Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

ANG PARTHENON

By: Dean Aljohn C. Imasa


Ang Parthenon sa Athens ang pinakapopular na natitirang gusali ng Sinaunang Gresya at
isa rin ito sa pinakapopular na gusali sa buong mundo.
Ang Parthenon ay nakatayo na sa Acropolis ng Athens ng halos 2500 years at itoy ginawa
para pasalamatan si Athena, ang patron ng Athens, para sa kaligtasan ng Athens at ng Gresya sa
Persian War. Ang gusaling ito ay ay opisyal na pinangalanan na The Temple of Athena the Virgin
o Parthenon na nanggaling sa salitang Greek na Parthenos o Virgin.
Sa buong mga taon na itoy nagawa, ang Parthenon ay nagsilbi bilang isang importanteng
temple para sa mga Greeks, pero itoy itinuring rin bilang isang kayamanan, isang kuta, isang
simbahan at isang moske. Ngayon, ito ay kinikilala bilang isa sa pinakadinadayuhan ng mga turista
na galling sa ibat-ibang sulok ng mundo. Ito rin ang itinuturing na isa sa pinakamahal na
istrukturang ipinagawa sa kasaysayan ng Gresya.
Ito ay ginawa ni Phidias, isang iskultor, sa panahon ni Pericles. Ang mga arkitekto ay sina
Iktinos at Kallikrates. Ang layunin ng paggawa nito ay para mabigyang bahay ang isang 40ft kataas
na istatwa ni Athena Parthenos.
Ang paggawa nito ay nagsimula noong 447 BC at itoy natapos noong 438 BC, pero ang
mga dekorasyon nito ay natapos pa noong 433 BC. Noong sinalakay ng Romans ang Gresya,
pinalitan nila ang Parthenon bilang isang Christian Church na inihahandog kay Theotokos o si
Virgin Mary. Ito ang isa sa nagdulot ng pagkasira ng mga iskulura, dekorasyon at columns sa
Parthenon. Nang napasailalim naman ng Ottomans ang Gresya, ang Parthenon ay naging isang
moske. Ang mga Ottomans ay nagbibigay halaga sa mga sinanunang monumento kaya hindi nila
masyadong sinira o ginilaw ang Parthenon.
Stylobate ang tawag sa pinapatungan ng mga columns habang entasis naman ay ang mga
kurba na makikita sa columns habang itoy tumataas. Ang base ng Parthenon ay may width na
30.9 m at length na 69.5 m. Ang cella o inner walls naman ay mayroong 19.2 m na width at 29.8
m na length. Ang mga columns naman ay may diameter na 1.9 m at may taas na 10.4 m. Ito ay
gawa halos sa marble at ang istatwa ni Athena ay gawa naman sa gold at ivory.
Napahalagahan ang Parthenon sa pamamagitan ng pagsecure ng lokasyon nito at hindi
pag-iba sa kung ano man ang ginawa o nangyari doon sa mga sinaunang panahon. Sa ngayon
naging parte na ang Parthenon sa mga Classical na arkitektura. Mayroon ng replica ng Parthenon
sa Nashville, Tennessee, USA, na siyang nagpapakita kung ano ang maaaring hitsura ng Parthenon
noong itoy bagong gawa pa lamang. Hindi lamang ang pisikal na ideya ng Parthenon ang
pinahahalagahan dito, kundi pati na rin ang mga pahiwatig at gamit nito sa siyudad.

You might also like