Pangulo NG Pilipinas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

qwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyui

opasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfgh
jklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvb
Pangulo ng Pilipinas
nmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwer
Talambuhay, Programa at Proyekto
tyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopas
Jayvee B. Evangelista
dfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzx
cvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmq
wertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuio
pasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghj
klzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbn
mqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwerty
uiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdf
ghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxc
vbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmrty
uiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdf
ghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxc
Page | 1

Page |2

Emilio Aguinaldo
Unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Hunyo 12, 1898 - Marso 23, 1901
Mga Personal na Tala sa Buhay
Araw ng pagkasilang: Marso 26, 1869
Lugar na sinilangan: Kawit, Cavite
Ama: Carlos Aguinaldo
Ina: Trinidad Famy
Unang maybahay: Hilaria del Rosario
Ikalawang maybahay: Maria Agoncillo
Araw ng kamatayan: Pebrero 6, 1964
Lugar kung saan namatay: Quezon City
Sanhi ng kamatayan: Atake sa puso
Edad nang mamatay: 95
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

Itinanghal na Cabeza de Barangay sa gulang na 17.


Sa edad na 26 ay nahalal bilang Capitan Municipal na ang katumbas ng posisyon ay
Gobyernadorcillo.

Sumapi sa samahang Masonry (na kinabibilangan rin ni Jose Rizal, Apolinario Mabini, Juan Luna,
Marcelo del Pilar at Graciano Lopez Jaena) sa layuning mapabuti ang kalagayan ng bayan.

Siya ang kusang nagsadya kay Andres Bonifacio upang sumanib sa Katipunan.

Pinuno ng pangkat Magdalo ng Katipunan sa Cavite.

Pinangunahan ang kanyang mga lawal sa pagkakapanalo sa mga labanan ng Kawit, Imus at
Binakayan sa Cavite.

Pangulo ng Pamahalaang rebolusyonaryo, Kapulungang Tejeros.

Sumang-ayon sa kasunduan sa pact of Biak-na-Bato na nilagdaan nya noong Disyembre 14, 1897
dahil sa paniwalang hindi na mapagtatagumpayan ang digmaan.

Pumayag sa kusang loob na pagkakatapon sa Hongkong kapalit ng bayad-pinsala (sinasabing P


400,000.00) na ginamit nman nya sa pagbili ng mga armas na inilaan sa pagbabalik sa bansa.

Sa pagsiklab ng digmaang Estados Unidos at Espanya noong Abril 1898 ay nakipagkasundo kina
Commodore George Dewey ay U.S. Consul Pratt na pagsanibin ang Hukbong Amerikano at Pilipino
laban sa mga Kastila.

Nagbalik sa bansa noong Mayo 19, 1898 at iprinoklama ang kasarinlan nito noong Hunyo 12, 1898.

Page |3

Si Emilio Aguinaldo mismo ang nagdisenyo sa bandila ng Pilipinas na iwinagayway sa balkonahe ng


kanyang bahay sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898.

Pinanguluhan ang Pamahalaang Rebolusyunaryo makaraang buuin ang Kongreso sa Malolos at


ratipikahin ang kasarinlan at konstitusyon nito noong Enero 21, 1899.

Naglaho ang pangarap ni Emilio Aguinaldo na makapagsarili at mapalaya ang bansa sa kamay ng mga
Amerkano nang madakip ni Heneral Frederick Funston at ng mga tauhan nito sa Palanan, Isabela
noong Marso 23, 1901.

Napilitang manumpa ng Katapatan sa pamahalaang Amerkano noong Abril, 1901.

Nagretiro sa pagiging pangkaraniwang mamamayan makaraang maitatag ang pamahalaang kolonyal


ng Amerika.

Tumakbo bilang pangulo sa isang halalang pampanguluhan noong 1935 ngunit natalo siya ni Manuel L.
Quezon.

Nagtatag ng Asociacion de los Veteranos de la Revolucion, isang samahan ng mga lumalaban sa mga
Kastila at mga Amerikano upang magkamit ng benepisyo.

Manuel L. Quezon
Unang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas
Nobyembre 15, 1935 - Agosto 1, 1944
Mga Personal na Tala sa Buhay
Araw ng pagkasilang: Agosto 19, 1878
Lugar na sinilangan: Baler, Tayabas
Ama: Lucio Quezon
Ina: Maria Dolores Molina
Maybahay: Aurora Aragon
Mga anak: Maria Aurora, Zenaida at Manuel, Jr.
Araw ng kamatayan: Agosto 1, 1944
Lugar kung saan namatay: Saranac Lake, New York, U.S.A.
Sanhi ng kamatayan: Tuberkulosis
Edad nang mamatay: 66

