Epiko Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Kopya ng Tulalang Epiko ng mga Manobo

Si Tulalang ang panganay na anak ng isang mag-asawang mahirap. Isang araw ay nasa gubat si Tulalang at nangunguha
ng ubod ng rattan na kanilang pagkain. Nakakita siya ng isang matanda na naaawa pala sa kanilang magkakapatid.
Lumapit sa kaniya ang matanda at sinabi na anuman ang naisin ninyo ay mapapasainyo. Simula noon, ang magkakapatid
ay nanagana sa pagkain. Umunlad ang kanilang kabuhayan at ito ay nabantog sa buong kapuluan. Pagkalipas ng
maraming taon, ipinasya ng magkakapatid na manirahan sa palasyo. Ang palasyo ay napakalawak at ang trono ay
napapalamutian ng mga ginto, pilak at iba pang mamahalingbato. Dumating si Agio at sinalakay ang Kulaman, ang
kanilang kaharian. Hinamon ng mayabang na heneral si Tulalang. Isa sa kanyang mga singsing ang nagsalita at
pinayuhang labanan ang kaaway. Inalis niya sa daliri ang singsing at inutusan ito na labanan ang mga kaaway. Sa isang
iglap ay naging sundalo ang singsing. Lumaban ito at maraming napatay na mga kaaway, Nakita ito ni Agio at ibinunyag
niya na ang sundalo ay isa lamang singsing. Kaagad nilang pinaghahampas ng sibat ang sundalo kaya huminto ito at
naging singsing na muli. Sa sumunod na hamon ay si Tulalang na ang lumaban. Marami siyang napatay na mga tauhan
niAgio. Nang siya ay napagod ay umakyat siya sa palasyo at nagpahinga. Hinalinhan naman siyang pinakabunso sa
magkakapatid, si Minalisin. Nangamatay ng lahat ang mga kalaban malibankay Agio. Naglaban naman sina Agio at
Minalisin. Tinamaan ng sibat si Agio. Nagpatuloy sila sa paglalaban hanggang sa mapagod. Nakita pala sila ng kapatid na
babae ni Tulalang sa mahiwagang langis na nagpatulog sa kanila. Nalaman nila pagkagising na sila palang dalawa ay
magpinsan. Kung araw ay natutulog si Tulalang sa ilalim ng isang punungkahoy. Isang uwak na nakadapo sa sanga ang
dumumi sa kanyang mukha. Nagising siya at ipinagbigay-alam sa kanya ng uwak na may darating na isang napakalaking
higanteng kumakain na tao. Agad-agad ay nag tungo siya sa kagubatan at dito ay nakakita siya ng isang kubong may
nainirahang matandang babae. Sinabi sa kanya ng matanda ang tungkol sa higante at samagandang dilag na bihag nito.
Tinungo niya agad ang tahanan ng higante na sinabi sa kanya ng matandang babae. Natutulogang higante at nakakulong
ang dalaga sa hawla nang siya ay dumating. Nagising ang higante. Kinuha ng higante ang pang garote at ang dalawa ay
naglaban. Nagawang putulin ni Tulalang ang dalawang kamay, dalawang paa at ulo ng higante. Inilabas ni Tulalang ang
babae mula sa hawla. ang pangalan ng magandang babae ay Macaranga at ang pook na pinanggalingan niya ay
Macarangga rin ang pangalan. Naakit siya sa dalaga kaya niyaya niya itong pakasal. Tumanggi ang dalaga. Dahil pagod, si
Tulalang ay nakatulog. Nalimutan tuloy niya ang iniluluhog na pag-ibig sa dalaga. Nang magising siya ay wala na ang
dalaga. Nagtanong siya sa pitong babaeng nanahi na natagpuan niya. Tinungo niya ang itinurong mga ito. Napag-alaman
niya na si Macaranga ay nagtungo sa Kulog. Tinungo niya kaagad ang Kulog, ngunit ang babae raw ay nagtungo sa Kidlat.
Ngunit ito raw ay nasa langit nang puntahan niya. Nagtungo siya sa langit at dito ay nakita niyang naliligo sa ilog ang
dalaga. Binanggit niyang muli ang kanyang pag-ibig ngunit hiniling ng dalaga na bayaan muna raw siyang makauwi sa
kalangitan. Nakauwi ang dalaga sa kanyang palasyo at napag-alaman niya na ang ama pala niyang hari ay namatay na. Sa
gayon, ang kanilang kaharian ay nangangailangan ng hari. Pumayag siyang mag pakasal kay Tulalang. Umuwi muna si
Tulalang sa kanilang kaharian bago pakasal. Pagdating sa kaharian ay napag-alaman niya na sinalakay na muli ang
Kulaman upang kunin ang kanyang kapatid na babae. Iniligtas muna niya ang kanyang kapatid hanggang sa makalimutan
niya ang pangako kay Macaranga. Lumipas ang ilang araw, biglang may humihip na malakas na hangin. Nagdala ito ng
balita kay Tulalang na isang malaking baboy ramo ang manggagaling sa Silangan upang silain ang mga tao sa Kulaman at
isang higante ang haharang sa sarimbar pagbabalik sa langit. Dahil sa taglay na lakas ni Tulalang ay napatay niya ang
baboy ramo at higante. Katanghaliang tapat ay bumaba na ang sarimbar sa nakasabit sa kadenang ginto. Ito ay hugis
bangka ngunit yari sa bato. Isa-isang sumakay ang mga tao upang iakyat sa langit. Isa pang higante ang nagtangkang
pumutol ng kadena ng sarimbar ngunit napatay rin siya ni Tulalang. Ang mga kapatid ni Tulalang at ang mga
mamamayan ay naging maligaya sa kalangitan at nagtamo ng buhay na walang hanggan.

