Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 62

PROLOGUE:

Nasanay si Dominic na nasusunod ang lahat ng gusto, nagagawa ang nais, at umaayo
n ang mga pangyayari sa kanyang mga plano. Pero nang makilala niya si Jackie, ta
liwas sa lahat ng kanyang mga plano ang naganap. Taliwas din ang mga katangian n
g dalaga sa babaeng pangarap niya. But he fell in love with her so much... pero
nakahanda ba siyang tanggapin ang mga kamalian nito... ang mga kapalpakan at kag
agahan? Sumagot ang kanyang puso... to hell with everything... gagawin niya ang
lahat maging kanya lang ang dalaga....
[#01]
"THIS MEETING is adjourned!" maawtoridad na wika ni Dominic sa mga empleyadong d
umalo sa monthly meeting ng El Greco Advertising. "And next month, just make sur
e na mas magandang report ang maibibigay ninyo sa akin, ha?"

"Y-yes, Sir!" halos sabay-sabay na tugon ng mga ito, halatang nasisilong sa maba
lasik niyang tinig dahil halatang mainit ang kanyang ulo.

Nang isa-isa nang maglabasan ng conference room ang mga ito at tuluyan nang napa
g-isa ang binata, hinarap naman niya ang mga pipirmahang papeles bago lumabas.

Eksaktong alas-dose ay kaharap naman niya sa isang kilalang restaurant ang ka-lu
nch meeting niya sa araw na iyon.

Isang business deal na nagkakahalaga ng multi-milyong piso ang pipirmahan nila n


g ka-meeting ngayon.

"Nice doing business with you, Mr. Hilario," pormal ang mukhang wika ni Dominic
nang tumayo at kinamayan na ang kausap.

"The pleasure is mine, Mr. El Greco," nakangiti naman itong nakipagkamay sa kany
a.

Alas-dos ng hapon kausap naman ni Dominic ang board of directors ng El Greco Emp
ire. Nag-uulat siya sa kanilang presidente ng mga kaganapan sa hawak niyang adve
rtising company sa nakaraang tatlong buwan.

"Well, all we can say is congratulations," nasisiyahang wika ni Ariston matapos


marinig ang quarterly report ng binata. "Talagang hindi kami nagkamali nang ilag
ay ka namin bilang OIC ng kumapanya."

"Thank you, Uncle. Anyway, I think I should take my one week vacation now. Nai-b
riefing ko na si Morris sa mga gagawin niya sa office habang wala ako. I think h
e can make it too. Kahit na bago pa lang siya sa pag-asiste sa akin sa kumpanya,
maraming katangian ko ang taglay niya."

"Well, that's nice to hear. Alam naman namin na kapag ikaw ang nag-train, he can
do it with flying colors."

"Thank you, Uncle."

Pagkagaling sa opisina ng board of directors ay bumalik sa opisina niya si Domin


ic. Inalam sa kanyang may edad ng secretary ang mga susunod niyang meeting na ka
ilangang matapos within three days bago siya magbakasyon.

"Ah, you have a lunch meeting tomorrow with Mr. Tan, three PM ay kay Mr. Zobel.
The following day ay magpipirmahan na kayo ng kontrata ni Mr. Cruz para sa renew
al nila, and at two o'clock ay si Mrs. Natividad naman ang ka-meeting ninyo. Any
way, on the third day ay hindi ko na kayo ginawan ng appointment. Maliban sa mga
papeles na pipirmahan n'yo ay wala na kayong ibang gagawin. Darating si Sir Mor
ris sa bandang hapon kaya magkakausap pa kayo."

"That's good! Maasahan talaga kita, Mrs. Jacob. Don't worry, may pasalubong ako
sa iyo pagbalik ko," halatang nasisiyahan si Dominic sa napaka-efficient na trab
aho ng kanyang kalihim pero kaydamot pa rin nang ngiti sa kanyang mga labi.

Iyon si Dominic El Greco, perfectionist, metikuloso, workaholic, seryoso, istrik


to, suplado, bossy, at higit sa lahat, naka-set-up na ang kanyang utak na ang ta
o ay dapat na mabuhay ayon sa magagandang plano sa kanyang buhay.

He had set everything by the rules. Kailangang maraming patakarang susundin para
umasenso, at gusto niya pati ang mga taong makakatrabaho niya ay may magagandan
g plano rin sa buhay nito, or else, they can't get along with him.

"MOMAY, ang mga halaman ko, ha? Make sure na regular mong madidiligan at maii-sp
ray-han ng insecticide, baka pagdating ko ay maraming tuyot na dahon iyan. Ang k
uwarto ko, regular mong lilinisin. Kapag nanikit na ang alikabok, mas mahirap li
nisin." At marami pang bilin si Dominic sa kanyang mabait na katulong na tanging
kasama niya sa mala-mansiyong bahay na iyon na siya mismo ang nagpatayo at guma
sta.

At ang perang ginamit ng binata para matupad ang kanyang pangarap na bahay ay ga
ling mismo sa kanyang pinagpaguran.

Nang matanggap niya ang nakatalagang trust fund para sa kanya, he made his own m
illions nang magtayo ng sariling kumpanya ng computer. Maliban pa roon ay napapa
mahalaan niya ang advertising company ng El Greco Empire at napagsabay niya ang
pagpapalago sa dalawang kumpanya.

At iyon ay dahil sa oraganisadong takbo ng kanyang utak. Wala siyang bisyo, wala
ng kiyeme pagdating sa trabaho, at higit sa lahat, he won't mixed business with
pleasure.

Hindi siya kagaya ng ibang kabinataang El Greco na kabi-kabila ang girlfriend.

May steady date siya, si Mariane na kagaya niya ay workaholic din kaya nagkakasu
ndo sila na magdi-date lang kung kailan may time para sa isa't isa.

At kung hindi naman magtagpo ang free time nila, it's okay pa rin dahil wala nam
an silang commitment sa isa't isa.

Kagaya ngayon, mas type ni Dominic na magbakasyong mag-isa sa kanyang rest house
sa La Union, hindi na niya iyon ipinaalam kay Mariane dahil wala naman siyang b
alak na isama ito.

"O, kumusta rito sa rest house?" agad na tanong ni Dominic sa katiwalang si Mang
Rico.

"Okay naman ho, Sir. Napuno ko na nga pala ng pagkain ang freezer na kagaya nang
bilin ninyo. Kung may gusto pa kayong ipabili, sabihin lang ninyo. Kung gusto n
aman ninyo ng fresh sea foods ay regular na dumadaan ang mangingisdang si Mang J
oseph. Kung gusto ninyo ay sa kanya na lang kayo kumuha."

"Sige, okay na. Ipapatawag na lang kita kapag may kailangan pa ako."

"Sige ho."

Nang umalis na ang katiwala para pumunta sa kubo nito ay agad na nagpahinga si D
ominic.

Nakaplano na ang mga gagawin ni Dominic sa isang linggong bakasyon niya sa kanya
ng rest house.

Sa unang araw nang pagdating niya ay magpapahinga muna siya, matutulog, sa panga
lawang araw ay mag-ii-scuba diving siya at papalaot sakay ng kanyang lantsa, sa
ikatatlong araw ay mag-je-jetski siya... etc.

Sa ikapitong araw ay maghapon lang siyang magpapahangin sa teresa ng rest house,


mag-e-enjoy sa pagtanaw sa malawak na karagatan at sa madaling-araw siya babali
k sa lungsod.

Perfect! Tiyak na mag-e-enjoy siya kaya sa pagbabalik niya sa subsob-ulong traba


ho sa dalawang kumpanya na pinamamahalaan ay magiging masigla na naman ang kanya
ng pakiramdam.
[#02]
"OY, IKAW NGA muna ang pumalaot, Jackie. Tinatamad ako, eh. Masakit din ang ulo
ko. Para akong lalagnatin," wika ni Mang Joseph.

"Eh, paano naman kasi, want-to-sawa ang ginawa ninyong pag-inom kahapon. Kung ma
kalaklak kayo ng tuba, para bang wala ng bukas!" nakasimangot na wika ni Jackie.

"Oy, magtigil ka nga riyan! Birthday kahapon ni Pareng Islaw, minsan lang mapain
om iyong tao, hindi ko pa ba sasamantalahin?" angil ng matanda.

"Kuh! Ang sabihin ninyo, sugapa kayo sa alak!" pabulong na lang niyang sabi baga
ma't may kalakasan pa rin.

"Ano kamo?" kaya naman narinig pa rin nito.

"Wala ho!" nagdadabog na nagpusod ng buhok si Jackie, pagkuwa'y kinuha ang bonne
t at isinuot. Lumabas na siya ng dalawang balangkas ng bahay nila na gawa sa paw
id at sawali.

Walang anumang pinasan niya ang lambat na may pinong butas at kinuha ang sagwan.

"Oy, Jackie, doon ka gumawi sa bandang hilaga, ha? Marami kang mahuhuling pusit
doon. Dalhin mo sa rest house na binabantayan ni Mang Rico mo, darating daw ang

amo niya kaya tiyak na papakyawin ang huli mo!" pahabol na salita ni Mang Joseph
na dumungaw na lang sa bintana.

"Oho!" bubulong-bulong pa rin na humakbang na siya patungo sa dalampasigan kung


saan nakadaong ang bangka nilang may katig.

Ilang sandali pa, pumapalaot na siya sa karagatan gamit ang sagwan para makarati
ng sa lugar na pinagkukumpulan ng mga pusit.

Hmp! Kaya hanggang ngayon ay hindi man lang kami makabili ng motor para sa bangk
ang ito, wala kasing inatupag ang matandang iyon kundi maglasing. Nakakainis tal
aga! Kung hindi lang naiisip ko na baka walang kakainin sina Inay, hindi ako mag
titiyagang sumagwan papalaot, ha? Ano bang akala sa akin ni Tatang, lalaki na wa
lang anuman na makasasagwan patungo sa laot? Kuh!

Nakakainis talaga! Kailan kaya ako makakakuha ng mayamang lalaki na matanda at m


adaling mamatay para naman makaahon kami sa hirap? Kaya lang, paano naman ako ma
kakakuha ng ganoon? Hindi naman ako nakakaalis sa baryo namin. Isa pa, nasisira
na sa sikat ng araw ang balat ko. Hindi kagaya noong nag-aaral ako sa high schoo
l na nagiging muse pa ako. Hay, hirap talagang mabuhay, oo!

Kaya naiinis man sa buhay na pinagsadlakan sa kanya ng mga magulang, nagpatuloy


lang siya sa pagsagwan patungo sa laot.

Hanggang sa wakas ay nakarating siya sa nais patunguhan. Inihagis niya ang malak
ing lambat sa tubig, naghintay ng mahabang oras.

Pagkaraan ng ilang oras, kalat na ang liwanag, patungo na siya sa pampang kung s
aan nakatirik ang malaki at magarang rest house na binabantayan ni Mang Rico.

"Tao po! Tao po!" tawag niya nang makababa na ng bangka habang bitbit ang bakol
na kinalalagyan ng mga huli niyang pusit.

Malalaki ang kanyang huli, sariwang-sariwa pa kaya sigurado siya na magugustuhan


iyon ng may-ari ng rest house.

"Tao po! Tao po! Pusit po!" muli niyang sigaw nang walang sumagot.

Pero wala pa ring sumagot sa kanya.

Wala yatang tao, ah!

Gumala sa paligid ang kanyang paningin. Nasulyapan niya ang maganda at mamahalin
g BMW na nakaparada sa gilid ng rest house.

Wow! Ang ganda naman ng car!

Nangingislap ang mga matang tinakbo niya ang sasakyan at sinipat-sipat. Inilapag
pa ang dalang bakol ng pusit para haplusin ang makintab na hood nito.

Wow! Ang ganda talaga! Mukhang ang sarap maupo sa loob. Ang lamig siguro ng airc
on, saka tiyak na ang lambot ng upuan. Kailan kaya ako masasakay sa ganitong sas
akyan?

Hindi pa nagkasya ang dalaga, idinikit pa ang mukha sa bintanang salamin, pinipi
lit na silipin ang loob dahil maitim na tinted iyon kaya wala siyang makita.

Oh! May TV pa sa loob, o! Wow talaga!

"Hoy!"

