10 Salot

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

EXODO 7-12 ANG SAMPUNG SALOT

MGA TAUHAN:
Narrator (Voice Over)
Yahweh (Voice Over)
Faraon
Moises
Aaron

Mga tauhan ng Faraon


Mga Israelita
Mga Egipcio
Mga salamangkerong Egipcio

NARRATOR: Inutusan ni Yahweh sina Moises at ang kapatid nitong si Aaron na makipagkita sa Faraon
upang sabihin na payagan ang mga Israelita na umalis sa Egipto. Ngunit ipinapauna na niya na
pagmamatigasin niya ang Faraon at kahit anong kababalaghan ang gawin Niya sa Egipto ay hindi ito
makikinig kay Moises.
YAHWEH: Moises, nagmamatigas ang Faraon. Ayaw pa ring paalisin ang mga Israelita. Kaya bukas ng
umaga dalhin mo ang tungkod na naging ahas, at hintayin mo ang Faraon pagpunta niya sa tabing ilog.
Sabihin mong pinapunta ka ni Yahweh at ipinasasabing payagan na niya ang mga Israelitang sumamba sa
akin sa ilang at dahil sa hindi niya pagsunod sa akin, tiyak na kikilalanin niya ako sa ipinagagawa ko sa
iyo.
NARRATOR: Pagkasabi nito, inihampas ni Moises sa Ilog Nilo ang tungkod at naging dugo ang tubig.
Dahil dito, namatay ang mga isda at bumaho ang ilog anupat hindi mainom ng mga Egipcio ang tubig
nito. Ang ginawa nilay hindi pinansin ng Faraon kayat umuwi na ito sa palasyo. At lumipas ang pitong
araw mula nang hampasin ni Yahweh ang tubig. Pagkaraan niyon. Muling pinapunta ni Yahweh si
Moises sa Faraon.
(Moises sa harap ng Faraon)
MOISES: Payagan mo nang umalis ang mga Israelita upang sumamba kay Yahweh. Kung hindi, ang ilog
ay pupunuin Niya ng palaka. Papasukin nito pati ang higaan mo. Ikaw at ang iyong mga tauhan ay
pahihirapan nito.
NARRATOR: Gayon nga ang ginawa ni Aaron at umahon sa ilog ang mga palakang di mabilang sa dami
kayat ipinatawag ng Faraon sina Moises at Aaron.
FARAON: Hilingin ninyo kay Yahweh na alisin na ang mga palakang ito at papayagan ko na kayong
maghandog sa Kanya.
MOISES: Kailan po ninyo nais na ipanalangin ko kayo upang mawala ang mga palakang ito?
FARAON: Bukas na bukas din!
NARRATOR: Ipinanalangin nga ni Moises na mawala ang salot ng palaka at ito nga nangyari subalit
nagmatigas uli ang Faraon at hindi pa rin pinakinggan sina Moises at Aaron. Muling inutusan ni Yahweh
si Moises.
YAHWEH: Sabihin mo kay Aaron na ihampas sa lupa ang tungkod upang maging niknik ang lahat ng
alikabok sa buong Egipto.

