Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Batas Militar

---Idineklara ang Batas Militar noong ika-21 ng Setyembre, taong 1972 sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1081 na nilagdaan ng
dating pangulong Ferdinand Marcos. Ang hakbang na ito ay binatikos ng maraming puna at pagtuligsa mula sa
mga Pilipino at pagbabago sa estado ng Pilipinas.
---Ang batas militar ay kakaibang kapangyarihan ng estado na karinawang ipinatutupad nang panandalian ng isang
pamahalaan kapag hindi na nito maayos magampananan ang pamamahala gamit ang sibilyang nitong kapangyarihan (e.g.
pagpapanatili ng kaayusan at katiwasayan, o magbigay ng mga pangunahing serbisyo). Sa isang ganap na batas militar,
ang pinakamataas na opisyal ng militar ang namumuno, o naitatalaga bilang tagapamahala o puno ng pamahalaan,
kasabay ng pagbuwag o pagtanggal ng lahat ng kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan
mula tagapagpaganap, tagapagbatas, hanggangpanghukuman.[1]
Maaaring ipatupad ng pamahalaan ang batas militar upang manaig ang kanilang kapangyarihan sa sambayanan. Ang
ilang insidente ng pagpapatupad ng batas militar ay nangyayari matapos ang isang kudeta (gaya ng sa Thailand noong
2006 at 2014); kapag may banta ng malawakang protesta laban sa pamahalaan (Tsina sa Tiananmen Squarenoong 1989);
upang supilin ang oposisyong politikal (Poland noong 1981); sugpuin ang napipintong pag-aalsa (Canada, October

Crisis noong 1970). Nagdedeklara din ng batas militar tuwing may matinding sakuna; ngunit, ang ilang bansa ay
gumagamit ng ibang legal na konstruksiyon, gaya ng estado ng kagipitan.
Nagpapatupad din ng batas militar tuwing may mga hidwaan gaya ng pananakop, kung saan ang kawalan ng
pamahalaang sibilyan ay nagdudulot ng pagkabalisa ng populasyon. Ang ilang halimbawa ng ganitong pamamahalang
militar ay noong rekonstruksiyon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Alemanya at Hapon, pati na rin
noong rekonstruksiyon sa timog Estados Unidos pagkatapos ng Digmaang Sibil Amerikano.
Malimit na may kaakibat na pagpapatupad ng curfew, pagsuspindi ng batas sibil, karapatang sibil, habeas corpus, at
pagsasailalim o pagpapalawig ng hukumang militar o katarungang militar sa mga sibilyan. Ang mga sibilyang hindi
tatalima sa batas militar ay maaaring litisin sa isang hukumang militar.
---HINDI na natin malilimot ang mga pangyayari noong ipairal ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa buong bansa
ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972. Sa bisa ng Proclamation No. 1081, nasikil ang mga karapatan at kalayaan
ng sambayanang Pilipino. Noong Biyernes, ginunita ang ika-40 anibersaryo ng Martial Law. Madilim ang mga panahong
iyon sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ang nagsipagtupad ng Martial Law na masunurin kay Pangulong Marcos ay sina dating Pangulong Fidel V. Ramos at
Senate President Juan Ponce Enrile. Si Sen. Enrile noon ay defense secretary ni Pangulong Marcos.
Bago ideklara ang Martial Law, nagdrama pa kunwari si Enrile na inambush sa Green Hills upang mapatibay ang
deklarasyon. Naging tambolero naman ng Malacaang si Sen. Francisco Tatad. Ikinulong ang lahat ng kalaban sa
pulitika ni Pangulong Marcos na kinabilangan nina Sen. Ninoy Aguino, Jose Diokno, Francisco Soc Rodrigo, at iba
pang broadcaster at peryodista. Nabusalan ang mga pahayagan.
Kapag binanggit ang Martial Law maalala ang pagdurusa, lungkot, hinagpis at labis na pangamba lalo na ng mga
dinukot, at pinahirapan ng militar. Pinatay ang mga lider ng manggagawa, estudyante, magsasaka, mga pari at madre at
iba pang nagbuwis ng buhay, nangalibing na walang kabaong at hindi alam ng mga kamaganak kung saan aalayan ng dasal
at mga bulaklak.
Sa pamamagitan lamang ng isang Presidential Decree, ang 12 maunlad na bayan ay inagaw at isinama sa Metro Manila,
masunod lamang ang kapritso ng First Lady noon na naging gobernadora upang magkaroon ng sariling poder at
kapangyarihan. Nagwakas noong Pebrero 1986 ang marahas na diktadurya sa isang mapayapang himagsikan, sa
pagkakaisa, panalangin, awit, sayaw, at pagaalay ng pagkain at bulaklak ng taumbayan.

You might also like