TR Ab Ah O/ PR Op Es

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Tr

ab January 1, 1892(1892-01-01)
Kapanganakan:
ah Capiz (now Roxas City), Capiz
o/ April 15, 1948 (aged 56)
Pr Kamatayan: Clark Air Base, Angeles,
op Pampanga
es Nacionalista (1919–1945)
yo Partido Politikal:
Liberal Party (1945–1948)
n May-bahay: Trinidad de Leon
Lawyer
Relihiyon: Roman Catholic

Ika-5 Presidente ng Pilipinas


======================
Ikatlong Presidente ng Komonwelt
==========================
Unang Presidente ng Ikatlong Republika
(Mayo 1946 - Abril 1948)
=======================================================
=========

Talambuhay:

Isinilang si Roxas noong Enero 1, 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang


siya ay mamatay, ang Lungsod ng Roxas sa lalawigan ng Capiz. Sina Gerardo Roxas at
Rosario Acuna ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng
Pilipinas (University of the Philippines)noong 1912 at naging topnatcher sa Bar.

Bilang Pulitiko:

➢ Nag-umpisa siya sa pulitika bilang piskal panlalawigan.


➢ Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L.
Quezon.
➢ Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay
naging speaker.
➢ Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa
National Assembly
➢ Nagsilbi (1938-1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel
Quezon.
➢ Naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas.
➢ Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng
mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon.
➢ Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli
ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang
pakikipagtulungan sa mga Hapon.
➢ Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas MacArthur at
ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng
Estados Unidos.
➢ Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni MacArthur,
nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong Abril 23, 1946 laban kay Sergio
Osmeña.

Bilang Pangulo:

➢ Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga nakipagtulungan sa mga Hapon


maliban doon sa may mabigat na kasalanang kriminal.
➢ Noong ang Pilipinas ay nasa kaguluhan, nagtagumpay si Roxas na makakuha/
makatanggap ng perang gagamitin sa rehabilitasyon mula sa digmaan ang Pilipinas
mula sa estados Unidos sa pamamagitan ng Philippine Trade Act.
➢ Napilitan naman siyang lagdaan ang kasunduang militar na nagtakda sa estados
Unidos ng 99-taong pag-uupa sa mga piling base military sa bansa (binawasan ito ng
25 taon noong 1967), naglimita sa pangangalakal sa mga Pilipino, at pribilehiyo sa
mga taga-estados unidos na may mga pag-aari at inbestor.
➢ Sa kanyang panahon ay umabuso ang mga “military police” na naging sanhi ng
pagkakabuo o pagtatag ng kalahating parte ng Hukbalahap. Ito ay nagresulta sa
malawakang pagmamalupit sa mga mababang uri ng tao o hampas lupa.
➢ Sa kanyang pamahalaan ay lumaganap ang “graft and corruption”. Nagpayaman ng
kanilang mga sarili ang mga “collaborators”. Nanatiling nakatali o umaasa ang
ekonomiya ng pilipinas sa ekonomiya ng estados unidos.

Naging suliranin sa ilalim ng kanyang pamamahala:

Naharap sa maraming problema si Roxas.


➢ Nagkaroon ng iskandalo sa pamamahagi ng sarplas at bayad-pinsala sa digma.
➢ Nabigo ang kanyang binuksang mekanisadong pagsasaka sa Mindanao.
➢ Biglang lumakas ang Kilusang Hukbalahap.

Kamatayan:

Noong Abril 15, 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay, habang
nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados Unidos sa Clark Air Base.
November 16, 1890(1890-
Kapanganakan: 11-16)
Vigan, Ilocos Sur
Ika-6 na Presidente ng Pilipinas
Ikalawang Presidente ng Ikatlong February 29, 1955
republika Kamatayan: (aged 64)
(April 18, 1948– December 30, Quezon City
1953) Partido Pulitikal: Liberal Party
Trabaho o
Lawyer
Propesyon:
Relihiyon: Roman Catholic
=================================
Ikatlong Bise-Presidente ng Pilipinas
Ikalawa at Huling Bise-Presidente ng Komonwelt
Unang Bise-Presidente ng Ikatlong Republika
(May 28, 1946 – April 17, 1948)
=================================
Kalihim ng Ugnayang Panlabas
(September 16, 1946 – April 17, 1948)
=======================================================
===========

Talambuhay:

Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano
Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas
(University of the Philippines) noong 1915.

Bilang Pulitiko:

Tanyag at iginagalang si Quirino nuon, batikang politiko kahit masasabing may


pagka-makaluma (conservative). Kaiba kay Roxas na laging nasa harapan, nagsisigasig si
Quirino sa loob, at kasama, ng kanyang pangkat at mga kabig.

➢ Nahalal sa Kongreso noong 1919.


➢ Hinirang na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi
ng "Constitutional Convention".
➢ Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946.
➢ Nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948.

Bilang Pangulo:

Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang


komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang
Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at
mga industriya.

Mga nagawa, patakaran at programa bilang Pangulo:

➢ Nabunyag na makapayapa [pacifist] pala siya nang taimtim niyang tinangkang


pagbuklod-buklurin ang mga nag-aaway na pangkat-pangkat sa buong kapuluan.

➢ Nakipagkasundo rin siya ng kapayapaan [peace treaty] sa Japan, gayung siya ay


ikinulong at pinahirapan nuong panahon ng Hapon, at ang kanyang asawa, si Alma
Syquia, at 3 anak niya ay pinatay ng mga Hapon.

➢ Marami siyang nahikayat at kung malaganap pa man din ang karahasan, ito'y unti-
unting nabawasan at nagsimulang tumahimik ang kalakihan ng bayan, maliban sa 2 -
ang sugod ng mga Huk sa Luzon, at ang pusok ng mga Muslim sa kanlurang
Mindanao.

➢ Sa 5 taon niyang pamamahala, iba't ibang paraan at pakana ang pinairal niya upang
mapatahimik ang bayan at umunlad ang buhay ng mga mamamayan.

➢ Siya ang nagpasimula ng takdang arawang kita [minimum daily wage] para sa
mga manggagawa at sa mga kawani ng pamahalaan.

➢ Umutang siya ng 200 milyon dolyar mula sa America upang pundaran ang ACCFA,
pautangan ng mga magsasaka, sinabayan ng pagtatag niya ng mga bangko sa
lalawigan upang mapundaran ang mga tagaroon.

➢ Isinugo niya ang kanyang kapatid, si Antonio Quirino, upang makipagkasundo kay
Luis Taruc. Inalok niya nuong Junio 21, 1948 ng kapatawaran [amnesty] ngunit
tumanggi ang mga Huk na isuko ang kanilang mga sandata. Nagpatuloy ang
sagupaan sa Gitnaang Luzon.

Naging suliranin at masamang nangyari noong kanyang panunungkulan:

Mabuti man ang pagkatao, kahit mahusay ang damdamin at mga tangka ni Quirino,
nadaig siya ng mga alalay at kakampi sa politica, ang mga gahaman at walang pitagang
nagnakaw sa pamahalaan na pinakawalan at binigyan ng kapangyarihan ni Roxas.