Page |4
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad Bilang Pangulo
Ekonomiya
Ang kondisyon sa ekonomiya ng Pilipinas na nasa ilalim ng Estados Unidos ay matatag. Ang kalakalang
pandayuhan ay umabot sa kasagsagang 400 milyong piso. Ang pagluluwas ng mga pananim ay maganda
maliban sa tabako. Ang halaga ng mga inululuwas ng Pilipinas ay umabot ng 320,896,000 piso na
pinakamataas simula 1929. Ang mga kinita ng pamahalaan ay umabot ng 76,675,000 piso noong 1936 mula
65,000,000 piso ng nakaraang taon. Ang produksiyon ng ginto ay tumaas ng mga 37% at ang bakal sa halos
100% samantalang ang produksiyon ng semento ay lumaki ng 14%. Ang National Economic Council ay nilikha
ng batas. Ito ay nagpapayo sa pamahalaan sa mga tanong na pang-ekonomiya at pangsalapi kabilang ang
pagtataguyod ng mga industriya, dibersipikasyon ng mga pananim, mga taripa, pagbubuwis at pagbuo ng
programang pangekonomiya.
Pambansang wika
Ang isang probsiyon sa kontitusyong ipinatupad ni Queozn ang tanong hinggil sa pambansang wika ng
Pilipinas. Pagkatapos ng isang taong pag-aaral, ang Surian ng Wikang Pambansa na itinatag noong 1936 ay
nagrekomiyendang ang wikang Tagalog ang gawing basehan ng pambansang wika. Ang mungkahing ito ay
mahusay na tinanggap sa kabila ng pagiging katutubong Bisaya ng unang direktor nitong si Jaime C. de
Veyra. Noong Disyembre 1938, si Quezon ay naglabas ng proklamasyon na nagpapatibay sa konsitusyong
ginawa ng Surian at naghahayag na mangyayari ang pagtangap ng pambansang wika sa dalawang taon mula
nito.
Karapatang pagboto ng mga kababaihan
Sinimulan ni Quezon ang karapatang pagboto ng mga kababaihan. Ang 1935 konstitusyon ay nag-aatas na
ang karapatan ay maipagkakaloob kapag ang hindi kaunti sa 300,000 ay aayon sa plebisito. Ang pamahalaan
ni Quezon ay nagutos ng isang plebisito noong 3 Abril 1937. Ang kinalabasan ng plebisito ay pag-ayon ng
447,725 laban sa pagtutol na 44,307
1940 plebisito
Kasabay ng mga lokal na halalan noong 1940, ang isa pang plebisito ay idinaos upang pagtibayin ang
iminungkahing mga susog sa Konstitusyon hinggil sa pagpapanumbalik ng lehislaturang bikameral, ang
termino ng pangulo na itatakda sa apat na taon na may isang muling paghalal at ang pagtatatag ng
independiyenteng Komisyon sa Halalan. Ang mga susog ay pinagtibay at sina Speaker Jose Yulo at
Assemblyman Dominador Tan ay tumungo sa Estados Unidos upang kunin ang pagpapatibay ni Pangulong
Franklin D. Roosevelt na ibinigay nito noong 2 Disyembre 1940. Pagkatapos ng dalawang araw, ito ay
prinoklama ni Quezon

Page |5

Jose P. Laurel
Pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas
Oktubre 14, 1943 - Agosto 15, 1945
Mga Personal na Tala sa Buhay
Araw ng pagkasilang: Marso 9, 1891
Lugar na sinilangan: Tanauan, Batangas
Ama: Sotero Laurel
Ina: Jacoba Garcia
Maybahay: Prudencia Hidalgo
Mga anak: Jose II, Jose III, Sotero Laurel, Natividad, Rosenda,
Potenciana, Mariano, Salvador at Arsenio
Araw ng kamatayan: Nobyembre 6, 1959
Lugar kung saan namatay: Maynila
Sanhi ng kamatayan: Atake sa puso
Edad nang mamatay: 68
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

Sa kabila ng pagiging ilustrado at kakayahang lumikas noong Panahon ng Hapon, pinili niyang harapin
ang pagsubok na dumating sa bansa.

Inatasan ni Pangulong Manuel L. Quezon na makipagkasundo sa mga Hapones sa layuning mailigtas


ang mga kababayan.

Pinaratangang collaborator, taksil sa bayan at maka-Hapon.

Manananggol ng kanyang amang si Sotero Laurel at naging kagawad rin ng Kongreso sa Malolos sa
panahon ng himagsikan.

Nagtamo ng pangalawang pinakamataas na marka sa Philippine Bar nang kumuha ng pagsusulit.

Naging propesor nya sa kursong abogasya si U.S. Supreme Court Chief Justice at naging pangulo ng
U.S. Howard Taft.

May-akda ng aklat tungkol sa batas, ang Constitutional Law of the Philippines.

Naging pansamantalang Chairman ng Constitutional Convention bago nahalal ang naging pangulo nito
na si Claro M. Recto.

Kabilang sa tinaguriang Seven Wise Men na nagsusuri sa ginagawang Saligang Batas.

Naging Pangalawang Kalihim at nang maglaon ay Kalihim ng Panloob noong 1922.

Naging Katulong na Mahistrado, Korte Suprema noong 1936.

Namahayag sa kongreso para sa kapakanan ng interes ng mga Hapon pagbalik galing sa Tokyo
Imperial University sa Japan.

Page |6

Naging Pangulo ng Japanese Sponsored Philippine Republic noong panahon ng pananakop ng Hapon.

Ipinadakip ni Heneral Douglas McArthur sa salang Collaboration kaya ipiniit sa Sugamo Prison malapit
sa Tokyo, Japan.

Nilitis kasama ang ilan pang Pilipinong pinaghinalaang nakipagtulungan sa mga Hapon ng isang
Hukuman ng Taumbayan nang muling maibalik ang pamahalaang Komonwelt.

Nanguna sa dalawampung kandidato sa pagkasenador sa ilalim ng pamamahala ni Quirino.

Hinirang siya ni Pangulong Magsaysay na pamunuan ang Economic Mission kung saan nabuo ang
Laurel-Langley Agreement, isang kasunduang pangkalakalan.

Naging Chancellor ng National Teachers College at nagtatag ng National Economic Development


Authority.

Nagtatag ng Lyceum ng Pilipinas sa Intramuros at ng Philippine Banking Corporation.

Sergio Osmena
Pangalawang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas
Agosto 1, 1944 - Mayo 8, 1946
Mga Personal na Tala sa Buhay
Araw ng pagkasilang: Setyembre 9, 1878
Lugar na sinilangan: Cebu City
Ina: Juana Suico
Unang maybahay: Estefania Chiong Veloso
Ikalawang maybahay: Esperanza Limjap
Araw ng kamatayan: 1961
Lugar kung saan namatay: Veterans Memorial Hospital, Quezon
City
Edad nang mamatay: 83
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

Nagtatag at namatnugot, katulong sina Jaime de Veyra at Rafael Palma ng isang pahayagang
makabayan.