Tulalang
BUOD:
Isang araw ay nasa gubat si Tulalang at nangunguha ng ubod ng rattan na kanilang pagkain. Nakakita siya ng isang
matanda na naaawa pala sa kanilang magkakapatid. Lumapit sa kaniya ang matanda at ang wika: Huwag kang mag-alala
sa inyong pagkain, Tulalang. Simula ngayon ay hindi na kayo magugutom. Anuman ang naisin ninyo ay mapapasainyo.
Simula noon, ang magkakapatid ay nanagana sa pagkain.Sa kabila ng kanilang kasaganaan ay nanatili pa rin silang
masisipag.Umunlad ang kanilang kabuhayan at ito ay nabantog sa buong kapuluan. Maraming mga tao sa ibat ibang
tribu ang nagtungo sa kanilang tahanan upang pumailalim sa kanilang kapangyarihan.Pagkalipas ng maraming taon,
ipinasya ng magkakapatid na manirahan sa torohan o palasyo. Ang palasyo ay napakalawak at ang trono ay
napapalamutian ng mga ginto, pilak at iba pang mamahaling bato. Walang tigil ang mga alipin sa pagtugtog ng
magagandang musika, kaya ang mga naninirahan sa paligid ng palasyo ay naaaliw rin.Si Tulalang ay isang binatang
matangkad, payat, may maitim na mga ngipin at mahabang buhok. Siya ay may sinturong isang damak lamang ngunit
naipupulupot niya ng pitong ulit sa kanyang baywang. Puting-puti ang kanyang damit na may mahabang manggas at ang
pantalon niya ay hanggang tuhod lamang. Ang kanyang mga daliri ay nagkikislapan sa mga gintong singsing. May
balaraw sa baywang at may pulang turban sa ulo na ginagamit sa paligid. Siya ay laging nakayapak lamang.Ang
magkakapatid ay may kani-kaniyang silid sa palasyo maliban sa kaisa-isang kapatid na babae na inilagay sapinakamalalim
na bahagi ng pitong patong na basket na nakabitin sa loob ng silid ni Tulalang. Siya ay hiyas ng magkakapatid na dapat
ingatan. Ngunit ang dalaga ay may kapangyarihang mag-anyong ibat-ibang hugis na naisin niya. Siya ay gadaliri
lamang habang nasa loob ng basket. Siya ay nananatili sa loob ng basket kung wala siyang ginagawa.Ang kapatid nilang
babae ay nagtatanim ng mahiwagang rosas tuwing umaga at bago tumanghali ay namumulaklak ito. Kapag nalanta agad
ang mga bulaklak na rosas ay nagbabalang may darating na kaaway sa kanilang kaharian. Isang araw ay biglang nalanta
ang bulaklak na rosas. Dumating si Agio at sinalakay ang Kulaman, ang kanilang kaharian. Hindi man lamang nabahala o
natakot si Tulalang at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.Hinamon ng mayabang na heneral si Tulalang. Isa sa kanyang
mga singsing ang nagsalita at pinayuhang labanan ang kaaway. Inalis niya sa daliri ang singsing at inutusan ito na
labanan ang mga kaaway. Sa isang iglap ay naging sundalo ang singsing. Lumaban ito at maraming napatay na mga
kaaway, Nakita ito ni Agio at ibinunyag niya na ang sundalo ay isa lamang singsing. Kaagad nilang pinaghahampas ng
sibat ang sundalo kaya huminto ito at naging singsing na muli.Muling hinamon ng mayabang na heneral si Tulalang.
Inutusan ni Tulalang ang kanyang balaraw na makipaglaban. Ito ay naging sundalo at muli na namang pumuksa ng mga
kaaway. Ibinunyag na naman ni Agio na ang sundalo ay isang balaraw lamang. Hinawakan niya sa leeg ang balaraw na
naging sundalo, at ito ay bumalik sa dating anyo, ang leeg ang naging hawakan ng balaraw.