➢ Sa pamahalaan ni Quirino nagsimula ang masaklap na gawi sa Pilipinas - ang bawat


pamunuan [administration] ay nawawatak, walang pangulo ang muling nahahalal
dahil sa kagagawan ng kanilang mga kawatan at katulong sa politica. Sa English,
graft and corruption ang tawag, latay pa sa likod ng bayan hanggang ngayon.

➢ Sukdulang kakatwa na si Quirino, ang mapagpayapa, na kusa at handang pagbigyan


ang mga Huk, ang naging sanhi ng pinakamasidhing lusong ng mga tagabukid
nuong 1950 nang umabot sa 15,000 ang mga nag-aklas.

➢ Ang patayan, mga karahasan at pandarayang naganap nuong 1949 nang mahalal
muling pangulo si Quirino ang nag-udyok sa maraming magsasaka na tumulong o
sumanib sa mga Huk.

Kamatayan:
Nang nagpahinga na mula sa politika si Quirino, kinalimutan ang ginawa niyang
pagpaunlad ng buhay ng mga tao; inalaala lamang ang paglaganap ng graft and
corruption sa kanyang pamahalaan. Ang mapagpayapa, kinalimutan ang kanyang
pagbuklod ng mga nag-aaway na pangkat-pangkat sa buong kapuluan; inalaala lamang ang
pag-alsa ng mga Huk sa Luzon. Sa maraming kabutihang ipinamana ni Quirino sa bayan,
isa lamang ang tanging inamin at inaalaala pa hanggang ngayon, ang paghirang at matapat
na pagtangkilik niya, hanggang sa kahuli-hulihan, sa naging pambato laban sa mga Huk, si
Ramon Magsaysay, ang tumalo sa kanya sa halalan nuong 1953.

Namatay siya sa atake sa puso noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66.
Siya ang unang Ilokanong pangulo.

“He who has less in life should have more in law”.


[Ang magkamit nang kulang sa buhay ay dapat makatanggap nang higit sa batas]
- Ramon Magsaysay
August 31, 1907(1907-08-
Kapanganakan: 31)
Iba, Zambales
March 17, 1957 (aged 49)
Kamatayan: Mt. Manunggal, Balamban,
Cebu
Partido Pulitikal: Nacionalista Party
May-bahay: Luz Banzon
Trabaho o
Engineer
Propesyon:
Relihiyon: Roman Catholic

Ika-7 Presidente ng Pilipinas


Ikatlong Presidente ng Ikatlong Republika
(December 30, 1953 – March 17, 1957)
=======================================================
===========

Sino ang makalilimot sa popularidad ni Ramon Magsaysay? Siya ang bukod-tanging


pangulo na nagbukas sa pintuan ng Malakanyang para sa lahat ng mamamayan. Nagawa
niyang ilapit ang pamahalaan sa puso ng bayan at pag-alabin ang diwa ng pagkamakabayan
sa damdamin ng mga Pilipino. Pinasigla rin niya ang paggamit ng Wikang Pambansa.
At hindi katulad ng ibang sikat noong panahon niya na nagsusuot ng Amerikana, mas pinili
niyang isuot ang Barong Tagalog.

Talambuhay:

Ipinanganak si Ramon Magsay-say kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro sa


Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907. Una siyang nag-aral ng elementarya sa paaralan ng
Castillejos at tinanghal siyang salutatorian sa Mataas na Paaralan ng Zambales Academy.
Mahilig siya sa teknolohiya kaya pumasok siya sa Pamantasan ng Pilipinas at nag-aral ng
Mechanical Engineering. Dahil sa isang matinding pagkakasakit at pagiging self-supporting
student sa pag-aaral ay lumipat siya sa Jose Rizal College at doon nagtapos ng Bachelor of
Science in Commerce noong 1932.

Nang makatapos sa kolehiyo, naging kawani si Ramon sa Try-Tran, isang malaking


transportation Company sa Maynila. Dito niya nakilala ang kanyang napangasawa, si Luz
Banzon. Tatlo ang naging anak nila, sina Teresita, Milagros at Ramon Jr.

Bilang Pulitiko:

Noong pumutok ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig (Disyembre 8, 1941), si Ramon


Magsaysay ay naglingkod sa army. Pagkatapos ng giyera, naging Military Governor siya ng
Zambales. Samantala, muling naitatag ang pamahalaang-sibil sa bansa, ang
Commonwealth, at kumandidato siya sa pagka-Kongresista.

Bilang Kongresista, isinulong niya ang pagsasabatas ng pagtulong sa mga


veteranong kawal, pensiyon ng kapamilya nito, benepisyong pang-edukasyon at iba pang
kapaki-nabangan buhat sa pamahalaan.
Pagkamatay ni Pangulong Manuel Roxas, humalili ang Pangalawang Pangulong
Elpidio Quirino at si Magsaysay ay hinirang nito na maging Kalihim ng Tanggulang Bansa.
Naipakita rito ni Ramon Magsaysay ang kanyang husay sa pamamalakad sa sandatahang
militar.

At sa eleksyon noong 1951 ay naganap ang itinuturing na pinakamalinis na halalan


sa kasaysayan ng pulitika sa Pilipinas sa pamamagitan ng pamamahala ng sandatahang-
lakas sa pamumuno ni Magsaysay. Dahil dito ay tinagurian siyang "Man of the Year"
noong taong yaon.

Sa halalan sa Panguluhan noong 1953, kumandidato si Magsaysay sa pagka-pangulo


dahil na rin sa pagnomina ni dating Pangulong Jose P. Laurel sa kanya. Nagwagi si
Magsaysay ng may malaking kalamangan sa kanyang kalaban. At noong Disyembre 30,
1953, sumumpa siya bilang ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.

Mga nagawa, programa at pamamalakad sa pamahalaan:

Naging maganda ang pamamalakad ni Magsaysay bilang pangulo. Siya ang


nagpahayag na "walang kahulugan ang demokrasya kung bigo itong tustusan ang mga
pangunahing pangangailangan ng mga tao at hindi maipagkaloob sa kanila ang isang
pamumuhay na malayo sa takot at kahirapan."

➢ Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang


pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si
Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko
sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".

➢ Nagpatuloy siya ng pagtangkilik sa mga common tao, binuksan niya ang


Malacanang Palace upang kahit sinong nakabakya lamang ay maaaring pumasok
at kausapin ang kanilang pangulo.

➢ Itinatag niya ang NARIC [National Rice Corporation] upang pamahalaan ang pag-
imbak, kalakal at presyo ng bigas upang makayanang bilihin ng kahit pinakadukhang
Pilipino.

➢ Itinatag din niya ang Namarco [National Marketing Corporation] upang makabili ang
mga tao ng murang delata, gaya ng gatas, karne-norte, atbp.

➢ Pinalawak din ni Magsaysay ang SWA [Social Welfare Administration] upang


tulungan ang mga dukhang dumadagsa sa mga squatters area sa Manila nuon.

Kamatayan:

Hindi natapos ni Ramon Magsaysay ang kanyang termino dahil noong Marso 17,
1957, bumagsak ang sinasakyan niyang helicopter sa bundok ng Manunggal sa Cebu.
Nagluksa ang buong bayan sa pagkawala ng isang lider na malapit sa puso. Iyan si Ramon
Magsaysay, isang Pangulo, isang halimbawa, isang Pilipino.

Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng
pamahalaan. Siya ang tanging pangulo na tinawag ng mga tao sa kanyang palayaw,
Monching.
November 4, 1896(1896-
Kapanganakan: 11-04)
Talibon, Bohol
June 14, 1971 (aged 74)
Kamatayan:
Bohol, Philippines
Partido Pulitikal: Nacionalista Party
May-Bahay: Leonila Dimataga
Trabaho o Propesyon: Lawyer
Relihiyon: Roman Catholic

Ika-8 Presidente ng Pilipinas


Ika-4 na Presidente ng Ikatlong Republika
March 23, 1957 (elected December 30, 1957) – December 30, 1961
=================================
Ika-5 Bise-Presidente ng Pilipinas
Ikatlong Bise-Presidente ng Ikatlong Republika
December 30, 1953 – March 18, 1957
=======================================================
===========

Talambuhay:

Isinilang si Carlos Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol


sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. Ang kaniyang mga magulang ay sina
Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman
Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa
Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Siya ay naging abogado at guro.

Bilang Pulitiko:

➢ Pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan
ng mga Kinatawan (Philippine House of Representatives) at naglingkod hanggang
1932.

➢ Si Garcia ay naging gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas,


mula 1932 hanggang 1942.

➢ Naging miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953.

➢ Noong Ika-II Digmaang Pandaigdig (1939-1945), lumaban siya sa pananakop ng mga


Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol.

➢ Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado.


➢ Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang bise presidente na kabilang sa Tiket
Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong Pilipino na
bumuo at namuno sa isang pwersang guerilla na lumaban sa pananakop ng mga
Hapones.
➢ Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise
presidente at Kalihim ng Suliraning Panlabas.

➢ Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay


sa isang aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng Panguluhan noong
Nobyembre 1957.

Mga nagawa at pamamalakad sa pamahalaan:

➢ Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga


pinuno ng Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na
ginagamit na Base Militar ng Amerika.

➢ Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa


kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA
samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang
manalo sa Halalan noong 1961.

➢ Ipinatupad niya ang Filipino First Policy. Dala rin nito, sinulsulan niya ang
paglalakbay ng Bayanihan Dance Troupe at iba pang pangkat ng sayaw Pilipino sa
America at marami pang bansa upang ipakita, lalo na sa mga Pilipino mismo, ang
ganda at yaman ng mga gawi at katauhan ng mga tagapulo.

➢ Siya rin ang nagsimula ng programa sa pagtitipid sa pangalang “austerity” nang


masansala ang paggasta ng salapi ng bayan at makapag-imbak para sa kinabukasan,
bagama’t binabatikos siya sa mga paglalakbay niya sa ibang bansa, at pagbili ng
mamahaling yate at eroplano para sa presidente.

Mga suliraning hinarap ng kanyang pamahalaan:

Masalimuot at mahirap ang pulitika sa panahon ng panunungkalan ni Garcia.

➢ Dapat kilalanin sa panahon niya ang makabansang patakaran hinggil sa base military
sa Estados Unidos sa Pilipinas at ang matibay niyang paninindigan para sa dagdag na
bayad-pinsala sa digma mulang Estados Unidos at Hapon.

➢ Sa panahon din niya nabulgar ang mga nakawan sa People’s Homesite and Housing
Corporation (PHHC), Government Service Insurance System (GSIS) at iba pang
iskandalo na sumira sa kanyang pamamahala.

Gayung kasing linis ni Magsaysay, kapwa ayaw gumamit ng salapi ng bayan sa halalan o
sa sarili, namayani pa mandin sa pamahalaan ni Garcia ang kabulukan [graft and
corruption] na nagsimula pa nuong panahon ni Magsaysay sa ilalim ng NARIC, NaMarCo,
SWA at iba pang naglakihang pundar ng pamahalaan. Naging eskandalo ang walang puknat
at malawak na pagnanakaw ng hindi masupil na mga kawani at pinuno ng pamahalaan.

Natalo si Garcia sa halalan nuong Noviembre 14, 1961, nang tumanggi siyang gamitin
ang kapangyarihan at salapi ng pamahalaan upang mahalal muli, at sa paratang ng graft
and corruption na dumanak sa kanyang pamamahala.

Kamatayan:
Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang politiko, si Garcia ay kilala rin
na Pilipinong makata sa kanyang diyalektong Bisaya at isang pulitiko.

Natalo siya sa eleksiyon ng 1961. Pero sa Kumbensiyong Konsitutional nitong 1971, nahalal
siya bilang delegado. Nahalal pa siyang pangulo ng nasabing kumbensiyon.
Namatay siya sa atake sa puso noong Hunyo 14, 1971 sa edad na 75 ilang araw
pagkabukas ng kapulungan.

Kilala si Garcia kanyang pagpapatupad ng Filipino First Policy.

September 28, 1910(1910-


09-28)
Kapanganakan:
Lubao, Pampanga,
Philippines
April 21, 1997 (aged 86)
Kamatayan:
Makati City, Metro Manila
Partido Pulitikal: Liberal Party
(1) Purita dela Rosa—died
May-bahay:
(2) Evangelina Macaraeg
Trabaho o
Lawyer
Propesyon:
Relihiyon: Roman Catholic

Ika-9 na Presidente ng Pilipinas


Ika-5 Presidente ng Ikatlong Republika
December 30, 1961 – December 30, 1965
================================
Ika-6 na Bise-Presidente ng Pilipinas
Ika-4 na Bise-Presidente ng Ikatlong Republika
December 30, 1957 – December 30, 1961
=======================================================
===========

Talambuhay:

"Poor boy from Lubao" ang taguri kay Diosdado Macapagal dahil anak siya ng
mahirap na magsasaka. Isinilang sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong Setyembre 28,
1910. Ang kanyang mga magulang ay sina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira
siya sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang siya'y magtapos ng "Doctor of
Laws" sa Unibersidad ng Sto. Tomas noong 1936 at pumasok sa pulitika. Siya ay bayaw ni
Rogelio de la Rosa, Ambassador ng Pilipinas sa Cambodia. Una siyang nagtrabaho bilang
abogado sa isang tanggapan ng Amerikano.

Bilang Pulitiko:

Nang maging pangulo si Pres. Quirino ay pinili niya si Diosdado Macapagal na maging
Chief Negotiator para sa pag-angkin ng Pilipinas sa Turtle Islands mula sa Britanya.
Habang nagtratrabaho siya sa Department of Foreign Affairs, ay naging Second Secretary
siya mg Embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. sa Amerika.
Noong 1949 ay naging kongresista siya ng 1st district ng Pampanga, at naging re-
elected siya noong 1953. Dito tinawag si Diosdado Macapagal na “Kampiyon ng Masa”.
AT mula 1949 hanggang 1957 ay hinirang siyang sa “Sampung natatanging
Mambabatas”. Tinawag siyang “The Best Lawmaker” mula 1954 hanggang 1957. 1958
nang manalo bilang Vise-Presidente ng Pilipinas si Diosdado Macapagal. At noong halalan ng
pagkapangulo ng taong 1961, nagwagi at tinanghal na Presidente ng Pilipinas si Diosdado
Macapagal. Nanumpa siya noong 30 Disyembre 1961.

Mga Batas at Programa ng kanyang Pamahalaan:

➢ Siya ang may-akda ng "Rural Health Law" at "Minimum Wage Law".