NARRATOR: Inihampas nga ni Aaron ang tungkod at ang lahat ng alikabok sa buong Egipto ay naging
niknik na labis na nagpahirap sa mga taot mga hayop. Pinilit ng mga salamangkero sa Egipto na
magpalitaw din ng niknik ngunit wala silang magawa kayat sinabi nila sa Faraon na iyoy kapangyarihan
na ng Diyos ngunit hindi rin natinag ang kalooban nito.Dahil dito sinabi ni Yahweh kay Moises.
YAHWEH: Bukas ng umaga, hintayin mo ang Faraon pagpunta niya sa ilog at sabihin mong payagan nang
umalis ang mga Israelita upang sumamba sa akin. Kung hindi, padadagsaan ko siya ng makapal na
langaw pati ang kanyang mga tauhan at mga kababayan. Ngunit ililigtas ko ang ang Gosen, ang tirahan
ng mga Israelita. Hindi ko sila padadalhan kahit isang langaw upang makita nila na Ako ang
makapangyarihan sa lupaing ito.
NARRATOR: Kinabukasan, ginawa nga ito ni Yahweh, dumagsa sa Egipto ang makapal na langaw. Kaya
ipinatawag ng Faraon sina Moises at Aaron.
FARAON: Sige, maghandog na kayo sa inyong Diyos, huwag lamang kayong lalabas ng Egipto.
MOISES: Hindi po maaari dito sa Egipto. Magagalit po sa amin ang mga Egipcio kapag nakita nilang
naghahandog kami kay Yahweh. Walang pagsalang babatuhin nila kam hanggang mamatay. Kailangan
po naming maglakbay ng tatlong araw at sa ilang naming hahandugan si Yahweh tulad ng utos NIya sa
amin.
FARAON: Papayagan ko kayong umalis ngunit huwag kayong pakalalayo at idalangin din ninyo ako.
NARRATOR: Umalis si Moises at nanalangin. Tinugon siya ni Yahweh at umalis ang mga langaw at
walang natira kahit isa. Ngunit nagmatigas pa din ang Faraon, hindi niya pinayagang umalis ang mga
Israelita.
YAHWEH: (Muling kakausapin si Moises) Pumunta ka sa Faraon at sabihin mong payagan nang umalis
ang Israelita. Kapag pinigil pa niya kayo, padadaanan ko ng nakapangingilabot na salot ang lahat ng
kanyang mga hayop at mamamatay ang lahat ng mga ito, ngunit isa mang hayop ng mga Israelita ay
walang mamamatay. Naitakda ko na ang oras, bukas mangyayari ito.
NARRATOR: Kinabukasan, ginawa nga ni Yahweh ang kanyang sinabi at namatay ang lahat ng mga hayop
ng mga Egipcio ngunit isa may walang namatay sa hayop ng mga Israelita. Kinabukasan, muling
kinausap ni Yahweh sina Moises at Aaron. Pagkatapos, dumakot ng abo sa pugon si Moises at inihagis
itong pataas nang nakikita ng Faraon at natadtad ng mga bukol na nagnanaknak ang mga taot mga
hayop sa Egipto. Samantala ang Faraon ay pinagmatigas pa rin ni Yahweh. Hindi niya pinansin ang mga
Israelita tulad ng sinabi ni Yahweh kay Moises.
YAHWEH: Moises bukas ng umagang-umaga pumunta ka sa Faraon at sabihin mong iniuutos ko na
payagan nang umalis ang mga Israelita na sumamba sa akin. Kapag hindi pa siya pumayag, mangnganib
na ang buhay niya, ng kanyang mga tauhan at nasasakupan sa tindi ng parusang ipadadala ko sa kanila
upang malaman nilang akoy walang katulad sa buong daigdig. Hanggang ngayoy hinahadlangan pa rin
niya ang aking bayan kayat bukas sa ganitong oras, pauulanan ko sila ng yelo na walang kasinlakas sa
buong kasaysayan ng Egipto.
NARRATOR: Ang ibang tauhan ng Faraon ay natakot sa ipinasabi ni Yahweh kaya pinasilong nila ang
kanilang mga alipin at mga hayop ngunit ipinagwalang-bahala ito ng iba at hinayaan nila sa labas ang

