Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Tungkulin ng Mamimili

Mapanuring Kamalayan.Ito ang ungkulin na maging listo at mapagtanong tungkol sa gamit, halaga , at
kalidad ng mga produkto at serbisyo na ting tinatanggap.
Pagkilos.Tungkulin ng mamimili na maipahayag ang sarili at kumilos upang makasiguro sa
makatarungang pakikitungo.
Kamalayan sa Kapaligiran.Ito ang tungkulin na mababatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran dulot
nang hindi wastong pagkonsumo. Nararapat lamang na pangalagaan an gating mga likas na yaman para
sa kinabukasan ng mga darating na bagong henerasyon.
Pagmamalasakit sa panlipunan.Responsibilidad natin na alamin ang resulta ng ating pagkonsumo ng mga
produkto at serbisyo sa ibang mamamayan,lalo na sa mga pangkat ng malilit o walang kapangyarihan;
maging ito ay sa local, pambansa, o pandaigdigang komunidad.
Mga responsibilidad ng mamimili (Consumer responsibilities)
Ang mga responsibilidad ng mamimili ay mga aksyon na dapat mong gawin upang masiguro na:

Ikaw ay sadyang sinabihan ng impormasyon bago bilhin ang isang produkto o serbisyo.
Nakukuha mo kung ano ang halaga ng iyong binili.
Anumang mga problema sa produkto o serbisyo ay nareresolba nang mabilis para sa iyong
ikasisiya.

Bilang isang mamimili, responsibilidad mo ang:

Basahin ang mga tagubilin sa mga produkto at gamitin ang mga ito ayon sa kanilang mga tamang
paggamit. I-tsek ang kwalipikasyon ng mga nagbibigay ng serbisyo.
Magtanong ng mga kailangan mong impormasyon.
Alamin ang tungkol sa mga kalakal at mga serbisyong binibili mo sa pamamagitan ng pagbabasa
ng mga ulat para sa mamimili (consumer reports), pagsunod sa mga balita at pagtatanong ng
mga katanungan.
Magkumpara ng mga presyo, alamin ang mga pagkakaiba ng mga produkto at mga serbisyo at
makagawa ng mga maalam na desisyon.
Ipilit ang isang patas at resonableng transaksyon kung hindi ka nasisiyahan sa iyong pinamili.
Tumulong sa pagtatatag ng isang malusog na kapaligiran sa pamamagitan ng pangangalaga ng
likas na kayamanan at pagpili ng mga produktong hindi nakasisira ng kapaligiran.
Ipagbigay-alam ang iyong mga pangangailangan at mga inaasahan sa mga may negosyong
nagbebenta ng mga produkto at serbisyo at sa pamahalaan.

Karapatan ng Mamimili
Karapatan sa pangunahing pangangailangan.

Karapatan ng mamimili na magkaroon ng sapat na pagkain, pananamit at nasisilungan; matugunan ang


pangunahing pangangailangan (kalusugan, edukasyon)

RA 7392 art. 2 proteksyon sa interes ng mamimili; itaguyod ang pangkalahatang


kagalingan at buo ng pamantayan sa negosyo at industriya
RA 3452 national grain authority NFA; Batas tungkol sa bigas
Karapatan sa kaligtasan.
Karapatan sa katiyakang ligtas ito laban sa pangangalakal ng panindang mapanganib

Artikulo 2187 pagkamatay, pagkalason, pagkakasalit at iba pang pinsala ay


pananagutan ng kompanya na pagproseso o gumawa nito
Artikulo 10 pagbabawal sa pagtitindia o pardidistribute ng mapanganib na produkto
Karapatan sa patalastas.
Karapatan laban sa mapanlinlang o madaya na patalastas, etiketa atbp.

Batas republika blg. 3940- parusa sa panloloko sa anunsyo para makuha ng malaking
kita

Artikulo 1546 ang nagtitinda ay may pananagutan sa lahat ng kaniyang sinasabi at


pinapangako

Artikulo 110 bawal ang mali at mapanlinlang na pag-aanunsyo

RA 3740 bawal ang pagaanunsyo ng pekeng produkto

Price tag law- kung ano ang nasa price tag, yun ang babayaran
Karapatan sa pagpili.
Ito ay tumutukoy sa karapatang pumili ng produkto sa kompetitibong presyo na
may garantiya ng kalidad. Kung ipaglalaban at igagalang ang karapatang ito, makakaasa tayo sa
hinaharap ng mas malawak na mapagpipilian ng produkto at serbisyo sa pamilihan na may pagkakaiba
ng tatak, kulay, sukat at hugis na may pagkakaiba sa presyo, kalidad at gamit.
Karapatan sa dinggin.
Artikulo 159 diringgin ang hinaing ng konsyumer na may kinalaman sa kanilang karapatan bilang
konsyumer
Karapatang mabayaran at matumbasan sa anumang kapinsalaan.
Mabayaran at matumbasan ang anumang kapinsalaang nagbuhat sa produktong kanilang binili.; dapat
ay mabigyan ang mamimili ng libreng tulong sa pagtatanggol sa hukuman o ng pag-aayos sa maluwat na
paghahabol

Artikulo 1547 warranty

Artikulo 187 warranty sa metals (e.g tamang karat sa ginto)

Artikulo 40 gawaing bawal na may kaugnayan sa konsyumerismo.; parusa sa lalabag


Karapatan na maturuan tungkol sa pagiging matalinong mamimili.
Tamang kaalaman na pangmamimili; karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upang
makagawa ng hakbanging makatutulong sa mga desisyong pangmamimili

Artikulo8- consumer product standards

Artikulo 154- edukasyong pagkunsumo sa mga paaralan


Karapatan sa isang malinis na kapaligiran.
Kalayaan, pagkakapantay-pantay at sapat na kalagyann sa buhay na nagpapahintulot ng maayos at
marangal na pamumuhay

Artikulo38- pagpapalaganap ng impormasyon tunkol sa pagkain, gamut o kagamitang kosmetiko


na nakakasama sa konsyumer; drug reference manual at drug bulletin
Pamantayan sa Pamimili:
1.
2.
3.
4.
5.
6.
1.
7.
8.

Isaayos at iatala ang bibilhin ayon sa kahalagahan


Suriin ang kondisyon ng gamit
Iwasang bumili ng gamit na hindi kailangan
Iwasan ang pagbili ng gamit na wala sa kondisyon
Lagyan ng hangganan ang pamimimili batay presyo
Magtanong tungkol sa tamang presyo ng produkto
7 .Isipin ang kapakinabangan ng isang bagay
Piliin ang wastong panahon ng pagbili
Piliin ang lugar kung saan dapat bumili

You might also like