➢ Nanguna rin siya sa delegasyon para sa "US-RP Mutual Defense Treaty".
➢ Inilunsad niya ang "Agricultural Land Reform Code" at nilinis ang pamahalaan sa
katiwalian. Ito ang simula nang pag-aalis ng sistemang kasama o tenancy at
pagbibigay ng sariling lupa sa mga magsasaka. Napagtibay ito noong Agosto 5,
1963.
➢ Limang taon sa Socio-Economic Program para sa pag control ng pangangalakal sa
ibang bansa.
➢ Kilala siya sa nationalization of Retail and Land Reform Bill.

Kilala din siya sa mga sumunsunod:

➢ The Spread of National Language


➢ Changing Our Independence from July 4 to June 12. May anim na buwan pa
lamang siyang nakaupo sa Malacanang, binago na niya ang Araw ng Pagdiriwang ng
Kalayaan. Sa Halip na Hulyo 4, inilipat ito sa Hunyo 12. Ito ang petsa nang ipahayag
ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas sa pananakop ng mga Espanyol
at napagpatibay na ito noong Agosto 4, 1964 bilang Batas Republika Blg. 4166. Ang
Hulyo 4 ay itinakda namang Philippine-American Friendship Day.
➢ Official Filing on June 22, 1962, the Philippine claim over Sabah.
➢ Formation of Maphilindo. Binubuo ito ng Malaysia, Pilipinas at Indonesia.
Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato ng Partido Liberal at naging
pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos na isa ring liberal katulad ni Macapagal. Pero
nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Himiwalay sa Partido Liberal si Marcos at
ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalang 1965. Tinalo
ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon.

Humalili siya bilang pangulo ng Contitutional Convention noong 1971.

Panahon ng panunungkulan:

➢ Dahil dito, naging masigasig siya tungkol sa reporma sa lupa. Ayon sa kanya, “Kung
walang reporma sa lupa, mawawala hindi lamang ang lupa kundi ang buhay man ng
magmamay-ari nito.”
➢ Sinikap niyang masugpo ang katiwalian sa pamahalaan. Nagpakita si Pangulong
Diosdado Macapagal ng magandang halimbawa ng katapatan, payak ng pamumuhay
at mataas na moralidad. Ngunit tulad ng mga naunang pangulo, ang kaniyang
halimbawa ay sinira ng kaniyang mga tauhan.

➢ Ayon sa kanya, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Asya na nagpahayag ng


kaniyang kalayaan mula sa pananakop ng mga dayuhan.

➢ Sa Panahon din ng pamamahala niya nagsimula ang laganap ng Wikang Pambansa.


Sa mga kasulatang pandiplomatiko, selyo at panandang pantrapiko, ginamit ang
sariling wika natin.

➢ Ginamit din ang mga pangalang Pilipino sa pagpapangalan sa mga bagyo.

➢ Sa pamahalaan ni Pres. Diosdado Macapagal nagsimula ring magtanim ng “Miracle


Rice”.

➢ Nagsimula rin ang infrastructure projects na kagaya ng North Diversion Road, South
Super Highway at mga Tenement Housing Projects.

➢ Naitatag rin ang NACIDA, Phil, Veterans Bank atbp.

➢ Noong Hunyo 22 1962, nagsimulang ipinaglaban at tinuwid ni Pres. Macapagal ang


karapatan ng Pilipinas sa Isla ng Sabah.

Suliranin ng kanyang Pamahalaan:

➢ Pangunahin sa mga suliranin ng administarasyon ni Diosdado Pangan Macapagal ang


pangkabuhayan.

➢ Nangako si Diosdado Pangan Macapagal na lulutasin niya ang mga problema sa


pabahay,hanapbuhay, pagtaas ng sahod at pagtulong sa mga magsasaka.

Mga Programa Upang Malutas ang suliranin:


M ➢ Upang malutas ito, bumalangkas ng 5 taon progama ang administrasyon ni Diosdado
ga Pangan Macapagal. Layunin nito ang sapat pag-unlad ng kabuhayan sa bansa at
ki mabigyan ng sapat na pangangailangan ng mamamayan.
na ➢ Sa panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal ay tinangal din niya ang
bil kumokontrol sa pagpalitan ng piso at dolyar. Ito’y tinatawag na Decontrol Program
an kung saan ay naging 3 piso at 90 sentimos na ang palit sa isang dolyar, mula sa 1$/2
ga piso na palitan mula pa noong 1946. Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at muli
ng noong 1953.
Pa
rti Bumaba sa Pagkapangulo si Pres. Diosdado Macapagal noong 1965, ngunit
do
ganumpaman, ipinagpatuloy niya ang paglilingkod sa bayan bilang Halal na Pangalawang
Pu
Pangulo ng Constitutional Convention noong 1971-1972. Ngunit namatay si Dating
liti
Presidenteng Carlos P. Gacia na nahalal na pangulo ng Kumbensiyon, kung kaya’t si
ka
Prsidenteng Diosdado Pangan Macapagal ang humalili nito.
l

Kamatayan:

Namatay siya sa atake sa puso, pneumonia at sakit sa kidney sa Ospital ng Makati sa


Lungsod ng Makati, noong Abril 21, 1997, sa edad na
86.

Liberal Party (1946-1964)


Nacionalista Party (1964-1978)
Kilusang Bagong Lipunan (1978-
1989)

Kapanganakan: Setyembre 11, 1917


Sarrat, Ilocos Norte

Kamatayan: Setyembre 28, 1989 Makiki,


Hawaii

May-bahay: Imelda Romualdez Marcos

Trabaho o
Propesyon: Abogado

Ika-10 Pangulo ng Pilipinas


Ika-6 na Pangulo ng Ikatlong Republika
Una at Huling Pangulo ng Ika-Apat na Republika |
Disyembre 30, 1965 - Pebrero 25, 1986
==============================
Punong Ministro ng Republika ng Pilipinas
Hunyo 12, 1978 - Hunyo 30, 1981
==============================
Kasapi, Senado ng Pilipinas (1959-1965)
Pangulo ng Senado (1963-1965)
Senate President Pro-tempore(1963)
Minority Floor Leader (1959-1963)
==============================
Kasapi, Kapulungan ng mga Kinatawan
(1949-1959)
Kinatawan, Ika-2 Distrito ng Ilocos Norte
(1949-1959)
=======================================================
===========

Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (Setyembre 11, 1917 - Setyembre 28,


1989) ang ika-10 Pangulo ng Pilipinas na nanungkulan mula 1965 hanggang 1986. Siya ay
isang abugado, kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula 1949 hanggang 1959 at
kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965. Noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, siya ay naging lider-gerilya sa hilagang Luzon. Noong 1963, siya ay naging
Pangulo ng Senado kapalit ni Senador Eulogio Rodriguez, Sr.. Bilang Pangulo ng Pilipinas,
kahanga-hanga ang kanyang mga nagawa sa larangan ng diplomasya at pagpapagawa ng
mga mahahalagang imprastraktura sa bansa. Ngunit, ang tagumpay ng kanyang
pangasiwaan ay nabahiran ng talamak na katiwalian, paniniil sa karapatang pantao, at
panunupil sa oposisyon. Bumagsak ang kanyang pamunuan sa Rebolusyon sa EDSA na
naganap noong 1986.