"Hoy kahoy!" mapaigtad siya dahil sa malakas na sigaw na iyon, sabay lingon.

"Anong ginagawa mo sa kotse ko, ha?" nakapamaywang na tanong ng guwapo at matang


kad na lataking nakatayo ngayon sa harapan niya.

Pero hindi lang ang galit na nakabadha sa mukha nito, o ang nanlilisik na mga ma
ta nito ang nagpahindik sa kanya, kundi ang ayos nito.

Hubad-baro ang lalaki, labas ang malapad na dibdib, mamasel na mga braso, at hig
it sa lahat, naeeskandalo siya dahil boxer short lang ang tanging suot nito.

Sanay naman siyang makakita ng hubad na lalaki. Karamihan sa mga kalalakihan sa


kanilang baryo ay hubad-barong naglalakad sa dalampasigan, lalo na kapag papalao
t.

Iyong ibang tambay naman sa pondohan ay mga nakahubad din dahil magbubuhat ng mg
a banyera ng huling isda.

Pero hindi siya pa nakakita ng hubad na katawan ng lalaki na ganito kakinis, mar
osas-rosas pa ang balat, parang ang sarap haplusin.

Awang ang mga labing tinitigan niya ito sa mga mata, tila siya nahihipnotismo ng
ayon dahil parang ayaw mapuknat ng mga mata niya sa mukha nito.

Ang guwapo naman, parang artista!

"Hoy!" bulyaw nito.

"Ay, hoy!" muli siyang napapitlag.

"Anong ginagawa mo sa kotse ko, ha?

"Ah, w-wala! S-sinisilip ko lang, kasi -"

" At sino ka! Anong ginagawa mo rito? Pribado ang lugar na ito, ah!" nakapamaywa
ng pa rin na gigil na tanong nito.

"K-kasi nga, mag-aalok sana ako ng pusit sa may-ari ng rest house. H-hindi naman
ako masamang tao. G-gusto ko ang -" hindi pa natatapos ang kanyang sasabihin ng
biglang nagsalitang muli ang binata.

"At gusto mong maniwala ako sa iyo na wala kang masamang balak sa kotse ko, ha?
At anong pusit ang pinagsasabi mo?"

"H-hindi, talagang mag-aalok ako ng pusit. N-nagandahan lang ako sa kotse mo. Hhayun ang bakol ng pusit, o! Bumili ka na, please?" sabay salikop ng nga palad n
a tila nagdarasal.

Natigilan si Dominic nang makita ang malalaki at sariwang-sariwang mga pusit sa


bakol, iyon ang pinakapaborito niya sa lahat ng seafoods.

Isa pa, hindi naman talaga mukhang masamang tao ang babaeng kaharap niya. At kah
it na medyo kayumanggi ang balat nito, banaag niya ang kagandahan nito.

Mga matang may malalantik na pilikmata, matangos na ilong, perpektong hugis ng m


ga labi, at higit sa lahat, hugis-pusong mukha na nakakaaliw masdan. Pero ipinil
ig ni Dominic ang ulo, para namang hindi siya nakakasalamuha ng mas maganda pang
babae.

"S-Sir, huwag ka nang magalit," untag nito sa tila lumipad na diwa ng binata. "H
indi talaga ako masamang tao. A-anak ako ni Mang Joseph, iyong nagrarasyon ng is
da kay Mang Rico. M-mag-aalok lang talaga ako ng pusit sa may-ari ng rest house
na ito." Pinalamlam pa ng dalaga ang mga mata nito.

Sa muling pagkakarinig sa malamyos na tinig nito, tila naman may malamig na kama
y na humaplos sa puso ng binata.

"Sige, maniniwala ako sa iyo. Pero sa susunod, ayokong lalapit ka sa kotse ko, h
a?"

"N-naku, oho - oho!"

"Sige na, papakyawin ko na iyang pusit mo." Pormal ang mukha ng binata sa pagkak
ataong iyon, pero ang totoo, pinigil niya ang mapangiti.

"T-talaga ho? Kung ganoon, kayo pala talaga ang may-ari ng rest house na ito? Wo
w! Ang swerte ko naman!"

"Tama na iyang bola, sige na, bilangin mo na kung magkano iyang pusit at ikaw na
ang gumawa. Babayaran na lang kita para sa extra charge."

"Ay, sige ho! Inihaw ho ba ang gusto ninyo o kalamares?"

"Mag-iihaw ako ng ilan, pero magkakalamares din. Basta hugasan mo lang at hiwain
. Doon ang dirty kitchen sa bandang likuran, punta ka na roon."

"Kumatok ka na lang sa harap na pinto kapag tapos ka na, ha?"

"Oho!"

Naiiling na lang si Dominic habang pabalik sa bahay. Iyon ang kauna-unahang pagk
akataon na madaling lumamig ang ulo niya pagkatapos ng magalit siya.

"DIYOS me! Ang guwapo pala ng may-ari ng rest house na ito ! At kanya pala ang m
agandang car na iyon! Type ko siya, ha?" sabi nya sa kanyang isip.

Kinikilig-kilig pa si Jackie habang ginagawa ang pusit.

Pero natakot talaga ako kanina. Akala ko'y hindi na maniniwalang wala akong gina
gawa sa car niya. Mabuti na lang at naniwala. At pinakyaw niya ang pusit ko. Ala
m ko na, siguro, type din niya ako! Suwerte!

Mas naging masigla si Jackie sa paglilinis sa pusit. Mayamaya pa ay kumakatok na


siya sa bahay para maningil.

"O, sobra iyan, ha? Bayad sa paglilinis mo ng pusit," pormal ang mukhang wika ni
Dominic nang pagbuksan siya.

"Ay, thank you! Siyanga pala ako si -"

"Sige na, lakad ka na. Dalhan mo ako bukas ng malalaking isda, ha?" Pagkawika ni
yon ay lumapat na pasara ang pinto.

Naiwang nakatunganga si Jackie.

Nakakainis naman, sasasabihin ko sana ang pangalan ko para malaman ko naman ang
pangalan niya, sukat nagsara na ng pinto. Bastos yata, ah! Pero ang guwapo naman
niyang bastos, ha?

Nanunulis ang ngusong humakbang na siya patungo sa dalampasigan para balikan ang
kanyang bangka.

Hindi bale, ako na lang uli ang mamamalakaya bukas para may dahilan akong bumali
k dito. Sana ay makahuli ako ng mga malalaking isda bukas. Hay, ang pogi talaga
niya!

Kinikilig na namang itinulak niya ang bangka patungo sa laot para makauwi na siy
a.

Malamig na malamig ang kanyang ulo nang makauwi na sa kanila, iyon ay kahit nada
tnan niyang nakaumpok na sa mga kainuman ang kanyang tatay gayung alas-nueve pa
lang ng umaga.

"O, hayan na ang dalaga mo, Joseph. Mukhang nasabak na naman sa pamamalakaya, ah
?" wika ng kainuman ng matanda.

"Oo nga, eh, sumasakit kasing ulo ko," ngising-ngising wika ni Mang Joseph.

"Kuh, sobrang inom ka kasi kahapon."

"Suwerte ka sa anak mong iyan, masipag na, mahusay pa sa trabahong lalaki. Aba,
kahit na wala kang anak na lalaki, malaking pakinabang mo sa kanya dahil kaya ni
ya ang trabahong lalaki. Alin, iyong anak kong dalaga? Hayun, walang ginawa kund
i magsuklay at magsalamin. Ang arte! Hindi kagaya ng anak mo, walang kiyeme kahi
t na anong trabaho."

"Oo nga, iyong anak kong dalaga, hayun sa kaartenan numero uno. Ngayon, isa na s
iyang dalagang ina."

Napapangiti na lang si Mang Joseph. Sa mga papuri na naririnig para kay Jackie,
lalo nitong naiisip na puwede na itong magtamad-tamaran sa pagtatrabaho dahil ma
y papalit na dito.

Sa loob ng bahay nila, naririnig ni Jackie ang pag-uusap ng mga kainuman ng ama,
pero hindi pa rin nag-iinit ang kanyang ulo. Aligaga pa rin kasi siya sa kaiiis
ip sa guwapong may-ari ng rest house.

Bukas, aagahan kong pagpunta roon. Sana naman, malaman ko na ang pangalan niya.

Kaya nang gisingin siya ng ama ng madaling-araw na iyon, agad na nagbangon si Ja


ckie at gumayak na para pumalaot.

"Aba himala! Mukhang walang sumpong ang anak mo, hindi na ako inergo dahil masak
it na naman ang ulo ko dahil sa pag-inom kahapon," napapantastikuhang wika ni Ma
ng Joseph sa asawang si Aling Inez.

"Kuh, baka napagod na. Alam naman kasi niyang wala na siyang magagawa sa pagkala
senggo at katamaran mo kaya ayaw nang mag-aksaya ng laway." wika naman ni Aling
Inez.

"Dumale ka na naman! Tigilan mo nga ako! Makatulog na nga uli!" pagkuwa'y patali
kod itong nahiga at nagtalukbong ng kumot.

"Kuh! Batugan! Ang kapal talaga ng mukha!" bubulung-bulong namang wika ni Aling
Inez na nagbangon na para magluto ng agahan bago gisingin ang tatlo pang anak na
nag-aaral pa sa kabilang baryo. Nasa elementarya pa lang ang mga ito.

Habang masigla namang itinulak ni Jackie patungo sa dagat ang bangka. Pagkuwa'y
sumakay na siya at nagsimulang sumagwan.

Suwerte na naman siya ng araw iyon, bago pa lang magliwanag ay tatlong malalakin
g maya-maya at alumahan ang nahuli ng kanyang lambat, nadagdagan pa iyon ng ilan
g pusit kaya maaga siyang nakadaong sa pampang ng pribadong resort ng guwapong b
inata.

Naku, mukhang tulog pa siya, ah. Baka magalit kapag kumatok na ako. Masisira ang
tulog niya. Hintayin ko na lang muna siyang magising. Oo nga, maghihintay na la
ng muna ako!

At para malibang ang sarili, muli niyang sinipat-sipat ang kotseng nakaparada sa
tabing rest house bagama't hindi na niya iyon hinawakan.

Mahirap na, baka mahuli na naman siya ng guwapong binata.

Nang magsawa na sa kasisipat sa magarang kotse na pangarap masakyan naglakad-lak


ad naman siya sa dalampasigan. Nililibang ang sarili para hindi siya mainip. Per
o nang mapagod ay naisip niyang maupo sa swing na bakal na nasa ilalim ng isang
punong-niyog.

Pero dahil madaling-araw pa lang ay gising na siya, hindi napigilan ng dalaga an


g sumalakay na antok. Hanggang tuluyan na siyang makatulog sa pagkakaupo sa duya
n.

[#03]
Nag-inat pa si Dominic nang magising, pagkuwa'y agad siyang nag-shower at lumaba
s sa kanyang silid.

Magje-jetski siya sa araw na ito kaya inihanda na niya ang gagamitin.

Nagkape lang siya at lumabas sa resthouse. Pero agad ding natigilan nang masulya
pan ang swing na bakal.

May tao! Sino kaya iyon?

Marahan ang ginawang paghakbang ng binata hanggang makalapit sa swing, bahagya p


a siyang napapitlag nang makilala ito.

Ang babaeng nagtitinda ng pusit kahapon. Narito na naman pala siya. Siguro ay ma
g-aalok na naman ng kanyang huling isda, pero mukhang antuk na antok, ah.

Hindi napigilan ng binata ang mapangiti.

Ngiting bihirang sumungaw sa kanyang mga labi dahil sa pagkaseryoso sa buhay.

Napailing ang binata, nahalata din niya ang sarili. Kahapon ay napangiti din siy
a ng lihim ng babaeng ito. Ngayon ay muli siyang napangiti dahil lang nakita ito
sa mahimbing na pagtulog.

Nagiging madalas na yata ang kanyang pagngiti?

Kaya lalong hindi maintindihan ni Dominic kung bakit mas naging magaan ang kanya
ng pakiramdam ngayong muli itong nakita.

Nalibang siyang titigan ito.

Iyong pakiramdam na may mga matang nakatitig sa kanya ang naging dahilan para si
ya maalimpungatan, pabigla siyang nagmulat ng mga mata.

