Krista Ranillo Speaks Up About Issues Surrounding Her

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Krista Ranillo speaks up about issues surrounding her

By Noel Orsal & Glen Sibonga

"Yun nga, parang I know I said na I'll speak


about certain issues or whatever in time. Kasi
yun nga, parang my world is turned upside
down talaga. I'm just requesting for people to
respect that I'm healing. I want to recover.
Gusto ko pag humarap ako yung buo akong
tao," she said about her initial decision to keep
mum on the issues surrounding her.
 
 Ipinalabas sa The Buzz kahapon, ika-10 ng
Enero, ang kanilang eksklusibong panayam kay
Krista Ranillo matapos ang guesting nito sa
Wowowee noong Sabado. Medyo ilag pa rin sa
isyu ang dalaga pero mapapansing mas mahaba
ang kanyang mga naging kasagutan.

 Sinimulan ang interview sa pamamagitan ng


pangungumusta tungkol sa kanyang
pagbabakasyon sa U.S. nitong holiday break.

 Ang bungad ng anak ni Matt Ranillo III, "Masaya naman kasi yun nga, before the year ended, I
went back to L.A. to spend the holidays with my family."

 Aniya pa, naisantabi nang pansamantala ang mga isyu na iniwan niya dito sa Pilipinas.

 "Kasi when I'm with my family, I'm always happy lang naman, e. And yun nga, I always spend
naman my holidays there kasi nga hindi rin alam ng mga tao na dito po sa Pilipinas, kami na lang
ng Daddy ko ang nandito. Lahat talaga, yun nga, both sides ng clan nasa San Francisco at nasa
Los Angeles na. So, talagang every Christmas nandun kami magkakasama," ang paliwanag ni
Krista.

 Kinumusta rin ng The Buzz ang kalagayan ng kanyang nakababatang kapatid na may cleft
palate.

 Sagot niya: "My sister, she's okay...She's going to [have] a series of checkup pa before the
operation because the doctors wanna make sure that everything is clear and she's ready to go for 
surgery."

 
Matapos ang kamustahan, isa-isang itinanong ang ilan sa mga balitang kumalat na nag-uugnay sa
kanila ng boxing champ na si Manny Pacquiao.

 BUSINESS COURTESY OF MANNY? Una na rito ang diumano'y pagkakaroon niya ng


restaurant sa U.S. na galing daw kay Manny Pacquiao ang puhunan.

 "Wala, wala kaming business," ang mabilis niyang sabi. "Yun nga, my brother kasi works as a
chef and then they do like catering business. Pero matagal na nilang ginagawa yun. But I heard
we have a restaurant, it's not true. It's definitely not true."

 BOX-OFFICE JINX? Sinagot din ni Krista ang akusasyong siya raw ang dahilan kung bakit
hindi kumita ang 2009 Metro Manila Film Festival entry ni Manny,Wapakman. Sa pitong entries,
ang nasabing pelikula ang may pinakamababang gross sales—2.6 million pesos lamang
hanggang sa natapos ang festival last January 7.

 "It's kinda unfair, kasi, I mean, pag napanood mo naman, hindi rin naman ganun kalaki ang role
ko because ako yung villain. You know, parang... I don't wanna blame anybody. I don't know
why it didn't do well in the box-office. I mean, I was hoping talaga...I was praying na sana
maging successful because it's a project that I'm proud of. It's a project I'm part of. Pero yun, I
mean, parang it's just not fair to blame it on one person," ang malungkot niyang sabi.

 Gayunpaman, hindi naman pinagsisisihan ni Krista na nakasama siya sa pelikula.

 Ang sabi niya, "No regrets...no, no regrets, none at all. Because it's a very good project. I was
very excited to do it. I was proud to be on the set, like I gave my best talaga kasi it was my first
na action film."

 HER DOG FLIES BUSINESS CLASS. Tungkol naman sa balitang lumabas na parehas sila na
aso niyang lumipad sa U.S. na naka-business class, natawa ang 25-year-old starlet.

 "It's just funny. Kasi, sorry...but you know, parang medyo common sense. If you bring an
animal to the States or any other country, they don't fly with you. Cargo, cargo yun, parang
excess baggage sila. So, whatever I pay... the dog's so tiny, di ba? Ang binayaran ko lang yung
excess baggage nung aso ko. And yun, parang old issues kasi.

 "Like when I'm here, when I'm [at] work I give my best, I give it my all. And parang when I
earn money, nasa sa akin naman yun how I would want to spend it, e, di ba? If I wanna fly or
something ganyan, nasa sa akin yun because trinabaho ko naman yun. I worked hard, nagpuyat
ako, ginalingan ko yung trabaho ko. Yung sumasayaw ako [sa Wowowee], di ba? Parang yun
lang..." ang mahaba niyang komento.