Talambuhay

Si Ferdinand E. Marcos ang itinuturing na isa sa pinakamatalinong naging presidente


ng bansa, hindi lamang sa temang akademiko kundi pati sa kanyang ginawa upang
mapanitiliniya ang sarili sa posisyon sa loob ng mahigit dalawampung taon.

Si Marcos ay isinilang noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Ang
kanyang magulang ay sina Don Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin. Apat silang
magkakapatid, sila, si Dr. Pacifico, Elizabeth at Fortuna. Ang kanyang ama ay nagging
kongresista ng Ilocos at gobernador ng Davao. Si Donya Josefa naman ay isang dating guro
sa kanilang bayan.

Sa kanyang kabataan pa lamang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Palagi siyang


mayroong karangalang nakukuha magmula sa elementarya hanggang sa magtapos siya ng
mataas na paaralan. Limang taong gulang lamang siya nang pumasok sa elementarya sa
Sarrat Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas Siya nagtapos ng High School noong
1933. Sa pamantasan ding iyon siya kumuha ng Abogasya at nagtapos bilang Cum Laude
noong Marso 1939. Nakamit niya ang President Manuel Quezon Medal Award dahil sa
kanyang Graduation Thesis.

Siya ay iskolar sa buong panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng Pilipinas


at naging kilala siya sa campus dahil sa kanyang kahusayan sa debate at pagtatalumpati.
Maging sa larangan ng palakasan tulad ng swimming, boxing, at wrestling ay kinilala siya.
Isa rin siyang sharpshooter sa paghawak ng baril. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na
karangalan sa Military Science and Tactics sa buong Pamantasan. Nagsulat din siya sa
Philippines Collegian, ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng Pilipinas.
Nagri- review noon si Ferdinand para sa bar exams nang matalo ang kanyang ama sa
muli nitong pagtakbo bilang kongresista. Ang tumalo ditto, si Julio Nalundasan ay nabaril at
namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang napagbintangan, at kahit pa nga isang
mahusay na abogado ang nagtanggol sa kanya, nahatulan pa rin siya ng labimpitong taong
pagkabilanggo.

Nasa loob siya ng kulungan ng maging topnotcher sa bar exams at nang maging
ganap na abugado ay hiniling niya sa Kataas- taasang Hukuman na payagansiyang
ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa kanya. Dahil sa kanyang talino at kahusayan
ay pinayagan siya ng Korte Suprema. Nanalo siya at napawalang- sala. Tinanghal siyang
lawyer of the year at hinangaan ng mga kapwa abogado.
Bilang Isang Sundalo

Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sumapi si Marcos sa United States
Army Forces in the Far East bilang combat intelligence officer ng 21st Infantry Divison.
Siya ay lumaban sa pagtatanggol ng Bataan laban sa mga Hapones at naging isa sa mga
biktima ng Death March. Siya ay kinulong at pinalaya ng mga Hapones sa Capas ngunit
siya ay muling dinakip, kinulong at pinahirapan sa Kuta Santiago Nakatakas si Marcos at
itinatag ang kilusang gerilya sa Hilagang Luzon, ang "Maharlika". Siya ay kinilala bilang isa
sa mga magagaling na lider ng mga gerilya sa Luzon at ang kanyang diumano’y
pinakahanga-hangang katapangawang-gawa ay sa Labanan sa Pasong Besang.

Bilang Isang Politiko

Pagkaraan ng digmaan at pagtatag ng Republika ng Pilipinas, hinirang ni Pangulong


Manuel Roxas si Marcos bilang special technical assistant. Noong 1949, siya ay tumakbo
at nagwagi bilang kinatawan ng Ilocos Norte sa Kongreso. Ang unang pinagtuunan niya ng
pansin ay ang kalagayan ng mga magsasaka sa kanilang lalawigan at sa buong bansa na
rin.

Nang sumunod na halalan, 1953, ay muli siyang nanalong kongresista at naging


assistant minority floor leader sa kongreso. Sa ikatlong pagkakataon ay nahalal siyang
kongresista noong 1957

Noong 1959 siya ay tumakbo at nanalo bilang Senador na may pinakamalaking boto.
At nagging Pangulo ng Senado.

Noong Nobyembre 9, 1965, nanalong pangulo si Marcos at pangalawang pangulo naman si


Eugenio Lopez. Natalo nila sina Diosdado Macapagal at Gerry Roxas sa isang "landslide
victory".

Umalingawngaw sa buong bansa ang kanyang slogan, “Magiging Dakilang muli


ang bansang ito!”

Mga Nagawa sa Loob ng Unang Termino:

Marami at lubhang kapaki-pakinabang ang mga nagawa ng Pangulong Marcos sa mga


unang apat na taon ng kanyang panunungkulan. Ang mga ito'y ang sumusunod:
➢ Ang pagpapanibagong-ayos ng may 2,000 malalaki at malilit na industriya;
➢ Pagsugpo sa katiwalian at kasamaan sa pamahalaan;
➢ Pagpapaunlad ng mga baryo na sa unang pagkakataon sa kasaysayan nabigyan ng
tiyak na kaparti sa kinikita ng pamahalaan;
➢ Pagpapatayo ng higit sa 80,000 silid-aralan at higit sa 6,000 kilometro ng mga
lansangan (kabilang na ang unang phase ng North Diversion Road mula Balintawak
hanggang Tabang sa Bulacan);
➢ Ang pagpapatayo o rehabilitasyon ng pamamaraan ng mga patubig, o irigasyon na
ang ang kabuuang bilang nito'y nakakahigit sa lahat ng patubig na naitayo sapul sa
panahon ng mga Kastila noong 1565 hanggang sa pangasiwaang kanyang sinundan.
➢ Ang pagsisimula ng Green revolution at pagkakaroon ng 'mapaghimalang palay' o
"miracle rice';
➢ Ang puspusang pagsasakatuparan ng reporma sa lupa;
➢ Ang pagpapalakas ng kilusang kooperatiba sa isang pambansang sukatan;at
➢ Ang muling pagpapasigla at pagtangkilik sa sining at kulturang sariling atin sa
pamamagitan ng pamamahala ng Unang Ginang Imelda Marcos.

Binalangkas ni Marcos ang layunin ng kanyang pangasiwaan:

➢ Mabigyan ng pampasigla ang pagpapaunlad ng pamayanan at proyekto ng


pagawaang-bayan tulad ng pagpapagawa ng mga kalsada at tulay.

➢ Isakatuparan ang palatuntunan ng reporma sa lupa.;

➢ Pagkakaroon ng kasapatan sa produksyon ng palay at magpasimula ng pag-iiba-iba


ng pananim upang mapaunlad ang pag-aani.;

Pangalawang termino:

Nang sumapit ang sumunod na halalan noong 1969, muling nanalo si Marcos bilang
pangulo at si Lopez bilang pangalawang pangulo. Ngunit sa pagkakataong ito ay unti- unti
nang nawawala ang tiwala ng tao sa pamahalaan dala ng malalaking problemang
kinakaharap ng bansa.

Mga Suliranin:

➢ Tumaas ang presyo ng langis at kasunod nito ang pagtaas ng mga bilihin. Marami
ang naghirap at nagutom.

