Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


1. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptib-analitik na
pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang masamang epekto ng pagunlad ng teknolohiya sa ating bansa.

2. Paraang Pampananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga
mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na naglalayong makapangalap
ng mga datos.
Nagsagawa rin ng pangagalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa ibatt
ibang mga hanguan sa aklatan ng mga aklat, tisis, proposal, disertasyon, pamanahong-papel.
Kumukuha rin ang mga mananaliksik ng mga impormasyon sa internet.

3. Respondente ng Pag-aaral
Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral na nasa kolehiyo
sapagkat sila ang makatututulong sa pangangailangan sa pamanahong papel na ito . Pinili namin

ang mga mag-aaral dahil sila ang nakakaalam ng mga bagong teknolohiya ngayon. Sila din ang
madalas gumamit ng mga napapanahong gamit sa telekomunikasyon.

4. Triment ng mga Datos


Dahil ang pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi
naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis at disertasyon, walang
ginagawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng
matataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa
bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoneyr ang inalam ng mga mananaliksik.
Samakatwid, ang pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinailangang gawin ng mga
mananaliksik.

You might also like