sbi ng kaibigang si Jose habang inaawat. “Hindi! Kaya ko pa ‘to!,” pamimilit naman ni Mateo sabay tagay nang dire-diretso. “Pre, huwag mong pilitin ang sarili mo, may panahon pa!,” habang inaawat ni Pedro sa ininom ang kaibigan. “Tama na ‘yan, lasing ka na, uwi na tayo,” sambit naman ni Jose. Pinagtulungan ng dalawa ang kaibigan na suportahan sa paglalakad. “Ano ba bitiwan niyo nga ako, kaya kong maglakad, di ako pilay!.” Ihinagis niya ag kamay ng kanyang mga kaibigan saka naglakad nang mag-isa na pagewang-gewang. Ang kanyang mga paa ay tila kontrolado ng iba na kung saan-saang direksyon nagpupupunta. Ang dalawa nama’y nasa gilid nito na nagsisilbing gwardya. “Pre, dito ang labasan,” sabay turo sa pintuan ni Jose. “Wag niyo nga akong turuan alam ko ang ginagawa ko,” pagmamagaling ni Mateo. Pasipa niyang itinulak ang pinto. Sa di inaasahang pangyayari, natulak niya ang mga armandong kalalakihan sa kabilang bahagi. “Tol! Nananadya ka ba, ha?, bastos mo ah,” sabi ng lalaking nasa pinakauna na tila lider ng grupo. “Ikaw? Ikaw nga!,” bulyaw ni Mateo sabay suntok sa mukha nito. “ Kung di ako nagkakamali, ikaw ang pumatay kay Itay! Mag babayad ka!,” dali-daling umakyat sa init ng galit si Mateo. “Yabang mo ah! Ano gusto mo? Away! O gulo?,” hamon ni Brun “Tol, patawad di naming sinasadya, lasing kasi ‘tong kaibigan naming,” paumanhin ni Jose. “Hindi, hindi! Bitiwan niyo ako! Siya ang pumatay kay Itay!,” pamimilit ni Mateo. “Sige mga Tol, pasensya na,” dagdag ni Pedro. Kinaladkad nila ang kanilang kaibigan palabas ng bar. Kahit na siya’y magpumilit at pilit na inaalis ang kanyang kamay sa pagkakahawak nito ay hindi pinalampas ng dalawa. “Kala niyo tapos na tayo, haaa! Ako ata si Bruno walang inuurungan,” bulong sa sarili habang papaalis ang tatlo. “Mga bata! Maghanda kayo, mapapalaban ata tayo!,”pagpapaalam nito. “Yehh! Maganda nga ito, matagal na tayong di napapalaban,” pananabik ng mga kasamahan. Madilim at walang makikita sa paligid maliban sa tatlong magkakaibigan. Ilang saglit ay naramdaman nila ang kaluskos na tila papalapit sa kanila. Nanlamig at nanginig sila. “Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!,” tawa ng isang pamilyar na boses. “Sino kang demonyo ka?,” sigaw ni Pedro. Madilim kaya di nila agad ito nakilatis. Sa hugis pa lnag ng kanyang katawan at boses ay makikilalang lalaki. Unti-unti itong lumapit at unti-unti rin siyang nakikilala. “Bruunooo!,” sigaw ni Mateo. Isang nakamamatay na ngiti ang sinalubong sa kanila ni Mateo. “Narito ako uapng hamunin ka! Di ba nais mong maghiganti?,” tanong ni Bruno. “Pwes, kung gayon hindi kita aatrasan! Ngunit sa nakikita ko ngayon, nag-iisa ka lang, nge! nge! nge!,” panlalait ni Mateo. “Pre, lasing ka na, inalalagay mo lang sa alanganin ang iyong buhay,” babala ni Jose. Ngumiting parang aso at kumislap ang mga mata ni Bruno. “Sino kasing nagsabing nag-iisa lang ako?,” tanong ni Bruno. “Mga Brad, labas na!,” sabi nito. Unti-unti silang lumabas sa dilim at habang papalapit ay tila parami nang parami. “Pedro! Jose! Ipaubaya niyo na ito sa akin. Ako na ang tatapos ditto total, wala nang silbi ang buhay ko! Wala na! wal!,” sigaw ni Mateo. “Aba mayabang kang bata ka!,” sambit ni Bruno. Umiling- iling ang dalawa na tila ayaw