Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mga Instrumento ng Banda

A. Instrumentong Brass
Ang mga instrumentong ito ay yari sa
tanso. Ang ihipan ng mga ito ay hugis
kopa. Napapatunog ang mga ito sa nais na
tono sa pamamagitan ng mga slides at mga
piston na siyang nagpapaikli o nagpapahaba sa tubong dinadaanan ng hangin na nagbibigay ng tunog.
1. Trumpeta may pinakamataas na tono
sa mga instrumentong brass. Ang
kanyang tatlong piston ay ginagamit
upang mabago ang kanyang tono.
2. Trombone ang pag-urong sulong ng
slides nito ay nakapagpapatunog ng
ibat ibang tono.

3. French horn Nababago ang tono nito


sa pagbabago ng diin ng ihip at sa
paggamit ng mga piston. Nababago
ang timbre nito sa pamamagitan ng
pagpasok ng kamay sa maluwang na
dulo nito.
4. Tuba pinakamalaki at may pinakamababang tono sa lahat ng instrumenttong brass.
B. Instrumentong Woodwind
Ang mga instrumentong ito ay may
ihipang yari sa manipis na kawayan na
tinatawag na reed. May mga butas sa katawan ang mga instrumentong ito na binubuksan at sinasarhan gamit ang mga pisada
na itinutulak ng mga daliri.

1. Clarinet may 24 na butas ito na nakapagbibigay ng mataas na tono.


2. Plauta (flute) ang ihipan nito ay
isang butas lamang sag awing dulo
nito. Ito ay maaaring yari sa pilak o
kahoy. Ang piccolo ang pinakamaliit
at may pinakamataas na tono ng
plauta.
3. Oboe may ihipang yari sa dalawang
reed na pinagtaklob at may pagitan.
May haba itong 2 talampakan at yri sa
kahoy.
4. Bassoon ang ihipan nito ay nasa tagiliran. Ang katawan nito ay sinlaki ng
braso ng tao. Makapal ang tunog nito.
C. Instrumentong Perkusyon
Ang mga instrumentong ito ay pinapalo, tinatapik o pinagtatama upang mapatunog.

1. Tambol pinapalo ng isa o dalawang


pamalo.
2. Timpani ito lang ang tanging
perkusyon na may tiyak na tono. Hugis
kaserola at bilog ang katawan nito.
May mga pihitan sa gilid nito na nahihigpitan o naluluwagan upang mapatunog sa nais na tono. May foot pedal ito
na nakatutulong sa pagbabago ng tono
nito.
3. Pompiyang ito ay yari sa tanso.
Pinagtatama ang pares nito upang
magbigay ng maingay at mataginting
na tunog. Maaari rring ibitin ito at
paluin ng patpat na kahoy.

You might also like