➢ Tumaas ang kriminalidad at nasangkot ang pamahalaan sa malalaking anomalya at


eskandalo.

➢ Nagkaroon ng madadalas at malakihang demonstrasyon na nilahukan pati ng mga


estudyante at taong simbahan. Ang pinakamadugong demonstrasyon ay naganap
noong Enero 30, 1970 sa Mendiola Bridge.

Tangi sa palaki nang palaking paghihirap ng kalagayang-pangkabuhayan, ang


pangasiwaang Marcos at nasusuong sa mga mabibigat na suliranin. Nangunguna sa mga
ito'y ang paglubha ng kalagayang pangkatahimikan at kaayusan ng bansa na humantong sa
mga sumusunod:

➢ Paglaganap ng krimen bunga ng pagkalahatang paghihikahos at pangkabuhayang


paghihirap at ang paggitaw ng naitatg na krimen;

➢ Patuloy na katiwalian sa pamahalaan lalung-lalo na ang mga taong nagpapairal ng


batas, na karamiha'y gumagamit ng kanilang kapangyarihan sa paggawa ng
pagmamalabis o sa pagtangkilik ng krimen; at
➢ Pagkakaroon ng mga pribadong hukbo ng mga mayamang tinatangkilik ng mga
pulitiko.

Mga desisyon at solusyong ginawa ni Marcos:

➢ Agosto 21, 1971 ay sinuspinde ni Marcos ang Writ of Habeas Corpus upang
mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Binomba kasi ang rally ang Liberal Party sa
Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971 upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan
sa bansa.

➢ Noong Setyembre 21, 1972 ay ibinaba ang Batas Militar o Martial Law. Marami na
raw krisis ang nararanasan ng bansa tulad ng pagbomba sa Plaza Miranda,
pagsabotahe at pagwasak sa mga pribado at pambansang ari- arian. Walang puknat
na rally ng mga manggagawa at mga estudyante at ang pinakahuli ay ang
pagtambang sa Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Juan Ponce Enrile.
Nobyembre 19, 1972 ay natapos ang bagong Saligang Batas. Pinagtibay ito sa isang
referendum noong Enero 19, 1973.

Totoong nabawasan ang kriminalidad dahil sa takot ng mga mamamayan sa Batas


Militar. Maraming ipinahuli at ipinabilanggo si Marcos, lalo na ang mga lumalaban sa
gobyerno. Ngunit hindi napayapa ang damdamin ng bayan. Anuman ang ipalabas ng
pamahalaan tungkol sa kalagayan ng mga mamamayan sa malalaking anomalya sa
gobyerno.

Mga pangyayari at programa noong Panahon ng Batas Militar:

➢ Sa panahong ito ng Batas Militar ay sumikat ang programang Bagong Lipunan.Ito ang
sagot ni Marcos sa nagaganap na pagrirebelde ng mga tao.
➢ Maraming naisagawa nang mga panahong ito tulad ng pag- akit sa mga dayuhang
mamumuhunan.
➢ Pagsigla ng turismo sa bansa, pagtatayo ng mga impratruktura tulad ng Cultural
Center of the Philippines, Folk Arts Theater, San Juanico Bridge,Philcite at iba pa.
➢ Nagkaroon na rin ng LRT na hanggang sa ngayon ay pinakikinabangan ng
sambayanan at ipinagpatuloy pa ang pagpapagawa sa ibang lugar ng Kamaynilaan.

Pagpapatalsik sa Mga Marcoses:

Nabahala ang mga Amerikano kaya kinumbinse nila si Marcos na magdaos ng


Presidential Snap Election upang Makita kung sinusuportahan pa rin ng tao ang kanyang
pamahalaan. Idinaos ang halalan noong Pebrero 7, 1896 at nakalaban niya si Cory, ang
asawa ng dating Senador Ninoy Aquino na Mahigpit niyang tagatuligsa.

Ayon sa Comelec ay nanalo si Marcos ngunit sabilang ng Namfrel ay si Cory naman ang
nanalo. Nagprotesta si Cory at tumawag ng civil disobedience. Nagsagawa naman ng kudeta
sina Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile. Nanawagan naman sa tao si Jaime Cardinal Sin kaya
dumagsa ang mga tao sa EDSA na nagnanais na mapalayas si Marcos sa puwesto. At
naganap ang makasaysayang People’s Power na nagpatalsik kay Marcos.

Si Marcos, ang kanyang pamilya at ilang miyembro ng gabinete ay dinala ng mga


Amerikano sa US upang maiwasan ang madugong pangyayari na maaaring maganap sa
pagitan ng mga tagasunod nito at ni Cory Aquino.
Kamatayan:

Namatay si Marcos noong Setyembre 28, 1989 sa Makiki, Hawaii. Iniuwi sa bansa ang
kanyang bangkay at inilagsak sa isang glass case crypt sa kanyang sinilangang bayan.
Namatay siya sa gulang na 72.

Ang kauna-unahang hangarin ay hindi rangya o pakinabang kundi


democracia, - ang karapatan ng
bawat Pilipino at sinilangan ng January 25, 1933 (1933-01-
ating lahi Kapanganakan: 25) (age 74)
Paniqui, Philippines
- 'Cory' Corazon Aquino United Nationalists
Democratic
Partido Politikal:
Organizations
(UNIDO)/Liberal
Asawa: Benigno Aquino, Jr.†
Trabaho o
Housewife, Politician
propesyon:
Relihiyon: Roman Catholic

Ika-11 Presidente ng Pilipinas


Ikalawang Presidente ng 4th Republic
Unang Presidente ng 5th Republic
February 25, 1986 – June 30, 1992
=======================================================
===========

Si María Corazón Sumulong Cojuangco-Aquino (Enero 25, 1933- ) na lalong mas


kilala sa palayaw na Cory ay ang ikapitong pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-
unahang naging babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992). Nailuklok
siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong
Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa.

Talambuhay:
Ipinanganak siya sa Tarlac kina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-
aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. Siya ay
kabiyak ni Benigno Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon
ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Bilang Pangulo:

Itinalagang Pangulo ng Pilipinas ng nasabing rebolusyon si Corazon C. Aquino, na


lalong kilala bilang Cory, ang maybahay ng napaslang na dating Senador Benigno "Ninoy"
Aquino. At hayagang sinasabi ng ilan na ang bahaging yaon ng kasaysayan ang
nagpanumbalik sa tinatawag na tunay na demokrasya, o kalayaaan sa bansa.

Ito ay ang kalayaan sa pagsasalita (freedom of speech) at pagpapahayag (freedom of


the press) na hindi tinamasa sa nakaraang administrasyon sapagkat mahigpit na sinisikil, sa
layuning iligaw o lasunin ang kaisipan ng mga mamamayan hingggil sa tunay na isyung
kinakaharap ng bansa.

Tahimik na nakaraos si Cory sa pagiging pangulo, na sinimulang sintaas ng langit sa


paghahangad ng karamihan at natapos singlalim ng dagat sa walang nangyari paris din
ng dati na pagtamlay ng mga tao. Maraming pagkakamali at pagkukulang ang maybahay
na naging pangulo at malamang matagal na panahon pa bago kilalanin ng mga
mamamayang hindi pa ipinanganganak ngayon ang pagkabayaning ginampanan niya nuong
Himagsikan ng 1986 at sa pamamahala niya sa sumunod na 6 taon.