Talasalitaan :

Tubew - Damit ng Manobo


Puteli - Pinahahalagahang tao sa Manobo
Memaan Uri ng bunga na ginagamit pang-alay
Kebila Uri ng sisidlan tulad ng palayok
Gong Instrumentong hugis Plato
Kulintang Instrumentong may walong gong na kahanay
Nganga Pagkaingmahilig nguyain ng matanda
Bana Asawang Lalaki

Ibayo
BOUD:

Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan,
kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nagutos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap
sa prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan
ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa
Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni
nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe
Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali.
Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang
makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang
bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang
buong kaharian pati na si Haring Madali.
Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang na kapatid ni
Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng
Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan,
siya ay nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at
buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran.
Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw ni Bantugan ang
lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni
Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon.
TALASALITAAN:

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali ng Kaharian ng Bumbaran. Dahil sa


kanyang katapangan, walang mangahas na makipagdigma sa Bumbaran. Bukod sa pagiging
matapang ni Bantugan, siya pa rin ang naghahari at namamayani sa puso ng maraming mga
kadalagahan. Dahil sa inggit sa kanya ng kanyang kapatid na si Haring Madali, ipinag-utos nito
na walang makikipag-usap kay Bantugan at ang sinumang makikipag-usap sa kanya
(Bantugan) ay parurusahan ng kamatayan.
Nang malaman ito ni Bantugan, siya ay labis na nagdamdam at dahil sa laki ng kanyang
pagdaramdam, siya ay nangibang-bayan. Dahil sa matinding pagod sa paglalakbay kung saansaan
si Bantugan ay nagkasakit hanggang sa siya ay abutin ng kamatayan sa pintuan ng
palasyo ng kaharian ng lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat.
Nang matagpuan siya ni Prinsipe Datimbang at ng kapatid nitong hari, sila ay
nagulumihanan sapagkat hindi nila kilala si Bantugan. Tinawag ng magkapatid ang konseho
upang isangguni kung ano ang kanilang dapat gawin. Habang sila ay nag-uusap, isang loro
ang dumating sa bulwagan at sinabi sa kanilang siya ay galing sa Kaharian ng Bumbaran at
ang bangkay ay ang mabunying Prinsipe Bantugan ng Bumbaran.
Nang magbalik ang loro sa Bumbaran ay ibinalita niya kay Haring Madali ang
pagkamatay ni Bantugan. Kaagad lumipad sa langit si Haring Madali kasama ang isang
kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Samantala, dinala naman ni Prinsipe
Datimbang ang bangkay ni Bantugan sa Bumbaran. Pagbalik ni Haring Madali ay pinilit niyang
ibalik ang kaluluwa ni Bantugan. Nang muling mabuhay si Bantugan ay nagsaya ang lahat at
nagbago si Haring Madali.
Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, kaaway ni Haring Madali na si Bantugan ay
namatay, lumusob si Haring Miskoyaw kasama ang marami niyang kawal sa Bumbaran.
Dumating ang pangkat ni Miskoyaw sa Bumbaran na kasalukuyang nagdiriwang dahil sa
pagkabuhay na muli ni Bantugan na hindi nalalaman ni Miskoyaw. Natigil ang pagdiriwang at
ito ay napalitan ng paglalabanan.
Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan at siya ay nakipaghamok sa mga kalaban.
Dahil sa karamihan ng mga tauhan ni Miskoyaw at kagagaling lamang ni Bantugan sa
kamatayan, siya ay nanghina hanggang sa mabihag ng kanyang mga kaaway. Siya ay
iginapos subalit unti-unti ring nagbalik ang kanyang lakas nang makapagpahinga.
Nalagot niya ang pagkakagapos sa kanya at muling lumaban. Dahil sa malaking galit sa
mga kaaway, higit siyang naging malakas hanggang sa mapuksang lahat ang mga kalaban.
Pagkatapos ng labanan ay dinalaw ni Bantugan ang palibot ng Kaharian ng Bumbaran
at pinakasalang lahat ang kanyang mga katipan at sila ay dinala sa kanyang kaharian.
Sinalubong sila ni Haring Madali nang buong katuwaan at muli, lahat ay nagdiwang.
Nabuhay nang maligaya si Bantugan sa piling ng kanyang mga babaing pinakasalan.