 PREGNANCY ISSUE. Ang sumunod na tanong ay tungkol sa kanyang diumano'y


pagdadalantao. Iba't ibang bersyon ng kuwento ang kumalat.

 
May nagsasabing nakita raw siya sa isang ospital sa Cebu na nagpa-check up at nang malamang
buntis siya ay nagtatalon siya sa tuwa. Nakikita rin daw siya sa Makati Medical Hospital na
nagpapa-check up.

 Sa mga narinig, hinamon ni Krista ang mga nagkakalat na magpakita ng ebidensiya.

 "Yun, I said, obviously I'm not pregnant. I don't know where it started. I don't know kung saan
nanggaling na I went to Cebu na nagtatatalon ako for joy. I don't know kung saan nanggaling na nakikita
ako sa Makati Med. I mean, if they have proof why don't they show it.

 "You know, actually I'm very...matapang ako ngayon. Puwede kong sabihin na I can give my
blood, kunan mo ako ng dugo, ibibigay ko sa iyo. Kasi alam kong susunod na sasabihin nila pag
hindi lumaki ang tiyan ko, nagpa-abort ako, which is really unfair. I can give you my blood right
now. I'll ask doctors that I can give you my blood right now. Mache-check talaga kasi may
pregnancy hormone na kahit na, if ever, na nagpalaglag ang isang tao, lumalabas pa rin," ang
sabi ni Krista.

 SINGLE AND BROKEN-HEARTED? Bukod sa mga intriga, nalulungkot din si Krista sa


tuluyan nilang paghihiwalay ng kanyang director-boyfriend na si Dominic Zapata. Sa kanyang
guesting sa Wowowee, sinabi niya na, "I'm single and broken-hearted," nang tanungin ito ng host
na si Willie Revillame tungkol sa kanyang lovelife.

 "I'm not sure if it's public knowledge that I had a boyfriend for almost eight years and we were
engaged. And yun, parang it happened and then we broke up. I'm just really heartbroken over
that. I'm devastated, of course, because it's an engagement."

 JINKEE HATES HER. Nang hingin naman ang reaksyon niya sa linya ni Jinkee Pacquiao na
"I hate her," ito lang ang naging sagot ng sexy actress: "Personally, I don't hate anyone. Let's
move on na lang. Ako, I don't hate anyone."

 Inamin niyang nasasaktan siya sa iba't ibang intrigang ibinabato sa kanya, lalo pa't nadadamay
ang kanyang pamilya.

 "I think any other person, masasaktan siguro. Kasi I said, di bale nang ako ang tirahin n'yo. You
know, I'm very patient and very understanding. Hindi ako war freak na tao. Simple lang ako.
Simple things make me happy. Pero yung pag sinasama yung pamilya ko, yun na yung masakit,"
sambit niya.

 Balak nga ba nilang magsampa ng kaso laban sa mga taong nagkakalat ng kung anu-anong
balita?

 "Wala na...Kasi para sa akin, ipinapasa-Diyos ko na lang lahat, you know. I get my strength
from my family, from God...I always pray for my strength. Yun pag kunyari sumasayaw ako,
pag nakikita ko yung mga fans na sumu-support sa akin, I draw my strength from them."

 
HOPING FOR THE BEST IN 2010. Sa kabila ng mga isyung kinaharap niya, nagpapasalamat
si Krista dahil tuluy-tuloy ang pagdating ng blessings sa kanya, lalo na sa career.  Malaki raw
ang pasasalamat niya sa ABS-CBN sa suportang ibinibigay sa kanya. Sa ngayon, napapanood
siya sa seryeng Pepeng Agimat. Sunud-sunod din daw ang kanyang TV guestings sa Kapamilya
network. Magiging cover girl din daw siya sa iba't ibang magazines. May 2010 calendar pa nga
raw siyang lalabas.

 "Yung calendar ko, suportahan niyo para makita niyo I'm not pregnant. 2010, new year, new
decade, let's move on."

 At nang hingin ang kanyang mensahe para sa mga taong ayaw sa kanya, "wala, happy new year"
ang kanyang sagot. Pero para sa mga tulad niya na kaliwa't kanan ang intrigang ibinabato sa
kanya, heto ang kanyang payo:

 "Message ko rin dun sa marami ring tumitira na, you know, mga kapwa artista na marami ring
sinasabi about the...when people say you can't, you just say, 'You watch me!'"

You might also like