Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Poblacion Malolos City, Bulacan

ANG DAKILANG PADER

Ipinasa nina :
SAMPANA, Luc
ANGELO, Lance
OCTAVO, Aris Gabriel
OVIEDO, Jeremy
PAGUIA, Jose Gabriel
Ipinasa kay:
Sir Jay-Ar Crisostomo

Ang Great Wall of China ang pinakamalaking isrukturang panlaban o pang-depensa


sa ating buong mundo. Ang punong layunin kung bakit itinayo ang pader na pandepensang ito ay
upang mapigilan ang pananakop ng mga taga Hilagang Tsina sa mga taga-Timog at para sa mga
barbarong Hun mula sa Mongolia. Ang pader na ito na pinakamahaba rin sa buong mundo ay may
habang dalawampung libo kilometro. May tanda rin ang pader na mahigit dalawang libo at tatlong daan
taon mula ng sinimulan itong gawin at tatlong daang libong tsino ang gumawa nito. Ang Great Wall of
China ay mahalaga dahil sa maraming kadahilanan. Una, ipinakikita ng pader na ito ang sipag at hindi
matatawarang kakayahan ng mga tao na lumikha sa pamamagitan lamang ng ating mga kamay.
Sapagkat sa mga panahon noon ay wala pang mga makina. Ikalawa, napakaganda ng kinalabasan ng
pader. Bagay na bagay ang istruktura sa paligiran ng Tsina. Isa itong obra maestra sa larangan ng
arkitektura maging sa larangan ng pandepensa. At pangatlo, ang Great Wall of China ang sumisimbolo
sa katatagan, kahusayan at magandang kultura ng mga Tsino. Ito ay Itinatag noong Dinastiyang Chin
at pinatayo nito ni

Shi Huang-ti. Si Shi huang ti ay ang Unang Emperador ng Tsina . At Nagawa

niyang sakupin ang ibang estado ng Tsina. Ang Great Wall f China ay binagsagang Ang Dakilang
Pader . At ito lang ang istrukturang makikita kapag ikaw ay nasa Buwan, Dahil sa Laki at haba nito.
Ang pamumuno ni Shi Huang-ti ay isa sa pinakamaunlad at pinakasibilisado. Gumawa siya ng Batas
para sa lahat. Sila din ay nagkaroon nang iisang sistema ng pagsulat at pagsukat. Ito ang nagging
dahilan kung bakit sila nakagawa nang isang malakaing pader na pangdependsa sa kalaban at may
sukat ito na magkakamukha. Kung hindi nagawa nang mabilisan ang The Great Wall of China ay
masasakop sila nang Barbarong Hun na mula sa Mongolia. Tinuring itong Dakilang pader dahil na rin
sa bilang pinakamalaking libingan sa buong mundo. Si Shi Huang-ti ay malupit na sa mga
nasasakupan para maging sibilisado ang bawat isa. Mayroon din siyang nagawa na prinsipyo at ito ang
Prinsipyo nang legalismo- ito ang paniniwalang kailangang maging malupit ang isang pinuno upang
magkaroon ng kaayusan sa nasasakupan. Napakalaki nang kahalagahan nitong dakilang pader dahil
kung wala ito hindi magiging sibilisado at madaling masasakop ang kaharian ni Shi Huang-ti.
Sa tagal na nitong nagawa maaring madali nang masira ang mga bato na ginawa nang
mga tsino noon ngunit meron naman na napapanatili ang kaayusan nito. Ang malaking bahagi ng
Great Wall ay nananatiling matatag at orihinal at ito ay naging paboritong pasyalan ng mga turista sa
bansang Tsina, maraming hamon at problema pa rin ang kanyang kinahaharap. Malaking bahagi ng
pader ay unti unting nasisira dahil sa ibat ibang kadahilanan. Una, ang mga batong nakalagay dito ay
kinukuha ng mga taga roon upang gawing bahagi ng kanilang mga bahay. Maraming bahagi na ang
dahilan ng pagkasira naman ay dulot ng kalikasan tulad ng madalas na pagbaha, erosion at
sandstorms. Sa ibang lugar ay tadtad ng mga sulat at pintura ang mga bahagi ng pader. Ang ibang
bahagi pa rin ay kailangang sadyang sirain upang bigyang daan ang malalaking pagawaing
pampubliko tulad ng irigasyon o daan. Kailangan natin pangalagaan ang dakilang pader dahil ito ay
malaking bahagi na ng kultura ng mga Tsino. Sa madaling salita ang ibang bahagi nang dakilang pader
ay napapanatili ngunit ang iba ay hindi na dahil napakahaba nito at ibang tao ay wala nang pakiaalam
at disiplina sa magandang bahagi ng kanilang kultura.
Dahil sa mga kadahilanang nabanggit, pinangunahan ng mga Mambabatas ng bansang
Tsina ang pagtatakda ng mga batas at alituntunin kaugnay ng Great Wall of China upang mapigilan
ang unti unting pagkasira ng kanilang napakahalagang pader. Noong tanong dalawpung libo at anim
ay ipinag-utos nila na bawal ang pagkuha ng alinmang bahagi ng pader, bawal sulatan ang mga pader,
bawal daanan ng mabibigat na sasakyan ang ibabaw ng pader at marami pang iba. May sadyang
tanggapan din na nangangasiwa upang mapangalagaang ang pangkalahatang kalagayan ng pader.
Ang mga nahuhuling lumalabag sa kanilang mga batas ay pinapatawan ng kaparusahan tulad ng

pagkabilanggo ng tatlong taon o higit pa at pagmumulta ng malaking halaga. Kung ako ang magiging
presidente nang Tsina ang gagawin ko ay magapapatupad rin nang batas at maglalagay nang mga
tagapagbantay upang mapangalagaan ang magandang istruktura na naipagmamalaki. At kung ako
naman ay isang mamayanan na malapit sa dakilang pader ay pipigilin ko ang mga susuway sa batas at
may sariling disiplina. Maliit na bagay lang ito ay makatuulong sa pangangalaga at pagprepreserba
nang magandang istraktura. At wala nang makakagawa nito ngayon na gamit kamay lang. Kaya
pangalagaan natin ito at bigyang kahalagahan.

You might also like