Naging kaklase niya sa University of Santo Tomas sina Manuel Quezon at Emilio Jacinto.

Pangalawang pinakamataas na pumasa sa pagsusulit ng Bar Examinations noong 1903.

Page |7

Nagsilbing Acting Governor ng Cebu (1903) sa edad na 25 kahalili ni Juan Climaco.

Hinirang na Panlalawigang piskal ng Cebu.

Nanalo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu sa Unang Asembleya ng Pilipinas noong 1907
kung saan nahalal siyang ispiker na hinawakan niya sa loob ng 15 taon.

Isa sa tagapagtatag ng kilalang partido. Ang Partido Nacionalista at naging una nitong pangulo.

Nahalal na senador noong 1922.

Kasama si Manuel Roxas ay sinikap nilang mapagtibay ng Pamahalaang Amerikano ang isang
Constitutional Convention na magbibigay daan sa kasarinlan ng Pilipinas.

Natamo ang batas ukol sa Kasarinlan, ang Hare-Hawes-Cutting mula sa Kongreso ng Estados Unidos.

Naging Pangalawang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong Nobyembre 15, 1935.

Nagtungo sa Estados unidos kasama si Quezon upang itatag ang Komonwelt ng Pilipinas sa panahon
ng pananakop ng Hapon.

Tumayong kahalili ni Quezon sa karamihan ng pagkakataon habang ang Pangulong Quezon ay


nagkasakit ng Tuberculosis.

Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1944 nang mamatay si Pangulong Manuel L. Quezon.

Ang pinakamatandang naging pangulo ng Pilipinas sa edad na 67.

Kasama sa makasaysayang paglunsad sa Red Beach, palo, Leyte nina Heneral MacArthur at ang mga
Pilipinong heneral na sina Carlos P. Romulo at basilio Valdez noong Oktubre 20, 1914.

Nagretiro sa pribadong buhay sa Cebu makaraang maitatag ang ikatlong Republika ng Pilipinas.

Manuel Roxas
Huling Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas
Unang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
Mayo 28, 1946 - Abril 5, 1948

Mga Personal na Tala sa Buhay ni Manuel Roxas


Araw ng pagkasilang: Enero 1, 1892
Lugar na sinilangan: Capiz
Ama: Gerardo Roxas
Ina: Rosario Acua
Maybahay: Trinidad de Leon
Araw ng kamatayan: Abril 15, 1948

Page |8
Lugar kung saan namatay: Angeles City, Pampanga
Sanhi ng Kamatayan: Atake sa puso
Edad nang mamatay: 56
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

Naging topnotcher sa Bar examination noong 1913.

Nagtrabaho bilang personal na kalihim ng Kataas-taasang Hukom Cayetano Arellano.

Naging pambayang konsehal ng Capiz.

Nagturo ng Abogasya sa Philippine Law School at National University.

Nahalal na gobernador ng Capiz nong 1919.

Hinirang na chairman sa Kumbensiyon ng mga Gobernador-panlalawigan.

Kumandidato at nanalong kongresista ng Capiz noong 1922.

Naging ispiker ng Kapulungan ng mga kinatawan noong 1935.

Kasama si Osmea ay nanguna siya sa isang misyong ukol sa kasrinlan sa Estados Unidos at
tinulungan din nina Jorge Jacobo, jayme de Veyra at Catalino Lavandia.

Nakamit ng grupo ni Roxas mula sa kongeso ng Estados Unidos ang Hare-Hawes-Cutting Act, ang
batas na nagkakaloob ng kasarinlan ng Pilipinas sa loob ng 10 taon.

Tinanghal na natatanging kinatawan ng Kapulungang Konstitusyonal noong 1934-1935.

Hinirang ni Quezon na maging Kalihim ng Pananalapi.

Naging Chairman of the Board of Directors ng National Economic Council.

Nanguna bilang senador sa halalan noong 1941.

Naglingkod sa Hukbo ng Pilipinas nang sumiklab ang Digmaang Pandaigdig II.

Ayuda-de-Kampo kay Hen. Douglas McArthur sa corrigidor.

Naging Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong Abril 23, 1946.

Naging Pangulo ng Pilipinas sa Panahon ng Pananakop ng mga Hapon.

Pinamunuan niya ang Preparatory Commission for Philippine Independence na may layuning himukin
ang mga Pilipino na sumuko na at makipagkaibigan na lamng sa mga Hapones.

Katulong na bumuo ng Saligang Batas ng Japanese-Sponsored-Philippine Republic.

Tinangkang patayin noong Hulyo 5, 1943 ng mga taong galit sa kanya dahil sa pakikipagkaibigan niya
sa mga Hapon.

Nahuli ng mga kalabang Hapon sa Mindanao at ibinilanggo sa Camp Caisag.

Nakipagtulungan sa Estados Unidos para sa gawaing pang-ekonomiya upang maiangat ang


kabuhayan ng bansa na sinalanta ng digmaan.

Sa ilalim ng kanyang pamamahala nagkarron ng kasunduan tungkol sa Philippine Trade Act of 1946
kung saan nabuo ang malayang pakikipag-kalakalan ng Amerika sa Pilipinas.

Page |9

Agarang nahirang sa tungkulin sanhi ng pagpalit ng uri ng pamamahala mula Komonwelt tungo sa
Republika.

Elpidio Quirino
Ang Ikaanim ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Abril 17, 1948 - Disyembre 30, 1953
Mga Personal na Tala sa Buhay
Araw ng pagkasilang: Nobyembre 16, 1890
Lugar na sinilangan: Vigan, Ilocos Sur
Ama: Mariano Quirino
Ina: Gregoria Rivera
Maybahay: Alicia Syquia
Mga Anak: Armando, Norma at Fe
Araw ng kamatayan: Pebrero 29, 1955
Lugar kung saan namatay: Novaliches, Quezon City
Edad nang mamatay: 65

Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

May taguring Arkitekto ng Pambansang Ekonomiya.

