#Za Dawn

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 14

DAWN

~*~*~*~*~*~*~*~*~
Posible kayang mapansin ang isang fan girl ng kanyang idol?
This is a short story inspired by this Basketball Season.
~*~*~*~*~*~*~*~*~
Be still, my heart.
Huminga ako nang malalim.
Gusto kong pumikit pero hindi ko magawa.
Kailangan kong makita ito.
Kailangan ay masaksihan ko ang simula ng kanyang tagumpay.
Three-points for Aurum University!
Agad akong napatayo sa upuan ko habang magkadikit ang dalawang kamay ko.
Naipasok niya!
Nagtilian ang mga tao.
Ngumiti ako at nagbuntong-hininga.
Gustuhin ko mang sumigaw, alam kong hindi na maaari.
Dahil halos wala na akong boses.
Sobrang namamaos na ako.
Kanina pa kasi ako sumisigaw.
Actually, mula noong nagsimula yung season ng Philippine Universities Olympics, s
igaw na ako nang sigaw sa tuwing may laban ang Aurum University.
Semi-finals na ngayon at sobrang nananalangin ako na makapasok sila sa Big Four.
GO, AURUM UNIVERSITY!
GOLDS FOR THE GOLD!
AU! AU! AU!
Nagsisigawan na ang mga tao.
Iilang minuto na lamang at malalaman na kung makakapasok ang Aurum University sa
semi-finals.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa.
Tumayo na rin ako at sumigaw.
Go, Eos! sigaw ko.
Agad namang nagulat yung katabi kong si Koala.
Uy, Dawn, ano ba!? Namamaos ka na nga eh! saway niya.

Hayaan mo na. Minsan lang ito, nakangiting sabi ko.


Minsan? Minsan ba yung every game nalang nila eh inuubos mo ang boses mo?
Minsan lang naman sa isang taon ito, sagot ko.
Eh ayun na nga. Minsan sa isang taon at ilang taon na tayong pumupunta sa P. U. O.
?
Mag-aapat? nakangiting tanong ko.
Mismo! Mag-aapat na taon na tayo nanunuod ng game nila at hindi pa sila natatalo
ni minsan! Kahit naman yata hindi ka manuod eh di sila matatalo,
Napanguso ako. Grabe ka naman, Koala. Isa pa, gusto ko lang naman talagang mag-ch
eer para kay Eos,
Yan! Eos ka nang Eos! My gosh, graduating na tayo at lahat, hindi pa rin kayo magk
akilala! Dapat talaga eh hindi na kita isinama rito noong freshman palang tayo,
Ngiti na lamang ang naging tugon ko sa sinabi ni Koala.
Mag-aapat na taon na rin naman ang nakalipas noong una kong nakitang maglaro si
Eos and oo, mula noong nakita ko siyang maglaro, sobrang naging fan na niya ako.
Bukod sa mgaling siyang maglaro ng Basketball, mukha siyang mabait at hindi maik
akailang sobrang guwapo niya.
Para siyang lumilipad sa court.
Magaling siyang umagaw ng bola mula sa kalaban at ang linya niya ay ang three-po
int shot.
Bibihira siyang sumablay sa mga tira niya lalo na kung ito ay three-point shot.
Isa siya sa pinakasikat na manlalaro ng Aurum University.
Sabi ko nga, bukod sa magaling siyang manlalaro, mukha siyang mabait at guwapo p
a.
Pero maliban doon, may isang araw na hindi ko talaga makakalimutan.
At iyon ang unang araw na nabihag niya ang puso ko.
~*~*~*~*~*~*~*~*~
FLASHBACK
~*~*~*~*~*~*~*~*~
Unang taon ko palang sa kolehiyo at isinama ako ni Koala sa Aster Coliseum kung
saan gaganapin ang Basketball Tournament ng Philippine Universities Olympics.
Ayaw ko pa nga sanang sumama kasi baka maabutan ako ng curfew sa dorm namin pero
dahil mapilit si Koala, napasama na rin ako sa kanya.
Balita raw kasi niya ay maraming magagaling na manlalaro na kalahok sa tournamen
t na ito.
Nakapuwesto na kami ni Koala sa mga bleachers noong nakaramdam ako ng sakit ng t
iyan.
May buwanang dalaw kasi ako noong araw na iyon.

