(ni Narmie P. Maulingan- Asuncion ALS CLC) Ang mga karanasan sa buhay ng tao ay bahagi na ng ating buhay. Ito ay nakaukit o nakatadhana na sa atin. Kakambal ito ng ating pagkatao, sapagkat ito ay kaloob ng Panginoon. Ang pagkamatay ng aking ama, ang karanasang kailan man ay hindi mawawala sa aking isipan at kalooban. Naranasan ko ang buhay na nakikisimpatiya sa ama ng aking mga pinsan. Naging miserable ang buhay naming mag-ina na naging ugat din ng pagkaroon niya ng sariling pamilya. Iniwan niya kami sa aming lolo at lola. Halos hindi mawala ang sakit ng aking kalooban ang karanasang iyon. Naranasan kong mainggit sa iba na kumpleto at masaya dahil may ama at ina na sumusuporta sa kanilang pagaaral. Naranasan kong mahinto sa pag-aaral dahil sa kahirapan at kawalan ng magulang na gumagabay. Gayunpaman, ang karanasang ito ang nagpatatag sa akin. Ang karanasan ding ito ang nagturo sa akin upang magkaroon ng tiwala sa sarili. Nagpapasalamat din ako nasa kabila ng pagsubok na dumaan sa akin ay hindi ako pinabayaan ng Panginoon. Anumang buhay mayroon tayo ngayon ay mula sa Poong Maykapal. Lahat ng pagsubok ay may nakalaang solusyon. Isipin natin na kung naging masalimuot o naging madilim man ang buhay natin sa ngayon, laging bukas ang ating pananaw na sa huli ay may nakalaang liwanag para sa atin.