Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Pag-aralan Natin

Basahin Natin
Isang Pangarap
Maginhawang pamumuhay
Pangarap nina Tatay at Nanay
Sinisikap nilang
sa pamilyay ibigay
Pangarap na ito
pinagyamang tunay
Hanggang ang pangarap
Kanilang matupad

Magandang kaugalian
Kanilang pinuhunan
Pagtitiwala.
Pakikipagkapwa.
Pagiging tapat sa Diyos,
sa pamayanan at sa
bansa
Pangarap lang noon
Ngayoy tinatamasa

Basahin Natin
Jose

Kumusta ka na, Pare? Nabalitaan mo


ba? Nakabili na ng kotse si Noel.

Pedro

Talaga Pare? Ang buhay nga naman!


Halos sumala sa oras ng pagkain noon!
Tila hindi na natin maabot, ngayon.

Jose

Tunay nga! Biro mo si Joseph,


naglalako lang ng pandesal noon.
Ngayon, manedyer na ng
bangko sa bayan.

Pedro

Abay napag-iiwanan na tayo, ah!

Jose

Ha! Ha! Ha! Bakit kaya?

Tandaan Natin

Mga magagandang katangian, dapat taglayin


Dulot nitoy tagumpay sa buhay natin

Isipin Natin
Ipaliwanag sa sariling
kuru-kuro ang mga
sumusunod na kasabihan.
1. Kapag may tiyaga, may
nilaga
2. Daig ng maagap ang
masipag
3. Kapag may itinanim,
may aanihin
4. Kapag may isinuksok,
may madudukot
5. Nasa Diyos ang awa,
nasa tao ang gawa
5

Subukin Mo
Pag-ugnayin sa pamamagitan ng guhit ang mga katangian sa pangkat
A sa kanilang kasalungat sa pangkat B.

masipag
malakas
matipid
malusog
tapat

sakitin
mahina
bulagsak
sinungaling
tamad

Kaya Mo Ba?
A. Bilugan ang mga salitang tumutukoy sa magagandang katangian ng
isang tao.
mapagkakatiwalaan

madasalin

sinungaling

mapagmahal

tamad

tapat

maramot

masunurin

mapagmalaki

B. Pag-ugnayin ang magkasingkahulugang katangian.


A
B
1.
2.
3.
4.
5.

maganda
masipag
maayos
matalino
matapang

masinop
masikap
marunong
mabagsik
marikit
7

C. Pag-ugnayin ang magkasalungat na katangian.


A
1.
2.
3.
4.
5.

malinis
mabango
malakas
mapagbigay
mapagkumbaba

B
mapagmataas
marumi
mahina
mabaho
maramot

Isulat Natin
Kopyahin ang mga sumusunod na salita.
1. magalang

2. tapat

3. masunurin

4. mabait

Kwentahin Natin
Basahin at sagutin ang mga tanong.

Nagtitinda ng prutas si Aling Nelia.


Ganito ang benta niya noong isang linggo.
mangga -

P 3,000.00

papaya

P 1,000.00

1. Magkano lahat ang kabuuang benta ni Aling Nelia? P ___________


2. Kung ang puhunan niya ay P 3,000.00, magkano ang kanyang
tinubo? P _________

10

You might also like