Nagpaalam akong magtutungo muna ako sa CR para makapagpalit at makainom na rin n


g gamot.
Wala akong dalang gamot kaya bibili pa ako sa isang drug store na malapit sa may
CR.
Hindi ko alam pero noong naglalakad ako, pinagtitinginan ako ng mga tao.
Yung iba pa nga ay itinuturo pa ako.
Hiyang-hiya man, binilisan ko na lamang ang paglalakad ko habang nakayuko hangga
ng sa may naramdaman akong isang matangkad na lalakeng tumabi sa akin.
Nagulat na lamang ako nung bigla niya akong kinausap.
Uhm, Miss? bulong niya.
Lumapit sa sa may tainga ko.
Agad naman akong napaatras at dahil hindi ko napansing may dalawang hakbang ng h
agdanan sa nilalakaran ko, natapilok ako.
Ngunit hindi ako natumba sa sahig dahil agad akong hinawakan sa braso ng lalaken
g lumapit sa akin.
At sa mga sandaling iyon, agad akong napatingin sa kanyang mga mata.
Sa kanyang mga matang nakatingin din sa aking mga mata
Ayos ka lang ba? tanong niya.
Agad akong tumango.
Binitiwan niya ang braso ko at muling lumapit sa akin.
Bahagya akong napaatras.
Miss, may tagos ka sa palda mo, bulong niya.
Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napatingin sa likod ng palda ko.
Ang laki ng tagos ko! Kaya hindi na kataka-taka kung bakit ako pinagtitiniginan
ng mga tao kanina sa coliseum.
Kulay berde pa naman ang uniporme ko.
May dala ka bang pamalit? mahinang tanong nung lalake sa akin.
Hindi ako kaagad nakasagot.
Paano ko sasabihing ang dala ko lamang na pamalit ay sanitary napkin? Bahagya si
yang ngumiti.
Pumunta ka muna sa CR. Hintayin mo ako doon, sabi niya.
Ha? nagtataka at gulat na tanong ko.
Sige, lumakad ka na. Tatakpan ko yung tagos mo,
Hindi ko alam pero hindi na ako nagtanong pa at tutal may kalapitan din naman an

g CR sa kinaroroonan namin, agad akong nakarating doon.


Huwag kang aalis, ha? Hintayin mo ako,
Tumango ako.
Wala pang kinse minuto, nakabalik na siya.
At mayroon siyang dalang jogging pants at isang pakete. Hinihingal niya itong in
abot sa akin.
Magpalit ka na muna. Inumin mo na rin yung gamot na nariyan, Itinuro niya yung paket
e.
Tila bay napipi ako dahil hindi ako nakapagsalita kaagad.
Pasensiya ka na, hindi na kita mahihintay. Tinatawag na kasi ako sa loob. Huwag k
ang mag alala, ligtas naman ang CR dito,
Kumaway siya at mabilis na tumakbo.
Napakurap na lamang ako.
Nakita ko ang suot niyang damit.
Naka-jersey siya ng kulay asul at nakaukit sa likod ng damit niya ang numero at
unibersidad na pinapasukan niya.
Aurum University.
Saka ko lang napagtantong isa siya sa mga manlalaro ng nasabing unibersidad.
At noong araw na iyon, nalaman ko ang kanyang pangalan.
Eos.
Eos Tiu ng Aurum University.
~*~*~*~*~*~*~*~*~
END OF FLASHBACK
~*~*~*~*~*~*~*~*~
Gusto kong magpasalamat sa kanya, sabi ko kay Koala.
Nagbuntong-hininga siya.
Eh kaso, Dawn, di ba obvious na hindi kayo pinaglalapit ng tadhana? Mag-aapat na ta
on ka na ngang pumupunta sa games nila, after nung encounter niyo eh ni minsan ay
hindi pa kayo nagkaroon ng chance na magkausap o magkasalubong man lang,
Malay mo naman nitong mga susunod na araw, di ba?
Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.
Malapit ng matapos ang laro at kampante na akong makakapasok ang Aurum Universit
y sa Big 4.
Hindi ako nagkamali ng hinala.
Dahil sa three-point shot ni Eos, malaki ang naging lamang AU sa kalaban.