kanilang mga alipin at mga hayop. Itinaas ni Yahweh ang kanyang tungkod at umulan ng yelo sa buong
Egipto. Malakas na malakas ang bagyo ng yelo at sala-salabat ang kidlat. Ito ang pinakamalakas na ulan
ng yelo sa kasaysayan ng Egipto. Nasalanta ang lahat nang mabagsakan nito pati mga halaman at mga
punongkahoy. Ngunit ang Gosen na tirahan ng mga Israelita ay hindi inabot ng ulang ito.
Kaya ipinatawag ng Faraon sina Moises at Aaron.
FARAON: Ngayon ko natanto na nagkasala ako kay Yahweh. Idalangin ninyo kami sa Kanya sapagkat
hirap na hirap na kami sa ulan ng yelo at sa malakas na kulog. Ipinangangako kong kayoy papayagan ko
nang umalis sa lalong madaling panahon.
MOISES: Pagkalabas ko ng lungsod ay idadalangin ko kayo kay Yahweh. Mawawala na ang mga kulog at
titigil na ang ulan ng yelo bagamat alam ko na kayo at ang inyong mga tauhan ay hindi pa rin natatakot
kay Yahweh.
NARRATOR: Umalis si Moises at nanalangin kay Yahweh. Tumigil ang kulog at pag-ulan ng yelo. Nang
makita ng Faraon na tila na ang ulan at wala nang kulog, nagmatigas na naman siya.
Muling nagpunta si Moises sa Faraon sa utos ni Yahweh at sinabi nito
MOISES: Ito ang ipisasabi ni Yahweh. Hanggang kalian ka pa magmamatigas? Payagan mo nang umalis
ang mga Israelita upang sumamba sa akin. Kapag hindi mo pa sila pinayagan, padadalhan ko bukas ng
makapal na balang ang iyong bansa. Mapupuno nito ang buong Egipto, anupat wala kang matatapakan
kundi balang. Uubusin nito ang lahat ng hindi natira ng ulan ng yelo, pati ang mga punongkahoy.
Papasukin nito ang iyong palasyo at ang bahay ng iyong mga tauhan at mga nasasakupan. Ang salot na
ito ay higit na matindi kaysa alinmang salot ng balang na naranasan ng inyong mga ninuno.
NARRATOR: Pagkasabi nitoy umalis si Moises. Samantala kinausap ng Faraon ang kanyang mga
tauhan
FARAON: Hanggang kailan pa kaya tayo guguluhin ng taong ito?
MGA TAUHAN: Payagan na ninyo silang umalis upang sumamba sa kanilang Yahweh. Hindi ba ninyo
nakikitang salanta na ang buong Egipto?
FARAON: Sige sunduin ninyo sina Moises at Aaron.
NARRATOR: Pinasundo nga ng Faraon sina Moises at Aaron at kinausap ang mga ito.
FARAON: Kung papayagan ko kayong umalis upang sumamba kay Yahweh, sinu-sino ang inyong
isasama?
MOISES: Lahat po kami mula sa pinakabata hanggang sa pinakamatanda. Dadalhin din naming ang lahat
ng aming mga hayop sapagkat ipagpipista naming si Yahweh sa ilang.
FARAON: (Pagalit na sinabi) Tawagin na ninyo ang inyong Panginoon ngunit hindi ko kayo papayagang
isama ang inyong asawat mga anak. Maliwanag na may binabalak kayong hindi mabuti. Kayo na lamang
mga lalaki ang umalis upang sumamba sa inyong Yahweh! Umalis na kayo!
(Umalis nga sina Moises at muli silang kinausap ni Yahweh)

