Professional Documents
Culture Documents
Ang Agila at Ang Kalapati
Ang Agila at Ang Kalapati
Mayabang na inilatag ng Agila ang malapad niyang pakpak sa kaitaasan. Nang mapansin ng
aroganteng Hari ng mga Ibon na ikinakampay din ng mabagal na kalapati ang mga puting
pakpak nito ay naghamon ang Agila.
"Hoy, Kalapati. Lalaban ka ba sa akin sa pabilisan ng paglipad?"
Sa sobrang yabang ng Agila ay naisip ng Kalapating bigyan ng aral ang humahamon.
"O sige," sagot ng Kalapati, "kailan mo gustong magtunggali tayo?"
Hindi ipinahalata ng Agila na nagulat siya sa matapang na kasagutan ng hinamon.
"I... ikaw ang bahala kung kailan mo gusto."
Napansin ng Kalapati na nakaamba ang maitim na ulap sa kalawakan. Alam niyang ilang sandali
lamang ay uulan na.
"Kung payag ka ay ngayon din. Upang maging masaya ang laban, kailangang may kagat-kagat
tayong anumang bagay sa paglipad natin. Dadalhin ko paitaas ang isang tipak ng asin. Ikaw
naman ay magdadala ng isang bungkos ng bulak. Payag ka ba?"
Isang tigre ang naglalakad. Naghahanap siya ng mapagpapahingahan. Nakakita siya ng isang
malilim na puno. Agad siyang nahiga sa ilalim nito. Ngunit bigla siyang napatayo! May
naramdaman siyang kumagat sa kanya. Inalam niya kung ano ito. Isang langgam ang nakita
niyang papaakyat na sa puno.
"Hoy, Langgam! Ikaw ba ang kumagat sa akin?" usig niya sa langgam.
"Pasensya ka na. Hindi ko sinasadya. Nasaktan kasi ako nang ako'y mahigaan mo," paliwanag
ng langgam.
"Kayliit mo'y ang tapang mo! Gusto mo bang lumaban sa akin?" hamon ng tigre sa langgam.
"Aba, hindi! Paano ako lalaban sa iyo ay ang laki-laki mo?" mabilis na sagot ng langgam.
"Lalong hindi ako papayag na pakawalan ka na lang pagkatapos mo akong kagatin. Bumaba ka
riyan at harapin mo ako!" galit na sabi ng tigre.
"O sige na nga. Pero dahil malaki ka, tatawag ako ng aking mga kasama," wika ng langgam.
"Sige, tawagin mo pa ang buong lahi mo. Wala kayong laban sa akin," mayabang na sagot ng
Tigre.
"Ngayon ay alam ko na. Kahit pala kayo maliliit ay hindi ko kayang talunin dahil may
pagkakaisa kayo," malumanay na sabi ng tigre.
"Kung gayon hindi mo na kami aapak-apakan, maging ang ibang maliliit na hayop dito sa
gubat?" tanong ng langgam.
"Oo, ipinangangako ko," sagot naman ng tigre.
Hindi na sumagot ang langgam. Lumakad na ito kasunod ang mahabang pila ng mga kasamang
langgam. Alam niyang magbabago na ang tigre.
Nakaalis na ang mga langgam ay tulala pa rin ang tigre. Hindi pa rin siya makapaniwala sa
nangyari sa kanya. Dati'y halos lahat ng hayop sa gubat ay takot sa kanya. Langgam lamang
pala ang katapat niya.