At sa totoo lang? Malaki na ang naging puwang niya rito sa puso ko.
~*~*~*~*~*~*~*~*~
Heto na naman po tayo, Dawn, reklamo ni Koala.
Kinaladkad ko na naman kasi siya papunta sa Aster Coliseum para manuod ng laban
ng Aurum University.
Pagbigyan mo na ako, nakangiting sabi ko.
Naman! Baka magtampo na ang kuya mo niyan, Dawn.
Minsan ka lang magpunta kapag laban nila pero kapag laban ng AU, always present
ka,
Varsity Player ng Lithium University ang kapatid ko kung saan kami nag aaral.
At sa madaling salita, ang unibersidad nina Eos at ang aming unibersidad ay mahi
gpit na magkaribal.
Hindi lamang sa larangan ng laro kung di pati na rin sa larangan ng academics.
Maiintindihan ako ni Kuya, sagot ko.
Alam ni Kuya Dreb ang tungkol kay Eos.
Minsan nga ay gusto ko nang itanong sa kanya kung maaari niya ba akong ipakilala
kay Eos pero naaalala kong hindi nga pala sila magkakilala at mahigpit na magka
ribal ang mga unibersidad namin.
Naku lang. Kung alam lang ni Dreb na patay na patay ka kay Eos, baka di ka na niya
papanuorin ng P. U. O. simula ngayon, sabi ni Koala.
Namula ako.
Patay na patay na ba talaga ako kay Eos?
Aminado naman akong
may nararamdaman ako para sa kanya.
Posible ba yun?
Ang magkagusto sa isang Basketball Player kahit na hindi pa ito lubusang nakikil
ala, posible ba?
Ang isang fan girl na katulad ko, posible kayang malalalim na ang nararamdaman p
ara sa kanya?
At isa pa
Mapansin kaya niya ang isang fan girl na tulad ko?
May posibilidad bang mauwi ang simpleng paghanga sa mas malalim na ugnayan?
Pero paano kapag may girlfriend na siya?
Huwag naman sana.
Pero imposible yun.

Dahil
OK, aminado akong stalker ako ng Facebook at Twitter niya.
Ang sabi lang doon ay may crush siya pero hindi naman sinabi kung sino.
Taga-unibersidad din yata nila, ayon sa impormasyon.
Di naman kumpirmado kung totoo ba o hindi.
Pero crush lang naman yun at hindi pa naman niya yun girlfriend.
Tulala ka na naman, sabi ni Koala.
Kung ako sayo, itigil mo na yang pag iisip mo tungkol kay Eos.
Doon ka nalang sa secret admirer mo,
Namula ako sa pagkakabanggit niya tungkol sa secret admirer ko.
~*~*~*~*~*~*~*~*~
FLASHBACK
~*~*~*~*~*~*~*~*~
Flowers for Miss Dawn Yap,
Agad akong napatingala mula sa desk ko.
Naghiyawan ang mga kaklase ko.
Para sa akin? tanong ko doon sa delivery boy.
Tumango siya.
Lumakad ako papunta sa may pintuan.
Mabuti nalang at wala yung professor namin.
Kanino po galing? tanong ko.
Nagkibit-balikat siya.
May nag-place lang ng order via internet. Walang pangalan kung kanino galing,
Kinulit ko nang kinulit yung delivery boy pero sabi niya ay may non-disclosure ag
reement daw sila ng kliyente niya.
At simula noon, palagi na akong nakakatanggap ng mga bulaklak.
Ang pinagtataka ko pa
Bakit sunflower?
Mayroon ba nito dito sa Pilipinas?
Hindi ko lang kasi sigurado. Siguro mayroon nito sa ibang lugar.
Nakakatuwa.
Magaganda yung mga bulaklak.
Nakakataba ng puso kapag nakakatanggap ng bulaklak kahit na hindi ko kilala kung

sino ang nagpapadala nito sa akin.


