Ang Maging Iskolar NG Bayan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Maging Iskolar ng Bayan

Ano nga ba ang maging Iskolar ng bayan? Tayo, mga nasa paaralan o institusyon na to, ay masasabi
nating mga Iskolar ng Bayan sapagkat buwis ng taong bayan ang ginagamit upang tayo ay mapaaral.
Pero bilang Iskolar ng Bayan, ano nga ba ang dapat nating gawin at tungkulin bilang isang iskolar ng
bayan?
Sabi nila dahil daw tayo ay Iskolar ng bayan dapat daw konti o dapat daw wala na tayong bayaran. Sa
aking palagay ay hinde. Baket? Bagamat ang Edukasyon ay karapatan, hinde nangangahulugan na
proket ikaw nakapasok sa institusyon na ito ay dapat ikaw ay libre o wala nang bayaran. Oo, kahit
wala tayong trabaho ay nagbabayad tayo nang buwis dahil sa mga buwis na pinapataw sa mga
bilihin. Ibig sabihin kahit ang isang pulubi ay na walng kinikita ay nagbabayad ng buwis. Hinde
trabaho ng gobyerno na gamitin ang mga buwis na ito na paaralan ang lahat, ngunit mapaaral lahat
ng walang kakahayang magaral. Kung lahat ay ibibigay ng gobyerno sa ating mga Iskolar ng Bayan
ang lahat, paano naman ang ibang sector ng ating lipunan na walang matirhan, makain at walang
magawa kundi magtiis kung ano ang ibibigay ng bukas? Kung Ikaw ay may kakahayan na magbayad
kahit konti, magbayad ka! Sapagkat bukod sa matuto, ang pagpunta sa institusyon gaya nito ay may
kaakibat na pibileheyo at nararapat na ibigay mo ang nararapat na kapalit para sa pribeleheyo na to.
Pangalawa, kung ikaw ay nagtapos bilang Iskolar ng Bayan, nararapat lamang na ibalik mo kung ano
para sa bayan. Nararapat lamang na ikaw ay magtrabaho at magsilbi para sa taong bayan o kapwa
mo Filipino. Ibalik mo ang nararapat sa kapwa mo Filipino.
Pangatlo, bilang Iskolar ng Bayan nararapat lamang na tayoy maging magandang halimbawa. Tayo
ay dapat maging magandang ihemplo sa ating lipunan.
At ito ang tungkulin bilang isang Iskolar ng Bayan.

You might also like