nilang iwanan ang kanilang kaibigan. Tinakot ni Mateo ang dalawa at sinigaw ang, “Alis na sabi eh! Alis!.” “Matapang? Tingnan natin kung saan mapupunta ang tapang mo! Mga bata simulan na!,” utos ni Bruno sa kanyang mga kasamahan. “Ahhh!,” sigaw ni Mateo. Sanlaksang mga suntok at sipa ang dumapo sa kanyang katawan. Bawat hakbang ay doble hirap ang nalalasap. Di nagtagal, ang kanyang batong kamay ay tila bolang nanlaki at nanlambot. “Tama na ‘yan!,” awat ni Bruno. Pinadapa si Mateo. Ang kanyang mga kamay ay itinali sa likod. Hinila ni Bruno ang kanyang buhok opang Makita ang kabuuan ng mukha. “’Yan ba? ‘Yan ba ang pinagmamayabang mong tapang? Eh para ka lang naming paslit ng kulang na lang umiyak. Hu! Hu! Hu! No? tawagin mo na ang mga kaibigan mo!,” panghuhusga ni Bruno. “Tol! Narito na kami!,” sigaw ni Pedro’t Jose. “Mateo! Magkakaibigan tayo, walang iwanan,” dagdag ni Jose. “Mga Brad! Turuan sila ng leksyon. Walang isang salita!,” utos ni Bruno. Sumugod ang dalawa nang walang takot sa mga kalaban. Suntok ditto, sipa diyan at paulit- ulit pa. todo-todo ang pakikipaglaban ng dalawa. Lingid sa kanila’ypinaglalaruan lamang sila. Binugbog sila nang tuluyan hanggang hindi na sila makakilos. “Wala kang awa Bruno, wala kang puso, demonyo!,” bulyaw ni Mateo sa mukha ni Bruno. Isang napa……. suntok ang dumapo sa kanyang pisngi. Muling pinaglapit ni Bruno ang kanilang mukha at sinabing,”’Yan ang nararapat sa walang isang salita, sa mga kaibigan mong tuso! Ganyan ka rin dib a?,” sabay turong diin sa kanyang ulo. Nawalan ng ganang makipaglaro si Bruno. Nakatayo siya sa harapan ni Mateo habang pinagmamasdan ang kanyang paghihirap. “Ppweee!.” Isang dura ang pumatak sa mukha ni Mateo. “Kawawa naman kayo, walang silbi! Walang binatbat! Hindi niyo kilala ang binabangga niyo.sana ngayon ay may natutunan na kayo,” pangangaral ni Bruno. “Mga bata, tara na!,” dagdag nito. Sa sandaling pagkaidlip ni Mateo, nabuhay muli ang kanyang mga matang namahinga. “Pedro? Jose? Mga kaibigan ko!,” isang malakas na sigaw ang kanyang inilabas. “Bakit? Bakit? Bakit?,” tanong ni Mateo habang nakatingin sa itaas. “Lahat na lang ban g aking pagmamay-ari ay kukunin mo? Wala kang awa, wala!,” kasunod nito ay isang mainit ba patak ng luha mula sa kanyang kaawa-awang mga mata. “Bakit mo po ako nilikha? ‘Yan lang ba ang Diyos na maituturing? Nang inilabas mo ako sa mundong ito, nagging kapalit ang Inay na hindi mo lamang binigyan ng pagkakataong masilayan ako.” “At sinunod mo pa ang Itay na siyang nasaksak upang ipagtanggol lamang sa mga armadong kalalakihan. “Si Bruno! Ang demonyong si Bruno!.” “Lumaki ako na walang umaruga sa akin. Nagging miserable ang buhay ko. Nag-iisang akong lumaki, tanging sarili ko ang bumuhay sa aking sariling katawan. Hanggang nakilala ko nga ang babaeng pinakamamahal ko,” pag- uulilang tinig nito. “Dahil sa kanya, binigyan niya ng kulay ang buhay ko. Nagging karamay ko siya sa lahat ng bagay. Siya ang naghilom sa mapait kong nakaraan. “Pero? Bakit pati siya dinamay mo!,” pagsisisi nito. “Aliw na aliw kaming naglalakad sa Mall para sa aming kasal kinabukasan. Nang biglang inagaw si Miriam sa mahigpit na pagkakahawak n gaming mga kamay. “Huwag kang lalapit kundi mamamatay itong babaeng ito,” sabi