~*~*~*~*~*~*~*~*~
END OF FLASHBACK
~*~*~*~*~*~*~*~*~
Alamin mo nalang kasi kung sino yun nang magka-boyfriend ka na at nang matigil na
ang kahibangan mo kay Eos, pagpupumilit ni Koala.
Hindi nalang ako sumagot.
Oo, nakakataba ng puso yun.
Ayun nga lang, hindi naman kasi ako nadadala sa mga bulaklak.
Ang mas nagpapataba ng puso ko?
Yung katulad ng ginawa ni Eos.
Gentleman siya.
Bibihira lamang ang ganoong lalake ngayon.
Ang lalakeng gentleman?
Mahirap na iyan hanapin ngayon.
Doon nga sa katulad ng nangyari sa akin noong natagusan ako, may mga lalaking pa
gtatawanan pa iyon eh.
Minsan nga ay babastusin pa yung babae.
Hindi ko naman nilalahat ang mga lalake.
Ang sa akin lang ay bibihira na yung katulad ng ginawa ni Eos.
Minsan kasi, ang ibang lalake, mabait lang sa mga kasintahan nila.
Gentleman lang sila sa mga girlfriends nila.
Pero pagdating sa ibang babae? Naku, aagawan ka pa ng upuan.
Bibihira yung mga kapag nakita kang nakatayo sa bus eh pauupuin ka o kaya naman ka
pag sobrang sikip na sa jeep eh iisod siya papalabas para ikaw yung makaisod papas
ok at makaupo nang maayos.
Bibihira na lamang yung mga lalakeng pupulutin yung mga nahulog mong gamit o kaya
naman ay tutulungan ka kapag sobrang bigat na ng bitbit mo.
Minsan ay ang binubuhat lang nila ay yung hand bag o shoulder bag ng girlfriend n
ilang sobrang liit na hindi ko malaman kung mabigat ba iyon at sila pa ang nagbu
buhat.
Sabi nila sweet daw iyon. Yung lalakeng nagbubuhat ng hand bag o shoulder bag ng
girlfriend nila para walang bitbit yung girlfriend nila. Sweet daw iyon.
Anong sweet doon?
Hindi ko makita.
Pero sabagay, iba-iba naman ang mga tao eh.

Respetuhin nalang kung iyon ang gusto nila.


Siguro nga ay hindi lang talaga ako sweet na tao.
Yung ginawa kasi ng Eos
Siguro nga ay mababaw lamang iyon para sa iilan.
Pero sabi ko nga, iba-iba naman ang mga tao.
Maaaring yung sweet para sa iba ay hindi sweet para sa akin.
At yung sweet para sa akin ay hindi sweet para sa iba.
Ayun. Natuwa kasi talaga ako noong panahon na iyon.
Hindi naman kasi kami magkakilala.
Sa dinaming tao, siya yung tumulong sa akin.
Ayan na si Eos mo! biglang sigaw ni Koala.
At hindi na ako nagsayang pa ng panahon.
Buong puso akong nag-cheer para sa kanya.
At
Hindi ko malilimutan ang sandaling
napatingin siya sa direksiyon ko.
Malapit na
Malapit na, Eos
Mapapansin mo rin ako.
~*~*~*~*~*~*~*~*~
FINALS na.
At ang magkalaban?
Aurum University versus Lithium University.
Pinaghandaan ko ito. Gumawa pa nga ako ng pom-poms eh.
Sana lang maintindihan ni Kuya.
Dahil naka-kulay asul ako bulang pagsuporta sa kabilang unibersidad.
Doon din ako pumwesto sa bleachers ng mga taga-AU.
Kulay asul din ang pom-poms ko.
Mukha nga raw ako cheerleader sabi ni Koala.
Nakaladkad ko siya at napilit kong magsuot din ng kulay asul.

