Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Number 4

Catan, Angelli Monique C.


BAMP 2-A
Oktubre 9, 2014
Makling Kuwento 1
Pagsuri sa Maikling Kuwento

Lugmok na ang Nayon


ni Edgardo M. Reyes

Sa kuwento ni Edgardo M. Reyes ay makikita ang pagsasalamin niya sa tunay na


kalagayan ng isang nayon. Isinalaysay niya na sa kabila ng kahirapan ng nayon ay nagawa pa rin
ng mga tao na magbigay ng regalo. Ipinapakita nila na ang mga tao sa nayon ay may hospitalidad
sa mga bisita lalo na sa mga kamag-anak ngunit ang pagiging hospitalidad na ito ay inaabuso ng
mga nakalalamang sa kanila. Sa kuwento o kahit sa totoong buhay ay tradisyon na ang
pagbibigay ng regalo sa ikakasal ngunit kung minsan ay kahit wala ka ng maibigay ay
magsasakripisyo ka makaabot ka lamang ng kaunti.
Ang paraan ng pagkuwento ni Edgardo M. Reyes ay malinaw at diretso. Hindi siya basta
nagsasalaysay lang kung hindi ay ipinapakita din niya ang bawat pangyayari. Detalyado ang
bawat eksena, kahit hindi eksakto ang mga salita ay naipapakita at napaparamdam niya ang
bawat pangyayari, kahit gaano kaikli ay buong buo pa rin ang diwa at daloy ng kuwento.
Malinaw ang pagkakasunod-sunod ng eksena dahil sa detalyado at malinis na paraan ng

pagkukuwento. Mararamdaman mo ang nararanasan ng tauhan dahil ipaparamdam talaga sayo


gamit lamang ang mga salita.
Kung iisipin ay iba ang nayong ikinukuwento ni Edgardo M. Reyes sa nakasanayan at
alam natin. Ipinakita niya ang tunay na mukha at kalagayan ng nayon sa panahong iyon o kahit
sa panahon din ngayon. Inilarawan niya ang mga di kagandahang katangian ng nayon at ng mga
tao dito. Ipinakia din niya ang pananamantala ng ibang tao tulad ni Vic sa kuwento.
Mapapansing wala nang pera o kapos sa buhay ang mga tao sa nayon pero nakuha pa rin ni Vic
na hingian ng regalo ang mga tao.
Realismo ang teoryang pampanitikan ng kuwenton Lugmok na ang nayon dahil
ipinapakita nito tunay na kalagayan ng nayon o isang lugar sa kabila ng mga nakikita ng ibang
tao. Makikita agad sa pamagat na sa umpisa pa lang ay mahirap na sila pero ginawa ni Edgardo
M. Reyes ay ipinakita niya na kahit lugmok na ang pamayanan ay gagawa sila ng paraan
makapagbigay lamang ng regalo na hanggang ngayon ay tradisyon pa rin ng mga tao.

You might also like