"Ay, g-gising na pala kayo!" napaayos nang upo si Jackie nang makita ang taong s
adya sa lugar na iyon.

"Bakit diyan ka natutulog? Anong ginagawa mo rito?" pormal ang mukhang tanong ni
to.

"Ah, hindi ho ba't nagpapadala kayo ng isda? May mga nahuli ho kasi ako. K-kaya
lang, natutulog pa kayo kanina kaya hinintay ko kayong magising. Baka kasi magal
it kayo kapag nasira ang tulog ninyo."

"Ganoon ba? Nasaan ba ang mga huli mo?"

"Ah, naroon ho sa likuran. K-kukunin ko ho muna at -"

"Ah huwag na, pakigawa na lang at pakilagay sa ref na nasa kusina. Singilin mo n
a lang ako mamaya, ha?"

"Ah, talaga ho, ba?"

"Oo." Pagkuwa'y agad na itong tumalikod palayo.

Hay, ang guwapo talaga niya! Mukhang ang bangu-hango. Kaiba talaga siya sa mga t
aga-amin. Diyos ko, ang bilis ng tibok ng puso ko, ah. Naku, in love na yata ako
sa kanya? Masama ito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang kanyang panga
lan.

Nangingiti sa sariling tinungo na niya ang likuran ng resthouse para gawin ang k
anyang huling isda. Ginawa niya iyon at inilagay sa ref na nasa kusina.

Pagkuwa'y kumatok siya sa resthouse para maningil.

Umaasa siyang malalaman ang pangalan nito.

Pero kakatok pa lang siya sa pinto ay isang note na ang nakita niyang nakadikit
sa pinto.

Nasa ilalim ng paso ang bayad ko, kung kulang pa ay balikan mo na lang bukas. Ma
y pinuntahan ako... iyon ang nakalagay sa note.

Ay, nakakainis naman. Hindi man lang ako hinintay.

Kaya laglag ang balikat na nilisan Jackie ang resort na iyon.

"ANO? Gaga ka pala, eh! Bakit mo naman iniilusyon na makikilala ang may-ari ng r
esort sa ibayo? Alam mo naman na mayaman, iyon, ah. Sira ka talaga!" natatawang
wika ng kaibigan ni Jackie na si Rita.

"Ano ka ba? Alam mo naman na malaon ko nang pangarap ang makapag-asawa ng mayama
n, ano?"

"Oo, iyong mayamang matanda na madaling mamatay. Pero Mare, guwapo pala iyong ma
y-ari ng resthouse, bata pa at sabi mo ay may pagkasuplado, bakit mo iniilusyon
na pansinin ka ?"

"Kasi nga, bigla kong naisip, mas maganda kung guwapo na ay mayaman pa ang mapap
angasawa ko. O, di ba? Mas maganda iyon. Saka kapag ganoon naman kaguwapo ang ma
giging asawa ko, bakit ko naman hahangarin na madaling mamatay, ano? Siyempre, m
as maganda kung magkasama kami forever."

"Ewan ko sa iyo. Masyado ka namang demanding. Mataas na nga ang pangarap mo na m


akapangasawa ng mayaman, dinagdagan mo pa ng guwapo na ay bata pa. Aba, abuso ka
, ha?"

"Sobra ka naman. Hayaan mo na nga ako. Nai-share ko lang naman sa iyo. Kasi nga,
sobrang saya ko talaga kapag naiisip ko na sa wakas ay natagpuan ko na ang lala
king para sa akin."

"Asa ka pa! Ikaw nga itong may sabi na hanggang ngayon ay hindi mo pa alam ang p
angalan, bukod pa sa mukhang suplado at istrikto, paano matutupad ang pangarap m
o na mapansin niya?"

"Ay, bahala na. Basta hindi ako nakalimot sa pagpapaalala sa iyo, ha? Baka masak
tan ka lang kapag ipinagpatuloy mo iyang kagagahan na iyan."

"Huwag kang mag-alala, kapag pumalpak ako, hindi ako iiyak."

At alam ni Jackie na kailangan niyang panindigan ang sinasabing iyon sa kaibigan


, hindi siya dapat masira sa pangakong iyon dahil ang pagkakakilala nito sa kany
a ay matatag na tao, palaban, at walang inuuurungan.

Kahit ang mga hamon ng buhay, o ang mga alon sa dagat.

"TAO PO!"

Bumukas ang pinto.

"H-hi! Good morning!" nakangiting wika ni Jackie.

Ilang saglit siyang tinitigan ng binata. Mayamaya ay bumaba ito sa tatlong baita
ng na hagdan.

"Ano bang dala mo ngayon?" kaswal na tanong habang sinisilip ang dala niyang bak
ol.

"Ah, mga hipon ang huli ko. Pakyawin mo uli, ha?" malambing niyang saad.

Muli itong tumitig sa kanya.

"Namihasa ka, ha?" pormal nitong wika.

"H-ha? Ah, kasi -"

"Pero sige, papakyawin ko. Puwede bang pakiluto?"

"Ha? Aba, oo! Sige, iluluto ko!" umaliwalas ang kanyang mukha. Pagkuwa'y akmang
tutungo na siya sa likuran ng bahay.

"Wait, dito ka na dumaan. Magpahid ka lang ng paa para hindi magkabuhangin ang s
ahig, ha? Saka ingatan mong mga gamit sa kusina, okay?"

"Oo ba!" nagmamadali na siyang pumasok.

Wow! Ang ganda pala dito sa loob! Native ang yari, pero kumpleto sa -

"Puwede ba! Dumiretso ka na sa kusina at huwag nang ikut-ikot ang tingin mo!" bi
glang pasok ang binata.

"Ay, sorry - sorry!" bigla siyang bumaling, eksaktong nabangga naman siya sa isa
ng malaking banga na palamuti sa sala. "Ay, kalabaw!"

"Hey!" mabuti na lang at maagap na nasalo ng binata ang pagtumba niyon kaya hind
i nabasag.

"N-naku, pasensya ka na, ha? N-natataranta kasi ako, eh!" hiyang-hiya sa kapalpa
kan.

"My God! Alam mo ba ang halaga nito kung sakaling nabasag mo? Twenty thousand it
o, ano? I wonder kung ilang taon kang magdadala rito ng huli mong isda para ka m
akabayad!" paangil ang tinig nito.

"P-pasensya...." Nakayuko niyang wika.

"O, sige na, doon ka na pumasok sa brown na pinto. Doon ang kusina." Halata nama
n na nagtitimpi ito na magsalita pa.

"O - oo - oo!" malalaki ang hakbang na tinungo niya iyon habang nakalingon dito.
"Ay!" kaya nabangga naman siya sa dingding.

"Oh my God!" napatuptop na lang sa noo si Dominic.

"Sorry ho talaga!" hiyang-hiya namang agad na pumasok sa kusina si Jackie.

Pagkuwa'y napasandal siya sa pinto.

Nakakainis naman. Paano akong magpapa-cute sa kanya, palpak ako?

Napabuntong-hininga naman pumasok na sa kanyang silid ang binata.

Damn! Napaka-clumsy! Kagandang babae, tatanga-tanga!

Pero bahagyang natigilan si Dominic, bakit parang hindi naman siya talaga naiini
s dito?

Sa halip, he finds her cute, lalo na ang pagkamali-mali nito.

Napangiti siya, tapos ay bigla na naman niyang na-realize na talagang napapadala


s ang kanyang pagngiti dahil sa makulit na mangingisda.

"AH, L-LUTO na ho ang hipon ninyo," kiming wika ni Jackie nang lumabas sa sala.

"Good! Puwede bang pakihanda na ang mesa ko?"

"Ho!"

"Ayaw mo?"

"Ah, o-okay lang ho! S-sige ho!" agad nang bumalik sa kusina si Jackie.

Pero dahil kinakabahan na siya kung bakit kung anu-ano ang iniuutos sa kanya ng
binata, hindi siya magkandatuto sa paghanda ng pagkain sa mesa.

Hanggang nabitiwan niya ang isang baso at nabasag iyon.

"Oh no! Bakit mo binasag?" napasugod tuloy ito sa kumedor.

"S-sorry ho, kasi -"

"Sige na, umalis ka na."

"P-pero liligpitin ko pa ho ang mga bubog at -"

"Hindi na kailangan. Sige na. Hetong bayad ko." Iniabot nito sa kanya ang ilang
dadaaning papel. "Siyanga pala, huwag ka na munang magdala ng huli mo bukas, ha?
Marami pa akong stock sa ref."

"O-oho."

Nanlalatang umalis na si Jackie. Nagalit na naman sa kanya ang binata, hindi pa


nga niya nalalaman ang pangalan nito.

Nang makauwi na ay hindi pa rin matahimik ang kanyang kalooban. Hindi siya makak
apayag na hindi makalapit sa lalaking iyon.

Hindi! Gagawa ako ng paraan. Kung ayaw na niyang pakyawin ang huli ko, pupunta p
a rin ako roon. Mangungulit.

Kaya kinabukasan, pagkatapos makapaglako ng mga huling isda ay agad na siyang na


gtungo sa pribadong resort.

Wala yatang tao, ah! Nasaan kaya siya?

Luming-linga siya. Pagkuwa'y nagtungo sa resthouse at nagpatao po.

"Tao po! Sir?"

Pero wala talagang tao.

Baka pumalaot sa dagat. Imposible namang umalis, hayun ang kanyang kotse. Ano ba
ng gagawin ko?

Hindi man alam ng dalaga ang gagawin, nanatili lang siya roon. Nakaupo sa swing
na bakal, o kaya naman ay palakad-lakad sa dalampasigan. Hindi niya alintana kah
it na medyo kumakalam na ang kanyang sikmura.

Hanggang sumapit na ang hapon, sa wakas ay natanaw niya ang padaong na lantsa sa
dalampasigan.

Hayun na siya! Sumigla ang kanyang pakiramdam.

[#04]
Kumunot ang noo ni Dominic nang matanaw niya ang pamilyar na bulto ng isang baba
eng nakatayo sa dalampasigan, nakatanaw sa kanya at sa malas ay siya talaga ang
hinihintay.

Ano na naman ang ginagawa ng babaeng ito rito?

Hinagilap niya sa sarili kung naiinis siyang makita ito, pero salat sa ganoong d
amdamin ang binata.

Ang totoo, lihim siyang natuwa na naroon ito.

Dahil sa maghapong paglalayag niya sa karagatan, paminsan-minsan ay naiisip niya


ang makulit na dalaga. At lagi siyang napapangiti kapag naalala ang pagkamali-m
ali nito at minsan ay ang pagiging clumsy.

Mangungulit na naman kaya ng huli niyang isda? O, baka may ibang pakay. Hapon na
, ah.

Hanggang nakadaong sa pampang ang lantsa ay hindi pa rin ngumingiti si Dominic.

"O, bakit narito ka?" pagalit pa niyang tanong nang makalapit na rito.

"Ah, k-kasi... may sasabihin sana ako sa iyo."

"Ano iyon?" Pero humakbang na ang binata patungo sa resthouse.

"K-kung ayaw mo nang bilhin ang mga huli kong isda, baka naman puwede mo akong k
unin na katulong dito sa resthouse mo!" habol naman ito sa paghakbang niya.

"Ano?" Napatigil siya sa paghakbang at hinarap ito.

"K-kasi, ang hirap ng buhay namin. Kung hindi kami makakahuli ng isda, wala kami
ng makakain. Kung papasok na lang akong katulong sa iyo, may regular akong sweld
o, hindi ba?"

"Pero hindi ko kailangan ang katulong dito. Bukod sa may katiwala na ako rito sa
resthouse, isang linggo lang ako rito. At dahil apat na araw na ako rito, tatlo
ng araw na lang ang ilalagi ko rito at babalik na ako sa lungsod."

"H-ha? G-ganoon ba?"

"Oo, ganoon. Kaya puwede ba, tigilan mo na ang pangungulit sa akin." Saka binili
san ng binata ang paghakbang at tuluyan na itong iniwan.

Naiwang nakatigagal si Jackie habang nakatanaw sa sarado ng resthouse.

Habang nagiging mailap sa kanya ang guwapong binata, tila naman lalong nadaragda
gan ang pagnanais niyang makalapit dito.