Nagsimula nang pumasok at ipakilala ang bawat isang manlalaro.


Sobrang tumili ako noong ipinakilala si Eos at hindi ko pinansin ang mga nagtata
kang tingin ng mga taga-AU sa akin.
Napatingin muli sa akin si Eos ngunit hindi ko alam kung ano ang kanyang reaksiy
on dahil agad siyang natakpan ng teammate niya.
Hindi ko ipagdadasal na manalo sila dahil gusto ko rin namang manalo sina Kuya.
Ang ipinagdasal ko na lamang ay ang maging maayos ang laro.
~*~*~*~*~*~*~*~*~
99-97
Lamang ang Lithium University.
Last fifteen seconds.
Nababahala na ang mga taga AU dahil kapag nagkataon, ito ang magiging unang pagk
atalo nila.
Pero gayon pa man, patuloy pa rin ang pagsigaw ng magkabilang kampo.
Cheer dito at cheer doon.
Madali akong mamaos kaya hindi na ako masyadong makasigaw.
Last fifteen seconds na!
Nagsimula nang magsigawan ang mga tao.
Nakuha ni Tang ang bola! sigaw ng mga taga-AU.
Delikado! Nasa LU ang bola nang
STEAL! WAY TO GO, EOS TIU!
Napakagat ako ng labi.
Nasa kanya ang bola!
At sampung segundo nalang ang natitira.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa.
Five seconds
Tumayo ako sa upuan at agad na sumigaw.
EOS TIU! SHOW ME YOUR THREE POINT-SHOT! sigaw ko sabay itinapon ko sa itaas ang ha
wak-hawak kong pom-poms.
Five
Tumigil siya sa pagtakbo
Four
Bahagyang yumuko

Three.,,
Tumalon siya at
Two
Ang bola
One
SHOOT! sigaw ng mga tao.
YES! YES! YES!
Napatakip ako sa bibig ko.
WAY TO GO, EOS TIU!
GOLD! GOLD! GOLD!
CHAMPION!
Napangiti ako.
Tapos na ang laban.
At hindi lamang siya nanalo sa laban.
Panalo siya
Dito sa puso ko
~*~*~*~*~*~*~*~*~
Teka, Dawn! Naiihi ako! reklamo ni Koala.
Mauna ka na sa carpark,
Tumango ako at tumingin sa paligid.
Nakita ko sina Kuya na kahit natalo ay masisigla pa rin.
Sportsmanship.
Masaya ako at ang bawat manlalaro ay nagpakita ng sportsmanship.
Masaya ako sa pagkapanalo ng AU.
Ngunit hindi ko mapigilan ang malungkot.
Ito na kasi ang huling taon ko sa unibersidad.
At ito na rin ang huling larong pang-unibersidad na makikita kong kalahok si Eos
dahil graduating na rin siya katulad ko.
Naglalakad na ako papuntang carpark nung napansin kong pinagtitinginan ako ng mg
a tao.
Ng magkabilang kampo ng AU at LU.

Namumula akong yumuko.