Bantugan
Buod:

Si Bantugan ay isang malakas at matapang na prinsipe. Nakatirasiya sa kahariang Bumbaran ksama ng kanyang kapatid
na si HaringMadali. Ang hari ay nagselos sa kanyang kapatid dahil sikat si PrinsipeBantugan sa buong kaharian. Dahil dito
pinagbawalan niya angkanyang mga alipin na kausapin o mga usapin tungkol sa Prinsipe.
Nalungkot si Bantugan, at nagpasya na umalis sa kanyang kaharian atpumunta sa ibang lugar. Sa kasamang palad
namatay ang Prinsipe sahagdanan ng kabilang kaharian. Nalaman ni Haring Madali ang nagyarisa kanyang kapatid,
nagsisi ang Hari sa kanyang ginawa kayapinagpasya niya na kunin ang kaluluwa ng Prinsipe sa langit. Nagwagiang Hari at
nabuhay ulit ang Prinsipe. Ang nalaman ng kaaway nilangkaharian ang pagkamatay ng Prinsipe, at inisip na salakayin
angkaharian. Hindi nila narinig ang pagkabuhay ng Prinsipe kaya hindi silanagtagumpay.Ang mga relihiyosong
paniniwalang mga Ifugao ay naipapakitasamga mitolohiya nila kung saan maymga diyos at diyosa na kaugnaynahigit sa
karaniwan tao'y, kanilangmga ninuno at ang mga pwersangkalikasan.Ang Ifugaos, tabi mulasa pagiging
makadiyos,aysumasamba rin sa kalikasan at sakanilang mga ninuno.
Ritwal: Ang mga invocations, na palaging sinasamahan ngmgahayop at nag-aalok ng pag-inom ng alak, ay sinadyaupang
"lagyan"oibribe ang mga diyos at manalo ngkanilang mga pabor.Ang mgatao ay naniniwala na dahilang ilang mga diyos
ay sanhi ngpagkakasakit, ang sakit aymaaari lamang mapagaling sa pamamagitanng pagkakaroon ng iba pang mga
deities na mamamagitan parasamga hindi balido, gayon paggawa ito kailangan upangnag-aalok ngsakripisyo sa ilang
mga gods nababahala.SiLiddum ay itinuturingbilang ang punong tagapamagitan sa pagitan ng tao at ang iba pangmga
diyos.Ang eksaktong panalangin ay sinasabi ng mombaki atang bilang ng mga chickens o pigs na maging sacrificed
(atmamayatiyan, siyempre, sa pamamagitan ng mganaroroon) ay malinaw natinukoy sa Ifugao tradisyon.sinasabi ng
mombaki atang bilang ng mga chickens o pigs na maging sacrificed (atmamayatiyan, siyempre, sa pamamagitan ng
mganaroroon) ay malinaw natinukoy sa Ifugao tradisyon.
Talasalitaan:

Hudhud ni Hiligaynon
BUOD:

You might also like