Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

H
E
K
A
S
I

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

KABABAIHAN SA PANAHON
NG AMERIKANO

5
Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION


2nd Floor Bonifacio Building
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City

Revised 2010
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),
DepEd - Division of Negros Occidental
under the Strengthening the Implementation of Basic Education
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:


No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.
This material was originally produced by the Bureau of Elementary
Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

This edition has been revised with permission for online distribution
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported
by AusAID.

GRADE V
KABABAIHAN SA PANAHON
NG AMERIKANO
ALAMIN MO

Sa pagdating ng mga Amerikano naging kapansin-pansin ang mga


pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Naging mabilis ang takbo ng buhay
dahil sa mga makabagong daan, tulay, sasakyan, radyo, kuryente, telegrapo at
iba pang kagamitan. Malaki rin ang ipinagbago sa pamumuhay na sosyal ng mga
Pilipino. Isa na rito ang katayuan sa lipunan ng mga kababaihan.
Ano ang naging katayuan sa lipunan ng mga kababaihan sa panahon ng
Amerikano?
Ito ang pag-aaralan natin sa modyul na ito.
Handa ka na ba?

PAGBALIK-ARALAN MO

Panuto: Isulat ang T sa iyong kuwadernong sagutan kung ang gawaing


ginampanan ng babae ay tradisyunal at DT kung hindi.
1. Mga gawaing-bahay ang palaging ginagawa ni Alma araw-araw.
2. Naglilingkod si Ana bilang kalihim sa isang malaking tanggapan.
3. Di nakalalabas ng bahay si Nena sapagkat ayon sa kanyang asawa,
tungkulin niyang mag-asikaso sa kanyang pamilya.
4. Pinangangansiwaan ni Anita ang kanilang mga ari-arian.
5. Si Dra. Ma. Xena Geran ay maraming pasyente araw-araw.
1

PAG-ARALAN MO

Tingnan mo ang larawan. Ano ang isinasaad nito?


Basahin at unawain mo ang teksto sa ibaba.
Isa sa mahalagang nagawa ng Amerika sa bansa ay ang
pagkakaroon ng kalayaan ng mga kababaihan sa mga panlipunan at
pampulitikang gawain na di nila natamasa noong panahon ng Espanyol.
Ang kababaihan ay di na pantahanan lamang. Malaya na silang
nakalalabas at maaari nang makihalubilo sa kalalakihan. Nakadadalo sila
sa mga kasayahan na di na kailangang may bantay. Pinayagan na silang
maghanapbuhay sa mga pagawaan at mga tanggapan, dumalo sa mga
pampulitikang pagpupulong, at makilahok sa mga isports.
Nabigyan din ng kalayaan ang mga kababaihan na makapag-aral
sa mataas na antas ng edukasyon at maisagawa ang mga propesyon na
dati ay para sa mga lalaki lamang. Nakapipili na sila ng mga kursong pagaaralan tulad ng medisina, manananggol, inhinyerya at iba pa.
Natamasa rin nila ang mga pampulitikang karapatan tulad ng
paglilingkod sa pampublikong tanggapan at malayang pagpapahayag ng
sariling opinyon. Ang mga ito ay di nila naranasan sa panahon ng
Espanyol.
2

Sagutin mo:
1. Anu-anong mga kalayaan ang natamo ng mga kababaihan sa
panahon ng Amerikano?
2. Tinatamasa rin ba ang mga kalayaang ito ng mga kababaihan
sa kasalukuyan?

PAGSANAYAN MO

Isulat sa tamang hanay kung ang sumusunod na paglalarawan sa mga


kababaihan ay naganap sa panahon ng Espanyol o sa panahon ng Amerikano.
Titik lamang ang isulat.

a.
b.
c.
d.
e.
f.

Panahon
ng
Espanyol

Panahon
ng
Amerikano

_____
_____
_____

_____
_____
_____

Nananatili lamang sa tahanan upang asikasuhin ang pamilya


Malayang nakadadalo sa mga kasayahan
Nakapaglilingkod sa mga tanggapan
Kapag lumabas ng tahanan ay may kasamang bantay
Nabigyan ng pagkakataon na makatapos ng kurso
Hindi pinapayagang makisalamuha sa mga kalalakihan
3

TANDAAN MO

Natamasa ng mga kababaihan ang kalayaang panlipunan at pampulitika


sa panahon ng Amerikano tulad ng:
Kalayaang makihalubilo at dumalo
sa mga kasayahan
Kalayaang maghanapbuhay at
pumasok sa mga tanggapan
Kalayaang makamit ang mataas
na antas ng edukasyon

ISAPUSO MO

Sagutin mo:
1. Pangarap mong maging isang manggagamot sa hinaharap. Anuanong mga balakin ang iyong gagawin upang matamo mo ang
pangarap na ito?
2. Binigyan ka ng pagkakataon na maipahayag ang iyong saloobin.
Paano mo ito isasagawa?

GAWIN MO

Gumuhit ng mga larawan tungkol sa pananamit o hitsura ng mga babae


sa panahon ng Espanyol at sa panahon ng Amerikano.
Panahon ng
Espanyol

Panahon ng
Amerikano

PAGTATAYA

Paghambingin mo ang kalagayan sa lipunan ng mga kababaihan sa


panahon ng Espanyol at panahon ng Amerikano.

Panlipunang Katayuan sa Lipunan


ng mga kababaihan sa:
Panahon ng Espanyol

Panahon ng Amerikano

Isaalang-alang ang sumusunod na mga bagay:


1.
2.
3.
4.
5.

gawain sa tahanan
edukasyon
pagdalo sa mga kasayahan
paglahok sa mga pampulitikang gawain
mga sayawin

PAGPAPAYAMANG-GAWAIN
Magsaliksik ka tungkol sa mga kababaihang lumahok sa rebolusyon
noong panahon ng Amerikano. Gumawa ng album tungkol dito.

Binabati kita at matagumpay mong


natapos ang modyul na ito! Maaari mo
na ngayong simulan ang susunod na
modyul.

You might also like