San Juan Berchmans

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

San Juan Berchmans

Isinilang siya sa Driest, Brabant Belgium noong taong 1599. Anak siya ng mangagawa ng
sapatos.
Sa murang gulang, nagsilbi siyang sakristan, ngunit hindi nakalimot na alagaan ang
kanyang inang maysakit.
Pumasok siya sa samahan ng mga Heswita noong taong 1616. Nagkapadalubhasa siya sa
pilosopiya sa Roma. Ninais din niyang maturuan ang ibang tao sa kabila ng ibat ibang
lengguwahe ng mga ito kayat pinagsikapan niyang matutunan ang mga pangunahing wika
sa Europa.
Binalak ni San Juan Berchmans na magtrabaho sa China matapos ang kanyang
ordinasyon, pero hindi niya ito naisakatuparan nang bigla siyang pumanaw sa hindi
malamang dahilan noong taong 1621.
Hindi man kinilala si San Juan Berchmans sa mga itinatag na simbahan o milagrong
naibahagi gaya ng ibang santo, hindi naman siya malilimutan dahil sa ipinakita niyang
kabaitan, at pagtupad sa tungkulin ng isang tunay na binyagan.
Itinanghal na beato si San Juan Berchmans noong taong 1865 ni Papa Pio IX at kinilalang
santo sa pamamagitan ni Papa Leo XIII noong taong 1888.
Si San Juan Berchmans ang patron ng mga sakristan at mga nobisyado.

You might also like