Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

NCR

Pambansang Punong Rehiyon


Sentro ng Edukasyon, Komersyo, Kultura at Pamahalaan Tungo sa Kaunlaran
Ano sa
tingin
moa ng
dahilan
ng
pagdami
ng
populasy
on sa
NCR sa
kabila
pagiging
pinakama
liit nitong

Sa bisa at Atas ng Pangulo Blg. 824 noong Nobyembre 7, 1975, itinatag ang National Capital Region
(NCR) o Pambansang Punong Rehiyon. Tinawag din itong Metropolitan Manila (Metro Manila) o
Kamaynilaan. May lawak na 636 kilometro kwadrado, ito ang pinakamaliit na rehiyon ngunit may
pinakamalaking populasyon sa buong bansa. Isa sa mga pinakamaunlad ang NCR kung ang
pinagbabatayan ay ang pagiging sentro nito ng pamahalaan, edukasyon, kultura, sining, relihiyon,
kalakal, at industriya. Subalit hindi maikakaila angh kaakibat o kakabit nitong mga problema na dapat
bigyan ng kalunasan.
Nasa dakong gitna ng Luzon, ang Pambansang Punong Rehiyon ay isang malawak na kapatagan na
naliligiran ng Look ng Maynila sa kanluran, lalawigan ng Bulacan sa hilaga, lalawigan ng Rizal sa silangan,
at Cavite at Laguna sa bandang timog.
Dahil sa lokasyon ng NCR na nakabaybay sa Look ng Maynila, matatagpuan ditto ang maayos na
pantalan o daungan ng mga barko at maliit na sasakyang pantubig. Ang mga barkong ito ay nagmula pa
sa ibat ibang dako ng bansa at ng daigdig.
Ang Ilog Pasig ang humahati sa rehiyon at dumadaloy palabras sa Look ng Maynila. Ito ang ginagawang
daanan para mailuwas ang mga produkto mula sa mga karatig-lugar.
Ang Metro Manila ay may mahuhusay at makabagong lansangan, tulay, at mga sasakyan. Ang LRT (Light
Rail Transit) at ang MRT (Metro Rail Transit) ay nakatutulong sa paglutas ng problema sa polusyon at
trapiko. Ang mga flyover at overpass ay nakikita sa mga pangunahing lansangan. Narito rin ang
pinakamalaki at modernong paliparan sa bansa. Ang Ninoy Aquino International Airport ang nag-uugnay
sa Metro Manila sa ibat ibang lalawigan at mga bansa.
Mga Lalawigan sa NCR
Mayroong 17 lalawigan ang rehiyon. Suriing mabuti ang mapa sa ibaba para malaman ang lungsod at
bayan ng rehiyon.
Tunghayan ang talahanayan para sa karagdagang impormasyon.

Lalawigan
Caloocan
Las Pinas
Mandaluyong
Makati
Malabon
Maynila
Marikina
Muntinlupa
Paranaque
Pasay
Pasig
Quezon
Taguig
Valenzuela
Navotas
Pateros
San Juan

SUKAT NG LUPA
(kilometro kwadrado)

POPULASYON
(Ayon sa Mayo 2000 National
Census)

3.33
41.54
11.26
29.9
15.76
38.3
33.97
46.7
47.69
19.00
31.00
166.2
45.38
44.58
10.77
2.10
5.94

1, 177, 604
472, 780
278, 474
444, 867
338, 855
1, 581, 082
391, 170
379, 310
449, 811
354, 908
505, 058
2, 173, 831
467, 375
485, 433
230, 403
57, 407
117, 680

Caloocan
Tinukoy ng mga katutubo ng Caloocan ang kanilang lugar bilang Lo-ok na nangangahulugang nasa
looban dahil ito ay nasa sulok ng mga bayan ng Tondo at Tambolong (lumang pangalan ng Malabon)
Dumating ang mga Espanyol na paring Agustino at tinawag itong Caloocan.
Ang Caloocan ay dating tahimik na bayan ng lalawigang Rizal. Naging ganap na lamang na lalawigan ito
noong 1961. Sa pagdaan ng mga taon, dumami ang mga pabrika at magkakatabing bahay-kalakal nito.
Las Pinas
Isang lugar malapit sa pampang ng Look ng Maynil, ang Las Pinas ay nabibigyan ng parangal sa
proyektong Cleanest and Greenest ng ating pamahalaan. Kilala rin ito sa pangisdaan at paggawa ng asin.
Ang paggawa ng mga dyipning Sarao ay ipinagmamalaki rin ng lugar. Nguni tang kaisa-isang Organong
kawayan (bamboo organ) sa buong mundo ang mas nagpasikat ditto. Ito ay matatagpuan sa Simbahan
ng Las Pinas.
Mandaluyong
Isa pa ring bahagi ng lalawigang Rizal noon, ang Mandaluyong ay tanyag sa mga tindahan, tanggapan at
mga mga bahay-kalakal sa buong kahabaan ng Shaw Boulevard nito. Ang malalaking lugar pasyalang ng
Mega Mall at Shangri-la Plaza ay matatagpuan sa lungsod ng Mandaluyong.

Makati
San Pedro Makati o Sampiro ang tawag noon sa lugar dahil sa santong patron nitong si San Pedro. Ang
salitang Makati ay local na panawag sa mababang tubig na nararanasan ng pook sa may pampang ng Ilog
Pasig pagkatapos ng pagbaha. Di nagtagal, Makati na lang ang ipinangalan dito.
Naging bayan din ng Rizal ang Makati. Noong 1975, napasama ito sa NCR.
Ang Makati ay malawak at bang lupain at tinutubuan ng kogon at nilulubluban ng mga kalabaw noong
unang panahon. Wala raw pakinabang ito ayon sa mga Espanyol. Noong 1948 maisipan ng mga angkang
Ayala-Zobel-Roxas na bigyan ng pagbabago ang buong lugar. Ngayon, matatayog na gusali at bahaykalakan ng mga dayuhan ang narito. Manhattan ng Pilipinas ang tawag nila rito.
Maynila
Ang lungsod ay nasa bandang gitnang kanluran ng NCR. Ito ang may pinakamalaking populasyon sa
buong rehiyon kahit hindi kalakihan ang sukat ng lupa. Dahil sa magandang lokasyon nito, mula pa noon,
ito na ang pinakamahalagang lungsod sa buong bansa. Narito ang opisyal na tirahan ng Pangulo ng
Pilipinas, mga Punong tanggapan ng pamahalaan, at mga gusaling pangkalakalan at pampubliko, mga
aklatan, malalaking pagamutan, lugar pangkultura, pasyalan at mga simbahan. Sari-saring kainan, mga
bangkio, hotel at ilang embahada (embassies) ng ibang bansa ang narito rin.
Ang pangalang Maynila ay galing sa dalawang Tagalog na salitang may at nilad. Ang nilad ay isang uri ng
punong tumutubo noon sa baybayin. Ito ay may mapuputing bulaklak na ginagamit ng mga katutubo
bilang panlinis at pampaputi ng mga nilabhang damit.

You might also like