Hindi aware ang dalaga na unti-unti nang nagiging obsesyon ang dati ay pag-iilus
yon lang niya na ito ang maging asawa.

Hindi! Hindi niya ako puwedeng iwan! Hindi siya puwedeng bumalik sa lungsod hang
gang hindi ko siya napapaibig. Kapag nakaalis na siya, imposible na talagang may
makilala akong lalaki na kagaya niya na tutupad sa mga pangarap ko sa buhay.

Malungkot at gulo ang isip na umuwi ang dalaga.

"Ikaw naman kasi, sinabi ko na sa iyong tigilan mo na iyang ilusyon mong iyan, k
ung bakit patuloy ka pa rin sa kalokohan mo. Ilang beses ko bang sasabihin sa iy
o na ang mayaman at guwapong lalaki na kagaya niya ay para sa mayaman at maganda
ring babae?" paninisi ni Rita sa kanya.

"Bakit, maganda naman ako, ah?" pahikbing wika ni Jackie.

"Oo nga, masasabing maganda ka, pero hindi ka mayaman, ano?"

"K-kahit na. Puwede namang lalaki lang ang mayaman, ah."

"Ah, ewan ko sa iyo! Akala ko ba, kapag nabulilyaso ka sa plano mo, hindi ka iiy
ak? Bakit umiiyak ka?"

"K-kasi, gusto ko na talaga siya, eh. Ang totoo, ilang gabi ko na siyang napapan
aginipan."

"Ay, gaga! Baliw ka na talaga! Buti pa, bumalik ka na lang sa dati mong pangarap
na makakilala ng mayamang matanda na madaling mamatay, iyon pa, baka sakaling p
osible iyon."

"A-ayoko na nga niyon."

"Puwes, magdusa ka!"

Wala rin siyang napala sa pakikipag-usap kay Rita. Lalo lang lumala ang pagkahab
ag niya sa sarili.

Pero hindi nangangahulugan iyon na suko na si Jackie.

Kinabukasan ay maaga pa rin siyang nagpunta sa resthouse ng binata.

"Ano na naman ang ginagawa mo rito?" maang na tanong ni Dominic nang mapagbuksan
ng pinto ang dalaga.

"Ah, k-kasi, kung aalis ka na rito sa resthouse mo, de isama mo na lang ako sa l
ungsod."

"Ano? At bakit naman kita isasama?"

"P-papasok akong katulong sa iyo. Basta isama mo na lang ako."

"Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo? Hindi ko nga kailangan ng katulong. Ano ka b


a?" bulyaw nito sa dalaga.

Napakagat-labi na lang si Jackie, muli siyang nakadama ng pagkabigo.

"Puwede ba, umuwi ka na? Paalis na ako ngayon, eh."

Nanlalatang tumalikod ang dalaga, saka mabibigat ang hakbang na tinungo na ang k
anyang bangka.

Hindi! bigla siyang huminto bago pa nakarating sa kanyang bangka. Babalik ako! K
ailangang malaman kong pangalan niya! Eh, ano kung galit siya sa akin dahil naba
sag ko ang baso niya noon? Basta itatanong kong pangalan niya! Saka sasabihin ko
na rin sa kanya na gusto ko siyang maging kaibigan. Na kung maari, humigit pa s
a kaibigan. Bahala na!

Kaya nagmamartsang bumalik sa resthouse ang dalaga. Animo girerang kinatok niya
ang pinto nito.

"Tao po! Sir, buksan mo ito! May sasabihin pa ako sa -"

"O, bakit na naman?" biglang bumakas ang pinto.

"Ah..." napaawang na lang ang bibig ni Jackie, tila nalunok niya ang sariling di
la. "K-kasi-"

"Kumakain ako, alam mo ba iyon, ha? Maaga akong aalis mamaya para bumiyahe kaya
kung hindi importante ang sasabihin mo, you may go now, okay?" pormal ang mukha
nito, o mas tamang salita ay galit.

Tumikhim si Jackie, saka pinuno ng hangin ang dibdib.

Ngayon, o hindi na magpakailanman!

"Hindi! Ayoko pang umalis! Kailangan mong malaman ang sasabihin ko bago ka bumal
ik sa lungsod?"

"Ano nga iyon!"

"Gusto kong... g-gusto kong malaman mo na gusto kita!"

"Ano?" muntik nang malaglag sa tatlong baitang na hagdan ang binata.

"Oo, ang pangarap ko noon ay makakilala ng matandang, mayaman na madaling mamata


y, para naman makaahon sa hirap ang pamilya ko! Pero nang makita kita, naisip ko
, bakit matandang madaling mamatay ang hahanapin ko, eh, meron namang kagaya mo
na mayaman na, gwapo pa at bata pa. Kaya lalo kong naisip na ikaw na lang ang gu
stuhin ko. Kaya gusto kong isama mo na ako! Kapag magkasama na tayo, baka ma-dev
elop ka na sa akin, baka ma-in love ka na sa akin!"

"Ano?" lalong napaawang ang bibig ni Dominic, hindi malaman kung ano ang iisipin
o paniniwalaan. Hindi malaman kung nagbibiro lang o seryoso ba ang kausap. O, b
aka naman sira-ulo!

"Siyanga pala, Jackie ang pangalan ko. Ikaw, anong pangalan mo?"

Napatikhim muna si Dominic bago sumagot.

"At bakit ko naman sasabihin sa iyo? Ganyan palang mukhang may sapak ka, eh!"

Nagulat siya sa sinabi nito. "At sinong may sapak?" galit niyang sita.

"Ikaw! Gawain ba ng matinong tao iyang pinagsasabi mo? My God! Hindi ka lang nak
akagulat, nakakatakot ka pa. Kaya pwede ba, kung saang mental ka man galing, bum
alik ka na, okay?"

Lalong napahumindig si Jackie, tila gusto niyang tablan at panghinaan ng loob.

"Hindi ako baliw, ano? Nagkataon lang na gusto kita. Ikaw ang pangarap kong magi
ng asawa. Kaya gagawin ko ang lahat para maging akin ka at ako ang pakasalan mo.
Dahil ito ang ang tandaan mo. Mula sa araw na ito, palagi na akong magiging lam
an ng isip mo. Kahit pa umalis ka na sa lugar na ito, palagi na akong nasa siste
ma mo, kahit hindi mo ako kaharap, palaging tila naririnig mo ang boses ko."

"Ano? Bakit, mangkukulam ka ba? Kukulamin mo ba ako para -"

"Hindi, pero dahil inamin ko na sa iyo ang totoo na gusto kita, magugulo ang sis
tema ng utak mo. Saka hindi kita kailangang kulamin, ano? Maganda naman ako, hin
di ba? Siguro, kung may lamang sa akin ang mga babaeng nakapaligid sa iyo, iyon
ay mayaman sila, mga sosyal, o kaya naman, never na manghina ang loob ko. Minsan
ko lang natiyak sa buhay ko kung ano talaga ang gusto ko, at ikaw iyon. Kaya hi
ndi ako titigil hanggang hindi mo ako pinakakasalan!"

"Ano?" lalong namangha si Dominic sa sinabi niya. "Aba'y baliw ka na talaga, ano
?" Pero ang totoo, nagsisimula nang ma-amused ang binata sa kaharap.

"Basta! Sige, umalis ka na kung aalis ka! Pero tandaan mong sinabi ko, babalik k

a rito dahil mami-miss mo ako!" Pagkawika niyon ay nagmamartsang tumalikod na an


g dalaga at nagtungo sa bangka niya.

Pagkuwa'y tuluyan na niyang nilisan ang lugar na iyon.

Habang nakatigagal pa ring habol nang tingin ni Dominic ang dalaga.

Hindi nito malaman ang iisipin, o ang gagawin.

Isa lang ang sigurado ng binata, hindi siya totoong naiinis sa umalis, bagkus ay
may kakaibang pakiramdam siyang nadarama sa kanyang puso.

Isang uri ng damdamin na tila banyaga sa kanyang pandama.


[#05]
Iyak nang iyak si Jackie ng gabing iyon. Pakiwari niya ay ang liit-liit ng tingi
n niya sa sarili dahil sa kagagahang nagawa.

Akalain mong ipag-alukan niya ang sarili sa guwapo at mayamang lalaki iyon?

Kasi naman, ang hirap-hirap ng buhay namin dito, eh. Kasi naman, ang tamad-tamad
ng tatay ko! Ako pa ang inaasahang gumawa ng mga bagay na dapat ay lalaki ang g
agawa. Kung hindi siguro siya ganoon, hindi ako magkakaganito.

Pero anuman ang sabihin niya sa sarili, huli na, nasabi na niya, nagawa na niya
ang malaking kahihiyan na iyon.

Isa na lang ang kanyang konsolasyon, aalis na sa resthouse nito ang binata, hind
i na niya makikita, hindi na sila magkikita.

At isa pa, siya lang naman at ito ang nakakaalam ng ginawa niya. Hindi na niya i
yon sasabihin kay Rita.

Kaya naman kahit na paano, nakatulog na rin ang dalaga.

At kinabukasan, balik na naman siya sa pamamalakaya sa karagatan dahil lasing na


naman ang kanyang tatay.

"Kamusta ang bakasyon?" kaswal na tanong ni Morris.

"Heto, nangitim." Naupo na si Dominic sa kanyang swivel chair at sumandal matapo


s ipatong sa mahogany table ang dalang attache case.

Bahagyang kumunot ang noo ni Morris dahil tila kulang sa sigla ang pinsan.

"Kuya Dom, may problema ka ba? May nangyari ba sa resthouse mo?"

"Ha? Ano kamo?" Napapitlag pa siya sa tanong nito.

"Ang sabi ko, may nangyari ba sa bakasyon mo?"

"Nangyari? Wala! Ano naman ang mangyayari?"

"Ewan ko sa iyo. Dati naman kasi ay hindi ka ganyan pagdating mo rito kapag nagb
abakasyon ka. Dati ay parang mas masigla ka pagdating mo rito. Para bang ready k
a nang magtrabaho uli ng walang pahinga. Pero ngayon... you look pale. Parang wa
la kang sigla."

Muling natigilan si Dominic.

"Am I ?" Tanong niya sa sarili.

"Baka napagod lang ako sa biyahe," wika na lang niya. "Madaling araw ako umalis
doon, nagbiyahe pa. Pagdating ko naman sa bahay kahapon ay hindi ako nakatulog a
gad dahil binasa ko pa ang mga papeles na iniwan doon ng secretary ko."

"Ganoon?"

"Oo, ganoon. Ano ka ba? Bakit ba kung anu-ano ang napupuna mo?"

"Wala lang. Sige, aalis na muna ako, ha? Bukas na ako magre-report sa iyo."

"Sige."

Nang makaalis na si Morris ay napatitig sa kawalan si Dominic.

Ang totoo kasi, hindi totoong nagbasa pa siya ng mga papeles kahapon. Hindi niya
hinarap iyon dahil tila nanlalata nga ang kanyang pakiramdam.

Nakahiga lang siya sa kama, pero hindi naman siya makatulog. Basta nakatitig lan
g siya sa kisame, tila nag-iisip, pero hindi naman niya alam kung ano ang kanyan
g iisipin.

Tila lumilipad ang kanyang kamalayan sa dako pa roon, pero hindi naman niya maam
in sa sarili kung saan talaga lumilipad ang kanyang isip.

Doon sa kanyang resthouse sa La Union... kung saan nakatagpo niya ang weird at l
uka-luka yatang babae na iyon.

Damn! Padaskol na napatayo mula sa swivel chair ang binata nang maalala na naman
niya ang dalagang mangingisda.

Mangkukulam nga yata iyon, ah. Bakit hindi ko makalimutan ang pinagsasabi niya?
Bakit parang naririnig ko ang kanyang tinig, ang pagmamakaawa na isama ko na lan
g siya rito sa lungsod para maging katulong ko at nang magkaroon ako ng pagkakat
aong makasama siya dahil baka ma-develop ako sa kanya? My God! Nakaka-praning na
man ang babaeng iyon, oo!

Mayamaya ay pilit niyang hinamig ang sarili, muling naupo sa swivel chair at hin
arap ang mga papeles na babasahin at pipirmahan.