ng di kilalang lalaki na tila pinaghahabol ng mga pulis. Namaril ang pulis at tumama sa kanya… sa babaing pinakamamahal ko.” Nagunaw ang aking mundo at ngayon ang mga kaibigan ko ay iyo pang… Bakit? Bakit? Bakit sila pang mga mahal ko sa buhay ang iyong pinaparusahan? Bakit ako? Bakit di mo ako kinuha? Wala nang silbi ang buhay ko, wala! Wala na, huhuhu!,” hagulgol nito. “Anong klaseng Diyos ka? Bakit mo ako pinaparusahan nang ganito? Lahat na lang ba ng pagmamay-ari ko ay aangkinin mo?,”pagsusumbat niya. Si Mateo ay lumuhod at nakatingin sa langit. “Kunin mo na ako! Kunin mo na ako!,” utos nito. Sa isang iglap, tumakbong nagtipun-tipon ang mga ulap. Ang buwan ay nagtago na tila natatakot. Unti-unting bumuhos ang lakas ng ulan sa kanyang mukha ay katawang duguan. “Ano? ‘yan lang ba ang kaya mo! Patayin mo na ako!,” hamon ni Mateo. Isang makaiiritang tinig na animo’y kulog ang kanyang narinig. Sandal siayng napatigil dahil sa biglang pagkagulat. Kasabay nito ay ang isang tinig na nanggagaling sa lahat ng suok. “Anak.” “Sino ka? Lumabas ka riyan!,” sabay lingon sa mga paligid nito. “Anak,” pangulit nito. “Tigilan mo ako,” galit na sabi ni Mateo. “Anak,” pangatlong ulit ng nakakiiritang tinig. Pilit na tinatakpan ang kanyang tenga ngunit tila di maalis-alis. “Ahhh!,” pagpapalaya ng boses ni Mateo nang tuluy-tuloy. Natigilan siya nang biglang lumitaw ang isang banaag sa kanyang harapan. “Ahhh!,” pagpapatuloy nito habang pilit na tinatakpan ang kanyang mga mata dahil sa biglang pagkababad ng liwanag. “Biiippp… biiippp…” “Ahhh!,” sigaw ni Mateo na may kasamang paghihingalo at kasabay ng pagbangon sa kama. Nasulyapan niya ang isang di kilalang lalaki sa kanyang harapan na nakadamit puti kasama ang babaeng nakahawak ng sulatan at sa kanyang kaliwang bahagi naman ay nakatayo sina Jose at Pedro. Lumapit ang lalaking nakadamit nang mahabang puti. “Buti naman at gising ka na,” wika ng doctor. Laking pagtatanong ni Mateo sa sarili kung ano ang nangyayari. “Nsaan ako? Anong ginagawa ko rito?,” pagtatanong ni Mateo. “Nasa ospital ka, Nong. Tatlong araw kang nakahimlay sa kamang iyan,” paliwanag ng lalaking papalapit sa kanya. “Tol! Kamuntik ka nang nabangga ni Mang Juan. Nakita tayong tatlo na nakahimlay sa gitna ng daanan na duguan. At agad tayong dinala rito,” pagpapaintindi ni Pedro. Agad na niyakap ni Mateo ang kanyang mga kaibigan at masisilayan sa kanyang mukha ang kasiyahan. “Nabanggit ng mga kaibigan mong ulila ka na. At kung iyong mamarapatin, nais sana kitang kupkupin. Ako nga pla si Juan,” pagpapakilala sa sarili. Ako’y katulad mo ring ulila – sa anak at asawa,” dagdag nito. Hindi nakaimik si Mateo. Tumingin siya sa baba na tila kay lalim ng iniisip. Binalikan niya ang pagtitig kay Mang Juan at sinabing,”Sige po Tay…” “Sama-sama tayo, walang iwanan. Panahon na para magsimula ng panibagong yugto, Anak,” sambit ni Mang Juan. Nagyakapan ang apat na puno ng kasiyahan na bakas sa kanilang mga mata.
Akda:
Si Kathlyn Kaye S. Vargas ay labinapat na taong gulang. Na isang
mag-aaral ng Cagayan National High School sa Tuguegarao City, Cagayan. Na siya’y kinabibilangan ng ikalawang taon ng sekondarya at hinahanay sa SPA (Special Progran in the Arts) seksyon 1 ng Malikhaing Pagsulat II.