Nagtrabaho bilang kawani sa Maynila Police Department upang matustusan ang pag-aaral.

Nagtrabaho sa Kawanihan ng Mga Lupain.

Personal na Kalihim ni pangulong Quezon, komisyonado ng Pilipinas at Senado.

Naging kinatawan ng Ilocos Sur sa Pambansang Asembleya.

Kinatawan ng Pilipinas sa International Bar Conference sa Peking, China noong 1921.

Dalawang pagkakataong nahalal na senador (1925 at 1945).

Hinirang na maging Kalihim ng Pananalapi noong panahon ni Pangulong Manuel L. Quezon.

Kapanabay ng Kalihim ng Ugnayang Panlabas noong panahon ng komonwelt.

Nanungkulan sa Panguluhan sanhi ng biglang pagkamatay ni Pangulong Roxas noong 1948.

Sa panahon niya tinambangan at pinatay ng mga Huk ang dating Unang Ginang Aurora Aragon
Quezon.

Napanumbalik ang kapayapaan at katiwasayan ng bansa sa pagkalupig ng HUKBALAHAP sa tulong


nang itinatalagang Kalihim ng Tanggulan ng bansa na si Ramon Magsaysay.

Sa panahon niya itinatag ang mga Bangko Rural at Bangko Sentral ng Pilipinas.

P a g e | 10

Ramon Magsaysay
Ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Disyembre 30, 1953 - Marso 17, 1957

Mga Personal na Tala sa Buhay


Araw ng pagkasilang: Agosto 31, 1907
Lugar na sinilangan: Iba, Zambales
Ama: Exequiel Magsaysay
Ina: Perfecta del Fierro
Mga Anak: Teresita, Milagros at Ramon, Jr.
Araw ng kamatayan: Marso 17, 1957
Lugar kung saan namatay: Bundok Manunggal, Cebu
Sanhi ng Kamatayan: Bumagsak ang eroplano niyang sinasakyan
Edad nang mamatay: 50
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

Upang matustusan ang pag aaral ay nagtrabaho bilang tsuper ng dyipni at mekaniko sa kumpanya ng
mga sasakyan na pag aari ng mga Ynagco, naging superbisor at kalaunan ay naging manager ng
sangay nito sa Zambales.

Nagboluntaryong maglingkod sa hukbong sandatahan ng Pilipinas.

Umanib kay Tenyente Koronel Thorpe noong 1942, bago pa man sumuko ang Batan.

Hinirang na Military Governor ni Heneral Douglas MacArthur sa Zambales.

Itinatag ang Puwersang Gerilya ng Kanlurang Luzon makaraang bumagsak ang Bataan at Corrigidor
sa kamay ng mga Hapon.

Dalawang beses nahalal na Kongresista sa lalawigan ng Zambales.

Naging malaki ang bahagi sa pagkakapasa ng panukalang batas sa pagbibigay benepisyo ng Estados
Unidos sa mga Pilipinong beterano sa digmaan at isa rito ang pagpapatayo ng Veterans Memorial
Hospital.

Kalihim ng Kagawaran ng Pambansang Depensa noong 1950.

Matagumpay niyang nahikayat ang mga miyembro ng HUKBALAHAP na sumuko at magbalik sa


pamahalaan.

Tumanggap ng Man of the Year Award noong 1951.

Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Nobyembre 1953).

P a g e | 11

Binuksan niya ang pinto ng Malacaang sa taumbayan.

Binuo ang Presidents Action Committee (PCAC) bilang kanyang linyang tagapagpatupad ng pagtulong
sa masa.

Binuksan ang mga pintuan ng Malacaang sa mga karaniwang tao upang ipahayag ang kanilang mga
hinaing at suliranin.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno binigyan ng pagkakataong mag-ari ng sariling lupa ang mga
magbubukid ayon sa batas ng Land Reform Act of 1955.

Personal na sumuko sa kanya ang Supremo ng mga Huk na si Luis Taruc na naghudyat ng ganap na
katahimikan ng bansa.

Tinawag na Kampeon ng Masa.

Higit niyang pinalawig ang paggamit ng Wikang Pambansa at ang pagsusuot ng Barong Tagalog.

Ayon kay Magsaysay ay nararapat na magkaroon ng higit na pagtangkilik ng batas ang mga dukha na
salat sa buhay.

Carlos P. Garcia
Ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Marso 18, 1957 - Disyembre 30, 1961
Mga Personal na Tala:
Araw ng Pagkasilang: Nobyembre 4, 1896
Lugar ng Sinilangan: Talibon, Bohol
Ama: Policarpio Garcia
Ina: Ambrosia Polistico
Anak: Linda Garcia-Campos
Araw ng Kamatayan: Hunyo 14, 1957
Sanhi ng Kamatayan: Atake sa puso
Edad nang mamatay: 61
Mga Naging Programa

Tinaguriang prinsipe ng Panulaan sa Bisaya at Makata ng Bohol

Dalawang taong nagturo sa Mataas na Paaralang Panlalawigan ng Bohol

Dalawang beses naging Kongresista na kumatawan sa Silangang Visaya (1941)

P a g e | 12

Naging gobernador ng Bohol mula 1932-1942

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay sumapi sa Guerila Forces na lumaban sa mga Hapon

Nahalal na Pangalawang Pangulo ni Ramon Magsaysay noong 1953

Naging Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayan Panlabas

Nanumpa bilang pangulo ng Pilipinas makaraan ang Araw ng Kamatayan ng Pangulong Magsaysay sa
pagbagsak ng eroplanong sinasakayan nito noong Marso 18, 1957

Nahalal na pangulo ng Pilipinas sa opisyal na halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957