Ngunit saglit pa lang na ginagawa iyon ni Dominic ay paitsa na niyang binitiwan


ang mga papeles at pabuntong-hiningang tumayo upang tumungo sa bintanang salamin
ng kanyang opisina.

Mula roon ay tanaw niya ang matataas na building at establisamyento sa bahaging


iyon ng Makati.

Ang El Greco Empire Building ay hindi rin naman pahuhuli sa taas kumpara sa mga
katabing gusali kaya kita niya ang paligid.

Ano kayang ginawa niya nang makaalis na ako? Bumalik pa kaya siya sa rest house?
Baka kung anu-ano ang pinagsabi niya kay Mang Rico, ah. Baka hingin pa ang addr
ess ko rito para sundan ako rito.

Sa isiping iyon ay agad na kinuha ng binata ang kanyang cellphone para tawagan a
ng katiwala.

"Bakit ho?"

"Ah, itatanong ko lang ho kung wala bang nagpunta riyan nang makaalis na ako kah
apon? Ang ibig ko hong sabihin, wala bang nangulit sa inyong babae na alamin ang
address ko rito?"

"Wala naman ho."

"Sigurado ka?"

"Oho. Maghapon ho akong naglinis sa resthouse, ngayon naman ay narito ako sa dal
ampasigan at naglilinis din. Wala naman hong naliligaw dito."

"Ah, ganoon ba?"

"Oho. Bakit ho? May problema ho ba?'

"Ah, wala naman. Pero kung sakaling may babaeng pupunta riyan at itatanong ang a
ddress ko rito, pakisabing..."

"Sasabihin ko ho na hindi ko alam?"

"Ah, hindi! Kapag naging makulit ay ibigay mo na rin. Ako na lang ang bahalang k
umausap kapag natunton ako rito."

Huli na para bawiin ni Dominic ang nasabi na.

"Sige ho."

"Sige ho, bye."

Matagal nang naka-off ang kanyang cellphone ay tulala pa rin si Dominic.

Lately ay may mga bagay siyang nagagawa na hindi niya dating nagagawa.

Kagaya nang pagngiti. Lagi siyang nangingiti kahit na palihim noong nakakausap n
iya ang babaeng iyon. Agad din siyang nagtiwala rito at pinapasok pa sa kanyang
bahay gayung hindi naman niya ito kilala.

At ngayon... binilinan pa niya si Mang Rico na ibigay sa babaeng iyon ang addres
s niya sa lungsod kapag nangulit ito sa pagtatanong.

And that's bullshit! Bakit naman kailangan ko pang ipaalam sa kanya kung saan ak
o matatagpuan?

Pero wala siyang makuhang sagot sa katanungang iyon.

"Marami ka bang nahuli?" salubong na tanong ni Aling Inez kay Jackie.

"Medyo ho. Nabenta ko na sa pondohan kaya nakabili na ako ng bigas at iba pang g
amit dito sa bahay," walang siglang tugon niya.

"Sige, magpahinga ka na muna. Gigisingin na lang kita kapag nakaluto na ako, ha?
"

"Ah, si tatay ho?"

"Nasa kabilang bahay, may kainuman na naman."

Napabuntong-hininga na lang siya at hindi na nagkomento.Wala namang bago roon, n


akakapagod lang na kunsumihin ang kanyang sarili.Siguro, tatanggapin na lang niy
a na hindi naman posible ang kanyang pangarap na magkaasawa ng mayamang guwapo n
a ay bata pa.Kahit nga iyong makakuha siya ng matandang mayaman na madaling mama
tay ay imposible pa rin.

Siguro, talagang ipinanganak siya para mabulok sa baryo nila, para maging katuwa
ng ng tatay niya sa pagtataguyod sa kanilang mag-anak, o baka para maging kapali
t na nito nang tuluyan dahil magreretiro na ito at siya na lang ang maghahanapbu
hay.

Anuman ang talagang kapalaran niya, bahala na.Mula ngayon ay iyon na lang ang la
gi niyang iisipin para hindi na lang siya umasa, at mabigo, at masaktan.

Kaya naman ang kanyang pagtulog ay naging mahimbing, palibhasa ay ilang gabi na
rin siyang puyat sa kaiiyak at katatanong kung bakit ipinanganak siyang mahirap.
..

"BABAE, tinatanggap mo bang maging asawa ang lalaking ito? Sa hirap at ginhawa,
sa sakit at kalusugan, hanggang kamatayan?"

Nagniningning ang mga matang sinulyapan niya ang lalaking katabi sa pagkakaluhod
sa harap ng altar.

"Opo, Padre, ng buong puso."

Napangiti ang lalaki sa naging sagot niya, waring nasiyahan.

"At ikaw lalaki, tinatanggap mo ba ang babaeng ito na maging asawa, sa hirap at
ginhawa, sa sakit at karamdaman, hanggang kamatayan?"

Muling tumitig sa kanya ang lalaki, kaytamis pa rin nang ngiti sa mga labi nito.

Ngunit mayamaya ay naging mabalasik ang ngiting iyon, mapang-uyam, nasusuklam.

"Hindi! At sino naman ang tatanggap na maging asawa ang mangmang at mahirap na b
abaeng iyan? Nakakasuka! Amoy-isda, malansa, maitim ang balat, at higit sa lahat
, luka-luka!"

"Hah!" pasinghap na napabangon si Jackie.

Parang totoong-totoo ang panaginip kong iyon, ah. Diyos ko, hanggang sa panagini
p ko ay ipinamumukha niya sa akin ang pagkaalangan ko sa kanya. Malansa raw ako,
nakakasuka, mahirap, amoy-isda... luka-luka!

Sa pagkakataong iyon ay muling nabuhay ang ngitngit niya sa lalaking uminsulto s


a kanya.

Hindi bale, tutal, hindi ko na siya makikita. Pipilitin ko na lang siyang kalimu
tan, sabi niya sa sarili na pilit na hinamig ang nawiwindang na kalooban.
[#06]
"Sige na, minsan lang naman magkakaroon ng piyesta dito sa atin, sumali ka na. S
agot naman ni Mayor ang damit ng kandidata, ano? Kahit singko ay wala kang gagas
tahin, pati na make-up. Saka sayang din ang premyo na sampung libong piso. Hindi
mo mapupulot sa dagat iyon kahit magdamag at maghapon kang mamalakaya, ano?" pa
ngungulit ni Rita kay Jackie.

"Alam ko! Pero ano ka ba naman? Paano akong mananalong mutya ng dagat, kung ang
makakalaban ko ay mga anak ng kapitan sa mga katabing barangay na may perang mag
agasta? Isa pa, ang itim-itim ko na, o! Kahit siguro ako make-up-an, hindi ako p
uputi!"

"Gaga! Akala mo lang iyon. Kahit na kayumanggi ka, ang ganda-ganda mo pa rin, an
o? Lalo na kapag naayusan ka na ng kaibigan nating bading na si Michelle. Naku,
tiyak na bobongga ang beauty mo. Tiyak na ikaw ang mananalo."

"Alam mo, naguguluhan ako sa iyo. Kapag nag-iilusyon ako na magkakaasawa ng maya
man, sinasaway mo ako, ngayon naman, pinipilit mo akong mag-ilusyon na mananalo
akong mutya ng dagat. Ano ka ba?"

"Sira! Iyong pangarap mo noon, medyo imposible talaga. Pero ang manalo kang muty
a ng dagat, mas posible iyon. Alam mo kung bakit? Dahil kilala ko na kung sinu-s

ino ang mga sasali! At sigurado ako, ikaw ang pinakamaganda sa kanilang lahat. S
aka nakalimutan mo na ba? Palagi ka ring nanalong muse sa school natin noon, hin
di ba?"

"Ganoon?" natigilan naman siya sa sinabi ng kaibigan.

"Oo, ganoon."

Napaisip si Jackie, oo nga naman, sayang ang sampung libong piso na premyo, buko
d pa sa may makukuha rin namang consolation prize ang hindi mapipili.

Saka... sayang talaga ang sampung libo, malaking bagay na iyon, puwede nang magb
ukas ng maliit na tindahan ang nanay niya para hindi na ito maglabada.

Sa huli, nakumbinsi siya ni Rita na pumayag na.


-"DAMN!" mainit ang ulong nilamukos ni Dominic ang business letter na ipina-compo
se niya kay Mrs. Jacob.

"S-sir, hindi ninyo nagustuhan?" maang na tanong ng may edad ng kalihim.

"Ho?' saka lang parang natauhan ang binata, napatitig siya sa nilamukos na papel
na sa totoo lang, hindi pa naman niya talaga nababasa. "Ah, hindi ho sa hindi n
agustuhan. Hindi ko pa ho nababasa. May naisip lang ako kaya biglang uminit ang
ulo ko. Mabuti pa ho ay mag-print na lang kayo ng bago."

"O-oho." Pero tila nakulangan na ng tiwala ang ginang sa sarili.

Naiwang natitigilan si Dominic.

Hindi naman ang business letter ang nagpainit ng kanyang ulo, kundi dahil naalal
a niya ang babaeng mangingisda.

Naalala niya kung gaano ito kakulit, ka-weird, pati na ang mga pinagsasabi, pati
na ang banta nito na hindi na niya ito makakalimutan at maiaalis sa sistema ng
kanyang pagkatao.

Ang luka-lukang iyon, mangkukulam nga yata. Nakakasira ng disposisyon kapag naii
sip ko siya, ah. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Nagpupunta pa kaya siya sa res
thouse?

Pero pinigil ni Dominic ang sarili na tawagan si Mang Rico para magtanong. Baka
nagmumukna na siyang tanga.

Pero dahil talagang hindi mapuknat sa kanyang isip ang babaeng iyon, ilang araw
pa ay isang pasya ang kanyang ginawa.

"Magbabakasyon ka ulit sa resthouse mo?" maang na tanong ni Morris.

"Oo. Bahala ka na muna rito sa office, ha?"

"Sure. Pero ano ba talagang nararamdaman mo?"

"Wala lang, basta nanlalata lang akong magtrabaho. Baka nasobrahan ako noon dahi
l sa pagiging workaholic ko."

"O, baka naman in love ka?"

"Morris!"

"Hey, joke lang. Alam ko naman na hindi mo priority ang love, ano? Teka, wala na
ba kayo ni Mariane?"

Natigilan ang binata, oo nga pala, si Mariane.

Mula nang bumalik siya sa lungsod ay hindi man lang niya ito natawagan, o nayaya
man lang na mag-dinner.

In fact, hindi talaga pumasok sa isip niya ang babae.

"Ah, busy kasi kami pareho."

"Sabagay, mukha rin namang hindi siya serysoso sa relasyon ninyo. Workaholic din
kasi ang babaeng iyon, eh. Alam mo, nag-aalala ako sa iyo, eh."

"Bakit naman?"

"Baka kasi tumanda kang binata. Kasi nga, sobrang busy ka sa trabaho. At sa ugal
i mo na sobrang perfectionist, metikuloso, sa tingin ko, hanggang sa pagpili ng
babaeng pakakasalan, may sinusundan ka pa ring pamantayan. I think, you love by
the rules. Na para bang kapag hindi nakasunod sa mga pamantayan at rules mo ang
isang bahae, good bye na."

"Siguro nga."

Umayon na lang siya sa sinabi ng pinsan, pero ang mas nagtutumining sa kanyang i
sip ay ang pagbabakasyong gagawin sa kanyang resthouse.

Hindi niya alam kung bakit napupuno ng pananabik ang kanyang puso na makabalik d
oon...

Dahil ba baka makita uli niya ang makulit na mangingisda?

"Biglaan naman ang bakasyon n'yo, Sir?" gulat na wika ni Mang Rico nang dumating
si Dominic nang umagang iyon.

"Ah, hindi na ho ako tumawag, bigla ko lang naisip na magpunta rito."

"Naku, wala pa namang laman ang freezer."

"Hindi ho bale, masarap naman ang mga seafoods na nirarasyon dito ng -"

"Hindi na naman nagagawi rito si Mang Joseph. Kaya minsan ay sa bayan ako namimi
li, o kaya naman ay ako mismo ang nanghuhuli."

"Ah, ganoon ho ba? Tagasaan ho ba si Mang Joseph?"

"Taga-kabilang baryo iyon. Pero sabagay, lasenggo kasi kaya siguro laging walang
huli."

