Approve

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1.

Lemon Juice:
Ipahid ang juice sa mismong area na gusto mong pumuti. Hayaan nakababad ang balat sa juice ng
15 minutes. Banlawan ng tubig. Pahiran ng moisturizer ang katawan upang hindi ito maging dry.
Kung nais paputiin ang mukha, gumawa ng paste mula sa mga sumusunod na ingredients: one
teaspoon of milk, one half teaspoon of almond oil, one teaspoon of honey and one teaspoon
of lemon juice.
Ipahid sa mukha ang mixture at hayaan ito ng 15 minutes. Banlawan ang mukha ng malamig na
tubig.

2. Patatas:
Balatan ang patatas. Maghiwa ng isang piraso. Ito ang ipahid sa area na nais pumuti. Ang isang
paraan ay i-blender ang patatas, pigain ang juice at ito ang ipahid sa balat. Haluan ng calamansi
juice ang patatas upang hindi mangitim.

3. Lemon, Kamatis at Pipino:


I-blender ang 2 pirasong kamatis at isang pipino. Pigain ang juice at salain sa malinis na kamiseta.
Ihalo ang juice ng isang pirasong lemon sa napigang juice ng kamatis at pipino. Ito ang ipahid sa
balat na nais pumuti. Hayaang nakababad ang juice sa balat hanggang 15 minutes at saka
banlawan.

4. Oatmeal:
Paghaluin ang 1 cup oatmeal, 1/2 cup yogurt at 2 tablespoon tomato juice hanggang maging
paste. Ipahid sa balat at hayaang nakababad ng 20 minutes. Banlawan ng malamig na tubig.
Dapat ay gawing regular ang paggamit ng mga nabanggit na pampaputi. Hindi iyan makukuha sa
isang pahiran lamang.

You might also like