Nagpatupad ng patakarang "Pilipuno Muna" na ang layunin ay tangkilikin ang sariling gawa tulad ng
mga produktong Pilipino, Wikang Pilipino, musika, arte, at lahat ng gawa ng mga Pilipino. Binigyan
pansin din ng palatuntunan ang pagbibigay prayoridad sa mga Pilipino kaysa sa mga banyaga

Tinapos ang kasunduang Pagbabayad-pinsala ng Hapon na nagtatakda ng pagbabayad ng $550


milyon sa Pilipinas ng Hapon sa pinsalang tinamo ng bansa sa digmaan

Naging Pangulo ng 1971-1972 Consitutional Convention

Nahalal na pangulo ng Second Constitutional Convention noong Hulyo 11, 1971

Diosdado Macapagal
Ikasiyam na Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Disyembre 30, 1961 - Disyembre 30, 1965
Mga Personal na Tala sa Buhay
Araw ng pagkasilang: Setyembre 28, 1910
Lugar na sinilangan: San Nicolas, Lubao, Pampanga
Ama: Urbano Macapagal
Ina: Romana Pangan
Unang maybahay: Purita de la Rosa
Ikalawang maybahay: Dra. Evangelina Macaraeg
Araw ng kamatayan: Abril 21, 1997
Lugar kung saan namatay: Makati
Sanhi ng kamatayan: Sakit sa puso, pulmonya at bato
Edad nang mamatay: 87

P a g e | 13
Mga Nagawang Programa

Tinangkilik ng pilantropong si Honorio Ventura upang mag-aral ng Abogasya sa Pamantasan ng Sto.


Tomas at naging bar examination topnotcher .

Naging miyembro ng Pambansang Lehislatura mula 1949-1957.

Naging katulong na abogado ni Pangulong Manuel Quezon.

Naging propesor sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Hepe ng Sangay ng Batas, Kagawarang Ugnayang Panlabas, (1946).

Kongresista, unang distrito ng Pampanga, dalawang beses nahalal, (1949-1953)

Noong 1951 ay naging tagapangulo ng Delegasyon ng Pilipinas sa United Nations Assembly sa Paris
at tumutulong sa negosasyon ng mutual defense treaty sa Estados Unidos at tradadong
pangkapayapaan sa Japan.

Katulong na nag-akda at nagpanukala ng pagsasabatas ng Batas Ukol sa Pinakamababang Pasahod,


Batas Ukol sa mga Bangko sa Kanayunan at batas na nagsasabansa ng kalakal na bigas at mais.

Tagapangulo: Lupon ng Kongreso sa Ugnayang Panlabas.

Isa sa mga pinarangalan ng Sampung Pinakamahusay ng Kongresista ng Congressional Press Club,


(1947-1957).

Tinawag na Kampeon ng Masa dahil sa pagmamalasakit sa mahihirap.

Tinanghal na Pinakamahusay na Mambabatas ng Ikatlong Kongreso.

Naging Pangalawang Pangulo ng Pilipinas noong 1957.

Naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1961.

Dahil sa kanyang mahigpit na kampanya laban sa katiwalian ay umani siya ng taguring The
Incorruptible.

Ipinasa ng Kodigo ng Reporma sa Lupang Pansakahan (Republic Act No. 3844) noong Agosto 8, 1963.

Nakatulong sa pagbuo ng MAPHILINDO (Malaysia, Philippines, Indonesia), na hinalinhinan ng ASEAN


noong 1963.

Nakatulong sa pagpapalit ng Araw ng kalayaan ng Pilipinas mula Hulyo 4 tungo sa Hunyo 12.

Nahalal na tagapangulo ng Kapulungang Konstitusyonal, (1971-1972), makaraang mamatay si dating


Pangulong Carlos P. Garcia.

Siya ang nagpasimuno na angkinin ng Pilipinas ang Sabah mula sa Malaysia.

P a g e | 14

Ferdinand Marcos
Ikasampung Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Disyembre 30, 1965 Pebrero 25, 1986
Mga Personal na Tala sa Buhay
Araw ng pagkasilang: Setyembre 11, 1917
Lugar na sinilangan: Sarrat, Ilocos Norte
Ama: Mariano Marcos
Ina: Josefa Edralin
Maybahay: Imelda Romualdez
Mga anak: Maria Imelda, Ferdinand, Jr. at Irene
Araw ng kamatayan: Setyembre 28, 1989
Lugar kung saan namatay: Honolulu, Hawaii
Edad nang mamatay: 72
Mga Nagawang Programa

Nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and Tactics sa buong pamantasan.

Komandante ng Batalyon, may ranggo na kadete mayor at puno ng koponan ng riple at pistola ng
Pamantasan ng Pilipinas.

Nakamit niya ang President Manuel Quezon Medal Award dahil sa kanyang Graduation Thesis.

Naakusahang nakipagsabwatan sa pagpatay kay Kinatawan Julio Nalundasan, kalaban sa pulitika ng


ama noong 1938.

Naging topnotcher sa bar examinations noong Nobyembre 1939.

Ipinagtanggol ang sarili sa kasong pagpatay sa harap ng Korte Suprema na nagpawalang-sala sa


kanya noong Nobyembre 1940.

Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakasama sila sa Death March at nakaranas
ng hirap at sakit bilang bilanggo ng giyera sa Fort Santiago at Capas, Tarlac.

Naging tenyente rin siya na nangasiwa sa pangangalaga ng impormasyon, ika-21 sangay ng USAFFE.

Tatlong beses nahalal na kongresista ng Ilocos Norte, (1949, 1953 at 1957).

Sa edad na 32, siya ang pinakabatang miyembro ng kapulungang minorya.

Senador (1959), ang kaunaunahang kandidato ng minorya na nanguna sa pagkasenador; pinuno ng


kapulungang minorya, pangulo ng senado (1936).

Pangulo ng Republika ng Pilipinas, (Nobyembre 1965).

Pinasikat niya ang islogang Magiging Dakilang Muli ang Bansang ito.