"Ah." Napatangu-tango na lang si Dominic, kung bakit nakahiyaan niyang itanong k


ung nagagawi roon ang babaeng mangingisda na anak ni Mang Joseph.

"Siyanga ho pala, tamang-tama ang pasyal ninyo, fiesta rito sa Linggo, may gagan
aping patimpalak na pangkagandahan sa plaza. Pipiliin ang mutya ng dagat at koko
ronahan. Baka gusto ninyong manood?"

"Pag-iisipan ko ho. Saan nga ho nakatira si Mang Joseph?"

"Diyan sa Baryo Masilip."

"Ah." Tinandaan niya ang sinabi nito.

Kinabukasan ay nag-iikot na siya sa baryong sinabi ni Mang Rico sakay ng kanyang


BMW.

And he feel so stupid dahil lahat ng kababaihan at kadalagahan nasasalubong sa k


alsada ay sinisipat niya nang tingin, nagbabakasakali siyang makita ang pamilyar
na mukha ng babaeng lukaret, weird, at amoy-isdang mangingisda na iyon.

Pero napagod lang siya sa maghapong iyon, nangalay ang leeg, nagsayang ng gasoli
na, ni anino ng babaeng hinahanap ay hindi niya makita.

Siguro, kailangang magtanung-tanong na ako kung saan nakatira si Mang Joseph, sa


bi niya sa sarili nang makauwi na.

So, pagkatapos ay ano? Makikita mo na ang babaeng iyon? So, anong gagawin mo kap
ag nakita mo na ang luka-lukang iyon? tudyo naman ng isang bahagi ng kanyang uta
k.

Ano nga ba? Kakausapin ko ba siya? Hihilingin na bawiin na niya ang sumpa na hin
di na siya maaalis sa sistema ko? My God! That's stupidity!

Stupidity talaga! Kaya habang may panabon pa, tigilan mo na iyan, okay? muling s
agot ng kanyang konsensiya.

[#07]
Pero ayaw makinig ni Dominic, kinabukasan ay natagpuan niya ang sarili na muling
nagbalik sa Baryo Masilip. Palinga-linga habang sakay ng kanyang kotse, sinasal
a nang tingin ang mga nakakasalubong.

Umaasang makikita na ang babaeng hinahanap.

Pero hanggang gumabi na ay bigo pa rin siya.

Sa isang fastfood na malapit sa plaza na lang kumain ang binata nang makaramdam
ng gutom. Nakakahiya naman kasing makipiyesta sa mga tagaroon kahit pa open sa l
ahat ang bahay ng mga may handa.

Mukhang masaya talaga ang fiesta rito, ah. Ang ganda ng ayos ng stage. Mukhang m
agaganda ang kandidata nila.

At hindi alam ni Dominic kung bakit natagpuan niya ang sarili na nakiupo sa mga
manonood na naghihintay sa gaganaping beauty pageant.

Wala naman akong gagawin sa bahay, hindi rin ako makakatulog agad. Sasakit lang
ang ulo ko kapag pinilit kong matulog. Hindi bale, babalik na lang ako sa lungso
d sa makalawa. Walang mangyayari sa akin dito. Nagsasayang lang ako ng oras at n
agmumukha akong tanga.

"Kinakabahan ako."

"Ano ka ba? Ano bang pagkakaiba ng paligsahang ito sa mga sinalihan mong beauty
pageant sa school natin noon?"

"Fresh pa ang beauty ko noon, ano? Hindi pa ako namamalakaya sa dagat kaya -"

"Gaga! Nakita mo bang sarili mo kanina sa salamin, ha? Ang ganda-ganda ng ayos m
o. Ang cute mo, ano? Pati make-up mo ay bagay sa iyo. Mahusay yata si Michelle.
At bagay na bagay sa iyo ang gown na pahiram ni Mayor. And take note, talagang s
a tingin ko, ikaw ang pinakamaganda sa kanila, ano?"

"Oo na, kaibigan nga kita." Napairap siya rito, pero ang totoo, nadagdagan ang k
umpiyansiya niya sa sarili, lalo pa at nakita nga rin niya ang mga kalabang kand
idata.

Sa tingin niya, mas maganda siya sa mga ito.

Mayamaya pa, nagsalita na ang emcee magsisimula na raw ang paligsahan. Pinahihil
era na sa backstage ang mg kandidata para makarampa sa stage kapag tinawag na an
g pangalan nila.

Kinakabahan man, nilakasan na ni Jackie ang loob. Kunwari, walang ibang tao sa p
aligid, kunwari, mga isda sa dagat ang mga kalaban niya na kayang-kaya niyang hu
lihin.

"At ngayon naman, tatawagin na natin ang Mutya ng Baryo Masilip. Miss Jackielyn
Hernandez!"

Napalunok siya nang marinig ang pagtawag ng emcee sa kanyang pangalan, pagkuwa'y
nagtaas siya ng noo, saka nagsimulang humakbang palabas sa kurtinang tumatabing
sa backstage.

Madalas na siyang masali noon sa mga patimpalak sa school nila, naturuan na siya
ng PE teacher nila noon kung paano ang tamang kilos at lakad kapag nasa stage.

Iyon ang i-a-apply niya sa sarili ngayon.

Aral ang lakad ni Jackie nang rumampa sa stage, animo tunay na modelo, o tunay n
a kandidata sa Miss Philippines ang kanyang sinasalihan, kaytamis nang ngiti sa
kanyang mga labi na iniukol sa mga judges, partikular sa pinakabatang hurado na
may itsura rin naman.

Kumindat pa ito sa kanya.

Natatawa na lang na nagbawi siya nang tingin, pagkuwa'y nangingislap ang mga mat
ang sumusulyap siya sa mga manonood.

Hiyawan ang mga kabinataan nang mapagtuunan niya nang tingin.

Mas matamis ang ngiting ipinukol niya sa mga ito.

Ilang sandali pa, nakihilera na rin siya sa mga nauna na ng kandidata na rumampa
sa stage. Hindi napupuknat ang ngiti sa kanyang mga labi.

Pero mayamaya, ang ngiting iyon ay tila gustong mapalis. May nahagip kasi ang ka
nyang mga mata sa kulumpon ng mga manonood na nakamasid sa kanila na sukat nagpa
kabog sa kanyang dibdib.

Hindi! Siya ba iyon! Ang supladong lalaki na akala mo ay kung sino! Oo nga, siya
iyon! Anong ginagawa niya rito? At Diyos ko, sa akin siya nakatitig! Nakilala b
a nya ako?

Iyong pakiramdam na tila may paru-paro na naman sa kanyang sikmura ay damang-dam


a niya. Tila siya masusuka, tila nanlalamig ang buo niyang katawan, parang gusto
niyang himatayin sa nerbiyos... at kung anu-anong antisipasyon.
-OH GOD! Hindi ako maaaring magkamali, it's her! Siya nga iyon! At dito ko lang p
ala siya matatagpuan!

Hindi maunawaan ni Dominic kung ano iyong damdaming tila tumadyak sa kanyang dib
dib eksaktong natiyak niya na ang magandang kandidata na rumarampa sa gitna ng s
tage ay ang babaeng luka-luka na kanyang hinahanap para ipabawi rito ang binitiw
ang "sumpa" sa kanya.

Ang babaeng amoy-isda, weird, at nakakatakot ang mga pinagsabi sa kanya.Pero hin
di ito mukhang luka-luka ngayon, in fact, ang ganda-ganda nito, bagay na bagay a
ng suot na gown, parang diyosa ng kagandahan na naglalakad, kaytamis nang ngiti
sa mga labi, parang nang-aakit. At naaakit siya. Parang gusto niya itong sugurin
nang yakap sa stage, sabik na sabik siya rito. Nag-uumapaw ang tuwa sa kanyang
puso ngayong muli itong nakita.

Tila nakalimutan ni Dominic kung paano niya ito nilait, tinanggihan, at tinakasa
n.Ang tanging alam lang ng binata, gustung-gusto niya ang nakikita. Kaya hanggan
g humilera na ito sa mga kapwa kandidata ay hindi pa rin mapuknat ang titig niya
rito.

At ngayon, magkalapat na ang mga mata nila sigurado siya na nakita na rin siya n
ito. At bigla siyang nasabik sa susunod nitong reaksiyon. Iyon bang maglululunda
g ito sa tuwa dahil nagbalik siya, dahil nakita siyang muli. Baka nga yakapin pa
siya nito.

Pero taliwas sa kanyang inaasahan ang nabasa niya sa kislap ng mga mata nito. Na
nalim ang titig nito sa kanya, napalis ang matamis na ngiti, napalitan nang gali
t ang bakas ng mukha.

No! Huwag kang magalit sa akin. Nagbalik naman ako para hanapin ka, eh, kausapin
, humingi ng paumanhin sa mga nasabi kung kinakailangan.

Pero waring hindi nito nabasa ang mensahe ng kanyang mga mata, nag-iwas na ito n
ang tingin sa kanya.

No! Please, look at me! Pero hindi na ito uli tumingin kanya.

"And now, for our new Mutya ng Dagat we would like to congratulate Miss Jackiely
n Hernandez!"

Sumigabo ang malakas na palakpakan kasunod niyon ay inianunsiyo na ng emcee ang


pagpapatong ng korona sa nanalo, kasabay nang pag-aabot ng salaping gantimpala.

"R-Rita, akong nanalo?" hindi makapaniwalang bulong ,ni Jackie sa kaibigan nang
nagpi-picture taking na sila kasama ang mga hurado.

"Sinabi ko naman sa iyo, hindi ba? Ikaw ang mananalo. Hay! Ang laki ng premyo mo
, ano? Balato, ha?"

"Oo ba!"

Nagkatawan ang magkaibigan, pero bahagya siyang natigilan. Sa isang bahagi ng mg

a audience ay muli niyang nasulyapan ang supladong lalaki.

Hmp! Titingin-tingin ka riyan! Akala mo ba'y papansinin kita? Tse! Wala na akong
pakialam sa iyo, ano? At huwag kang magkakamaling ipagkalat sa ibang narito ang
kagagahang nagawa ko noon, hindi ko aaminin! Hindi ko aaminin na pinipilit kita
ng isama ako kahit na maging katulong mo para lang magkasama tayo at ma-in love
ka sa akin!

"Hoy!" untag ni Rita sa kanya, sabay siko.

"O, bakit?"

"Anong bakit? Sino bang iniirapan mo riyan? Ngumiti ka nga. Kukuhanan ka ng vide
o, o!"

"Ay, oo! Sorry, ha?" Bigla siyang ngumiti sabay sulyap sa lens ng videocam.

"Ah, siyanga pala, siya si Congressman Alfur Guilberto, siya iyong isa sa judges
," pagpapakilala ni Mayor Lucas sa guwapong lalaki na ngayon ay nakalahad na ang
palad kay Jackie.

"Ah, ikinagagalak kitang makilala, Jackie."

"A-ako rin ho, Congressman. At maraming salamat ho, salamat at ibinoto ninyo ako
." nahihiyang wika niya bagama't tinanggap pa rin ang palad nito.

"Wala iyon. Natural na ikaw ang pipiliin namin, ang ganda-ganda mo yata, ano?"

"S-salamat ho."

"Siyanga pala, bukas ay may salu-salo sa bahay ko, kumbidado ko si Congressman,


gusto kong naroon ka rin, Hija, ha? Matutuwa si Gob kapag nakilala ka. Siguradon
g sasabihin din niya na puwede ka naming isali sa gaganaping patimpalak na pangk
agandahan sa mga lalawigan," wika ng alkalde.

"Ho? A-ako ho?"

"Oo, Hija. Dahil ikaw ang nanalong pinakamagandang dilag dito sa bayan natin, pu
wedeng ikaw ang maging representative natin para sa panglalawigang patimpalak."

"N-naku, baka ho hindi ko kaya."

"Ano bang hindi kaya? Natural na kaya mo iyon, Hija. Siguradong may pag-asang ma
sungkit ng lalawigan natin ang korona."

"Eh... p-pag-iisipan ko ho kaya muna."

"Sige, ikaw bahala. Pero pansamantala, ikaw na muna ang bahala kay Congressman,
ha? May mga dumating lang akong bisita at sasalubingin ko lang, ha?"