Nakilala siguro nila ako dahil sa ginawa ko kanina.
Hindi naman sa nahihiya ako pero sa panahon kasi ngayon eh uso yung kinukuhanan ka
ng litrato tapos ipo-post sa mga social networking sites.
At dahil nakayuko ako, hindi ko napansing nabunggo ako sa pader.
Tumingala ako habang hinihimas ang noo ko.
Nanlaki ang mata ko sa lalakeng bumungad sa akin.
Nakangiti siya at agad niyang kinuha ang kamay ko at pagkatapos niyang gawin iyo
n, hinawakan niya ang noo ko.
Sa susunod, tumingin ka nang diretso sa dinadaanan mo. Hindi mo naman kailangang
yumuko. Dahil may mga taong gustong nakikita ang mukha mo, nakangiting sabi niya.
Napakurap ako.
Ngumiti siyang muli.
Katulad ko,
Marahan niyang binitiwan ang kamay ko at inilahad niya ang kanyang kanang kamay.
Ako si Eos Tiu ng Aurum University, sabi niya.
Maaari bang makipagkilala?
Nagulat man, inilahad ko rin ang kamay ko.
Hinawakan niya iyon.
Dawn Yap, nauutal kong sabi.
Ngumiti siya nang malapad.
Sa wakas, nagawa ko ring magpakilala sayo,
Biglang may naghiyawan sa likuran ko.
Agad akong lumingon at nakita ko ang mga teammates niya na naghihiyawan.
Paglingon kong muli sa kanya, may hawak-hawak siyang bulaklak.
Sunflower.
Namilog ang mga mata ko at napakurap ako.
I-ikaw?
Napakamot siya ng ulo habang patuloy pa rin sa paghihiyawan ang mga teammates ni
ya.
Pasensiya ka na. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng lakas ng loob na magpakilala s
ayo, nahihiyang sabi niya.
Apat na taon tuloy ang sinayang ko,

Hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita.


Matagal ko na ring gustong makilala ka,
Pagkasabi ko noon ay pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko.
At ang nakakagulat pa, namumula rin siya.
Mas mapula pa nga ang mukha niya kaysa sa akin.
Nahuli na ba ako ng dating? mahinang tanong niya.
Hindi ko napigilan ang mapangiti at mapailing.
Inabot niya sa akin ang bulaklak.
May nakatali doong isang papel.
Tinanggap ko naman iyon at binuksan.
~*~*~*~*~*~*~*~*~
Para Sa Aking Inspirasyon,
Dawn. Ang ganda ng pangalan mo. Kasing ganda mo. Ayaw kong isipin mong binobola
lamang kita. Sa totoo lang, hindi naman ako marunong gumawa ng sulat eh. Kaya kun
g ano nalang yung nasa isip ko, iyon nalang ang agad kong isinusulat dito. Hindi
ko alam kung kailan ko makakayanang ibigay ito sayo. Nahihiya kasi ako eh. Pero ip
inangako ko sa sarirli kong bago ako umalis sa unibersidad ay maibibigay ko ito
sayo. Hindi ko alam kung paano ka lalapitan eh. Lalo na at magkaribal ang mga unib
ersidad natin. Pero kailangan kong gawin iyon. Dahil gusto ko talagang makilala
ka. Alam mo ba noong una kitang nakita? Nakayuko ka noon. Hindi ko maaninag ang
hitsura mo. Tapos napansin kong may pinagtitinginan at pinagtuturo ang mga tao s
a paligid. Ikaw pala iyon. May tagos pala ang palda mo. Dali-dali akong tumabi
sayo. Kaso lang hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Natakot ka tuloy sa akin at
muntik ka pang matumba . Mabuti nalang at nasalo kita. Kung nagulat ka, nagulat
din ako. Iyon ang unang beses na naaninag ko ang mukha mo. Baka isipin mong bin
obola kita pero gusto kong talagang sabihin sayo, Dawn, ang ganda mo. Ayaw pa san
a kita iwanan noong mga panahong iyon kaso nahihiya talaga ako sayo. Hindi ko na
alam kung ano ang sasabihin ko kaya idinahilan ko na lamang na tinatawag na ako
sa loob. Pero sinigurado kong nakabalik ka sa loob ng coliseum nang ligtas. Pase
nsiya ka na, ha? Nahihiya kasi talaga ako sayo. Hindi ko maipaliwanag yung naramdam
an ko noong mga sandaling iyon. Ganito nalang Alam mo yung pakiramdam na galing ka
sa isang mahimbing na tulog at pagkatapos ay pagmulat mo ng iyong mga mata, isa
ng magandang umagang puno ng pag-asa ang bumungad sayo? Ganoon. Ganoon ang pakira
mdam. Sabi nila eh hindi naman daw totoo ang pag-ibig sa unang tinigin. Naniniwal
a ka ba doon? Ako noong una eh hindi. Hanggang sa nakita kita. Siguro noon lang a
ko naniwala na totoo pala iyon. At sa loob ng apat na tao, ikaw lang ang palagi
kong iniisip Ang pinapangarap ko Ang nasa puso ko. Hindi yata bagay sa akin ang mg
a sinusulat ko. Sabi nga nila eh baka kung anong kakornihan daw ang maisulat ko r
ito. Wag mong pagtatawanan, ha? Pagpasensiyahan mo na kung baka naging korni ang d
ating sayo. Pero alam ko namang hindi ka ganoon. Alam ko namang Kahit na paano ay
maa-appreciate mo itong sulat. Hindi naman masama ang magbakasakali, di ba? At iy
ong sunflower nga pala Oo, ako ang nagpapadala noon. Pasensiya ka na kung naiisto
rbo kita sa klase mo, ha? Inaatake lang ako ng pagiging torpe ko. Sa totoo lang,
hindi ako marunong manligaw. Apat na taon nga ang inabot ko para lang makapag-ip
on ng lakas ng loob na makipagkilala sayo. Noong isang game namin, doon ko napagd
esisyunang magpakilala sayo. Nakita kita Nagsi-cheer para sa akin. Para sa akin na
man talaga, di ba? O baka namalikmata lamang ako dahil iyon ang pinapangarap ko p
alagi? Ang makita kang mag-cheer sa akin. Ipinangako ko sa sarili kong maipapana

