Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Heinna Alyssa G.

Garcia BSTM1A
EDITORYAL:

Paninigarilyo sa Pampublikong Lugar

BALEWALA ang Republic Act 9211 (Tobacco Regulation Act of 2013). Sa ilalim
ng batas na ito, ipinagbabawal ang paninigarilyo sa pampublikong lugar at mga
confined o enclosed areas gaya ng ospital, gusali, sinehan, school, bus terminal,
elevator, mga airconditioned room, klinika at recreational facilities para sa mga
bata.
Pero ang malungkot na katotohanan, hindi naipatutupad ang batas na ito.
Matapos pagkagastusan, pagbuhusan ng oras, pagdebatehan at talakayin nang
matagal ay hindi rin pala lubusang mapapakinabangan. Ang nakadidismaya, may
mga mambabatas na sila pa ang unang sumusuway sa batas. Sa halip na sila
ang maging halimbawa para maipatupad nang maayos ang batas, sila pa ang
lumalabag.
Maraming naninigarilyo sa enclosed areas. Walang pakialam kahit na
nasusulasok ang mga nasa loob ng kuwartong airconditioned ng gusali. Walang
pakialam kahit may magkasakit dahil sa ibinubugang second hand smoke.
Source: http://www.philstar.com:8080/psn-opinyon/2013/06/16/954468/editoryal-paninigarilyo-sapampublikong-lugar

Heinna Alyssa G. Garcia BSTM1A


Isa ang gusali ng Senado sa mga lugar na hindi nasusunod ang R.A. 9211.
Umanoy may ilang senador na naninigarilyo rito at hindi na isinasaalang-alang
ang kalusugan ng iba pang nakalalanghap ng usok. May senador umano na
naninigarilyo sa loob mismo ng kanyang tanggapan. Dahil aircon ang tanggapan,
hinihigop ito ng aircon kaya ang mga katabing tanggapan ay nalalanghap din ang
mabahong amoy ng sigarilyo. Sa halip na magbigay ng halimbawa ang senador
na huwag manigarilyo, siya pa ang pasimuno.
Sa ulat ng Department of Health, nangunguna ang cancer sa baga sa mga sakit
na nakukuha sa paninigarilyo at maraming Pilipino ang nagkakaroon nito. Ang
iba pang sakit ay cancer sa lalamunan, labi at dila at sakit sa puso. Kandidato rin
sa pagkakasakit ang mga nakalalanghap ng second hand smoke.
Ang mga mambabatas ang nararapat maging halimbawa sa pagpapatupad ng
batas. Sila ang dapat manguna at hindi yung sila pa ang nagpapakita nang
kawalan ng respeto sa batas. Sundin sana ng ilang mambabatas na matakaw sa
yosi ang R.A. 9211.

Source: http://www.philstar.com:8080/psn-opinyon/2013/06/16/954468/editoryal-paninigarilyo-sapampublikong-lugar

You might also like