P a g e | 15

Muling nahalal para sa apat na taong panahon (1969); ang kauna-unahang muling nahalal sa
kapulungann sa kasaysayan ng Pilipinas.

Nakapagpagawa ng maraming patubig at naipalaganap sa buong bansa ang tinatawag na miracle rice.

Ang pinakamadugong demonstrasyon ay naganap noong Enero 30, 1970 sa Mendiola Bridge.

Sinuspende niya ang Writ of Habeas Corpus noong Agosto 21, 1971 matapos bombahin ang rally ng
Liberal Party sa Plaza Miranda.

Ipinatupad ang Batas Militar at sinuspende ang 1935 Konstitusyon (Setyembre 21, 1972).

Iprinoklama niya ang 1973 Konstitusyon na naglalayong palawigin ang kanyang pamamahala
hanggang sa pagtatapos ng pag-iral ng Base Militar.

Sa panahon ng Batas Militar ay sumikat ang Bagong Lipunan.

Kauna-unahang Punong Ministro sa balangkas ng pamahalaang uring parliyamentaryo.

Nilagdaan niya ang pagpapawalang bisa ng Batas Militar noong Enero 17, 1981 sa pamamagitan ng
Proklamasyon 2045.

Muling nahalal na pangulo sa anim na taong panahon makaraang magwakas ang Batas Militar.

Tumawag ng isang snap election sa pagkapangulo noong Pebrero 7, 1986 at nanalo kay Cory Aquino
sa kabila ng malawakang dayaan at karahasan.

Pinatalsik ng makasaysayang Peoples Power noong Pebrero 25, 1986.

Tumakas at napatapon sa Hawaii, U.S.A.

Ibinalik ang bangkay sa Pilipinas noong 1992.

Corazon Aquino
Ikalabing isa at Unang Babaing Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Pebrero 26, 1986 Hunyo 30, 1992
Mga Personal na Tala sa Buhay
Araw ng pagkasilang: Enero 25, 1933
Lugar na sinilangan: Maynila
Ama: Jose Cojuangco
Ina: Demetria Sumulong
Asawa: Benigno Ninoy Aquino, Jr.
Mga anak: Maria, Aurora, Benigno III, Victoria at Kristina
Araw ng kamatayan: Agosto 1, 2009

P a g e | 16
Lugar kung saan namatay: Makati
Sanhi ng kamatayan: Kanser sa bituka
Edad nang mamatay: 76
Mga Nagawang Programa

Matapos makapangalap ng isang milyong signature ang mga kakampi ay saka lang siya napapayag na
labanan si Marcos sa Snap Election noong Pebrero 7, 1986.

Iniluklok bilang Pangulo ng Pilipinas noong Pebrero 25, 1986 dahil sa makasaysayang Peoples Power
na nagpatalsik kay marcos sa posisyon.

Pinanumpa ni Hukom ng Korte Suprema Claudio Teehankee bilang pangulo ng Pilipinas.

Nagpatupad ng rekonsilyasyon at pinalaya ang mga bilanggo ng New Peoples Army at Jose Maria
Sison ng Communist Party of the Philippines.

Nagpabalik ng pampanguluhang balangkas ng pamahalaan.

Nagdaos ng isang pambansang plebisito upang pagtibayin ng bayan ang mga susog sa Saligang Batas
ng 1935 noong Pebrero 2, 1987.

Tinanghal na Babae ng Taon ng Time Magazine.

Ginawaran ng Gawad Eleanor Roosevelt para sa Karapatang Pantao.

Napingasan ang pagtingin ng taumbayan kay Cory dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya ng uhaw
sa paghihiganti kay Marcos.

Nagkaroon ng anim na malalaking coup d etat na nais magpatalsik sa kanyang pamahalaan na ang
pinakamadugo ay naganap noong 1987 at 1989.

Nakaranas ng malaking problema at kalimidad sa panahon niya tulad ng lindol noong Hulyo 16, 1990;
bagyong Rufing at pagtaas ng presyo ng langis bunga ng giyera sa Gitnang Silangan at pagsabog ng
Bulkang Pinatubo noong 1991.

P a g e | 17

Fidel Ramos
Ikalabindalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Hunyo 30, 1992 Hunyo 30, 1998
Mga Personal na Tala sa Buhay
Araw ng pagkasilang: Marso 18, 1928
Lugar na sinilangan: Lingayen, Pangasinan
Ama: Atty. Narciso Ramos
Ina: Angela Valdez
Maybahay: Amelita Ming Martinez
Mga anak: Angelina, Josephine, Carolina, Christine at Gloria

Mga Nagawang Programa

Ipinadala ng Pilipinas sa aktibong serbisyo sa digmaang Korea (1950-1953) at Digmaang Vietnam


(1959-1975).

Siya ang nagtatag ngSpecial Forces ng Hukbo ng Pilipinas.

Naging Hepe ng Philippine Constabulary, na kilala ngayon bilang Philippine National Police o PNP.

Hinirang na Vice Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa loob ng limang taon sa
administrasyong Marcos.

Naglunsad ng Philippines 2000 na ang layunin ay mapaunlad ang bansa.

Sampung taong nagsilbi bilang Puno ng Intelligence Services ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at
Deputy Chief of Staff para sa Home Defense Activities.

Kasama ang Ministro ng Depensa Juan Ponce Enrile, iniurong nila ang kanilang suporta at nakiisa kay
Corazon Aquino at sa People Power Movement noong Pebrero 22, 1986.

Naging Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines noong 1986.

Naging kinatawan ng Pilipinas sa Third ASEAN Conference sa bansang Malaysia noong 1969 at sa
Ministerial Conference ng ASEAN sa Kuala Lumpur.

Kalihim ng Gabinete, Department of National Defense, (Enero, 1988).

Pangalawang Tagapangulo, Pangrehiyong Pagpapaunlad ng Rehiyon 9.

Nahalal na Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1992.