Si dating Pangulong Corazon Aquino ay nagsilbi sa bansa mula noong Feb.1986- June 1992.
Palakasin ang kapangyarihan ng mga tao at uunlad ang bayan,
magpapantayan sa lipunan at magkakaisa ang mga mamamayan.
- Fidel Ramos

March 18, 1928 (1928-03-


18) (age 79)
Kapanganakan:
Lingayen, Pangasinan,
Philippines
Lakas-Christian Muslim
Partido Politikal:
Democrats
May-bahay: Amelita Martinez
Trabaho o
Military
Propesyon:
Relihiyon: United Methodist

Ika-12 Presidente ng Pilipinas


Ikalawang Presidente ng 5th Republic
June 30, 1992 – June 30, 1998
=======================================================
===========

Talambuhay:

Si Fidel V. Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ang ikawalong pangulo ng ikatlong
Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang siya noong Marso 18,
1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela
Valdez.

Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha
rin siya ng civil engineering sa University of Illinois.
Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ng
Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam.
Pinuno ng PC [Philippine Constabulary] hanggang Pebrero 1986. Ministro ng Tanggulang
Bayan hanggang 1992. Pangulo ng Pilipinas, 1992 hanggang 1998.

Inatasan siyang maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng


Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong
1981. Noong 1983, pansamantala niyang pinalitan si Fabian Ver, pinuno noon ng
Sandatahang Lakas, nang ito ay masangkot sa pagkakapaslang sa lider-opososyon si
Benigno S. Aquino Jr.
Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo ni Corazon
Aquino, balo ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan. Nakiisa si Ramos kay Juan
Ponce Enrile, noong kalihim ng Tanggulang Pambansa, sa pagkubkobsa mga himpilan ng
sandatahang lakas. Ang sumunod dito ay tinaguriang People Power Revolution na nagtulak
kay Marcos na lumikas patungong Estados Unidos. Naluklok si Aquino sa pagkapangulo.
Ginawang ni Aquino na hepe ng sandatahang lakas si Ramos. Pagkaran ng dalawang taon, si
Ramos ay naging kalihim na Tanggulang Pambansa.

Bilang Pulitiko:

Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo, naging
priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng
karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang
pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sa
kaunlaran.

Mga Programa at nagawa sa panunungkulan:

➢ Bago pa nahirang na pangulo nuong Hunyo 30, 1992, natupad na niya ang
pinakamalaking tungkulin niya sa bayan. Naiwasan ang digmaan at nanatiling
malaya ang Pilipinas. Gaya ngunit higit sa mga magiting ng baranggay nuong
panahon ng mga magdaragat, si Fidel Ramos ay isang magiting ng bayan.

➢ Sa kanyang walang maliw na pagtangkilik kay Pangulo Cory Aquino nagapi ang
paghahari ng mga nag-kudeyta-kudeyta nang walang puknat, at nanaig ang
pamahalaan ng mga tao. Sa kanyang mahinahong paraan, hindi naganap ang
digmaan ng mga magkabayan [civil war] na malamang hangad ng mga nais maging
diktador gaya ni Ferdinand.

➢ Sapat na iyon upang tanghalin siyang bayani. Ang iba pang nagawa ni Ramos bilang
pangulo ay dagdag na lamang.

➢ Tinangkilik niya si Ernesto Garilao bilang kalihim ng Pagsasaayos ng Pagsasaka


[secretary of land reform] nuong 1992, na nagbahagi ng kulang-kulang 2 milyon
hektarya ng lupa sa mga magbubukid. Bagama't hindi ganap, napakalaki naman ang
natupad ni Garilao kung ihahambing sa 848,518 hektaryang ipinamahagi sa
pamumuno ni Cory Aquino.

➢ Nakipagpayapa si Ramos sa MNLF [Moro National Liberation Front] matapos ng 24


taong pag-aaklas nito sa Mindanao, bagama't nagpatuloy ng paglaban ang katuwang
na pangkat na MILF [Moro Islamic Liberation Front] sa Basilan at Sulu.

➢ Ang pag-unlad ng paghanapang-buhay [economy] ng Pilipinas na inasam nuon pang


namumuno si Aquino at nagsimula nuong 1992, lalo na nuong 1994 - 1995, sa
pagharap ni Ramos sa mga suliranin ng koryente at tubig, pagsupil sa pagkurakot
sa pamahalaan at pagpapasok ng pundar mula sa ibang bayan [foreign investments].

➢ Sa ilalim ng gobyernong Ramos, pinagbuti niya ang pakikipag-ugnayang panlabas, at


walang sawang itinaguyod ang pandaigdigang kalakalan sa pamamagitan ng walang
humpay na paglalakbay sa halos lahat ng panig ng daigdig upang makuha ang
tinatawag ng investor's confidence at ipaalam sa kanila na ang Pilipinas ay handang
makipagkalakalan, at sa kanyang sariling pananalita ay sinasabing "back to business
in the heart of Asia".
➢ Pinasigla nito ang ekonomoiya ng bansa at nagbalik ng tiwala sa mga dayuhang
mamumuhunan na magtayo ng negosyo sa Pilipinas, na mangangahulugan naman
ng opurtunidad sa empleyo, buwis, inprastraktura at iba pang kaugnay nito para sa
mga Pilipino.

➢ Sa madaling salita ay itinaguyod at isinulong ng kanyang administrasyon ang tatlong


pangunahing layunin patungo sa diumano'y kaunlaran ng bansa: globalisasyon,
pribatisasyon, deregulasyon. Bagaman at ang direktang epekto ng kanyang mga
programa ay patuloy na pinagdedebatihan ng mga ekonomista, business sector,
consumers at iba't-ibang awtoridad ukol dito.

Suliranin:

Ngunit gaya ng kasunduan sa Mindanao, hindi ganap ang bisa, at nadamay ang
Pilipinas sa pagbagsak ng paghanapang-buhay sa buong Asia nuong 1997 bagaman at hindi
kasing sidhi ng dinanas ng mga katabing bayan.

Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak na babae.
Mga kinabilangang Partido Pulitikal
Nacionalista Party
Kilusang Bagong Lipunan
Grand Alliance for Democracy
Liberal Party
Partido ng Masang Pilipino

Ika-13 Pangulo ng Pilipinas


Ika-3 Pangulo ng Ikalimang Republika
Hunyo 30, 1998 - Enero 20, 2001
=============================
Ika- 11 Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Hunyo 30, 1978 - Hunyo 30, 1998
=============================
Kasapi, Senado ng Pilipinas (1987-1992)
Punong-Bayan, Bayan ng San Juan
(1969-1986)
=======================================================
===========

Si Jose Marcelo Ejercito Estrada (ipinanganak Abril 19, 1937), kilala bilang Erap,
ang ikasiyam na pangulo ng Republika ng Pilipinas o ika-13 simula noong Unang Republika.
Ipinanganak siya sa Tondo, Maynila. Anak siya nina Emilio Ejercito na isang inhinyero at si
Maria Marcelo.