"S-sige ho."

"Ah, doon tayo sa mesang iyon," tila naman siyang-siya ang congressman na masoso
lo siya.

"Ah, sige." Pero siyempre ay hindi niya ito puwedeng pagsupladanan, alam niyang
isa ito sa dahilan kaya siya nanalo.

Kitang-kita naman niya kanina kung gaano ito naaakit sa kanya.

Mabait naman si Aljur, gentleman pa. Guwapo rin naman talaga, lalo na at nguming
iti.

Pero parang hindi pa rin mapalagay si Jackie.

Paano ay nakikita pa rin niya sa gilid ng mga mata ang supladong lalaki na kahal
ubilo pa rin ng mga manonood na ngayon ay abala naman sa panonood sa kantahan na
handog din ng mayor para sa kapistahang iyon.

Bakit kaya ayaw pa niyang umalis?

Nanonood ba siya ng kantakan? Pero hindi, eh. Sa akin siya nakatingin.

Para matiyak ang hinala ay palihim uli niya itong sinulyapan, at minsan pang nag
tama ang mga mata nila.

[#08]
Ngitngit na ngitngit si Dominic habang hinuhuli nang titig ang mga mata ni Jacki
e, at sa minsang pagsulyap nito sa kanya ay ipinakita niya ang inis.

"Anong ginagawa mo sa tabi ng napapanot ng congressman na iyan, ha? Akala ko ba'


y ako ang aakitin mo para ma-in love ako sa iyo!" sigaw ng kanyang utak.

Pero tinimpi niya ang sarili na sugurin ang mga ito. Alam ng binata na wala siya
ng karapatan. Gayunpaman, sa magdamag na iyon ay nanatili lang siyang nakamasid
sa mga ito.

Mayamaya ay napaunat siya nang tayo, nakita kasi ng binata na nakubli na sa back
stage ang mga ito.

Saan sila pupunta? Bakit nakaalalay pa sa siko niya ang lalaking iyon?

Inis na nakipagsiksikan si Dominic sa mga tao para makarating sa backstage.

Pero hindi na niya nakita ang mga ito.

Gigil na umuwi na lang ang binata, bukas ay mas madali na niyang mahahanap ang d
alaga na Jackie pala ang pangalan. Mas madali nang ipagtanong kung saan ang baha
y ng nanalong mutya ng dagat, kaysa magtanong kung saan ang bahay ng anak ng las
enggerong si Mang Joseph.

Gayunpaman, naging mailap pa rin kay Dominic ang antok.

Ang ganda pala talaga niya, lalo na kapag naayusan. Pero bakit naman kasi kung a
n-ano ang pinagsasabi niya ng araw na iyon, nagmukha tuloy siyang luka-luka? Per

o bindi bale, hihingi talaga ako ng sorry sa kanya kapag nagkausap na kami. Sana
naman, mawala na ang galit niya sa akin.

Nakatulugan na ng binata ang balaking iyon.

"Ah si Jackie ? Doon sa dulo ng aplaya, iyong dalawang balangkas na bahay na gaw
a sa pawid at sawali. Iyong medyo nakagiray na dahil nadaanan ng bagyo noong nak
araang buwan. Iyon ang bahay nila," wika ng babaeng napagtanungan ni Dominic.

"Ah, salamat ho! Sige ho."

"Salamat din. Hay, ang guwapo!"

Nangiti na lang siya sa papuri nito, pagkuwa'y pinaandar na ang kanyang kotse pa
ra hanapin na ang bahay na tinutukoy nito.

Ilang pagtatanong pa ang kanyang ginawa at natanaw na rin sa wakas ang hinahanap
na bahay.

Doon pala siya nakatira. Oo nga, giray na. Kawawa naman siya, talaga palang mahi
rap lang ang buhay nila.

"Tao po! Magandang araw po!"

Ilang pagtawag pa ang ginawa ni Dominic bago may sumungaw na matandang lalaki.

"O, sino iyan?" nag-aaninag na lumabas ito, medyo sumusuray pa. Halatang lasing
pa at nangangalingasaw ang alak sa hininga.

Nahinuha niyang ito na si Mang Joseph.

"Ah, dito ho ba nakatira si Jackie, iyon hong nanalong mutya ng dagat kagabi?"

Kumunot ang noo nito, saka bahagya pa siyang inaninag.

"Oo, anak ko siya! Bakit mo hinahanap ang anak ko, ha?" medyo pagalit pa nitong
tanong.

"Ah..." nataranta siya sa pag-iisip ng idadahilan. "Ah, napanood ko ho siya kaga


bi sa koronasyon, may-ari ho ako ng isang advertising company, balak ko ho sana
siyang alukin na maging modelo ng aming kumpanya."

Gustong batiin ni Dominic ang sarili dahil agad niyang naisip iyon.

"Talaga? Kukunin mong modelo ang anak ko?" Tila naman natuwa agad ito sa narinig
.

"Ah, oho. Malaki ho ang kikitain niya, mapapanood pa siya sa mga TV commercial."

"Wow! Okay, ah! Halika, pasok ka muna." Niluwangan nito ang bukas ng pinto at hi
nila pa siyang papasok. "Maupo ka."

"Salamat ho."

Naupo na rin ito.

"Wala ang anak ko, eh, pero ang asawa kong si Inez ay namili ng paninda sa kabay
anan. Alam mo, balak kasi naming magtayo ng tindahan. Gagamitin naming puhunan i
yong naging premyo niya sa patimpalak kagabi. Alam mo, talagang iyang anak kong
si Jackie ang nakatakdang humango sa amin sa kahirapan. Bata pa iyan ay napakala
ki na ng tulong sa aming mag-asawa. At nitong may edad na ako, aba, pati na trab
ahong-lalaki ay kinakaya. Marunong mamalakaya ng isda sa karagatan iyan. Pero sa
tingin ko, ngayong nanalo siya sa patimpalak na iyon, magsisimula na ang magand
ang buhay para sa kanya. Kilala ko iyang anak ko, walang-"

"Joseph, sino ba iyang bisita mo?"

Napalingon sila sa nagsalita.

"Ah, magandang umaga ho!" agad niyang bati nang makita ang isang may edad ng bab

ae na maraming pinamili. Nahinuha niyang ito ang ina ni Jackie.

"Magandang umaga naman."

"Oy, Inez, alam mo bang may-ari siya ng isang advertising company sa lungsod?" k
uwento agad ni Mang Joseph.

"H-ha ?? Ano iyon?"

"Ah, ang kumpanya ho namin ang gumagawa ng iba't ibang commercial para saTV."

"Oo, iyon nga. At alam mo ba kung bakit siya narito? Napanood daw niya si Jackie
kagabi sa koronasyon at nagandahan siya rito. Kaya raw kukunin niya itong model
o."

"H-ha? Talaga ba?" maang na baling ng babae kay Dominic.

"Ah, oho!" Itinuloy na niya ang pagsisinungaling.

"Naku, sa palagay ko'y ang anak ko ang dapat mong makausap sa bagay na iyan. Per
o wala kasi siya, eh, Sinundo siya kanina ni Congressman dahil dadalo sila sa ha
ndaan sa bahay ni Mayor."

"Ho?" Tila may kung anong pumiga sa puso ni Dominic sa narinig. Parang gustong m
ag-isip ng kung anu-ano ang binata.

Ang gagang iyon, komo bigtime ang lalaking nakilala niya kagabi, hindi na bumita
w. Bakit, dahil nagbabakasakali siya na magkakaasawa ng mayaman kahit na hindi m
asyadong guwapo pero hindi naman madaling mamatay?

"Pero kung balak mo siyang hintayin, palagay ko'y baka mainip ka. Nasabi rin kas
i sa akin ni Congressman na tutuloy sila sa Kapitolyo para ipakilala sa gobernad
or si Jackie. Gusto rin kasi nila ang dalaga namin na kumandidata para sa panlal
awigang patimpalak pangkagandahan."

"Ganoon ho ba?" gustong manlumo ni Dominic.

Parang ang dami naman yatang balakid sa daraanan niya gayung gusto lang naman ni
yang makausap si Jackie.

"Ah, sa palagay ho ninyo, mga anong oras siya darating?'

"Baka gabi na."

"Kung ganoon ho, babalik na lang ako bukas."

"Sige. Teka, ano nga bang pangalan mo" naalalang itanong ni Mang Joseph.

"Ah, Dominic El Greco ho."


[#09]
"Dominic El Greco? Wow! Ang taray naman ng pangalan ng bisita mo kanina," wika n
i Rita habang nagkukuwentuhan sila sa balkonahe.

"Sus! Para mukha lang bigtime ang pangalang iyon, natarayan ka na," irap ni Jack
ie sa kaibigan.

"Aba, baka hindi mo kilala ang mga El Greco? Palibhasa ay hindi ka palabasa ng m
ga magazine na sosyal. Doon sa pinapasukan kong parlor ay maraming ganoon kaya n
ababasa ko iyong pangalang El Greco."

"Talaga? Bakit, ano bang kategorya ng mga El Greco?"

"Oy, mga kilalang businessman talaga ang mga iyon, ano? At naniniwala ako sa sin
abi ng tatay mo na balak kang kunin commercial model ng taong iyon. Talagang kil
ala ang advertising company nila, ano?"

"Oo na. Sige na, uwi ka na. Maaga pa akong gigising bukas dahil susunduin ako ni
Congressman."

"O, saan na naman kayo pupunta?"

"Wala lang, may dadaluhan lang siyang ribbon cutting at isasama lang ako."

"Naks! Mukhang tuluy-tuloy na ang pagbubukas ng pinto ng magandang swerte sa iyo


, ah. May nagnahanap na sa iyong Dominic El Greco, may congressman ka pa na mukh
ang naakit talaga sa kagandahan mo. Wala akong masabi."

"Heh! Magtigil ka nga!"

"Uy, kunwari, hindi siya natutuwa. Pero alam ko, pumapalakpak ang tainga mo. Bir
uin mo, mukhang matutupad na rin ang pangarap mong makakilala ng mayamang lalaki
na magpapakasal sa iyo, ha? And take note, hindi siya matandang madaling mamata
y, ha? Aba, bata pa si Congressman, ha? Mukhang nasa thirty-five lang. At guwapo
rin naman, iyon nga lang, medyo manipis na ang buhok sa tuktok." Sinundan nito
nang bungisngis ang sinabi.

Pero hindi naaaliw si Jackie sa pinagsasabi nito, sa nabuksan kasing usapan tung
kol sa malaon na niyang pangarap ay muli niyang naalala ang lalaking uminsulto s
a kanya.

Saan kaya siya nagpunta kagabi? Biglang nawala, eh. Hmp! Pero ano bang pakialam
ko sa kanya!

Pero hanggang sa kanyang pagtulog ay baon niya sa panaginip ang lalaking iyon...

"BABAE, tinatanggap mo bang maging asawa ang lalaking ito? Sa hirap at ginhawa,
sa sakit at kalusugan, hanggang kamatayan?"

Nagniningning ang mga matang sinulyapan niya ang lalaking katabi sa pagkakaluhod
sa harap ng altar.

"Opo, Padre, ng buong puso."

Napangiti ang lalaki sa naging sagot niya, waring nasiyahan.

"At ikaw lalaki, tinatanggap mo ba ang babaeng ito na maging asawa, sa hirap at
ginhawa, sa sakit at karamdaman, hanggang kamatayan?"

Muling tumitig sa kanya ang lalaki, kaytamis pa rin nang ngiti sa mga labi nito,
ang titig sa kanya ay tila punung-puno ng pagmamahal.

"Opo, Padre, ng buong puso at kaluluwa. Mahal na mahal ko po ang babaeng ito."

"Kung ganoon, ipinahahayag ko sa lahat na kayo ay mag-asawa na. Maaari mo nang h


alikan ang iyong maybahay."

Nagpalakpakan ang mga tao, hinawakan naman ng groom ang kanyang belo at itinaas,
pagkuwa'y dahan-dahang inilapit ang mga labi sa mga labi niya.

Napapikit na lang siya, kasabay niyon ay umawang ang kanyang mga labi at hininta
y ang halik na ipagkakaloob nito.

Ah, kaytamis ng halik na iyon, para siyang naakyat sa langit...

"JACKIE! Gising na! May bisita ka!"

