian niyang patuloy na kaibiganin ang
isang tao na may pinagdadaanan sa katauhan na katulad ng manggagamot na si Henry Jekyll ang
nagpa-angat sa katauhan ng mananaggol.
Matapos mabasa ang kabuuan ng kwento, masasabi kong si Utterson ay isang tunay na
halimbawa ng isang maginoong lalake na ang kagustuhan lamang ay mapanatili ang maayos at
magandang imahe ng kanyang mga kaibigan. Kahit sa mga panahon na may pagdududa na siya sa
kanyang matalik na kaibigan na si Jekyll sa mga napapabalitang masasamang gawain sa kanilang lugar,
mas pinili niyang kalimutan at ipagwalang bahala ang kanyang mga nalalaman, sa halip na maging
dahilan ng pagkasira ng kanyang kaibigan. Dahil din sa nabuong katauhan ng manananggol na
maginoo at may mataas na pagpapahalaga sa kagandahang-asal kaya hindi din niya basta basta
pinanghimasukan ang buhay ng kanyang kaibigan, sa halip ay nag-imbestiga siya at sinuri ang bawat
pangyayari ng hindi nagiging kaduda-duda sa mga taong nakapaligid sa kanila at pag-iisipan ng masama
si Jekyll. Isang pangkaraniwang ugali din ng mga tao na mas maigi ng maitago ang dumi ng ating
kaibigan at masira ang kanyang imahe kesa malaman ng nakakarami ang kanilang tunay ng kulay.
Dr. Henry Jekyll
Isang manggagamot na marangya, respetado at kilala ng nakakararami dahil sa kanyang
kabutihang-loob at mabubuting gawain si Henry Jekyll. Ayon sa kanyang mensahe simula pagkabata
ay nabuhay na siya sa isang magulo at masamang kapaligiran na naging dahilan para siya ay mageksperimento upang lumabas ang kanyang katauhang masama na nakilala sa Mr. Hyde na sa huli ay
mas nangibabaw sa kanya. Dahil na din sa katunayan ng kanyang kabaitan, kahit papaano ay nilabanan
pa niya ang katauhan ni Hyde ngunit huli na dahil mas nangibabaw na ito at hindi na niya kaya pang
ibalik ang kanyang dating nakaugalian. Ngunit para sa akin, ang katauhan ni Henry Jekyll ay
kinakatawan ang katauhan ng bawat isa sa atin na may kanya-kanyang mabuti at masamang katauhan,
nakadepende na lamang ito sa kung anong kapaligiran ang ating kinalakhan, kung paano natin titignan
at pakikibagayan ang mga nakapaligid sa atin at kung paano natin tatanggapin at lalagpasan ang
buhay.

Mr. Edward Hyde


Si Edward Hyde ang katauhan sa kwento na nakilala bilang kontra-bida ng kwneto.
Kabaligtaran ni Henry Jekyll, sa simula pa lang ng kwneto, siya ay isang marahas at masamang tauhan
ng kwento. Siya ay isang kaauhan sa kwento na hindi talaga buhay na tauhan ngunit isang nabuong
katauhan ni Henry Jekyll dahil sa tulak ng kanyang tunay na pag-uugali at ang kanyang kagustuhang
mailabas at maipakilala itong katauhan na ito sa nakararami. Katulad ng nasabi ko kanina, isa itong
pangkaraniwang katauhan ng bawat isa sa atin. Nasa atin na lamang kung paano natin ipapakita sa
mga nakapaligid sa atin ang ating ibang katauhan at kung hahayaan natin na mas mangibabaw ito sa
ating pagkatao. Ngunit dahil sa kwento ay hinayaan ang pangingibabaw ng katauhan ni Edward Hyde
kay Henry Jekyll, pinatutunayan lamang ng kwento na ang isang bagay na nasira na ay hindi na muli
pang maibabalik sa dati, katulad ng kanyang katauhan na kahit dati ay puro kabutihan ang nakikilala
sa kanya, nang nabuo si Hyde ay mas nangibabaw na ito at hindi na maibabalik ang dating katauhan ni
Henry Jekyll.

You might also like