YAHWEH: Iunat mong pataas ang iyong tungkod at dadagsa sa buong Egipto ang makapal na balang.
NARRATOR: Itinaas nga ni Moises ang kanyang tungkod. Maghapot magdamag na pinaihip ni Yahweh sa
buong Egipto ang hangin mula sa silangan. Kinaumagahan, tangay na ng hangin ang makapal na balng at
ito;y dumagsa sa Egipto. Nangitim ang lupa sa dami ng balang. Dahil ditto, dali-daling ipinatawag ng
Faraon sina Moises at Aaron. Sinabi niya.
FARAON: Nagkasala ako kay Yahweh na inyong Diyos. Patawarin ninyo ako at ipinakikiusap kong
idalangin ninyo ako sa kanya na alisin na sa akin ang napakabigat na parusang ito.
NARRATOR: Iniwan ni Moises ang Faraon at siyay nanalangin. Pinaihip ni Yahweh ang malakas na
hangin mula sa kanluran at tinangay nito ang lahat ng balang papunta sa Dagat ng mga Tambo at isa
may walang natira sa Egipto. Ngunit ang Faraon ay pinagmatigas ni Yahweh, hindi niya pinayagang
umalis ang mga Israelita. Muling inutusan ni Yahweh sa Moises na iunat ang kamay nito upang mabalot
ng pusikit na karimlan ang buong Egipto.
(Takot na takot ang mga Egipcio dahil nabalot ng kadiliman ang kanilang lupain)
NARRATOR: Tinawag ng Faraon si Moises.
FARAON: Makalalakad na kayo upang sumamba kay Yahweh. Maaari ninyong isama ang inyong
sambahayan ngunit iwan ninyo ang lahat ng inyong mga hayop.
MOISES: Kung gayon, kailangan ninyong bigyan kami ng mga hayop na ihahandog namin kay Yahweh.
Ngunit hindi! Kailangan naming dalhin ang lahat ng aming mga hayop sapagkat pipiliin pa namin sa mga
ito ang aming ihahandog kay Yahweh.
FARAON: Lumayas ka at huwag ka nang pakikita sa akin! Ipapapatay na kita kapag nakita pa kita! (galit
na galit na sabi ng Faraon
MOISES: Masusunod ang gusto ninyo. Hindi na ako pakikita sa inyo.
(Umalis nga sina Moises at Aaron sa harapan ng Faraon. Muling kinausap ni Yahweh si Moises)
YAHWEH: Isa na lamang salot ang ipadadala ko sa Faraon at sa buong Egipto at tiyak na paalisin na niya
kayo. Hindi lamang siya papayag na kayoy umalis ipagtatabuyan pa niya kayo. Sabihin mo sa mga
Israelita na hingin nila ang lahat ng mga alahas ng kanilang mga kapitbahay.
NARRATOR: Muling nakipag-usap si Moises sa Faraon.
MOISES: Ito ang ipinasasabi ni Yahweh. Paghahatinggabi, maglalakad ako sa buong Egipto at
mamamatay ang lahat ng panganay na lalaki, mula sa anak na magmamana ng trono ng Faraon
hanggang sa anak ng pinakahamak na aliping babae na tagagiling pati panganay ng mga hayop ay
mamamatay.
NARRATOR: Hindi pinansin ng Faraon ang mga sinabi ni Moises. Sa gayon, maipakikita ni Yahweh ang
kanyang kapangyarihan sa Egipto. Ginawa nina Moises ang Aaron ang lahat ng kababalaghang ito ngunit
Hindi rin pumayag ang Faraon na umalis ang mga Israelita sa lupain ng mga Egipto.

Nang hatinggabi ngang iyon, pinatay ni Yahweh ang lahat ng panganay na lalaki ayon sa
lahat ng kanyang sinabi kay Moises. Nang gabing iyon nagising ang Faraon at kanyang mga tauhan at
lahat ng mga Egipcio. Nagkaroon ng malakas na iyakan sa buong Egipto sapagkat lahat ng bahay ay
namatayan ng panganay na lalaki. Noon diy ipinatawag ng Faraon sina Moises at Aaron.
FARAON: Sige umalis na kayo sa Egipto! Lumakad na kayo at sumamba kay Yahweh tulad ng hinihiling
ninyo. Dalhin na ninyo pati ang inyong mga hayop at idalangin din ninyo kami.
NARRATOR: itinaboy na din ang mga Israelita ng mga Egipcio. Ibinigay ng mga Egipcio sa mga ito ang
lahat ng kanilang mga alahas, ginto at pilak pati mga damit. Ibinigay ng mga Egipcio ang anumang hingin
ng mga Israelita sapagkat niloob ni Yahweh na silay igalang ng mga ito. Sa ganitong paraan, nasamsam
nila ang mga ari-arian ng mga Egipcio. At mula sa Rameses ay naglakbay nga ang Israelita upang
sumamba kay Yahweh.

You might also like