Pagbibigay Kapangyarihan Sa Kababaihang

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan

ng Estadistikang Kasarian
Babae, pasakop kayo sa inyong asawa, isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat at naging
panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon. Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga
walang permanente sa mundo. Ang dating kiming tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa
karahasan sapagkat hindi na matanggap ang dinaranas na kaapihan. Kaniyang ipinaglaban ang sariling
karapatan upang makapagpasiya sa sarili. Lakas-loob din niyang hiningi ang karapatang maisatinig ang
matagal nang nahimbing na pagnanasang maging katuwang hindi lamang sa tahanan kundi maging sa
paghubog ng lipunan para sa isang maunlad, matahimik, at kaaya-ayang kinabukasan. Sa ngayon, ang
kababaihan ay unti-unting na ring napahalagahan. Hindi man ito maituturing na ganap dahil sa patuloy
na mga karahasang pantahanan na pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual
harassment na madalas ay daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga suliraning pambansa.
Ang babae ay katuwang sa pamumuhay. Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga ipinag-uutos
ng ilang nag-aastang Panginoon. Silay karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring
nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya.
Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa
lahat ng panahon. Marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigayproteksiyon sa
mga kababaihan. Ilan sa mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog Hotline, at marami pang iba. Patuloy ang mga
samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at
kababaihan. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat
ipakipaglaban ng mga kababaihan.

You might also like