Talambuhay:

Bilang Isang Aktor at Direktor

Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng


pelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120 pelikula,
karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan
ang mga papel ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan. Napagwagian
niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng
Pelikula. Mahusay na artista, naging bantog at mayaman si Estrada kahit na tutol ang mga
magulang sa kakulangan ng dangal ng kanyang hanap-buhay.

Bilang Politiko

Pinasok ni Estrada ang larangan ng politika noong 1967 nang mahalal siya bilang
Alkalde ng San Juan, Kalakhang Maynila. Noong 1971, pinarangalan siya bilang
"Outstanding Mayor and Foremost Nationalist" ng Inter-Provincial Information Service
at ng sumunod na taon bilang "Most Outstanding Metro Manila Mayor" ng Philippines
Princetone Poll.

Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C. Aquino
bilang pangulo ng Pilipinas pagkaraang napatalsik Ferdinand E. Marcos sa pwesto noong
Pebrero 25, 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution.

Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at


matagumpay na nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso).

Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural Development,


and Public Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees on Health, Natural
Resources and Urban Planning.

Batas na isinulong bilang Senador:

Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa agrikultura,


mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pag-protekta sa kalabaw.

Noong 1989, tinanghal siya ng Philippine Free Press bilang isa sa “Three
Outstanding Senators of the Year”. Isa si Estrada sa mga senador na tumangging sang-
ayunan ang bagong tratado ng US Military Bases na papalit sana sa 1947 Military Bases
Agreement na nakatakdang magwakas noong 1992.

Nakatulong nang malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Presidente ang kaniyang
popularidad bilang aktor noong halalan ng Panguluhan at Pangalawang Panguluhan noong
1992, bagama't siya ay tumatakbo sa hiwalay na tiket ng noon ay nanalong Pangulo, Fidel
Ramos.

Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban sa


Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997.

Bilang Pangulo

Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban ng


Makabayang Masang Pilipino (LAMMP). Nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% ng lahat
ng boto. "Erap Para sa Mahirap" ang kaniyang islogan sa pangangampanya.

Bilang pangulo ng Pilipinas, ang pinakamalaking papel na maaari niyang


gampanan sa buhay. Ang hirap lang, hindi nagampanan. Sa kanyang pagkahirang
nagsimula, mula sa pinakamatayog na tagumpay niya, natupad ang pinakamasakit na
bagsak ni Estrada. Marahil, dahil napahaba nang husto ang paggantimpala sa sarili, o
maaaring nawaglit sa isip ang mga alituntunin na naghatid sa kanya sa Malacanang.
Nakalimutan niya ang maraming pelikula niyang nilabasan, nalimot niya ang daan-daang
papel ng pakikibaka na ginampanan, nalimot niya ang pamumuhay nang marangal.

Nagsampa ng impeachment laban kay Estrada sa maraming kasong katiwalian sa


kanyang pamumuno na may kinalaman sa suhol sa jueteng at ang mga di maipaliwanag na
deposito ng pera sa bangko. Maraming tumestigo sa kaso ngunit hindi ito natapos dahil unti-
unting nawala ang suporta sa kanya ng mga kakampi at napaalis siya sa puwesto sa
pamamagitan ng Peoples Power 2. Naging pangulo si Gloria Arroyo at nakulong si Estrada
habang nililitis ang kanyang kaso.
Abril 5, 1947
Kapanganakan:
San Juan, Rizal
Partido
Lakas-Christian Muslim Democrats
Politikal:
Asawa: Jose Miguel Arroyo
Relihiyon: Katoliko
Pang-14 Pangulo ng Pilipinas
Ikaapat na Pangulo ng Ikalimang Republika
========================
Pang-11 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas
Ikatlong Pangalawang Pangulo ng Ikalimang Republika
June 30, 1998 – January 20, 2001
=======================================================
===========

Si Maria Gloria Macaraeg Macapagal-Arroyo, na mas kilala bilang Gloria


Macapagal-Arroyo, (ipinanganak Abril 5, 1947) ay ika-labing apat at ang kasalukuyang
pangulo ng bansang Pilipinas.

Talambuhay:

Pamilya

Ipinanganak siya noong Abril 5, 1947 sa San Juan, Kalakhang Maynila. Ang kanyang
mga magulang ay ang ika-siyam na Pangulo ng Pilipinas, si Diosdado Macapagal at si Dra.
Evangelina Macaraeg-Macapagal.

Noong Agosto 2,1968, ikinasal siya sa abogadong si Jose Miguel T. Arroyo na


nagtapos sa Ateneo Law School noong 1972.
May tatlo silang mga anak:
Juan Miguel (ipinanganak Abril 26, 1969) — nagtapos ng Diploma in Business Administration
sa University of California, Berkeley
Evangelina Lourdes (Hunyo 5, 1971) — nagtapos ng MS in Foreign Service sa Georgetown
University
Diosdado Ignacio (ipinanganak Setyembre 4, 1974) nagtapos ng BS in Legal Management,
sa Ateneo de Naga

Edukasyon

Elementarya: Assumption Convent High School (1954-1960)


Mataas na Paaralan : Assumption Convent High School (1960-1964) — Valedictorian
Kolehiyo : Georgetown University, AB Economics (1964-66) — Dean’s Lister
Assumption College, AB Economics (1968) — Magna cum Laude
Post Graduate : Ateneo de Manila University, MA Economics (1978)
UP School of Economics, Ph.D. in Economics (1985)
Bilang Politiko:

Nagsimula si Macapagal-Arroyo na pumasok sa pulitika noong 1986 bilang


Undersecretary of Trade and Industry. Sa kanyang panunungkulan sa senado nakapagpasa
siya ng 55 batas tungkol sa “economic and social reform” at pinarangalan bilang
“Outstanding Senator” ng maraming beses. Noong siya ay mahalal na Bise-Presidente, siya
ay itinalaga bilang kalihim ng Social Welfare and Development. Ang katungkulang kanyang
hinawakan hanggang sa siya ay magbitiw sa gabinete noong Oktubre 12, 2000.

Mga Nagawa, programa at batas:

Pinarangalan bilang “Outstanding Senator” ng Trade Union Congress of the Philippines at


ng SBN 336, Magna Carta for the Urban Poor

Pinarangalan din bilang “Outstanding Legislator” at isa sa “Asian’s Most Powerful


Women”.

Pinagbuti ang pagpapaganda ng Economic Environment sa bansa.

FOR WOMEN EMPOWERMENT


➢ Women's desk to provide assistance to battered wives and other victims of domestic
violence
➢ RA 7877, Declaring sexual harassment unlawful in the employment, education or
training environment and for other purposes
➢ SBN 356, Increasing penalties for wife-beating
➢ SBN 362, Mandatory employment of women
➢ Establishment of the Movement Against Sexual Abuse (MASA)

FOR AGRICULTURE & THE ENVIRONMENT


➢ RA 7900, Promoting the production, processing, marketing and distribution of high-
value crops
➢ RA 8175. Amending the Charter of the Philippine Crop Insurance Corporation in order
to make more stable and beneficial to farmers and the national economy
➢ Co-host, "Dighay Bayan" TV program catering to farmers
➢ Pres. Macapagal Awards for best rice farm cooperative
PHiLiPPiNE
PRESiDENTS
ROXAS-ARROYO ; 1892-PRESENT

You might also like