Upang wakasan ang paghihimagsik ng rebeldeng Komunista at Muslim ay binuo ang Komisyon sa
Pambansang Pagkakaisa.

P a g e | 18

Nakamit ang isang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro National Liberation Front ni Nur
Misuari.

Joseph Estrada
Ikalabintatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Hunyo 30, 1998 Enero 20, 2001

Mga Personal na Tala sa Buhay


Popular na pangalan: Joseph Erap Estrada
Araw ng pagkasilang: Abril 19, 1937
Lugar na sinilangan: Tondo, Maynila
Ama: Engr. Emilio Ejercito
Ina: Maria Marcelo
Maybahay: Dra. Luisa Loi Pimentel
Mga Anak: Jinggoy, Jacqueline at Jude
Mga Nagawa at Programa

Nang tumigil sa pag-aaral sa kolehiyo sa edad na 21 ay nagsimula bilang aktor sa pelikula noong 1950
at nakagawa ng mahigit sa 120 pelikula.

Ginawaran ng Ten Outstanding Young Men (TOYM) para sa Paglilingkurang Pambayan, iginawad ito
ng Philippine Jaycees noong 1972.

Naluklok sa Hall of Fame ng FAMAS matapos makamit ang pinakamataas na karangalan bilang
Pinakamahusay na Aktor at Prodyuser ng Pinakamahusay na Pelikula noong 1981 at 1984.

Naging Alkalde ng bayan ng San Juan, Metro Manila sa loob ng 17 taon na sumakop sa panahong
1969-1986.

Nanalo bilang Senador sa pambansang halalan noong 1987.

Pinarangalan bilang isa sa tatlong Pinakamahusay na Senador ng Taon ng Philippine Free Press
Magazine noong 1989.

Tagapangulo, Mga Lupon ng Senado sa pagpapaunlad sa Agrikultura, Rural Development at Public


Works.

Naging Pangalawang Tagapangulo sa mga Lupon ng Kalusugan, Likas-Yaman at Ekolohiya at


Pagplaplano ng Lungsod.

P a g e | 19

Isa sa mga senador na bumoto upang wakasan ang kasunduang Base Militar ng Pilipinas at Estados
Unidos noong 1991.

Pinasikat ang islogang Erap para sa Mahirap.

Nahalal na Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1992.

Tagapangulo ng Presidential Anti-Crime Commission.

Tagapagtatag at Pangulo, Movie Workers Welfare Foundation, Inc.

Napiling maging Gobernador ng Film Academy of the Philippines.

Tagapayo, Samahan ng mga Prodyuser ng Pelikula sa Pilipinas (PMPPA).

Tagapagtatag at Pangulo, ERAP Para sa Mahirap Foundation.

Naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong Mayo 11, 1998.

Kaunaunahang Pangulo na isinakdal dahil sa pagmamalabis sa tungkulin dahil sa pagkakasangkot sa


ilang ilegal na gawain noong Nobyembre 13, 2000.

Sapilitang pinaalis sa tungkulin dahil na rin sa pagkawala ng tiwala ng mga mamamayan, pagtalikod ng
mahahalagang miyembro ng kanyang gabinete, paglipat ng suporta ng mga mahahalagang opisyal ng
military sa kanyang kalaban na naging sanhi ng tagumpay ng People Power Revolution noong EDSA II.

Inaresto noong Abril 25, 2001 habang nililitis ang kanyang mga kaso.

Kasalukuyang nasa ilalim ng House Arrest sa kanyang bahay sa Tanay, Rizal hanggang siya ay
pinatawad ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Siya ay tumakbong muli sa pagka pangulo ng Pilipinas noong Mayo 2010 ngunit pumangalawa lang
siya kay Noynoy Aquino.

Pagkatapos ng election, inihayag niya na ibebenta niya ang kanyang 3,000 metro kwadradong bahay
niya sa San Juan sa halagang 300 million pesos para ipagpatuloy ang kanyang negosyo sa Real
State.

Si Joseph Estrada ay nakapagpatayo na ng dalawang matataas na condominium at nagbabalak pang


magpatayo ng isa.

P a g e | 20

Gloria Macapagal
Ikalabing-apat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Enero 20, 2001 June 31, 2010
Mga Personal na Tala sa Buhay
Araw ng pagkasilang: Abril 5, 1947
Lugar na sinilangan: San Juan, Rizal
Ama: Diosdado Macapagal, Sr.
Ina: Evangelina Macaraeg
Asawa: Atty. Jose Miguel T. Arroyo
Mga Anak: Juan Miguel, Evangelina Lourdes at Diosdado Ignacio

Mga Nagawa at Programa

Nagturo sa Maryknoll College (Ngayoy Miriam College), St. Scholastica College, Ateneo de Manila
University at Paaralan ng Ekonomiya ng Pamantasan ng Pilipinas.

Naging Tagapangulo ng Kagawaran ng Ekonomiya ng Kolehiyo ng Assumption (1984-1987).

Naging Tagapangulo at Pangulo, UP Health Maintenance Organization (UPHMO), (1989-1998).

Tagapangasiwang Patnugot, Sentro sa Pagpapaunlad ng Ekonomiya ng Pilipinas (PCED), (19941998).

Tagapangulo, UPEcon Foundation, (1994-1998).

Noong 1987, siya naatasan ni Cory bilang Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at
Industriya. Siya ay napromote bilang Undersecretary pagkatapos ng dalawang taon.

Tagapangasiwang Patnugot, Lupon ng mga Kasuotan at Tela.

Pangalawang Kalihim at Gobernador, Lupon ng mga Pamumuhunan, (1986).

Nagsimula sa serbisyo publiko nang mahirang na Assistant Secretary ng Department Trade and
Industry noong 1989 hanggang 1992.

Nanguna nang kumandidatong Senadora noong 1992 at 1995.