"Hah!" Pabalikwas na nagbangon si Jackie, habol ang hininga, habol ang pag-asang
hindi pa mawawaglit sa mga labi niya ang halik na ipinagkakaloob ng kanyang gro
om.

Ngunit nag-iisa lang siya sa kanyang maliit na silid, wala naman pala siyang gro
om, ang kanyang yakap ay ang kanyang unan.

"Jackie, gumising ka na nga muna at may bisita ka!" muling tawag mula sa labas.

"O-oho." Saka lang niya na-realize na ang lahat ay isa lang panaginip... isang m
atamis na panaginip na hindi niya malaman kung bakit sa ganoon na humantong, gay
ung dati ay puro pang-iinsulto ang iniuukol sa kanya ng lalaking pinakakasalan s
a kanyang panaginip.

Inut-inot na nagbangon ang dalaga, niligpit ang higaan at nagsuklay, pagkuwa'y l


umabas na para maghilamos.

Pero hindi pa man siya nakakatungo sa maliit nilang kusina ay nagulat na siya na
ng magtama ang mga mata nila ng sinasabi ng kanyang ina na bisita raw niya na na
kaupo sa sofang kawayan sa maliit nilang sala.

Ikaw! Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ito.

"O, mabuti at gising ka na. Maghilamos ka na nga muna bago mo harapin itong bisi
ta mo. Siya nga pala si Dominic El Greco, iyong sinasabi namin sa iyo na may-ari
ng advertising company na gustong kumuha sa iyo bilang modelo," nakangiting wik
a ni Mang Joseph.

At himala nang mga himala, mukhang hindi nakainom ang tatay niya, maayos din ang
bihis nito at mukhang bagong paligo.

"H-ho? Ah, sandali lang ho, maghihilamos lang ako." Sa katarantahan ay napapasok
siya sa kusina at naghilamos para tuluyang gisingin ang kanyang sarili dahil ba
ka bahagi pa rin iyon ng kanyang matamis na panaginip.

Pagkahilamos ay bahagya siyang sumilip sa siwang ng pinto, pero naroon pa rin sa


sala ang binata, habang tila tarantang-taranta ang mag-asawa sa pag-estima sa m
ga ito.

Hindi nga ako nananaginip, talagang narito siya. Anong ginagawa niya rito? Anong
gagawin ko? Paano ko ba siya haharapin? Teka, aawayin ko basiya? Galit ba ako s
a kanya? O, dapat ba ay galit ako sa kanya?

"Jackie, ano ba? Ang tagal mo naman!" tawag ni Mang Joseph.

"O-oho, nariyan na!"

Humugot muna siya ng buntong-hininga bago lumabas.

"O, heto na pala siya, maiiwan ko nga muna kayo, ha? May sasabihin daw siya sa i
yo." Naunang tumayo si Mang Joseph.

"Ako naman ay maghahanda ng almusal. Maiwan na muna kita, ha?" paalam naman dito
ni Aling Inez.

"Oho," nakangiting wika ng binata.

Napakurap si Jackie nang makita ang ngiting iyon, noon ay sabik na sabik siyang
makita ang ngiting iyon mula sa mga labi nito, hindi ba?

"Anong ginagawa mo rito? Anong kailangan mo sa akin?" halos ay pabulong na tanon


g ni Jackie.

"Hinanap kita, hindi ka na raw kasi nagdadala ng isda sa resthouse. At nagulat a


ko dahil nakita kitang kinokoronahan noong isang gabi. Pero sabagay, bakit naman
ako magugulat o magtataka na ikaw ang nanalo, talaga namang maganda ka."

Hinagkis niya nang matalim na tingin ang binata.

"Huwag mo na nga akong bolahin? Ano talagang kailangan mo sa akin, ha? Bakit sin
abi mo pa sa mga magulang ko na kukunin mo akong modelo gayung -"

"Talaga namang manager ako ng isang advertising company, ah. Talagang kaya kitan
g kunin na modelo."

"Puwede ba?"

"Sumama ka sa akin, sa labas tayo mag-uusap. Hindi iyang ganyan na pigil na pigi
l ka. Hindi ka makasigaw kung gusto mong sumigaw. Hindi mo ako maaway gayung muk
hang gusto mo na akong murahin."

"Ayoko! May lakad ako mamaya!"

"Sandali lang naman tayo!"

"Ayoko! Umalis ka na!"

"Kapag hindi mo ako pinagbigyan, sasabihin ko sa kanilang lahat na minsan ay ipi


nilit mo ang sarili mo sa akin, na minsan ay hiniling mo na maging kaibigan ko,
o kahit katulong, basta magkaroon ka lang ng pagkakataong makasama ako dahil bak
a ma-develop sa pag-ibig ang pagtingin ko sa iyo."

"Ano? Bakit mo gagawin iyon?"

"Dahil ayaw mong sumama sa akin."

"Tigilan mo nga ako! Umalis ka na!"

"Hindi! Mag-usap muna tayo sa labas!"

"Ang kulit mo!"

"Kasingkulit mo ba noon?"

Natigilan siya, pagkuwa'y gigil na tinitigan ito.

Nakipagtitigan naman sa kanya ang binata, pero may kalakip na paghahamon ang tit
ig nito at tila nanunudyo.

"Okay, sasama ako sa iyo, ha? Pero pagkatapos nating mag-usap, tigilan mo na ako
, ha? Huwag mo nang lokohin ang mga magulang ko na kukunin mo akong modelo."

"Sure!"

"At ihahatid mo agad ako dahil may lakad kami ni Congressman."

"Oo ba!"[#10]
"B-BAKIT dito mo ako dinala?"

"Bakit? Dati ka namang nagpupunta rito, hindi ba?"

"O-oo, pero -"

"Pasok ka." Hinila papasok ni Dominic sa braso ang dalaga at ini-lock ang pinto.

"B-bakit mo ini-lock?"

"Bakit, natatakot ka ba?"

"H-hindi! Bakit naman ako matatakot sa iyo!"

"Ewan ko sa iyo."

"Hindi nga!"

"Then, have a seat. Ipaghahanda lang kita ng maiinom para maging maganda ang pag
-uusap natin, okay?"

Tahimik na lang siyang sumunod.

Pumasok sa kumedor si Dominic, nang lumabas ay may dala ng dalawang baso ng iced
tea na nagyeyelo sa lamig.

"O, mag-iced tea ka muna."

"Ano ba talagang kailangan mo sa akin?" hindi niya pinansin ang iniaabot nitong
baso.

"Jackie -"

"Anong kailangan mo sa akin?"

Natigilan si Dominic, pagkuwa'y inilapag nito ang baso sa center table.

"Okay, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Marry me."

"Ano?" nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.

"Marry me, tutuparin ko ang pangarap mo na makasal sa isang guwapong mayaman na


hindi agad mamamatay. And I'll promise to you, hahanguin ko sa hirap ang pamilya
mo. Hindi mo na kailangang mamalakaya sa dagat para may makain kayo. Hindi na i

itim ang balat mo, hindi ka na mag-aamoy isda. Just marry me and I'll give you t
he world."

Lalong nanlaki ang mga mata ni Jackie, mayamaya ay napangiti siya, ngiting nauwi
sa tahimik na pagtawa, hanggang maging malakas na halakhak.

"Ako, inaalok mo ng kasal? Nagpapatawa ka ba, ha? Aba, natatawa ako, ha?" saka h
alos mamula na siya sa katatawa.

"Jackie, anong problema mo? Anong nakakatawa sa alok ko, ha?" may galit ang tini
g ni Dominic.

"Eh, kasi naman, sinong hindi matatawa sa iyo? Dati ay ganoon na lang kung insul
tuhin mo ako, na tila ba diring-diri ka sa akin, tinawag mo pa nga akong luka-lu
ka, hindi ba? Tapos, nakita mo lang ako na kinoronahan, inaalok mo na ako ng kas
al!" halos ay mahulog na sa sofa ang dalaga na hindi pa rin mapigil ang pagtawa.

"Stop it!"

"At bakit ako hihinto? Nakakatawa ka naman talaga, ah!"

"You witch!" gigil nitong hinawakan sa magkabilang balikat ang dalaga at sapilit
ang itinayo. "Nagtataka ka pa kung bakit nagkaganito ako? Nakalimutan mo na ba a
ng sumpa mo. Ha? Na hindi ka na mawawala sa sistema ko! Na kahit saan ko ibaling
ang paningin ko, ikaw na ang makikita ko, na kahit saan ako makarating, tinig m
o ang maririnig ko! At nagtagumpay ka, nasira na nga ang ulo ko sa kaiisip sa iy
o. Ngayong inaalok kita ng kasal, pagtatawanan mo lang ako?"

"At bakit hindi ako matatawa? Nakita mo lang akong kinorohan -"

"Hindi totoo iyan! Kaya ako nagbalik dito, hinahanap kita! Ginulo mo na kasi ang
utak ko! Nagkataon lang na nakita kong kinoronohan ka ng gabing iyon! Pero kahi
t na hindi ka nanalo, kasal pa rin ang iaalok ko sa iyo. Alam mo kung bakit? Dah
il mahal kita!"
Saglit na natigilan ang dalaga, pagkuwa'y naningkit ang mga mata niya.

"At gusto mong maniwala ako, ha?"

"Kung ayaw mong maniwala, wala akong magagawa. Pero gagawin ko ang pinakahuling
paraan para maniwala ka na nagsasabi ako ng totoo!"

"A-anong-"

Bago pa natapos sa pagtatanong si Jackie, naging mabilis na ang sumunod na kilos


ni Dominic, nakabig na nito sa batok ang dalaga at mariing siniil nang halik an
g mga labi.

Nabigla man siya, saglit pa rin siyang nakapanlaban, tinangka niyang kumawala, m
anulak.

Ngunit kaytamis nang halik na ipinagkakaloob sa kanya ni Dominic, kay higpit ng


yakap, kaybango ng hininga nito, para siyang nauupos, nanlalambot ang kanyang tu
hod, gustong mapapikit ang mga mata niya.

At sinunod niya ang nais, napapikit siya, saka kusang napayakap dito.

Matagal ang halik na kanilang pinagsaluhan, hindi siya aware na hindi lang siya
tumatanggap, tumutugon na rin.

Mayamaya ay pinalaya na nito ang mga labi niya.

"Jackie... hindi mo ba naramdaman... tumalab nga sa akin ang sumpa mo, hindi ka
na maalis sa sistema ko, mahal na mahal na kita. Hindi ko na kakayaning mabuhay
na wala ka. Please, marry me. Nakahanda akong gawin ang lahat, mapatunayan ko la
ng sa iyo na totoo ang sinasabi ko."

Napatitig siya sa mukha nito, pagkuwa'y nalaglag ang luha sa kanyang mga mata...
[#11] - FINALE.
"JACKIE, tinatanggap mo bang maging asawa ang lalaking ito? Sa hirap at ginhawa,
sa sakit at kalusugan, hanggang kamatayan?"

Nagniningning ang mga matang sinulyapan niya ang lalaking katabi sa pagkakaluhod
sa harap ng altar.

"Opo, Padre, ng buong puso."

Napangiti ang lalaki sa naging sagot niya, waring nasiyahan.

"At ikaw Dominic, tinatanggap mo ba ang babaeng ito na maging asawa, sa hirap at
ginhawa, sa sakit at karamdaman, hanggang kamatayan?"

Muling tumitig sa kanya ang lalaki, kaytamis pa rin nang ngiti sa mga labi nito,
ang titig sa kanya ay tila punung-puno ng pagmamahal.

"Opo, Padre, ng buong puso at kaluluwa. Mahal na mahal ko po ang babaeng ito."

"Kung ganoon, ipinahahayag ko sa lahat na kayo ay mag-asawa na. Maari mo nang ha


likan ang iyong maybahay."

Nagpalakpakan ang mga tao, hinawakan naman ng groom ang kanyang belo at itinaas,
pagkuwa'y dahan dahang inilapit ang mga labi sa mga labi niya.
Napapikit na lang siya, kasabay niyon ay umawang ang kanyang mga labi at hininta
y ang halik na ipinagkakaloob nito.

Ah, kaytamis ng halik na iyon, para siyang naakyat sa langit.

~ wakas

You might also like