lo ko ang huling laban ko sa Basketball. At ipinangako kong iyon ay dahil sayo. H


indi ko alam kung ano ang magiging resulta ng laban pero mananalo kami. Ang laba
n na iyon ay para sayo. Siguro iisipin ng iba eh masyado itong mabilis. Hindi pa n
ga tayo magkakilala. Pero ganoon eh. Ganoon ang nararamdaman ko. At hindi naman ma
samang umamin, di ba? Dawn, mahal kita.
~*~*~*~*~*~*~*~*~
Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Magkahalong gulat, pagtataka at saya
iyon ang nararamdaman ko.
Nakita kita kanina, mahinang sabi niya.
Napakurap ako.
Nakita kita. At narinig ko ang sinabi mo. Sabi mo ay ipakita ko sayo ang three-poi
nt shot ko. Sa totoo lang eh matagal ko nang gustong makita mo yun,
Tumawa siya nang mahina.
Gusto ko kasing magpasikat eh,
Napangiti ako at napakamot siya sa ulo niya.
At nakita ko ang kulay asul mong pom-poms, pagpapatuloy niya.
Iyon ang nagtulak sa akin na huwag sumuko dahil nadiyan ka at nakasuporta sa team
namin,
Tumango ako.
Noong nakita ko iyon, naisip ko na baka sakaling may kaunting puwang ako diyan sa
puso mo, nakangiting sabi niya.
Muli akong ngumiti.
Hindi pala imposible
Siguro ay nasa lakas lang iyon ng tiwala
Ng pananampalataya sa Itaas
At paniniwala sa tadhana
Dahil hindi pala imposible
Hindi pala imposibleng ang isang fan girl na katulad ko ay mapansin ng idol niya
.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
~ END ~
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
This literary piece is a story bound creation. The names, places, and businesses
are products of the Authors Imagination. Resemblance to actual persons (living o
r dead), places, and businesses is purely coincidental. Reproduction or usage of
this Literary Piece in any form by any means is strictly prohibited without the
permission of the Author and is punishable by Law.
Copyright 2012

by Dyosa Maldita
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
Dyosa Maldita Creations = READLINES
Thank you.
 
Dyosa Maldita

You might also like