Nanungkulan bilang Secretary ng Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng


pamahalaan ni Joseph Estrada.

Tinanghal na Outstanding Senator ng Trade Congress Union ng Pilipinas.

Binigyang taguri ng Asiaweek Magazine bilang Isa sa Pinakamakapangyarihang Babae sa Asya.

Pinarangalan din bilang Woman of the Year ng Samahan ng mga Katolikong Guro ng Pilipinas.

Inihalal na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas noong Mayo 11, 1998.

P a g e | 21

Noong Enero 20, 2001, inihayag ng Kataastaasang Hukuman na bakante ang posisyon ng
pagkapangulo. Ang sandatahan at ang pambansang pulisya ay una nang inalis ang suporta para kay
Estrada. Noong kinahapunan din nang araw na iyon sa EDSA ay nanumpa si Arroyo bilang Pangulo ng
Pilipinas sa pamamagitan ni Punong Hukom Hilario Davide, Jr.

Umani ng batikos ang kanyang pamahalaan sa pagkampi kay Pangulong George Bush ng Estados
Unidos nang magdeklara ito ng giyera laban sa bansang Iraq.

Humarap sa isang fiscal crisis ang kanyang pamahalaan makaraan ang patuloy na pagtaas ng langis
sa pandaigdigang pamilihan at patuloy na pagbagsak ng ekonomiya.

Sa ilalim ng kanyang panungkulan naganap ang panghu-hostage sa truck driver na si Angelo dela Cruz
at accountant na si Robert Tarongoy sa Iraq gayundin ang United Nations volunteer na si Angelito
Nayan sa Afghanistan.

Hinarap din ng kanyang administrasyon ang malaking pinsala ng bagyong Uding, Violeta, Winnie at
Yoyong na nagdulot ng dagling pagbaha at malawakang pagkasira ng mga pananim at imprastruktura
sa maraming lalawigan tulad ng Aurora, Catanduanes, Quezon, Bulacan at Nueva Ecija.

Noynoy Aquino
Ikalabing-limang Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Hulyo 1, 2010 - Kasalukuyan
Mga Personal na Tala sa Buhay
Araw ng pagkasilang: Pebrero 8, 1960
Lugar na sinilangan: Manila
Ama: Benigno Ninoy Aquino, Jr.
Ina: Corazon S. Cojuangco
Status: Binata
Mga kapatid: Maria Elena Balsy, Aurora Corazon Pinky, Victoria
Eliza Viel at Kristina Bernadette Kris.

Mga Nagawang at Programa

Pagkatapos ng kolehiyo siya ay sumunod sa kanyang pamilya sa Boston, Estados Unidos.

P a g e | 22

Noong 1983, ilang sandali lamang matapos ang pagpatay sa kanyang ama, si Noynoy ay nagkaroon
ng isang maikling panahon ng panungkulan bilang isang miyembro ng Philippine Business for Social
Progress.

Mula 1985-1986, siya ay retail sales supervisor at youth promotions Assistant para sa Nike Philippines
at naging isang Assistant for Advertising and Promotions din para sa Mondragon Philippines.

Noong 1986, siya ay sumali sa Intra-Strata Assurance Corp. bilang Bise-Presidente ng korporasyon na
pag-aari din ng kanilang pamilya.

Siya rin ay naging Bise-Presidente at Ingat Yaman para sa Best Security Agency Corporation (19861993) at Executive Assistant para sa pangangasiwa, (1993-1996).

Fields Service Manager para sa Central Azucarera tarlac, (1996-1998).

Inihalal si Aquino sa Kapulungan ng mga Kinatawan noong 1998, na kumakatawan sa 2nd District ng
Tarlac. Siya ay nanalong muli sa halalan noong 2001 at 2004 at nagsilbi hanggang 2007.

Si Aquino ay isa sa nangungunang kasapi ng Liberal Party. Siya ang Vice Chaiman ng Partido Liberal
mula noong Marso 17, 2006 hanggang sa kasalukuyan. Siya ay dati ng Secretary General ng partido
(1999-2002), Bise-Presidente ng Luzon Liberal Party (2002-2004) at ang Secretary General ng partido
(2004-16 Marso 2006).

Si Aquino ay kasama rin sa isang pangkat ng Liberal Party na tumututol sa pamahalaan ng Pangulong
Gloria Macapagal-Arroyo, dahil na rin sa di-umanoy paglabag ng gobyerno sa karapatang-pantao.

Si Aquino ay Deputy Speaker din mula ika-8 ng Nobyembre 2004 hanggang ika-21 ng Pebrero 2006.

Nagtamo si Aquino ng higit sa 14.3 million votes upang maging pang-anim sa 37 na kandidato para sa
12 bakanteng posisyon sa Senado ng halalang iyon. Nagsimula ang kanyang panungkulan noong
Hunyo 30, 2007.

Nang mamatay ang dating Pangulong Corazon Aquino, umabot sa rurok ang tawag kay Noynoy para
tumakbo sa pagka-pangulo.

Noong Setyembre 9, 2009, 40 na araw matapos ang pagkamatay ng kanyang ina, opisyal na inihayag
ni Noynoy ang kanyang plano para sa pagkapngulo sa isang press conference sa Club Filipino sa
Greenhills, San Juan City, kung saan ay nagsilbi din ang lugar na Presidential Inaugural Site ng
kanyang ina noong 1986.

Si Noynoy ay nahalal bilang Presidente ng Republika ng Pilipinas noong Mayo 10, 2010.

Sa kanyang kampanya nangako siyang lilinisin niya ang korapsyon at wawakasan ang kahirapan at
aalisin ang mga ilegal na sugal.

Si Benigno Simeon C. Aquino III ay kaisa-isang anak na lalaki ni dating Presidente Corazon Aquino at
dating Senador Benigno Ninoy Aquino, Jr. at siya rin ang kauna-unahang Presidente ng Pilipinas na
binata.

You might also like